Natulala ako at di ko nagawang sumagot agad dahil sa sobrang gulat. Iniisip ko kung bakit nya nasabi yon. Ginawa nyang confirmation ang pananahimik ko na totoo ang sinasabi nya. Agad nyang inalis ang hawak nya sa akin.
"Sana binigyan mo man lang ako ng notice na tapos ka na pala sakin," mapakla nyang sabi.
Natampal ko ang noo ko. "Shut up Ashton!" mataray na sigaw ko. Sinamaan ko sya ng tingin nang makita kong bumuka ang bibig nya. "Shut up!" Sumunod naman sya.
Naglakad ako paikot habang humihinga nang malalim.
"First of all, hindi ko gusto si Gio."
"Kayleen—"
"Shut up! Kanina ka pa nagsasalita puro naman mali ang mga sinasabi mo!" Nakasimangot na ako nang sinasabi yon kaya naman di ko sya masisisi kung matatakot sya sakin. Palaging sinasabi sa akin ni Kuya Dylan na mukha akong tiger kapag nagagalit. "Hindi ko alam kung ano ba o saan mo ba nakuha yang idea na gusto ko si Gio pero hindi ko sya gusto, okay?"
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"
Sumimangot ako nang husto. "Mukha bang nagbibiro ako ngayon Ashton?" sinamaan ko sya ng tingin.
"H-Hindi." Napayuko sya at nakita kong umangat ang isang gilid ng labi nya.
"Kung sino man sa atin ang may karapatan na magalit ay ako yon at hindi ikaw!" turo ko sa kanya.
Mabilis nyang inangat ang tingin sa akin. "B-Bakit?"
"Kasi binasa mo yung diary ko!"
Napasinghap sya at kita ko ang pamumutla ng mukha nya. Napatuwid sya ng tayo nya at gusto ulit akong hawakan pero umiwas ako.
"Hindi pa ako tapos na mag-salita Ashton." Humalukipkip ako sa harap nya. "Bakit mo pinakialaman ang diary ko? Paano mo nalaman ang username ko don?"
"K-Kayleen. K-K-Kasi g-ganito yan." Nakita ko syang lumunok pa habang natatakot na nakatingin sa akin.
Naawa ako sa kanya kasi mukha ngang natatakot na sya sakin. Di ko naman maiwasan na mag-enjoy. Halatang nagseselos lang sya sa kaibigan nya kaya nya ako di pinansin. Cute pero nakakainis din pala sya mag-selos. Sino ba ang nagsisik sa isip nya ng idea na may gusto ako kay Gio? Kami ni Gio? Pagkain lang naman ang habol sa akin ng kaibigan nyang yon.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng dress ko. Kinuha ko yon at binasa ang text ni Kuya Dylan sa akin. Pinapauwi na raw ako nina Mama. Tinignan ko ang oras. Malapit na palang mag-six pm.
"Uuwi na ako."
Mabilis nya akong hinawakan sa braso bago pa ako makalakad palayo.
"S-Sorry na! P-Please, sorry na Kayleen. Please," pagsusumamo nya.
Sinalubong ko ang tingin nya. Nakakita ako ng takot don. Huminga ako nang malalim bago ko alisin ang kapit nya sa braso ko. Sinundan nya naman iyon ng tingin at nakita kong bumagsak ang balikat nya.
"K-Kayleen."
"Bukas, ten ng umaga, magkita tayo."
Bumalik ang tingin nya sa mukha ko.
"Marami kang ipapaliwanag sa akin."
Bigla nya akong hinablot at ikinulong sa mga braso nya. Nagsumiksik sa leeg ko ang mukha ni Ashton. Ang higpit ng yakap nya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso nya. Ang init talaga ng yakap nya at ang sarap sa pakiramdam. Napangiti ako.
"Just so you know, hindi pa tayo bati."
"I'll make it up to you. I'm really sorry," bulong nya.
"Good."