Chereads / Heart Moon / Chapter 2 - CHAPTER ONE

Chapter 2 - CHAPTER ONE

*Heart Serenety*

Kanina pa ako nakatingin sa lalaking wala paring malay hanggang ngayon, binilang ko sa kamay ko noong unang araw na makita ko siya sa dalampasigan na akala ko ay wala ng buhay, lagpas na sa sampu kong daliri ang araw na iyon pero hangang ngayon ay wala paring pagbabago sa kanya tulog parin siya sabi ni Nanay ay comatose daw ang tawag doon buti na lang at magaling si Nanay manggamot. Nailigtas niya ang lalaki ginamot niya ito gamit ang mga halamang gamot, isang herbalis at dating nurse si Nanay natutunan niya iyong panggagamot mula sa halamang gamot mula pa kay Lola at yung mga halamang gamot ay kami mismo ang nagtanim sa likod-bahay namin dahil kapag nagkakasakit ako ay iyon ang nagpapagaling sakin idagdag pa na naging nurse si Nanay, at sa awa naman ng diyos ay naghihilom narin ang mga may kalakihan niyang sugat sa bandang tagiliran nakabenda din ang ulo niya pati ang mga braso niya ay may maliliit din na sugat na unti-unti naring naghihilom.

Sino kaya ito mukha naman siyang mabait dahil sa maamo niyang mukha at napaka gwapo niya walang panama ang itsura ni Piolo Pascual sa kanya yung artista na minsan kong napanood sa telebisyon nang minsan akong isama ni Nanay sa bayan pero ibang-iba talaga siya sa artistang iyon.

Ang lalaking natutulog ay gwapo at mayroong matangos na ilong at makipot na labi at mapupula narin siya dahil nagbabalik na ang kulay niya na nung una ay namumutla pa iniwas ko na ang tingin sa kanya at inayos ang kumot na nagsisilbi n'yang pantakip sa katawan niyang hubad dahil hindi pa siya pwedeng damitan sabi ni Nanay dahil sa mga sugat niya.

Nang lumabas ako ng maliit naming kwarto kung saan nakahimlay ang lalaki ay pumunta ako sa kusina at naghanda na ng pananghalian wala pa si Nanay, na maagang pumunta ng bayan para ibenta ang mga gulay at prutas na inani namin sa mismong bakuran namin at sa paanan ng bundok kung saan mayroon din kaming pananim iyon ang nakakatulong samin para mabuhay at makaraos sa pang araw-araw payapa naman kaming naninirahan dito sa Isla Malinao isang maliit na isla dito sa Catanduanes dito na ako lumaki at nagkaisip kasama si Nanay at si Lola naalala ko si Lola namatay na siya magtatatlong taon narin nang igupo siya nang sakit at dala narin ng katandaan hangang ngayon nalulungkot parin ako sa pagkawala niya.

Ako nga pala si Heart Serenety, labing anim na taong gulang na ako, mayroon akong malaporselanang kutis kahit nasa tabing dagat na ako namulat ay hindi nagbago ang kulay ang balat ko dahil natural ko itong kulay, may mahaba din akong buhok na mamula mula bakit mamula mula? Hindi ko din alam wala naman sinasabi si Nanay at isa pa ay maganda ako iyon lagi ang sinasabi ni Nanay kaya hindi niya ako sinasama sa mga lakad niya sa bayan.

Nagpunta na lang ako sa kusina para maghanda ng tanghalian, nagparikit na ako nang apoy sa kalan at hinanda ang kaldero at kumuha nang bigas sa lata ng biscuit, dito nakalagay ang aming bigas kalahati na lang siya mahigit isang buwan na namin itong kunsumo dahil dalawa lang kami ni Nanay.

Nang makapagsaing ako ay naghimay naman ako ng dahon nang malungay na igugulay ko, ito ang pinakapaborito kong gulay ginataan na may sahog na daing na isda o kaya minsan ay tinapa pero dahil wala nang tinapa ay daing na tuyo nalang ang isasahog ko.

Malapit na akong matapos sa pagluluto ng marinig ko ang boses ni Nanay, mula sa labas kaya iniwan ko sandali ang ginagawa ko.

"Heart anak nandito na ako!" Lumabas ako ng bahay namin at sinalubong si Nanay na may bitbit na mga plastic na pinamili niya kaya kinuha ko yung iba sa kanya.

"Andami po nito Nay naibenta n'yo lahat ng ani natin?" Masaya kong tanong sa kanya.

"Oo anak may pumakyaw nang paninda ko at binayaran ako ng malaki kaya eto nakapamili ako ng mga delata at may bigas din akong binili nasa bangka pa unti-untiin na lang natin dahil isang sako din iyon may mga damit din akong binili at panloob mo sa isang plastik at panlalaking damit para sa pasyente natin." Masayang turan ni Nanay, kaya napangiti rin ako at sabay kaming pumasok sa loob nang aming bahay inilapag ko ang mga plastik at tsaka tiningnan ang sinaing ko na kumulo na kaya tinangal ko ang ilang gatong para hindi masunog.

"Nagsaing kana pala anak mayroon akong biniling isang kilong karne na pang adobo at pangsigang para naman makatikim naman tayo nang sinabawang karne kahit isang beses sa isang buwan" napatango ako kay Nanay kaya kinuha ko na ilang plastik na nakapatong sa upuan at inilabas ito isa isa, atsaka inayos sa cabinet namin ang mga de-lata.

"Hindi parin nagigising ang lalaki nag-aalala na ako sa kanya" pumasok si Nanay dito sa kusina at nakapagpalit narin siya ng pangbahay marahil ay sinilip muna niya yung lalaki.

"Oo nga po eh akala ko nga magigising na siya kahapon dahil umungol siya pero baka nanaginip lang siya" kahapon kasi ay akala namin ni Nanay ay magigising na siya dahil umuungol siya pero hangang doon lang pala iyon at nahimbing uli siya sa pagtulog.

"Magigising din po siya Nay" turan ko. "At malalaman narin natin kung sino siya at kung ano ang nangyari sa kanya." Napatango na lang siya at pinagtulungan namin ang pagsasaayos nang mga pinamili niya at sa paghahanda narin nang aming tanghalian.

Nang sumapit ang gabi ay naglakad-lakad muna ako sa dalampasigan bago matulog napakaliwanag nang gabi dahil sa buwan full-moon ngayon kaya napakaganda niyang tingnan kumukulay na parang kristal ang repleksyon ng buwan sa dagat kaya lalong nagpapaganda talaga sa kanya, may mabini ring hangin na tumatangay sa buhok ko kaya napapikit ako na may ngiti sa labi.

Narinig kong tinawag na ako ni Nanay, kaya bumalik na ako sa loob ng bahay namin pagpasok ko ay nakita ko si Nanay na may hawak na damit.

"Halika anak tulungan mo akong damitan ang lalaki pwede na natin siyang damitan dahil tuyo na ang sugat niya sa tagiliran para hindi narin siya lamigin." Napatango ako kay Nanay at sabay naming pinagtulungan na bihisan ang lalaki hindi ko mapigilan na hindi siya pagmasdan nagbabago narin ang itsura niya dahil nagkakaroon na nang kulay ang mukha niya may mga tumutubong balbas sa kanya na lalong nagpagwapo sa kanya. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko at sinaway ang sarili sa pagkakatitig sa lalaking estranghero.

Natulog kami ni Nanay na magkayakap ganito lagi ang gusto ko manatili sa yakap ng ina mahal na mahal ko siya.

Paggising ko ng umaga ay napaunat pa ako nang mga braso ko at nagkusot nang mga mata, wala na si Nanay marahil ay nasa likod bahay na siya at katulad ng nakagawian niya ay nagdidilig na siya nang aming mga pananim, iniligpit ko na ang hinigaan namin atsaka inayos ito sa kabinet atsaka ako kumuha ng bihisan para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako ng kusina para magluto nang agahan.

Pero bago yun ay muli akong lumabas nang kwarto at pumunta sa kwarto upang silipin ang bisita namin pero nagulat pa ako ng hindi ko siya makita sa papag namin kaya napatawag ako kay Nanay sa likod bahay.

"Nay! Yung lalaki po wala sa kwarto niya" nagulat din si Nanay atsaka ako lumabas nang bahay si Nanay ay galing sa likod bahay.

"Naku hindi ko napansin eh hindi ko siya tiningnan kanina paggising ko." Napatango ako kay Nanay at luminga sa paligid baka sakaling naglakad-lakad lang ang gising nang lalaki.

"Nay, maghahanap po ako diyan sa dalampasigan baka nandyan lang yung lalaki" paalam ko kay Nanay na napatango na lang.

Naglakad ako na may konting bilis kinakabahan ako baka umalis na yung lalaki pero imposible dahil nasa aplaya pa ang aming bangka nagpatuloy ako sa paglinga-linga baka nasa malapit lang ang lalaki malayo na ang linakad ko pero hindi ko parin siya makita parang gusto kong maiyak dahil hindi ko siya makita pero nagpatuloy lang ako nasa bandang dulo na ako nang isla sa may batuhan ang dulo ng isla ay mga naglalakihang bato. Natanaw ko ang isang bulto na nakaupo sa bato at nakatanaw lang sa karagatan napahinga ako ng maluwag at napangiti dahil nakita ko din siya akala ko hindi na.

Naglakas loob akong lumakad palapit sa kanya at tinawag sya.

"Manong!" Iyon ang tinawag ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang pangalan nya. Bigla s'yang napalingon saakin na nagpalakas nang tibok ng puso ko sa unang pagkakataon na masilayan ko ang kulay ng mga mata niya na nagpalambot ng mga tuhod ko

"Ano ba ito bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko?"