Ito ang araw na pinakamasakit sa akin wala parin akong tigil sa pag-iyak dahil sa mga nangyari nawala na si Nanay.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos na maisip na kung bakit niya iyon ginawa ang iwan akong mag-isa pagkatapos niyang sabihin sakin ang buong katotohanan kahit si Kuya Rafael ay walang masabi sakin kaya sobra ang lungkot ko kahapon ay maayos pa at nagpaliwanagan na kami ni Nanay, pero ngayong paggising ko ay hindi ko na siya makita, magkatulong kami ni Kuya na hanapin siya pero nakita lang namin ang isang sulat na kailangan niyang umalis at pinagbilin niya ako kay Kuya Rafael, ang bangka ay nandoon parin indikasyon na umalis na talaga siya at dumaan marahil sa kabundukan palayo dito sa isla pati ang ilang mga damit niya ay wala narin.
Iniwan na niya ako na wala man lang pasabi kung saan siya pupunta.
Napatingin ako kay Kuya Rafael na umupo sa tabi ko bakas sa kanya ang lungkot kahit siya ay hindi makapaniwala na bigla na lang umalis si Nanay.
"Babalikan ka niya wag kang mag-alala nandito lang ako." Muling bumagsak ang mga luha ko kinabig niya ako payakap sa kanya kaya lalo akong napaiyak, ano na ang gagawin ko ngayon bakit naman niya kasi ako iniwan dito kung wala si kuya Raphael paano na ako...
"Baby! Come here." Napalingon ako kay Rafael na masayang kumakaway saakin mula sa labas nang bahay kaya napatakbo ako papunta sa kanya.
"Ano po iyon?" Yinakap niya ako bigla kaya napatawa ako.
"Wala marami akong nahuling alimasag kaya masaya ako," napatawa na lang din ako sa sinabi niya, araw-araw ay masaya kami kahit ilang linggo na nang umalis si Nanay, walang araw na hindi ako masaya at ang dahilan nun ay ang lalaking mahal ko.
"Halika ka't lutuin na natin ito para makakain na tayo" napatango ako atsaka kami magkahawak nang kamay na pasok sa bahay.
Tawa ako nang tawa sa mga kwento ni Rafael kaya halos mamilipit na ako sa sakit nang tiyan, sabi niya wag ko na siyang tawagin na kuya kaya tawag ko na lang sa kanya ngayon ay Rafael.
Isang masarap na hapunan ang pinagsaluhan namin at magkatulong din kami sa pagliligpit nang pinagkainan namin habang nagsasabon ako ng mga plato ay bigla na lang siyang yumakap ng mahigpit sakin mula sa likod kaya bigla akong kinabahan, hindi takot kundi kakaibang damdamin ang nararamdaman ko sa tuwing yumayakap siya sakin.
"Ang sarap ng ganito, Love..." Malambing niyang turan habang hinahalik halikan ang leeg ko, napangiti ako sa sinabi niya.
"Doon kana nga naghuhugas pa ako baka masabuyan kita ng sabon diyan." Medyo pinairita ko ang boses ko kaya napatigil siya sa paghalik sakin.
"Okay...how about i do this to you hmmm." Napatili ako sa biglang pagpunas niya ng sabon sa mukha ko kaya napatawa siya ng malakas, pero gumanti ako at iwinisik sa kanya ang sabon kaya sa huli ay pareho kaming basa dahil naglaro kami ng habulan habang may mga sabon ang mga kamay namin na iwiniwisik sa isa't isa. Puno ng tawanan ang munting bahay namin sa gitna ng isang madilim na gabi.
Naglalatag na ako ng banig ng pumasok si Rafael kaya napahinto ako sa ginagawa ko, pinanood ko kung paano niya isara ng mabuti ang mga bintana at pinto sumilip pa siya sa bintana bago siya pumunta sa kusina at alam ko na isasara din niya ang pinto doon.
Napansin ko na maingat siya masyado kailangan muna niyang i-check ang lahat ng pinto bago magpahinga.
Mula nang umalis si Nanay ay dito na siya natutulog kasama ko at magkatabi na kaming matulog dahil gusto niya ay lagi kaming magkasama bagay na ikinasasaya ko.
"Tapos kana ba?" Napalingon ako sa kanya pero nagbawi din agad ako ng tingin dahil nakahubad siya at pinupunasan ng basang towel ang katawan niya.
"Oo tapos na pwede na tayong matulog" sagot ko sa kanya, tinangal ko na mula sa pagkakatali ang buhok ko atsaka ko kinuha ang suklay at sinimulan itong suklayin, naalala ko si Nanay na sa tuwing ganito na matutulog na kami ay sinusuklay niya muna ang buhok ko iniwan na niya ako kaya ako na lang ang gagawa nito mag-isa.
"Ako na gagawa niya." Natingin ako kay Rafael na umupo sa likodan ko at kinuha sakin ang suklay na iniabot ko sa kanya.
Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko ng dahan-dahan.
"Ang lambot ng buhok mo Love..." Malapit siya sakin kaya ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa batok ko namula ako at napahawak sa suot kong bistida, hindi ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing malapit si Rafael ay lagi ko na lang nararamdaman ang ganitong damdamin mula pa noong matagpuan namin siya ni Nanay sa dalampasigan.
"Alaga kasi yan ng Palmolive" pinilit kong makapagsalita atsaka ako huminga ng malalim.
Nagpatuloy na lang siya sa pagsuklay sa buhok ko baba't taas na may kasamang haplos atsaka niya hahalikan ng marahan ang ibabaw ng ulo ko, naging normal narin ang tibok ng puso ko kaya napanatag na ako.
Hanggang sa tamaan na ako ng antok ang naalala ko na lang ay ang paghiga niya sakin sa banig at ang pagyakap ng mainit niyang mga braso sa katawan ko doon na ako tuluyang nakatulog ng mahimbing.
*Rafael pov*
Matapos kong maihiga si Love sa banig ay humiga narin ako sa tabi niya atsaka siya yinakap, hindi muna ako natulog at nagiisip sa mga nangyayari.
Nakakapagtaka na bigla na lang nawala ang ina ni Serenety gayong ang nagiisang bangka na ginagamit niyang papuntang bayan ay nasa Aplaya maliban lang kung dadaan siya ng bundok at maglalakbay ng ilang araw, iyon ang kwento ng mag-ina sakin pero walang gugustuhing maglakbay sa mapanganib na kagubatang iyon.
Kailangan naming makaalis dito ni Serenety at makatawag sa bahay para sabihin sa kanila na buhay ako marahil au nagaalala na sina Mama at Papa pati narin ang mga kapatid ko.
At kailangan ko rin na pagbayarin ang mga walanghiya na iyon na nagtangkang magpapatay sakin, hindi ako makapaniwala na magagawa nila ang bagay na iyon mga walang puso anh tanging gusto lang ay pera.
Baka mapatay ko pa sila pagnagkataon at sisiguraduhin ko na mabubulok sila sa kulungan.
Kinalma ko na lang ang sarili ko at nahiga sa tabi ni Serenety na mahimbing na natutulong, pinagmasdan ko siya napakaganda hindi nakakasawang titigan, sa tagal kong karelasyon ang dati kong nobya ay ni minsan hindi ko ginawa ang ginagawa lo ngayon kay Serenety ang konteto nang damdamin ko na nakatingin sa anghel na ito.
Mahal ko siya, mahal na mahal ko ang babaing ito at sisiguruduhin ko na pag-uwi ko saamin ay pakakasalan ko na siya.
Napangiti ako at pauli-ulit na hinalikan ang mga labing niyang kay sarap halikan.