*Serenity pov*
Halik...kanina ko pa hinahawakan ang mga labi ko pakiramdam ko ay namamantal na siya, sobra din ang pula ng mga labi ko baka mahalata ni Nanay at magtanong siya. Ano ang sasabihin ko? Napabuntong-hininga na lang ako hindi ko alam kung bakit kailangan kong magustuhan iyon halik iyon at ang halik ay para lamang sa mga mayroong karelasyon tulad ng mga mag-kasintahan o mag-asawa, eh wala naman kaming relasyon ni Kuya kaya sa palagay ko mali ang ginawa namin pero nakaramdam ako ng kakaiba lalo at tuwing hahawakan niya ako at ang halik na iyon ay nagugustuhan ko kahit alam kong bawal.
Tumanaw na lang ako sa papalubog ng araw at hinihintay si Nanay. Napatingin ako sa may kubo ni Kuya nakita ko siyang nakatanaw din sa dagat parang ang lalim ng iniisip niya. Nakakalungkot nga lang alam kong pinipilit niyang maka-alala pero lagi din sumasakit ang ulo niya. Tulad kanina ng nasa ilog kami.
Bigla siyang tumigil sa paghalik sakin dahil biglang kumirot ang ulo niya at muling humingi ng tawad.
'Gusto kong makaalala para hindi na ako maging misteryo sa inyo' iyon ang sinabi niya yumakap na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano siya matutulungan.
Kumabog ang dibdib ko nang tumingin siya sa gawi ko, kumaway siya kaya kumaway din ako.
Maya-maya pa ay natanaw ko na si Nanay kaya lumabas na ako ng balkonahe.
"Nay!" Masaya kong salubong sa kanya pero nawala ito ng makita kong balisa si Nanay.
"Serenity, anak!" Yinakap ako ng mahigpit ni Nanay na ipinagtaka ko. Bakit ganito parang pakiramdam ko ay madudurog ang puso ko sa nakikita ko.
"Anak, Mahal na mahal ka ni Nanay, tandaan mo yan ha" Napatango ako kay Nanay at yinakap ko lang siya ng mahigpit.
"Mahal na mahal din kita Nanay." Tumulo ang luha ko nang hindi ko namalayan, napatingin ako kay kuya na mataman lang siyang nakatingin saamin. Sa paraan ng tingin niya ay magiging ok din ang lahat.
Nandito na kami sa bahay nakaupo lang ako at nakasunod ang tingin kay Nanay, hindi parin nawawala ang kaba ko para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
"Nay, ano po nangyari sa inyo kanina sa bayan?" Lakas loob kong tanong napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin saakin.
"Anak, maniniwala ka ba kung may ibubunyag akong sekreto sayo?" Kinabahan ako sa sinabi ni Nanay, sa labing-anim kong kasama si Nanay at si Lola ay sila na ang tumayo kong pamilya at bukod doon ay wala na at matagal narin kaming nakatira dito sa isla, pero bakit ngayon na mayroong sikreto si Nanay ay parang unti-unti kong matutuklasan ang tungkol sa pagkatao ko.
"Aling Nelly?" Narinig kong kumatok si Kuya kaya binuksan ni Nanay ang pinto. Pumasok mula doon si Kuya balisa din siya. Ano ba nangyayari?
"May problema ka ba hijo?" Tanong ni Nanay dito sabay upo sa kawayang upuan.
"I know who i am now, I remember everything" hindi ko naintindihan ang sinabi ni Kuya, pero si Nanay ay naguguluhang tumingin kay kuya parang naintindihan niya ang sinabi nito.
"Anong nangyari sayo hijo bakit may tama ka nang baril at agaw-buhay ng araw na iyon?" Tanong ni Nanay seryoso ang boses niya, napatingin ako kay Kuya kinakabahan ako sa maari niyang ibunyag, naaalala na niya sarili niya ibig sabihin nun ay babalik na siya sa kanila, at hindi na kami magkikita bigla akong nalungkot sa bagay na iyon dahil kaming dalawa nanaman uli ni Nanay sa islang ito.
"Ako po si Rafael Endymion Saavedra. At yung nangyari sa akin ay hindi aksidente, may mga tao na nagtangkang pumatay sakin." Nagulat kami ni Nanay, sa sinabi niya napatingin siya sakin kaya napayuko ako.
"I manage to survive in that killers, nasa yatch ako at sila ang kasama ko doon, pero hindi ko rin alam na sila din ang magpapahamak sakin. Nakaligtas ako dahil nagawa kong mapatay ang isa sa kanila ang isa naman ay napaamin ko at nalaman ko kung sino ang gumawa. Pero sumabog na yung yate at buti na lang ay nakatalon ako sa dagat, and here i am, i survive" Nagpasalamat ako sa diyos dahil nakaligtas si Kuya Rafael, at nalaman niya kung sino yung taong nagtangka sa buhay niya.
"Hijo mabuti naman at nakaligtas ka sa mga taong iyon" nahihintakutang turan ni Nanay, buti na lang at nakaligtas siya hindi ko alam na mayroon palang mga ganoong klase ng tao. Kaya nilang pumatay ng kapwa isang makasalanang bagay na labag sa mata ng mga tao lalo na sa mata nang Diyos.
"Kayo po bakit nandito kayo sa ganitong lugar, may pinagtataguan ba kayo?" Biglaang tanong ni Kuya kaya napatingin ako kay Nanay. Tinatagong ano?
Napatingin tuloy ako kay Nanay.
"Isa lang kaming dayo sa lugar na ito, ang aking ina ay pumanaw na at nang mawala siya ay hindi narin kami bumalik sa kabihasnan" tama iyon dahilan para dito narin kami naglagi ni Nanay at wala namang naging problema dito dahil wala namang sumita saamin sa loob ng maraming taong pananatili namin dito.
"Si Serenity hindi ko siya totoong anak" bigla akong napatingin kay Nanay, sa sinabi niya nakatingin din siya sakin at malapit nang umiyak.
"A...ano po ibig niyong sabihin, Nay?" Gumagaralgal kong tanong lumapit siya sakin at yinakap ako ng mahigpit pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa rebelasyon ni Nanay.
Papaanong nangyari iyon buong buhay ko ay ni minsan wala akong inisip na anak ba talaga ako ni Nanay, siya ba talaga ang ina ko pero ngayong nalaman ko ang katotohanan ay parang pinipiga nang husto ang puso ko sa sobrang sakit pero wala naman akong maramdamang galit kay Nanay, tampo meron pero hindi naman malalim.
Tumayo ako atsaka lumabas nang walang paalam sa kanila dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katotohang nalaman ko lang ngayon lang, nasasaktan ako pero hindi ko maisip na sumbatan si Nanay dahil siya ang nag-alaga saakin mula nung bata pa ako.
Naupo ako sa buhanginan at yumupyup sa mga tuhod ko at umiyak.
An: antagal din hahaha well enjoy😊