Chereads / Two Face by pinkyjhewelii / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

NAKASIMAGOT ako habang pinapanood ang tatay kong panot sa pagsimsim sa mainit niyang kape. Here we go again. Narito na naman ako para pilitin siyang payagan na akong tumira sa condo unit. I hate here. Bukod sa ako lang palagi ang tao dito, hindi pa ako pwedeng magdala ng lalaki dito. My gosh, ang beauty ko nasasayang!

"Freya Cybel, how many times do I need to tell you na hindi kita papayagan sa gusto mo?"

"How many times do I need to tell you din 'Pa na afford ko namang bumili ng condo unit. I don't need your money, duh! Approval lang ang kailangan ko." mataray na sagot ko.

"Saan galing ang pera mo? Hindi ba't sa akin din? Should I close all your bank accounts?"

Nanlaki ang mga mata ko. Grabe! Na-stress ako sa tatay kong panot na 'to! Hindi ako natutuwa! He has a point. Marami akong pera pero lahat nang iyon ay galing din sa kaniya.

"Mag-aasawa na ako kapag hindi mo pa rin ako pinayagang magkaroon ng condo unit 'Pa!"

He laughed. "Go on, anak. It would be better. Gusto ko na rin namang magka-apo."

I rolled my eyes. Seriously!? It is so hard to please him! "Magsu-suicide ako!" sigaw ko pa.

"Do it, at hindi mo na mararanasang magkaroon ng condo unit."

Oo nga 'no, but... "What the hell, Papa?! Argh!Kung ayaw mong pumayag, then huwag! Magdadala talaga ako ng lalaki dito sa mansyon!"

"Whatever, my hard-headed daughter. Do as you please."

Nagmartsa ako palabas ng library niya. Stress na nga ako, mas na-stress pa akong lalo! Ugh! I hate my father! Why can't he just give me what I want? Nakakainis!

Pumasok ako sa kwarto ko saka kinuha ang sling bag ko containing my wallet and phone. Pupunta nalang ako kay biatch.

Nakakainggit dahil buti pa siya, may sariling condo and she's now an independent woman. Samantalang ako... hay naku! Panot na nga ang Papa ko, gusto ko pa siyang kalbuhin!

Pagkakuha ng gamit ko ay bumaba na ako saka dumiretso sa garage kung saan naka-park ang kotse ko. Sumakay ako saka huminga ng malalim.

Baliktad kami ni biatch.

Kulang siya sa atensyon ng mga magulang niya, and with that, she can do what she wants. Samantalang ako, sobra sobrang atensyon ang binibigay sa akin ng parents ko specially my father, but with that, pakiramdam ko ay hindi ako malaya at dependent ako sa kanila. Si biatch, gustong gusto niyang makuha ang atensyon ng parents niya, samantalang ako, gustong gusto ko yung ganoon na walang pakialam sa kaniya ang parents. Bakit hindi nalang kasi kami nagkapalit ng parents 'di ba? Ugh.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Kalalabas ko palang sa gate namin ay tumunog na ang cellphone ko. I looked at it. And in instant, nawala ang inis ko at napalitan ng kilig.

Kese, enebe tenetewegen neye eke.

Tumikhim ako saka sinagot ang tawag na iyon. "Yes, hello? Kenshin?" ang lakas ng tibok ng puso ko.

He called me! Bakit kaya? Kasi namiss niya ako? Or kaya baka gusto niya akong makita? Hay, ang beauty ko talaga, lakas!

"Sorry, Frey. Nagkamali ako ng pindot." Sagot niya sa kabilang linya.

Naningkit ang mga mata ko. "Nagkamali? Paano ka nagkamali? Sino ba dapat ang tatawagan mo? Kalapit ba 'yan ng pangalan ko, aber?"

Tumawa siya. My gosh! Tumawa siya at ang gwapo ng boses.

"Oo, Frey e. Tatawagan ko dapat iyong kinukuhanan namin ni Dad ng itlog."

"What? Kinukuhanan ng itlog? Paanong nagkalapit ang pangalan namin sa contacts mo?" Nagpapalusot lang yata si Kenshin e. Gusto lang yata talaga niya akong tawagan. Yiee!

"Magkalapit talaga kayo, Frey. Ang pangalan kasi no'ng kinukuhanan namin ng itlog sa contacts ko ay Free Egg. Namimigay kasi sila ng libreng itlog kada isang tray. Hehe."

Nagpokerface ako. Bakit ba napaka-pranka ng lalaking ito? But he still sounds innocent. Hay nako! Umasa na naman ako.

"Oo nalang! Anyway, nasaan ka ba? Nasa Hashtag Bar ka ba?"

"Oo, Frey. Narito ako sa Hashtag Bar. Magtaka ka kung nasa inyo ako. Hehe."

Jusko, Kenshin.

"Alright! Pupunta ako diyan! You should treat me okay?"

"Bakit kita ite-treat, Frey? Birthday mo ba?"

"Basta! Basta pupunta nalang kasi ako diyan. Wait for me." Sabi ko saka pinutol na ang tawag.

Hindi ko alam kung paano ako tatagal makipag-usap kay Kenshin e. Para siyang mga batang mahilig mag 'bakit' na sunod sunod.

Sa halip na kay Biatch ako pumunta ay nag-iba ako ng direksyon. Sa Hashtag Bar ako pupunta para makita ko naman ang future boyfriend ko.

Iniisip ko palang, kinikilig na ako.

Ano kayang suot niya ngayon? I'm sure, napaka-hot at gwapo na naman niya. Mabuti nang puntahan ko siya doon. Hindi ko naman kasi siya madalas makita e. Kapag lang magkikita si biatch at ang Duke Palermo niya. Wala kasing kaalam-alam si biatch na kumekerengkeng na din ako.

Pinabilis ko ang kotse ko. Makakalas yata ang garter ng panty ko kapag ngumiti sa akin si Kenshin. Hearing his laugh kanina, wow! Nai-imagine ko siyang tumatawa at napakagwapo niya talagang nilalang.

Nang makarating ako sa Hashtag Bar ay ipinark ko ang kotse ko saka bumaba. Inayos ko muna ang sarili ko. I am wearing my spaghetti strap and shorts matching my flip flops. Ang ganda ko na sa ganito. Simplicity is beauty.

Pumasok na ako sa bar. Hapon pa lamang ay marami na agad tao dito. Paano ba namang hindi ito dudumugin, e dito mo na yata matatagpuan ang forever mo sa dami ng gwapong lalaking tumatambay dito.

Pagkapasok ko ay hinanap agad ng mga mata ko ang future boyfriend ko. And there he is, nasa may bar counter at may kausap na... what the hell? Sino ang babaeng iyon? May lumalandi yata sa Kenshin ko!

I walked towards them. I flipped my hair saka taas noong lumapit sa kanila.

"Hi, Kensh!" Bati ko.

Tumingin naman sa akin si Kenshin. Tumingin din sa akin ang babaeng... my gosh! Kadiri naman ang pekpek short na suot niya.

"Frey bakit ka narito?"

Seriously? Sinabi ko kaya sa kaniya na pupunta ako. "Magdadasal?" Sabi ko.

"Hala, Frey. Napaka-bad mo naman. Pwede ka namang sa simbahan pumunta para magdasal, bakit dito pa? May pari ba dito?"

I rolled my eyes. "Duh! Kenshin, I was sarcastic. I mean, you asked me kung anong ginagawa ko dito. Of course, iinom! Alangan namang magdasal 'di ba?"

"Basta ang bad mo, Frey."

"Sino siya, Kenshin?" Singit no'ng babaeng ang kapal kapal ng lipstick.

Hindi mo 'yan kinaganda, 'te!

"Ah, si Frey." Sabi ni Kenshin. "Balik ka nalang dito mamaya pag nandito na si Drake. Huwag kang tanong ng tanong sa akin kung nasaan siya kasi hindi naman ako information booth."

Whuuut? Did he just... savage! Kenshin is the man talaga! Akala ko talaga nilalandi siya ng babaeng 'to e.

Umalis na si Kenshin saka lumapit sa mga mesang bakante. Inaayos niya ang mga nakapatong sa mesa na kung ano ano. Napakasipag naman talaga ng future ko. Sabagay, kailangan niyang magsipag para kapag gumawa ng kami ng family. Kinikilig ako!

"Frey!"

"Yes? Family?!" Nagulat ako sa sigaw ni Kenshin. Natulala na naman ako e. Kasi naman siya e.

Teka bakit ba siya naninigaw? Lumapit ako sa kaniya saka umupo sa isa sa mesa.

"Bakit mo ako tinatawag?" Tanong ko.

He stared at me. "Bakit ganyan ang suot mo, Frey? Hindi ka naman sexy."

Napanganga ako sa sinabi niya. What the hell did he say?! "Anong sabi mo?"

"Sigurado ka uulitin ko?"

Sumimangot ako. "Ang harsh mo!"

"Hindi ako harsh, Frey. Gwapo ako."

I rolled my eyes. Given na iyong gwapo siya pero iyong pagiging harsh niya? Argh!

"Did you mean it? Na hindi ako sexy?" Tanong ko pa. Alam ko sa sarili kong sexy ako!

"Oo. Bakit, Frey? Hindi naman ako sinungaling katulad ni Drake e."

"Hep! Ano iyang naririnig ko? Mahabagin! Inaakusahan mo ang anak ko na sinungaling siya?" Bigla na lamang sumulpot ang Dad niya--ang may-ari ng bar na ito.

I just look at him.

"Pinalaki ko siyang may takot sa Diyos! May dignidad siya at lalong lumaki siyang mabuting mamamayang Pilipino! Anong karapatan mong sabihan siyang sinungaling? That's a no no! Iba-ban kita dito sa bar ko! Isa kang terorista!"

Nagpokerface ako. What kind of father he is? Kailangan ba talaga niyang mag pure tagalog? At ako, terorista? Seriously?!

"Ang ganda ko naman pong terorista." Pabalang kong sagot.

"Dad, huwag kang makisali sa usapan namin. Hindi ba inaasikaso mo pa ang delivery ng itlog?" Sabi ni Kenshin.

Nasapo nung Dad niya ang noo niya. "Oo nga pala, sperm! Muntik ko nang makalimutan! Humihina na talaga ang memory ko. Hindi ito maaari." Sabi niya saka tumingin sa akin. "At ikaw! Huwag na huwag mong inaaway ang anak ko. Tumataas ang altapresyon ko sa iyo iha!"

Umalis na siya. Hindi na ako nakapagsalita. Ang weird niya actually. Mag-ama nga sila.

But wait... itlog? Mahilig ba si Kenshin sa itlog?

Ibinalik ko ang tingin kay Kenshin. "Anyway, where's your mother?" Tanong ko. Na-curious lang ako kasi may babaeng nagmahal sa Dad niya e ang weird weird kaya!

Sumama ang tingin ni Kenshin sa akin. Teka, may masama ba sa tanong ko?

"What?"

"Ang sama mo naman, Frey."

What did I do?

"Anong ginawa ko? May nasabi ba akong masama?" Tanong ko. "Tinatanong ko lang naman kung nasaan ang Mom mo."

Mas sumama ang tingin niya sa akin. "Bakit ako ang tinatanong mo e hindi ko nga din alam kung nasaan ang nanay ko. Kailan pa ba ako naging imformation booth, Frey?"

Ano daw? Hindi niya alam kung nasaan ang nanay niya... so it means...

Na-gets ko bigla ang sinabi niya. "Oh my, sorry! Sorry for asking. Hindi ko alam. Sorry talaga." Sabi ko. Malay ko ba kasing hindi niya kilala ang nanay niya? So it means, iniwan sila ng Dad niya?

"Okay lang, Frey. Hindi lang naman ako ang walang nanay e. Pati si Drake. Kaya ayos lang." Aniya. "May gagawin pa nga pala ako. Oorder ka ba?"

Pati si Drake? Iyong isang friend nila ni Palermo? My gosh! Hindi ko alam kung matatawa ako dito kay Kenshin e.

"Ah---oo! Oo! I want.... you?"

"Mukha ba akong alak, Frey? Magpatingin ka na kaya ng mata mo. Nagakaka-diperensya na e. Anong alak ang order mo?"

Napailing na lamang ako. Kailangan ko na yatang masanay kay Kenshin na ganyan siya. Sobrang pilosopo pero inosente namang tingnan. Parang kailangan yata, kapag kakausapin siya, palaging specific ang sasabihin.

"Brandy na lang." Sabi ko. "Pero, may itatanong ako."

"Ayan na naman sa pagtatanong e. May question mark ba ako sa noo?"

Inirapan ko siya. Pinagpatuloy ko ang tanong ko. "May girlfriend ka na ba?"

"Wala nga akong nanay, girlfriend pa kaya? Saka busy ako, Frey. Hindi ko kailangan niyan hangga't hindi nauubos ang itlog sa mundo."

Mas kumunot ang noo ko. Speaking of the egg. "What's with egg? Seriously, mahilig ka sa itlog? Like... anong special? Hindi naman masarap iyon?"

Sumama ang tingin niya. "Nakakarami ka na, Frey. Ang sama mo talaga. Mas masarap pa ang itlog kesa sa 'yo." Aniya saka nag-walk out.

Just... just seriously? Ano daw? Mas masarap pa ang itlog kesa sa akin? What the hell?!

"Tikman mo kaya muna ako!" Sigaw ko.

Lumingon siya sa akin. "Bakit? Pagkain ka ba, Frey? Hindi naman 'di ba kaya bakit kita titikman? Nahawa ka na yata kay Drake e. Ang bobo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Ang sakit niya sa bangs! My gosh!