Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Dear Future Boyfriend

πŸ‡΅πŸ‡­AlesanaMarie
156
Completed
--
NOT RATINGS
877.4k
Views
Synopsis
Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*
VIEW MORE

Chapter 1 - Entry #1

Dear Future Boyfriend,

Pumunta ako sa mall ngayon para mag-shopping. Hindi ko alam kung dahil ba nagkaroon ng boyfriend ang bestfriend ko kaya madalas ko na napapansin ang mga couples sa mall. Napapansin ko rin na mag-isa lang ako. Sa mga ganitong araw ko gusto na ma-meet ka. Sa mga ganitong araw ko narerealize na malungkot pala maging single. Ayokong kumain mag-isa at ayoko rin na mag-isang magbitbit ng mga pinamili ko. Mabigat kaya! Wala na si Ashleen para samahan ako dahil busy na sya sa boyfriend nya. Haay. Bakit kaya hindi pa kita nakikita? O baka naman nakita na kita pero di mo ko napansin? Dahil ba maliit lang ako? Haha! Matangkad ka siguro.

Love,

Kayleen