Chereads / Heart Moon / Chapter 1 - PROLOGUE

Heart Moon

🇵🇭LanaCross23
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 30.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

She is innocent, lovely, sweet, kind  and all the man can ever want. But she is mine my Sky, Heart, my Moon no one will ever touch my heartmoon the way i touch her.

I fell in-love with her even more and forever.

( Rafael Endymion )

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan ko nandito ako ngayon sa harap ng condo ng fiance ko dalawang linggo na lang at ikakasal na kami sobrang saya ko na sa wakas ay mapapasaakin na siya at makakasama ko na s'yang bumuo ng pangarap kong pamilya.

Napangiti ako dahil alam kong hindi niya alam na bumalik ako dito sa Manila nang mas maaga taliwas sa sinabi ko sa kanya gusto ko lang siyang i-surprise bago ako nagpunta dito ay bumili muna ako sa flower shop kanina ng white-roses symbolise of purity, my Lira, is still virgin sa loob ng dalawang taon naming magkasintahan ay ni minsan hindi ko pa siya nagagalaw dahil gusto ko na malinis siyang iharap sa tahanan nang diyos gaya ng tradisyon ng aming angkan mula pa sa aming mga ninuno sa Albay.

Tanging halik lamang ang aming pinagsasaluhan at kumpleto na ako doon, Lira is sweet, kind and beautiful woman nakilala ko siya noon sa isang event, i suddenly feel the attraction to her that time hangang sa ako ang gumawa ng paraan para makilala ko pa siya ng lubusan at doon ay unti-unti akong nakapasok sa buhay niya linigawan ko siya ng tatlong buwan kahit yun ang kauna-unahan kong panliligaw sa isang babae salamat sa Lolo ko na nagturo sa akin ng tamang panliligaw sa isang babae, nang sagutin niya ako ay wala akong kasingsaya dahil mahal na mahal ko siya and after two years na magkasintahan ay four months ago ay inaya ko na siyang magpakasal na sinagot niya ng 'Yes' kaya sobrang saya ko.

Lumapit ako sa harap ng receptionist at ngumiti sa babae pero para siyang nakakita ng multo dahil nanlalaki ang mata niya at parang takot na ipinagtaka ko nakaramdam ako ng konting kaba pero huminga lang ako nang malalim.

"Miss pupunta ako sa unit ng Ma'm Lira mo, may problema ba?" Kilala ko ang mga staff dito gayon rin sila sakin dahil ang condominium na ito ay isa lamang sa mga pagmamay-ari ng pamilya ko.

"Sir! hindi po namin alam na makakabalik kayo ng maaga" kinakabahan n'yang turan kinutuban ako na may parang gusto siyang sabihin kaya sumeryoso ako.

"Nandyaan ba si Lira?" Tanong ko tumango siya nang marahan.

"So..orry po Sir, kung ano man ang makita at malaman niyo natakot lang kami magsumbong sa inyo" nakayuko niyang turan nagmadali akong pumasok ng elevator at nanginginig ang kamay ko na pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Lira, hindi ko alam pero ayaw kong mag-asume pero baka kung ano lang ang sinabi ng receptionist kanina.

Nang lumabas ako sa elevator ay nagmadali akong pumunta sa dulo ng pasilyo kung nasaan ang unit ni Lira, sa nanginginig kong mga kamay ay isin-wipe ko ang card at bumukas ito sa bungad pa lang ay nakarinig na ako ng sigawan kaya napahakbang ako papunta sa kusina kung saan rinig ko ang away ng dalawang taong hindi ko akalain na magagawa akong traydurin.

"Ang sabi mo hihiwalayan mo siya Lira! tapos ngayon magpapakasal ka sa kanya at ngayon ko lang nalaman ha!" Galit ang boses na may paghampas pa sa bar counter ng lalaki.

"Wag mo na akong awayin honey pwede ba gagawin ko lang iyon dahil mapera siya at magagamit ko ang kayamanan niya para sa atin maniwala ka hindi ko kailanman minahal ang nerd naiyun atsaka ang pangit niya hindi ko iyon magugustuhan nagtatyaga lang ako dahil sa mga luho ko na hindi mo maibigay!"_Lira

"Siguraduhin mo lang yan kundi mawawala ako sayo pati ang anak natin hindi mo na makikita!"

Nanlaki ang ulo ko at pati ang puso ko ay parang piniga sa sobrang sakit nagawa kong hubarin ang salamin ko at hinilot ang sentido ko napapikit ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, ang babaing minahal ko ng sobra at ang itinuring kong kapatid at matalik kong kaibigan ay matagal na akong tinatraydor nabitawan ko ang bouque ng bulaklak at kasama ng susi ng kotse ko dahilan para magkaroon ng ingay kaya nagmadali silang pumunta sa kinaroroonan ko.

"Oh my god Love!" Kunwaring gulat ng babae kasunod ang lalaking gulat na gulat rin.

"Lumayas kayo sa loob na ito bago pa mandilim ang paningin ko at mapatay ko kayong dalawa!" Nanginginig ang boses kong sabi. "Maniwala kayo kaya kong gawin yan ngayon mismo!" Mahinahon ko uling turan sa kanila nagtitimpi akong napatingala ayaw ko nang magsalita dahil baka hindi ako makapagpigil.

"Love makinig ka muna saakin magpapaliwanag ako" nagawa pa niyang magdrama habang umiiyak kaya tumingin ako ng buong pait sa kanya ang babaing minahal ko nang buong puso ay nagawa akong paglaruan at saktan tama nga sila wag kang magpapabiktima sa babaing may maamong mukha dahil nasa loob ang kulo ng mga ito kaya pala ayaw sa kanya ni Mama at Lola, ay kita nila ang baho ng ugali ng babaing ito.

"Alis! Bago ko pa kayo mapatay!" Hiyaw ko nagmadali silang lumabas ng unit tumungo ako sa intercom at tumawag ng guard at sinabing palabasin ang dalawang iyon walang gamit na dadalhin ang kotse ay hindi nila pwedeng dalhin dahil lahat ng pag-aari ng babaing iyon ay saakin nanggaling.

Napaupo ako at sapo ang ulo ko habang humagulhol atsaka napahiyaw sa sakit ng kalooban, nerd pala at pangit uh!. Oo dahil sa makapal kong salamin at sa baduy kong pananamit para itago ko ang totoong itsura at sarili ko para makakita ng babaing walang pakialam sa itsura basta mahal niya ito ng lubos at may malinis at busilak na puso isang bagay na naging pagkakamali ko kay Lira dahil akala ko siya na ang babaing iyon pero napakalaking pagkakamali ang nagawa ko.

Two weeks later...

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok sa pinto hindi ko pinansin at nagpatuloy lang sa pag-inom napakamiserable ko ngayon matapos kong malaman ang panggagago sakin ng dati kong fiance at nang lalaking itinuring kong kaibigan kaya heto hindi ko parin matangap ang ginawa nila hindi ko parin matangap at sana panaginip lang ang lahat.

Noong nakaraang linggo ay pumunta pa talaga dito sa aming bahay ang babaing iyon pero bago yun ay nasabi kona kina Mama at Lola ang nalaman ko nagalit sila at tama sila na sabay nagsalita. 'I told you so' pero inunawa nila ako at sinabihan na hindi para saakin ang katulad niyang babae buti nalang daw ay hindi pa kami ikinasal ng malaman ko.

Nang magpunta ang babaing iyon dito ay hinarap ko siya wala na ang piluka kong buhok at makapal na salamin at ang brace ko wala na ang pangit na lalaking linoko niya kundi ang lalaking gwapo at may pangmodelong tindig halata ang gulat niya, pero nandoon ang bakas ng panghihinayang na ikina-singasing ko sina Mama at Lola ay pinatikim siya ng kambal na sampal hinayaan ko sila at muling bumalik sa kwarto ko wala na akong narinig mula doon.

"Anak tumigil kana dyan sa kakamukmok at kakainom, seriously hangang ngayon nasasaktan ka parin dahil sa walang kwentang babaeng iyon!" Lumapit saakin si Mama, at inagaw ang alak sa kamay ko at ipinatong sa mesita sa sulok atsaka binuksan ang kurtina sa bintana ng kwarto ko.

"What do you want Mom. Hindi dahil doon kaya ako naglalasing ang ego ko Mom ang nasaktan bilang isang lalaki" puno ng suklam kong turan lumapit muli saakin si Mommy. Atsaka ako hinawakan sa pisngi ko at hinaplos ito.

"Anak tama na move on na hindi siya ang babae para sayo at nagpapasalamat ako dahil nalaman mo agad iyon may tamang babae na nakatadhana para sayo so get up maligo ka at maglibang maglayag ka sa karagatan anak para malimutan mo ang mga nangyari nasa davao, ang Kuya mo nagpapasundo iyon gamitin mo daw ang yate papunta doon" nakinig lang ako kay Mom, at tumango pupunta ako ng davao tama sa karagatan ako maglalayag para makapagmove on. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi na muling magtitiwala sa mga babae.

*Isla Malinao, Catanduanes*

Naglalakad ang isang dalagita sa dalampasigan ng isla nang may makita siyang parang may bagay na nasa tabi ng dagat kaya tinungo niya ito kaagad, nagulat pa siya ng makita n'yang hindi bagay kundi tao na walang buhay kaya nahintakutan siya pero nanaig ang kuryosidad niya at lumapit sa taong nakita niya. Lumapit siya sa nakatihayang tao, isang lalaki pala ito na walang malay at may mga pasa sa katawan hinawakan niya agad ang pulso nito at natuwang may buhay pa ang lalaki hindi niya pinansin ang mukha ng lalaki bagkus ay nagmadaling bumalik sa kanilang tahanan at tinawag ang kanyang ina upang ipaalam na may lalaking walang malay ang nasa dalampasigan ng kanilang isla.