Chereads / Lost Vow / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Isang linggo na ang nakalipas simula ng puntahan ako rito ni Eloisa sa aking opisina, Pinahanap ko rin ito sa private investigator dahil marami akong gustong malaman sa kanya dahil alam kong siya lang ang makakasagot ng lahat ng katanungan ko.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ngayon lang ito humaharap sa akin simula ng mahuli ko sila ni Marcus noong gabi na iyon, ngayon lang siya nag lakas ng loob ng mag pakita sa akin. 

At ganon pa ang isasalubong niya sa akin na sasabihin niya na hindi pa kami hiwalay ni Marcus at kasal pa rin kami nito.

Hindi na rin kasi ako mapakali dahil simula ng sabihin ko kay Maris na hahanapin namin ang daddy niya halos araw araw na ako kinukulit ng aking anak kung nakita na ba daw ang daddy niya. 

Parang kagabi lang pagkauwi ko galing sa isang meeting ay sinalubong ako nito.

Pagod ako buong araw akong may meeting at idagdag pa rito ang paghahanap ko kay Eloisa. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin balita sa akin ang private investigator ko tungkol dito.

Pagbaba ko ng aking sasakyan ang aking anak ang sumalubong agad sa akin. Nakapantulog na ito habang bitbit niya ang paborito niya teddy bear.

Napangiti naman ako ng makita ko ang aking prinsesa kahit pagod ako buong araw dahil sa trabaho ay bigla nalang nawawala lahat ng pagod ko pag nakita ko na ang aking prinsesa.

"Mommy ko!" Tumakbo agad palapit sa akin ang aking anak.

Hindi na ako nag dalawang isip na bitawan ang hawak kong bag para salubongin ko siya ng yakap. Kahit halos anim na buwan na akong pumapasok sa trabaho ay hindi pa rin ako sanay na hindi ko na kakasama ang aking anak.

Ganito talaga siguro pag naging ina na talaga hindi ako mapalagay sa trabaho dahil lagi kong iniisip ang aking anak. Kahit na oras oras naman akong binabalitaan ng yaya nito.

"Mommy, missed you honey." Malambing kong saad sa aking anak habang yakap-yakap ko ito sa aking mga bisig.

Doon lang ako nakaramdam na panatag ang aking loob dahil nakita ko na okay siya buong araw. Ganito lagi ang araw araw na routine naming mag ina.

"I missed you too, Mommy ko." Malambing na sagot sa akin at hinalikan ang aking pisngi.

"Wow. Ang sarap naman noon anak bigla na lang na wala ang pagod ni Mommy. Isa pa nga." Masayang sabi ko rito.

Lumaking malambing si Maris isa iyon sa mga na mana niya sa kanyang ama, parehas silang malambing sa akin.

Binuhat ko na ito at lumakad na papasok sa loob ng bahay habang nakasunod ang yaya niya na dala ang aking bag. Pag dating naming sa sala ay umupo muna ako at kinandong ko si Maris.

Pinagmasdan ko ang mukha ng aking anak. Hindi ko maitatangi na anak nga siya ni Marcus dahil carbon copy siya ng kanyang ama. Medyo may pagka kulot ang dulo ng buhok ni Maris na sakin na kuha pero iyon iba sa ama niya.

Hindi ko makalimutan ng unang beses kong makita ang aking anak ng ipanganak ko na siya. Nang makita ko siya noon ay na paiyak ako dahil si Marcus ang nakita ko sa kanya. Ang daya dahil ako ang nag hirap pero ang walang hiya niya ama ang lumamang.

"Mommy, Nakita mo na ang daddy ko?" Tanong sa akin ng anak.

Bigla naman akong napahinto dahil sa tanong sa akin ni Maris. Everytime na uuwi ako galing trabaho ay ito lagi ang tanong niya sa akin.

I sight first. Inaayos ko ang buhok niya at inilagay sa likod ng kanyang tenga. I don't  want to disappoint my daughter.

I am doing my best para makita ang daddy niya.

"Ganito kasi iyon anak, Mommy is doing her best para makita si daddy bago mag birthday ang princess ko. Medyo na hihirapan lang si mommy kasi hindi pa nila alam kung na saan si daddy." Mahinahon kong paliwanag sa aking anak.

Bigla naman namula ang ilong niya unti unting tumulo ang mga luha sa mata ng aking anak. At pumalahaw na ito ng iyak.

"W—what if h—hindi na magpakita si D—addy ko? Hindi niya b—ba love si M—maris? Nauutal na tanong niya sa akin habang pumapalahaw ng iyak.

Nataranta naman ako dahil bigla na ito pumalahaw ng iyak.

"No, Honey love ka ni daddy kaya nga natin siya hinahanapin kasi gusto ko happy si Maris. Please honey stop crying. Mommy promised to find daddy before your birthday right." Pagaalo ko sa aking anak.

Isa ito sa mga eksena na ayaw ko makita ang makitang umiiyak ang aking anak. Nasasaktan ako pero mas nasasaktan ako dahil ako ang dahil ng pag iyak niya kung bakit sabik si Maris sa kanyang ama.

Kung bakit kailangan masaktan ng ganito ang aking anak. Alam kong bata pa si Maris para sa ganitong kagulong sitwasyon hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat once mahanap na namin si Marcus.

Matapos ang tagpo iyon ay hindi na ako nag dalawang isip para gumawa ng hakbang para hanapin si Marcus. Dahil hindi ko kayang makitang nadudurog ang puso ng anak ko dahil wala siyang ama kung kaya ko naman ibigay ito sa kanya. 

Iisang tabi ko muna kung ano man problema at galit ko dahil kaya kong gawin ang lahat para lang kay Maris. 

"Miss, narito na po iyong private investigator." Saad ng aking ng aking secretary.

"Papasokin mo na siya Jane." Utos ko rito at lumabas na ito.

Hindi rin nag tagal dahil bumukas na ang pintuan ng aking opisina, at iniluwal noon ay isang magandang babae.

"Come in Ms. San Juan." Pagpapatuloy ko rito.

"Take a sit."

Umupo naman agad ito sa upuan nasa harapan ko. Isang linggo na ang lumipas at ngayon lang ito bumalik rito para mag report.

"May development na ba sa ipinahahanap ko sayo Ms. San Juan?" Wala ng paligoy ligoy tanong ko.

"Yes, meron na po. Actually, na rito ako dahil nasa akin na ang lahat ng information na kailangan mo."

Tumango naman ako rito bilang pag sagot ko. May lnilagay itong white folder sa harapan ko kaya naman na patingin ako rito.

"Nasa folder na yan ang lahat ng information, at ayon sa report nasa batangas ang pinahahanap niyo." Saad nito sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan batangas? Anong meron sa batangas.

"Batangas? Anong meron doon?" Nagugulohan kong tanong rito.

"Ms. All the information ay nasa loob ng folder base sa investigations namin kung anong nakalagay dyan basahin niyo nalang para mas maintindihan niyo. Don't worry dahil kumpleto ang lahat." Sagot nito sa akin.

"Alright.".

Umalis na rin agad ito pagkatapos. Nakatingin naman ako sa folder nasa harapan ko makikita ko na kung na saan siya?

I took a deep breath para alisin ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Dinampot ko na ang folder.

I'm doing this for my daughter's sake. I am willing to do everything for my child.

Kasalukuyan kong binbasa ang laman ng folder, I'm currently reading an article tungkol kay Marcus. This article is way back 3 years ago.  That time nasa America na ako ang 2 years old na noon si Maris.

Is Marcus Bernales finally going to speak regarding to the issue that his wife and him is really over? Ito ang headline ng isang malaking new paper company. it was publish 6 months after i left.

Tungkol sa aming dalawa ang laman ng unang pahina pero ni isa sa mga ito ay walang pahayag si Marcus.

I turned the next page at doon ako na gulat sa aking na basa, dahil isang Article din ito galing sa isang pang big news paper company.

May 18, 2015

After a year Marcus Delos Santos lost his company to Samuel Romualdez the son of Raffy Romualdez.

Punong ng galit ang aking kalooban dahil sa na basa ko. Hindi ko na ito tinapos kung anong ang laman ng folder. Dahil may isang bagay akong gusto kong malaman.

I dialed Trisha number.

Pinsan ito ni Marcus at alam kong siya ang makakasagot sa tanong ko. Nakakaisang ring pa lang ay sinagot na agad nito ang tawag.

"Hello?" Who is this" Sagot nito

"T—trisha, This is M—monica."

Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya.

"Oh my G! This is really you Monica?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yes, this is me. Trish."

"Monica! What happened to you bakit ngayon kalang nag paramdam?"

"Trish, Pwede ba tayong magkita ngayon?" Tanong ko rito.

"Nandito kana sa pinas?! Kailan pa?!" Sunod sunod na tanong nito sa akin.

"Yes, Mamaya ko nalang sasabihin sayo. I want to see you right now first."

"Osige, Saan ba? Pupunta agad ako." Pag payag niya.

"Doon pa rin sa dati shop ko." Sagot ko.

"Alright I'm on my way na. See you in a minute." Paalam nito

Pagkababa ng tawag ay inayos ko agad ang bag ko ay mabilis na lumabas ng aking opisina mabuti na lang at pinacancle ko lahat ng meeting ko ngayon araw.

Pagkalabas ko ng building ay nag aabangan na sa akin ang kotse ko binuksan naman agad ng guard ang driver sit at pumasok na ako agad. At agad ko pinaalis ng mabilis ang kotse.

Mabuti na lang at malapit lang ang dati kong shop dito. Ginawa ko na kasi ito ngayon open space para sa mga gusto makakita ng mga obra ko.

Before I used to paint pero ng umalis na ako ay ipinasara ko na ito dahil wala ng mag aasikaso nito.

Nag park agad ko ng dumating ako dito sa dati kong shop. Kahit na wala ako ng mahabang panahon ay maayos pa rin naman ito. Nanatili ako dito sa labas ng shop para hintayin ang pagdating ni Trisha.

Hindi rin naman nag tagal dahil may isang puting kotse ng nag park sa tabi ng kotse ko. Kaya umaayos na ako ng tayo dahil alam kong si Trisha na ito. Bumukas naman ang pinto nito sa driver sit.

Lumabas agad ito at napatingin ito sa pwesto ko. Nakita ko naman dito ang ngiti niya.

"Ikaw nga! Monica!" Nagmamadaling lumapit agad sa akin at niyakap ko ng mahigpit.

Gumanti naman ako ng yakap sa kanya, Namiss ko si Trisha dahil kasundo ko ito sa lahat ng bagay dati.

"Kelan ka pa dumating?!" Tanong niya sa akin.

Hindi ko muna sinagot ang tanong nito at lumapit ako sa pinto ng shop at binuksan, Inaaya ko siya sumunod sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ay maayos ang lahat ng gawa ko ay nakadisplay pa rin. Pagkadating ko kasi dito sa pinas ay ito agad ang ipinaayos ko. Kaya malinis na ito ngayon.

Lumapit ko sa malapit na sofa habang nakasundo sa akin si Trisha.

"Maupo ka Trish." Sabi ko rito habang ito naman ay abala sa pag tingin sa paligid.

"Wow, Monica maayos pa rin ang shop mo." Hindi makapaniwalang saad nito habang na uupo sa tabi ko.

"Ipinaayos ko ito ng dumating ako dito sa pinas." Turan ko.

Kaya naman na pabaling ang tingin nito sa akin.

"Iyong tanong ko Monica, Hindi mo pa sinasagot. Kailan ka dumating?"

"Six months ago."

"Ang tagal na pala! Bakit ngayon ka lang nag paramdam bakit hindi ka nag sabi?!" Nagtatampo tanong nito sa akin.

"I keep it silent, Trisha ayaw ko na maraming media ang sumalubong sa akin pag dating ko dito."

"Kahit na! Nakakainis ka talga ang tingin mo sa akin ibang tao?"

Natahimik ako dahil sinabi niya.

"I'm so sorry Trisha." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. 

Natigilan ito dahil sa sinabi ko. At biglang lumambot ang ekspersyon ng kanyang mukha.

"Monica, you don't have to say sorry. I understand dapat nga ako ang mag sorry sayo dahil sa kagaguhan ng pinsan ko." Sabi nito sa akin. 

Si Trisha lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit kami nag hiwalay ni Marcus. Pero hindi na niya alam kung saan ako nag punta at tungkol sa pag bubuntis ko noon.

Napangiti na lang ako ng mapait dito dahil sa sinabi niya.

"Matagal ng tapos iyon Trisha. May bagong buhay na ako ngayon." Pahayag ko rito.

Tumango tango naman ito sinabi ko pero kita ko pa rin sa mukha nito ang pagkadismaya at lungkot.

"Mukha nga okay kana at masaya ngayon." Sabi nito sa akin.

Ngumiti na lang ako sinabi nito sa akin.

"Nga pala ano ang gusto mong itanong?" Sabi nito sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako mag salita. Gusto ko lang malaman kung totoo ang na basa ko.

"May na basa kasi ako. Totoo ba na matagal ng wala kay Marcus ang kompanya?" Tanong ko gusto ko makompirma kung totoo nga ang na basa ko kanina.

Malungkot na tumango ito sa akin.

"Simula ng umalis ka Monica na pabayaan na ni Marcus ang kompanya. Lagi nalang itong laman ng mga bar at lasing. Kaya na lugi ang kompanya." Saad niya.

Natigilan ako sa sinabi nito hindi ako makapaniwala na mangyayari ito kilala ko si Marcus pagdating sa kompanya ay responsible ito.

"A—alam na ba ito ni Papa?" Tanong ko.

"Oo. Nung malaman ni Tito ang nangyari ay sinubukan nilang isalba ang kompanya pero huli na dahil na bili na ng mga Romualdez ang kalahati ng shares at ownership nito." Saad nito.

Napasinghap ako dahil hindi ako makapaniwala na nangyari ang bagay na iyon at alam kong si Papa Marco ang nag taguyod ng kompanya pinamana niya kay Marucs matapos naming maikasal.

"Nasaaan na ngayon sila Mama at Papa?" Tanong ko.

Dahil naging malapit ako sa magulang ni Marcus mula ng maging mag nobyo kami.

"Nasa Davao sila ngayon nag bakasyon sila doon dahil simula ng mawala ang ownership sa kanila ay medyo na hirapan na sila sa ibang negosyo nila. Nang malaman nila papa na umalis ka pinalayas nila si Marcus."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman isa lang ang alam ko ngayon maraming na apektohan ng mag hiwalay kami Marcus pati pamilya at kompany nila ay na damay dahil sa problema naming dalawa.

Kaya ngayon pati ang anak naming si Maris ang pinakamaapektohan sa sitwasyon namin.

Nanlumo ako sa aking na isip hindi ko kaya na mahirapan ang anak ko nang dahil lang sa problema namin ng ama niya. Ayaw kong lumaki si Maris na may kulang sa pagkatao niya.

"Nasaan na ngayon si M—marcus?" Tanong ko rito.

Bigla itong na gulat sa itinanong ko dahil siguro hindi niya inaasahan na mag tatanong ako tungkol dito.

Kapakanan lang ng anak ko ang iniisip ko ngayon rito. Hindi para sa pang sariling interest dahil kung ako lang ayaw ko ng maugnay sa kung ano man tungkol sa kanya, pero hindi ko naman pwedeng ipagkait sa anak ko na magkaroon ng isang ama.

"H—hindi namin a—alam kung nasaan siya simula nung pinaalis siya nila Tito wala na k—kaming naging balita kay Marcus." Malungkot na turan ni Trisha  sa akin.