Chereads / I Hate You, It's A Lie! / Chapter 3 - Make A Bow and Kiss

Chapter 3 - Make A Bow and Kiss

Chapter 3: Make A Bow and Kiss

Eclair's Point of View

Narito na ako sa LRT1 kung saan kami magme-meet ngayon ni Vince at kasalukuyan akong naghihintay sa pagdating niya. Kararating ko lang naman pero parang ilang oras na 'kong naghihintay rito. Hindi naman ako excited na makita siya dahil palagi ko naman siyang nakikita siyang nadadatnan sa Hojas University.

Siguro sadyang maikli lang talaga ang pasensiya ko sa mga ganitong bagay kaya kaagad 'agad akong nag text sa kanya. Ngunit magte-text pa nga lang ako nang may huminto na sa harapan ko. Inangat ko kaagad ang tingin ko at nalamang si Vince na ito kaya ako naman itong nagpameywang at sinimangutan siya.

"Hoy, ba't ngayon ka lang?" nguso kong tanong na ikinangisi naman niya. Nakasuot siya ng Green Floral Polo and Cargo shorts. Isama mo pa na nagbago yata ang pabango niya ngayon gayun din ang kanyang buhok.

"Gusto mo na 'kong makita niyan?" pang-aasar niya kaya mas sinimangutan ko siya't sinipa ang tuhod niya. "Aray!"

Nauna na lamang ako't nilabas ang card para makapasok mula sa railcards. "Uy! Wala pa 'kong card!" sigaw niya kaya inabot ko sa kanya ang card at nginitian siya.

"Wala na tayong problema." tinalikuran ko na siya't naglakad na nga. Sumunod lang siya tapos sumabay sa akin matapos niyang makaraan sa railcards.

Hindi kami gumamit ng sasakyan niya dahil sa coding siya't magiging mabagal pa raw ang biyahe kung gagamit kami ng kotse. Kung sabagay, traffic din naman kasi.

Naglalakad kami papunta sa pila, at gaya ng rules dito ay dapat magkahiwalay ang girls and boys pero dahil sa magkasama kami nito ni Vince ay nagsama na lamang kami. "Dito ka na lang sa boys, tutal lalaki ka naman." biro niya noong makahinto kami sa pila ng mga boys kaya binigyan ko siya ng masamang tingin at akmang susuntukin ang braso niya noong makuha niya ito't hawakan.

Sa hindi malamang rason, hindi rin kaagad ako nakaimik at hinayaan siya hanggang sa ibaba niya iyon at bigyan ako ng kakaibang ngiti sa labi.

Walang nagsalita ni isa sa amin at dinala lang niya ako sa pila ng mga babae, "Hahayaan ko ba namang dalhin ang prinsesa ko sa kapahamakan?" tanong niya't dahan-dahang itinaas ang kamay ko upang halikan niya ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

Ako naman itong nakatitig sa mata niya hanggang sa mapansin kong nakatingin na ang mga lalaki sa amin kaya mabilis kong hinila pabalik ang kamay ko't umiwas ng tingin upang hindi niya makita kung gaano kapula ang mukha ko ngayon.

Naramdaman ko lang naman ang pagngiti niya kaya mas lalo tuloy akong nahiya.

***

SA LOOB ng tren. Dahil sa puno na rin ang tao ay pareho na lamang kaming nakatayo ni Vince. Nakatalikod ako sa kanya dahil hindi pa rin nawawala ang hiya ko.

Sa totoo lang, naiinis ako! Ano ba'ng ginawa ng mga kaibigan ko sa akin at nagkakaganito ako.

Hindi ko magawang umarteng normal kapag nandiyan sila. Kapag magkakasama lang kami ng solo, para akong hindi makabasag pinggan.

This is not me! Sh*t!

***

Humarap na ako kay Vince na magkasalubong ang kilay, "Hoy--" tatawagin ko pa lang siya noong biglang huminto ang tren kaya ka-muntik muntikan pa 'kong ma-out of balance na mabuti na lang ay nandiyan si Vince para kapitan ko. "Sor--" pagkamulat ko pa lang ng tingin ay mukha kaagad ni Vince ang nakita ko kaya muli nanaman akong tumalikod.

GAGA KA ECLAIR!!!

"Uy, ang sweet naman no'ng dalawang 'yon."

"Tayo rin, babe."

Inilapit ni Vince ang bibig niya sa tainga ko, "What is it, my Princess." sabay hawak nanaman sa kamay ko dahilan para magsiakyat nanaman ang dugo sa mukha ko. Iritable ko siyang tiningnan.

"Stop holding my hand, you bastard." I said as I blushed.

Pero ano ang ginawa niya? Kinagat niya 'yong balikat ko kaya sa gulat ay nakagawa ako ng unintentional sound. He immediately covered my mouth.

"A-ang ingay mo!" pabulong niyang sigaw na mukhang nahihiya pa yata.

Paano naman ako, 'no?! Gag* ka talaga, Vince! Hindi ko alam na ganito ka!

***

HANGGANG SA MAKARATING kami sa station namin ay bumaba na kaming pareho. Hindi kami nakapag-usap matapos ng nakakahiyang eksena na iyon dahil mukhang na-misunderstood ng ibang tao ang ginawa kong tunog.

Hindi ko rin naman alam na makakagawa ako ng gano'n!

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Vince habang nakatalikod lang din ako sa kanya, "Grabe, nakarating na rin. Ano pa lang gust--" naputol 'yong sasabihin niya noong malakas ko siyang binatukan.

Nagulat ang mga tao dahil bigla siyang napaupo habang hawak hawak ang ulo.

Napapadyak ako sa simento sa sobrang inis at kahihiyan na nararamdaman. "I'm telling you this, you idiot! Stop doing those kind of things!" bulyaw ko.

Inangat naman niya ang tingin niya't natawa. "You're cute."

Simpleng puri pero muling nakaramdam ng hiya. God, I seriously don't know what to do with him.

Ba't hindi ko alam na may ganito pa lang side si Vince? Hindi naman siya ganito noon.

Nagmartsa na ako paalis sa harapan niya, "Mamatay ka na!"

"Eclair, ang siga mong maglakad! Ang cool cool mo!" habol niya kaya ibabato ko sana sa kanya 'yong hawak na bottled water ni kuya, eh.

Arvin's Point of View

"I see, hindi pa rin pala siya pumayag." parang nadidismaya na sabi ni dad saka tumayo at naglakad. Huminto lang siya noong makahinto ito sa aking tabi. "Ikaw na muna ang bahala kay Eclair, ha?"

Naningkit kaunti ang buhok ko, "Dad, how if we end up being a lover?" tanong ko na hindi kaagad nagpakibo sa kanya, "Will it be okay to you?" dugtong ko.

Lumingon siya sa akin saka ako binigyan ng tipid pero totoong ngiti, "If that will make the both of you happy. Just go." sabay tapik sa balikat ko bago siya umalis sa office niya.

His voice is too light, pakiramdam ko nadadala rin niya ako sa paraan ng pagsasalita niya.

Yumuko ako ng kaunti bago humarap sa pinto na pinaglabasan niya. "I will do my best!"

Vince's Point of View

"Whoa! Hindi mo kaagad sinabi na dito tayo pupunta!" ayan kaagad ang sinabi ni Eclair noong makapasok kami sa Arrowland Archery. Walang masyadong tao dahil weekdays kaya karamihan ay mga na sa trabaho't may pasok.

May ilan naman sa mga tao rito kaya hindi naman ganoon katahimik.

"Hey, look at that hottie over there!"

"She's beautiful."

Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Dalawang amerikano na nasa gilid at pinagmamasdan si Eclair.

"Go and take her number."

Eh?

Ibinaling ko ang tingin ko kay Eclair. Naka-simpleng T-shirt lang siya't maong pants pero nakikita ang kurba ng katawan niya lalo na't nakataas pa ang buhok niya.

Tumikhim ako't lumapit sa dalawang amerikano na iyon. Tumikhim dahilan para pumukaw ang atensiyon nila sa akin.

Tinuro ko si Eclair gamit ang hinlalaki ko, "My girl." sambit ko at tinanguan sila bago nilapitan si Eclair para hawakan ang kanyang kamay. Kaasar, kahit lalaking kumilos, may mga lalaki pa rin talagang gusto siyang kunin.

"Vince." tawag niya sa akin kaya tiningnan ko siya.

"A-ano ba'ng nagustuhan mo sa akin?" tanong niya. Sa ganitong sitwasyon, ano ba ang dapat na isagot sa mga babae para maniwala sila sa sasabihin namin?

Huminto ako't hinarap siya nang hindi inaalis ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Namumula ang pisnge niya at dikit-kilay na nakaiwas ang tingin.

Napangiti ako at niluhod ang kaliwang tuhod. You don't know how adorable you are, Eclair.

Muli kong hinalikan ang kamay niya't pagkasara ko ng aking mga mata.

Ilang sandali pa iyon bago ko imulat at iangat ang tingin para makita siya. Nakaawang bibig na ito at nakatitig sa akin. Mga nagkikislapang mata na hindi maalis alis sa kanyang paningin.

"Everything, princess. Everything."

Eclair's Point of View

Ilang oras na pag a-Archery. Ngayong turn ko na ay huminga ako ng malalim. Hindi talaga ako naniniwala sa sign pero once na itama ko ang arrow na ito sa mismong red dot ng Target board.

Kailangan na naming itigil ang date na ito pagkatapos na pagkatapos naming kumain.

Okay, go!

"Missed!" sabi noong nagvo-voice over mula sa mic matapos kong hindi matamaan ang arrow sa Red dot.

"Tsk!" isa pa! Pumosisyon ako't tinira ang pangalawang arrow pero wala pa rin.

Damn, 2 out of 25 arrows but this is makin' me annoyed already.

Inayos ko ang sarili ko at ini-stretch ang mga kamay kasabay ang pangatlong araw. Nanonood lang sa akin si Vince sa gilid habang hindi inaalis ang ngiti kaya hindi ko naman maiwasang hindi mailang.

Inis ko siyang tiningnan, "Don't look at me! I'll kill you!"

"Sorry, it's just that you're so cute when you are too focus." I just realized this earlier but the praising part is my total weakness.

Itinuon ko na lamang ang tingin ko sa harapan at tumira nang tumira hanggang sa wala rin naman akong naitama sa Target board. "Damn!" iritable kong sigaw.

Lumapit na sa akin si Vince kaya may pumitik na kung ano sa sintido ko, "What? Are you going to tease me or something?" teorya ko.

Imbes na sagutin ay inilapit lang niya ang mukha sa mukha ko dahilan para mapaurong ako, "If I'm able to shoot this arrow on the Red dot." panimula ni Vince saka ipinakita sa akin ang kanan niyang pisnge't tinuro ito. "Give me a kiss."

Malakas na tumibok ang puso ko hindi dahil sa excitement o kahit na ano. Adrenaline Rush ito. STRESS ako!

"HUH?!" hindi makapaniwalang bulyaw sa kanya pero humagikhik lamang ito at pumunta sa isa pang area para kunin ang bow. Pumosisyon at huminga ng malalim.

"Make a bow and kiss." binitawan na nito ang arrow kung saan, isang tira. Bull's eye. Napanganga ako. Maliban sa ang ganda ng form ng kanyang katawan at paraan ng kanyang posisyon. Nakita ko kung gaano siya ka-cool sa paninign ko ng mga oras na iyon.

Lalo na't dahan-dahan niya akong niligon at binigyan ng matamis na ngiti. "The kiss will be mine."