Chereads / I Hate You, It's A Lie! / Chapter 4 - Love and Pain

Chapter 4 - Love and Pain

Chapter 4: Love and Pain

Eclair's Point of View

Pagka-shoot pa lang ni Vince sa mismong bull's eye ng Target board ay napanganga ang mga nakakita sa kanya. Ang mga babae naman sa gilid ay kulang na lang ay magkaroon ng puso sa mata sa sobrang kilig.

Ibinaba ni Vince ang bow at nilapitan ako kahit hindi pa niya ubos ang natitirang twenty-four (24) arrows. Don't tell me ito talaga ang plano niya from the start?!

Tumigil siya sa harapan ko, "Princess--"

"Huwag mo nga akong tinatawag tawag sa 'Princess'! It's not even my name! Also-- Hindi ako pumayag sa binibigay mong kasunduan!"

Tumagilid siya at nagkibit-balikat, "But silence means 'yes' hindi ka rin naman tumanggi, eh." he said and smiled. "O baka gusto mo na ako ang humalik sa 'yo?" para namang sumabog ang mukha ko sa sinabi niya. At kahit pa na malamig sa lugar ay pinagpapawisan na ako.

"I-I-idio-- Eek." lumalapit na ang mukha niya sa akin kaya ako naman itong napapasara buka ang bibig.

Hoy! Shet ka! Hahalikan mo talaga ako?! Kaso bakit hindi ako gumagalaw! Hoy! Galaw! Galaw! T*ngina mo, Eclair! Hahayaan mo bang halikan ka niyan?! Hindi pa kayo! Hindi pwede! Huwag! Huwag!

Napapikit na ako ng mariin. Hinihintay na lang na dumikit ang labi niya sa labi ko noong maramdaman ko ang malambot na bagay sa aking noo. Pagkamulat ko ay napagtanto kong binigyan niya ako ng forehead kiss.

Nanlaki ang mata ko. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

Ang gaan sa puso, tila 'yong mga mabibigat kong nararamdaman ay parang nawala.

Humiwalay na siya sa akin habang hindi pinapansin ang mga tao sa paligid namin na napapatakip bibig. "I respect you. Ayokong sirain 'yong tiwala na binigay mo sa 'kin, Eclair."

Walang ni isang salita ang bumuka sa bibig ko at nakatitig lamang sa magaganda niyang labi. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin ko. Lutang ako, blanko ang utak ko. Pero isa lang ang masasabi ko.

Iba itong nararamdaman ko sa kanya ngayon. Ewan ko ba kung dahil sa naninibago ako sa kanya kaya ganoon.

Pa-simple akong humawak sa dibdib ko't higpit na hinawakan ang damit. Now what is this feeling?

Elsie's Point of View

Nakaupo sa sofa't nakapatong ang ulo sa braso habang nakatingin sa labas ng nakasarang bintana. Malakas ang pagbagsak ng ulan sa kalupaan at nagsisimula na ring kumulog at kumidlat. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Eclair. Malamang ay nag e-enjoy pa iyon kasama si Vincent.

Malakas akong bumuntong-hininga at tumingin sa hindi kalayuan, "Yeah, I get it. Hindi ako ang gusto niya kaya bakit nagsasayang pa 'ko ng oras isipin siya?" naglabas naman ako ng hangin sa ilong. "I'm saying that, 'kala mo naman ang dali-dali."

May kumatok kaya tiningnan ko iyon mula sa peripheral eye view, "Sino 'yan?" pagkatanong ko no'n ay pumasok ang magaling kong kapatid na si Erick.

"Nasa'n si Eclair?!" agad niyang bungad pagkapasok pa lang sa kwarto ko na mayroong nagliliyab na apoy na aura. Overprotective as usual, eh?

Umupo ako ng maayos at ipinagkrus ang mga kamay, "On a date." simpleng sagot na nagpalabas ng ugat sa sintido niya.

"Kanino?!" muling sigaw niya kaya binato ko na sa kanya 'yong libro na nasa tabi ko na tumama pa yata sa noo niya. "Gauff!"

"Ang ingay mo! Hindi mo ba alam na nagse-senti ako rito?!" bumuntong-hininga ako at kumalumbaba para tingnan muli ang patuloy na pagbagsak na ulan sa labas. "You shouldn't worry about her, malaki na siya. Alam na niya 'yong ginagawa niya."

Naramdaman ko naman ang pagtanggal ng kamay niya sa noo na natamaan ko ng libro, "Kahit na! Lalaki 'yon!"

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin, "Ah, you already did it with Britney, I see."

"Ano'ng tinutukoy mo ro'n?!" namumula na 'yong mukha niya. Ang cute ng kapatid ko. Parang namumulang siopao.

"Sex." sabi ko na parang wala lang kaya mas namula ang mukha niya.

"I didn't!"

I gestured, "Come on, nagiging O.A ka lang." kumamot ako sa ulo, "Ugh. Fine, papauwiin ko na rin 'yong bruha para manahimik ka diyan. Ang ingay ingay mo." iiling iling kong sabi.

Tumango naman siya 'agad kaya inaasahan ko namang aalis na siya noong umupo siya sa sahig. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay, "What the hell are you doing?"

Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin kaya medyo kinakabahan ako. "I'll listen." hindi ko pa naintindihan no'ng una pero noong binanggit niya 'yong pangalan niya. May namuong luha sa mata ko. "Do you still love him? That Vincent." sambit niya kaya mayamaya lang noong tumulo na ang pilit na pinipigilan.

Pumatak iyon sa mga kamay ko kaya napahawak ako sa pisnge ko't nanlaki ang mata. "Oh my gosh…" panimula ko at tumingala.

"Inlove na ba talaga ako?"

Halos mapahiga si Erick, "Wala ka bang ideya?!" hindi makapaniwalang tanong pero binelatan ko siya kahit patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.

Siyempre may ideya ako, hindi naman ako katulad ni Eclair na manhid sa mga ganitong bagay.

Ang nakakaloka nga lang sa babaeng iyon. Hindi mo malaman kung sino talaga sa apat 'yong gusto.

Pinunasan ko ang luha sa aking mata at nginitian ang kapatid ko't pinisil ang magkabilaang pisnge ng kapatid ko, "You probably shouldn't worry about me, you brat."

"We're just the same age!" bulyaw niya kasabay ang pagtanggal ko ng mga kamay sa kanyang pisnge.

I smiled at him, "Thank you, for worrying about me." napatitig siya sa akin hanggang sa tumayo na nga lang siya't tumalikod.

"Geez." sabi na lang niya bago umalis sa kwarto ko. Alam naman niya na sasabihin ko sa kanya kapag hindi ko na kaya, eh.

Pero 'yong mga ganitong bagay? I think ako lang naman din ang makakasagot.

Tiningnan ko ang litrato namin ni Eclair sa tabi ng kama. "Right, Eclair?"

Eclair's Point of View

Matapos namin mag Archery. Dumiretsyo sa kalapit na mall para makapili kami ng kakainin. Kaso heto nanaman kami sa salitang "Kahit saan." kaya hanggang ngayon, wala pa rin kaming mapili pili.

Maliban kasi sa maraming tao, hindi rin naman alam kung gusto nga ba namin doon. Eh, ayaw ko rin namang kumain sa mga mamahaling resto dahil hindi naman ako ang magbabayad. Kahit pa na sabihin nating nasanay rin ako sa mga kaibigan ko, hindi pa rin dapat ako umabuso.

"Ayaw mo bang kumain sa 675 Seafoo--" huminto ako sa paglalakad kaya napatigil siya sa sasabihin niya. Mahal 'yong resto na tinukoy niya.

"Vince, I know we're dating pero hindi mo dapat inaaksaya 'yong pera mo sa akin. Galing 'yan sa parents mo. You can't just waste your money, can you?" pagsusumamo ko.

"Totoo na galing 'to sa magulang ko, pero pinagtrabahuhan ko 'to kaya okay lang. At isa pa, " hinawakan niya beywang ko sabay hila sa akin papunta sa kanya. "Hindi ko masasabing sayang 'tong ginagastos ko kung ginusto ko naman." sabay ngiti.

I-iyong hininga niya! Iyong hininga niya, naaamoy ko!

Tinulak ko siya, "D-do whatever you want!" nag martsa na ako habang iniwan lang siya na nakatayo roon. At dahil hindi na nga siya gumalaw roon ay humarap ako sa kanya kasabay ang pagpapameywang, "Ano pa'ng hinihintay mo diyan?! Pasko? Tara na sa 675 Seafood! Kain! Leggo! Aja!" itinaas ko pa ang kamay ko bago siya tinalikuran.

***

SA LOOB ng resto. Pagkahanda pa lang ng mga pagkain ay inatake ko kaagad ang mga na sa hapag kainan. Hindi na ako nag-alinlangan at subo lang nang subo. Napapatingin na nga rin ang mga tao sa 'min dahil sa sobrang bilis kong kumain.

Inilapag ko ang baso pagkalagok ko ng laman, "Water, please!" sigaw ko.

"W-wow, parang naglalasing lang, ah?" kumento ni Vince na animo'y napipilitang ngumiti.

Kumain lang kami sandali 'tapos namasyal ng kaunti. Balak pa nga niya sana akong bilhan ng Pizza pero tinanggihan ko na. Ayoko ng masyadong magastos, ayoko lang na mag expect siya sa akin masyado.

Naglalakad kaming pareho noong tingnan ko siya, may sasabihin kasi sana ako pero nahuli ko siyang nakatitig sa akin kaya mabilis din akong tumingin sa harapan. "Kung hindi mo titigilan 'yang pagtitig mo, dudukutin ko na 'yang mata mo."

"Sorry, sorry. Naku-cute-an lang kasi talaga ako sa 'yo kaya hindi ko maiwasang hindi ka tingnan." napatingin ako sa taas. Cute? Aso na ba talaga ang tingin mo sa 'kin? But in fairness, hindi ako masyadong na-flatter. Siguro napagod na kasi ako.

Nilingon ko siya, "You see, ayoko ng masyadong ginagastusan ako."

Tumaas ang dalawa niyang kilay, "Bakit?" taka nitong sabi.

"Ayoko lang na," yumuko ako, "Sumbatan mo 'ko kapag hindi ikaw ang pinili ko." this time, I did it. Naging honest ako kahit papaano.

Ayoko lang talaga na may matanggap akong sama ng loob sa kahit na sino sa kanila. Ginawa ko kung ano ang part ko, kaya please. Hopefully they won't blame me.

Muling hinawakan ni Vince ang kamay ko kaya napatingin nanaman ako sa kanya, nanatili pa rin 'yong ngiti sa labi niya. "I told you, ginusto ko ito." panimula niya at tumingin na nga sa harapan, "At 'yong mga lalaking nanunumbat ng mga bagay sa isang babae ay hindi isang tunay na lalaki. If you're willing to give, you won't expect anything. If you are ready to love, then you're also prepare for the pain that will come." napahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya naningkit ng kaunti ang mata ko.

Nakikita ko,

…Iyong sakit na namumuo sa mata niya. It kills him.

"Kahit hindi ako ang piiin mo," nilingon niya ang ulo sa akin at tiningnan ako diretsyo sa mata, "I will accept it."