Chereads / Lost Vow / Chapter 3 - Chapter 3: Gift

Chapter 3 - Chapter 3: Gift

Anong ginagawa mo rito sa teritoryo ko?!

Nang mabuksan ko ang pintuan ng aking opisina isa sa mga taong ayaw ko ng makita pa ang narito ngayon sa loob ng aking opisina

Pumasok ako sa loob at agad kong hinarap ang babaeng sumira sa buhay ko. Tumayo agad ito ng makita nya ako.

"Anong ginagawa ng demonyong katulad mo rito?!" Galit na turan ko sa kanya.

Tinitigan lang ako nito at hindi sumagot sa aking tanong. Tila kinakabisado niya ang buong itsura ko. 

Kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito. Simula pa man noon na secretarya pa lang siya.

Matalim ko siyang tinitigan at pinag aralan ko ang itsura ng babaeng naka linya sa mga taong dapat mag bayad sa akin.

Ibang iba na ang itsura nito ngayon kesa ang dating maayos  na pananamit nito at laging naka makeup. Pero ngayon sobrang simple na lang ang itsura niya.

Simpleng pantalon at puting tshirt na lang ang suot nito. Ang dating niyang puno ng makeup na mukha ngayon ay wala na at eyebags at pamunulta na ang nakikita ko rito.

Kumunot ang noo dahil sa nakita ko rito. Bakit ganyan ang ayos nya?

Hindi bat nag sasama na silang dalawa simula ng umalis ako? Dapat ay maayos na ang buhay niya.

"Eloisa isang beses ko nalang ulit itatanong ito sayo! Anong ginagawa mo rito?!"

Nakita kong huminga muna ito ng malalim bago siya mag salita at tinitigan ang aking nag ngangalit na mata para sa katulad niya.

"M-monica, na rito ako hindi para makipag away s-sayo, narito ako para kay M-marcus." Nauutal na turan nito sa akin.

Lalong kumulo ang aking dugo ng marinig ako ang pangalan na yun. Kaya hindi ko na mapagilian na sigawan ito.

Ang lakas naman ng loob niya na mag pakita rito sa teritoryo para lang sabihin niya sa akin na kailangan ako ni Marcus. 

"Wala akong pakialam sa inyong dalawa at lalong lalo na sa kanya! Umalis kana rito bago pa ako makagawa ng isang bagay na pagsisihan mo!" Galit na galit na bulyaw ko rito.

Nakita kong namumula ang mga tama nito at para bang iiyak na kahit ano mang oras.

"Umalis kana!"

Pero hindi ito na tinag sa pag sigaw ko. At bigla itong lumuhod sa aking harapan.

"M-monica, pakingan mo m-muna sana ako. Kailangan ka niya." Umiiyak na turan nya.

Nanatili akong nakatayo habang siya ay nakaluhod sa aking harapan at nag mamakaawa sa akin.

"Wala na akong pakialam sa isang tulad niya." Malamig na turan ko rito habang nakakuyom ang aking palad.

Pinipigilan ko ang aking sarili sa pag sabog. Gustong gusto kong siya saktan ngayon pero hindi ko gagawin iyon dahil mas higit ako sa babaeng nakaluhod sa aking harapan ngayon. 

At hindi ko ibaba ang level ko sa isang katulad niya. 

"Please, parang awa mo na Monica. Kailangan ka ni Marcus ngayon ikaw ang kailangan niya sa mga oras na ito." Lalong umiyak ito at nag makaawa sa akin.

Ano pa ang kailangan niya sa akin. Matagal na tapos ang pagiging asawa ko sa kanya wala ng nag uugnay pa na kahit ano sa aming dalawa.

"Tumayo ka riyan, kahit na lumuhod ka ng maraming beses sa aking harapan wala ng mangyayari." Turan ko.

"Please, Monica kailangan ka niya." Pag mamakaawa nito hindi ito tumayo mula kanyang pagkakaluhod.

Umalis ako sa harapan niya at lumakad ako sa aking lamesa at may kinuha na papel na agad kong sinulatan at pinalas ko. Lumapit ako muli rito.

"Tumayo ka riyan." Malamig kong turan.

Wala itong na gawa kung hindi ay tumayo. May mga luha pa rin ang mukha nito mula sa pagkakaiyak niya.

Kinuha ko ang kanyang kanang kamay at inilagay ko rito ang tseke na nag lalaman ng dalawang daan libong piso. Sa palagay ko naman ay sapat na ang halaga na iyon para tigilan na nila ako. 

"Huwag na huwag ka na muling mag papakita sa aking harapan. At wag mo ng muling susubukan na lumapit sa akin." Malamig na turan ko. Nag titimpi ako ngayon kahit ang gustong gusto ko siyang saktan ngayon.

Napatingin naman ito sa papel na nilagay ko sa kanyang kamay. Tila gulat na gulat ito dahil sa nakasulat sa papel.

"Siguro naman sapat na ang pera na yan para hindi nyo na ako gulohin." Matapang na turan ko.

Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa aking sinabi at agad niyang pinunit ang tseke na binigay ko sa kanya. Tila hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. 

Nakaramdam ako ng pagkainis dahil sa ginagawa nya.

"Ano hindi pa ha sapat ang halaga na yan?!" Bulyaw ko sa kanya at akmang babalik sa aking lamesa para kumuha ulit ng bagong tseke ibibigay sa kanya para lang makaalis na siya at hindi mag pakita sa akin kahit kailan.

Kaya naman kumuha ako muli ng tseke at sinulat ko ulit. Habang nag susulat ako ng halaga na ibibigay ko sa kanya para tigilan na nila ako.

Hindi  ko inaasahan ang sasabihin niya. Na siyang nag pahinto sa akin.

"Hindi ko kailangan yan Monica, hindi kailangan ni Marcus ng pera ang kailangan niya ay Asawa. Ikaw ang kailangan niya lalo na sa mga oras na ito." Turan niya sa akin.

Nagugulohan na patingin ako sa kanyang pwesto.

"Anong sinasabi mong kailangan niya ng asawa? Matagal na kaming hiwalay wala ng nag uugnay ng kahit ano sa aming dalawa." Matapang na saad ko.

Umiling naman ito dahil sa sinabi ko. At malungkot na ngumiti sa akin.

"Hindi na grant ang annulment nyong dalawa Monica." Mapait na turan nito sa akin.

Parang isang bomba ang sinabi niya sa akin. Dahil para akong na bingi sa sinabi niya ang buong akala ko ay matagal na iyong na grant limang taon na ang nakakalipas.

"Nagkakamali ka matagal na kaming annuled" Nagugulohan kong turan.

Dahil nakatanggap ko ng sulat mula sa korte noon na nag sasabing wala ng bisa ang kasal namin. Kaya hindi niya pwedeng sabihin sa akin na hindi pa kami annul. Dahil alam kong nag sisinungaling lamang siya. 

"Bakit hindi mo subukan kausapin ang abogado mo Monica para malaman mo ang totoo." Saad pa niya muli. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil na ako makagalaw sa aking kinalalagyan. Hindi ito maari matagal na kaming tapos iyon ang pagkakaalam ko at iyon ang pinaniwalaan ko sa loob ng mahabang panahon. 

Kailan ko huling kinausap ang aking abogado. Pilit kong inaaalala. Hanggang sa manlaki ang aking mata ng maalala ko na tinawagan ako nito pero nasa Amerika ako ng mga panahon na yon.

Dahil mag lilimang taon na iyon. 

"N-no, no hindi ito maari." Turan ko. 

"Mag asawa pa rin kayo Monica at kailangan ka niya ngayon." Turan niya.

Para akong na gising sa isang panaginip dahil sa mga rebelasyong nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Nasaan s-siya n-ngayon?

Hindi ko inaasahan na yun ang lalabas sa aking bibig.

Bigla naman nag bago ang itsura nito naging malungkot ito.

"Nasa ospital ngayon si M-marcus, at kailangan ka niya ngayon."

Bigla ako nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya.

"Anong a-ang nangyari sa kanya?

Ngayon hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba natatakot ako sa pwede kong malalaman.

Inaantay ko ito mag salita.

"B-bulag na s-si Marcus. Monica" Umiiyak na turan niya.

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Para akong tinakasan ng lakas dahil bigla na lang ako na paupo sa aking upuan.

"B-bakit? anong nangyari?" Nauutal na tanong ko.

Yun lang lumabas sa aking bibig. Bakit? Paano nangyari iyon? Ang alam ko maayos ang buhay niya at may masayang pamilya. 

"Wala ako sa lugar para sabihin ko sayo kung bakit siya na bulag Monica. Puntahan mo siya at doon mo malalaman." Saad niya.

At bigla nalang itong lumabas ng aking opisina.

Habang ako ay nanatiling tulala at nanghihinang nakaupo sa aking upuan.

"Hindi pwede, hindi maari ito." Turan ko sa aking sarili.

"Nasaan siya?!"Sigaw ko habang hinahabol ko siya. 

Agad akong lumabas ng aking opisina at tumakbo papalabas. Kailangan ko siyang maabotan. Nagulat pa ang aking secretary ng makita ako nitong  tumatakbo.

"Miss, okay lang po ba kayo? " Nag aalalang tanong nito.

Pero hindi ko ito pinansin, kailangan kong maabutan si Eloisa. Sakto naman bukas ang elevator at agad akong pumasok rito.

Nagulat pa ang iba kong empelyado ng makita nila ako pero wala akong pakialam ang mahalaga ay maabutan ko siya. Marami pa akong gustong itanong sa kanya kailangan ko ng kasagutan. 

Nang huminto sa ground floor agad ako lumabas pagkabukas ng pinto at tumakbo palabas.

Palingon lingon ako sa paligid baka sakali na makita ko siya. Kailangan ko malaman kung na saan si Marcus ngayon. 

"Nasaan ka na?!" Sigaw ko wala akong pakialam kung nakakaagaw na ako ng atensyon ng mga tao sa kakasigaw ko rito. 

"Maam. Okay lang ba kayo?" Lumapit sa akin ang isa sa mga security guard ko at nag aalala itong nag tanong sa akin.

"N-no. Kailangan ko siya makita. Nasaan s-siya?" Bulong ko. 

Hindi ko sila pinansin ang mahalaga sa akin ay makita ko siya kailangan malaman kong na saan si Marcus. Iyon muna ang kailangan kong malaman dahil kailangan ko siyang makita. 

Ngunit hindi ko na ito ba abotan pa.

Nanatili akong nakatayo sa labas ng building ng aking kompanya hanggang sa huminto ang isang itim na kotse sa harapan ko.

"Mommy ko!" Masayang turan ng isang batang babae pagkababa pa lang nito sa kotse. 

Napatingin ako sa batang babaeng kalalabas palang sa kotse at agad na tumakbo papalapit sa akin.

"M-maris." Tawag ko sa pangalan ng anak ko.

Niyakap ko ito ng makalapit ito sa akin. Hindi ko alam pero para akong natakot hindi para sa akin kung hindi para sa anak ko.

"Mommy, why are you crying?" Tanong ng aking anak  habang hinahawak nito ang aking mukha.

Doon ko lang na pag tanto na kanina pa ako umiiyak hindi ko man lang malayan na umiiyak na ako kanina pa. 

Niyakap ko ng mas mahigpit ang aking anak. At doon nag patuloy na tumulo ang aking mga luha ng makita ko ang mga mata ng aking anak matang nakuha niya sa kanyang ama. 

"Mommy, i'm so excited for my birthday! I'm gonna meet my dad." Masayang turan ng aking anak habang nakakandong ito sakin.

Umuwi na rin agad kami nang makita ko ito. Kanina sa labas sumama pala ito kay Mang Berto ng malamang mag papasundo na ako.

Ngumiti naman ako rito habang nilalaro ko ang mahang buhok ng aking anak.

Her name is Maris Althea Hernandez. My daugther is turning four next month.

Kamukhang kamukha siya ng kanyang daddy nakuha nito ang mata at ilong ng kanyang ama. Ang tanging nakuha lang nito sa akin ay ang labi. Pero kung tutuosin para siyang replika ng kanyang ama.

"Yes, sweetheart malapit na ang birthday mo. Ano gusto mo gift sayo ni mommy?" Nakangiti kong tanong sa aking anak.

Nag pout naman ito at umakto na nag iisip. I can help it but to kiss my little princess she is so adorable.

"Mommy, i want to meet my daddy. Kahit yun lang ang gift mo sa akin." Masayang turan ng aking anak.

Maris is a smart kid when she turn 3 nag umpisa na siya na mag hanap sa  daddy thing na yan at hindi nag tagal ay hinahanap na nito ang ama niya sa akin.

Wala naman akong maisagot sa kanya noon dahil wala na akong balita sa ama niya. Hindi ko rin sinabi sa kanya na hiwalay na kami ng daddy niya. Masyado pang bata ang anak ko para doon gusto ko  lumaki siya ng maayos at hindi nahihirapan sa sitwasyon. 

Hanggang isang araw umiiyak na umuwi ito galing sa park.

And she is asking me why she doesn't have a daddy. Kasi iyong mga kalaro daw niya ay may daddy na nag susundo pero siya ang yaya o kaya ako lang ang lagi niyang kasama. 

"Mommy where is my daddy? Totoo bang hindi niya ako love kasi hindi naman siya umuuwi sa house natin?" Umiiyak na tanong ng aking anak.

"Ssshh. No sweetheart your daddy loves you very much. Nasa malayo lang ang daddy kaya hindi mo siya nakikita." Pag aalo ko rito. I don't want to see my daughter crying because she's asking for her father. 

Wala naman akong balak na ipagkait ang anak ko kay Marcus dahil karapatan niyang kakilala ito. I'm just waiting for Maris to turn 5 para makilala ang ama niya kaya nga kami bumalik rito sa pilipinas para makilala niya ang daddy niya.

Iyon naman talaga ang plano ko ang makilala ni Maris ang daddy niya dahil nag hahanap na ito ng kalinga ng ama na alam kong hindi ako sapat kailangan niya rin si Marcus. All i ever wanted is to make my baby happy. 

Bumalik kami rito mag ina para sa ama niya at hindi para sa akin. 

I kissed my princess and hug her tightly. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag sa anak ko ang sitwasyon at kung nasaan ang ama niya dahil maski ako ay hindi ko rin alam kung saan mag uumpisa hanapin siya. 

"Alright baby. We will find your daddy so my little Maris will be happy on her birthday." Malambing kong saad sa aking anak habang yakap ko.  

"Thank you mommy. I love you so much  i can't wait to meet my daddy. " Puno ng galak na turan ng aking anak.

I need to find Marcus immediately. Para sa anak ko kaya hahanapin ko siya.

I just want my daughter to be happy on her birthday.