Chereads / Dear Future Boyfriend / Chapter 136 - Kayleen's POV

Chapter 136 - Kayleen's POV

"Ashton?"

Lumagpas na ako sa kanya at sya naman ay patuloy sa pagtaas. Nagmamadali syang umakyat at muling bumaba sa escalator. Pagkababa nya ay ilang malalaking hakbang ang ginawa nya at agad nya na akong niyakap. Nakabaon ang mukha nya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Ang init nya at ang bango nya. Ang sarap makulong sa bisig nya. Gusto kong matunaw.

"Nakita rin kita," bulong nya. Mas lalong humigpit ang yakap nya.

Medyo nakiliti ako sa hininga nya. "A-Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Hinahanap ka."

"Bakit mo ko hinahanap?"

"Kasi gusto kitang makita."

Humiwalay sya ng yakap sa akin at tumingin tingin sa paligid.

"Nasaan ang ka-date mo?" tanong nya.

"Paano mo nalaman na may ka-date ako?" Gusto ko na syang umamin bilang Mr Creeper.

"Kay Ashleen."

Ay oo nga pala tinext ko sya kanina gamit ang number ng kapatid nya.

"Sino yung ka-date mo?" medyo iritadong tanong nya. "Nasaan sya?"

"Wala na, umuwi na."

"Iniwan ka nya rito?" mas nairita pa sya sa nalaman nya.

"Pinauwi ko na sya eh."

"Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi."

"Kaya ko naman umuwi mag-isa Ashton." Lumakad na ako patungo sa exit.

Naramdaman ko naman na sumunod sya sa akin.

"Kayleen, galit ka ba sa'kin?"

"Hindi!" Binilisan ko ang lakad ko.

"Bakit parang galit ka?"

"Imagination mo lang 'yon." Mas binilisan ko pa ang lakad ko.

"Galit ka nga."

Hinarap ko sya.

"Hindi nga ako galit! Bakit ba ang kulit mo Ashton? Sinabi nang hindi e!"

Pinakatitigan nya ako na may blankong expression.

"Gusto mo bang manood ng movie kasama ako?"

Nalulon ko yata ang dila ko sa gulat. Niyayaya nya akong manood ng movie.

"Anong movie?"

"Anong gusto mo?"

"Gusto ko yung love story." Hinintay ko syang kumontra.

"Sige." Hindi man lang sya nagpapilit?

Hinawakan nya ang kamay ko at bumalik kami sa second floor. Lumutang na naman yung kaluluwa ko dahil sa kamay nya. Bakit nya hawak ang kamay ko? Waaaaah! Bakit ko sya hinahayaan na hawakan ang kamay ko?

Habang naglalakad kami hindi ko maalis ang tingin ko sa kamay naming magkahawak ngayon. HHWW kaming dalawa! Kinikilig ako! Nawala bigla yung inis ko sa kanya. Parang ang tagal na nung issue na yon at wala na akong pakialam.

Bumili sya ng dalawang tickets, isang malaking popcorn at dalawang soda. Pumasok kami ng cinema at inabutan ang ilang movie trailers. Madilim na sa loob kaya naman pinahawak nya ako sa braso nya para di ako madapa habang umaakyat ng hagdan. Sa bandang gitna kami pumwesto ng upo. Inalis nya ang gitarang nakasukbit sa likod nya at inilagay nya yon sa bakanteng upuan sa tabi nya.

Wala namang masyadong laman ang sinehan. Halos sampu lang kami dito at magkakalayo pa ang pwesto.

"Maaga bang natapos ang practice nyo ngayon?" bulong ko sa kanya.

"Oo."

"Bakit?"

Tumingin sa akin si Ashton.

"Sino yung ka-date mo kanina?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Wala," sagot ko. Sumubo ako ng popcorn.

Umisod sya ng upo palapit sa akin. Naramdaman ko ang pagdidikit ng mga braso namin.

"Wala?"

"Oo, wala."

"Galit ka ba sakin?"

Hindi ako sumagot. Lumipas ang limang minuto bago ko sya kinausap ulit.

"Nasaan ka kahapon?"

"Sa bahay nina Trisha."

"Talaga?" Nainis ako.

"Oo. Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang."

Umisod ako ng upo ko palayo sa kanya.

"Kayleen," aniya sa mababang boses.

"Sshh. Nanunuod ako."

Hindi na sya nag-salita pa pero ramdam ko ang pagtagos ng titig nya sa akin. Kumain nalang ulit ako ng popcorn. Hindi ba nya sasabihin sa akin na nag-mall sila ni Trisha kahapon?