Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 53 - Don't Ever Look Back!

Chapter 53 - Don't Ever Look Back!

Blood LI: Don't Ever Look Back! 

Savannah's Point of View 

 Pare-parehong tumalsik ang mga tauhan ni Dad matapos gumamit ng malakas na impact ng explosion ang isa sa spirits na inilabas ni Zoe. Isa itong uri ng paru-paro na mayro'ng kulay berdeng apoy sa kanyang pakpak. 

 "Ὑψήνωρ!" Command ni Zoe sa spirit at muling naglabas ng isa pang explosion na tatama sa akin, gumamit ako ng dodge roll para mailagan iyon ngunit hindi napansin ang mabilis na pagpunta ni Bryan Olson sa likuran ko kaya walang kahirap-hirap nito akong pinatalsik sa ere, tila parang nag slow motion ang pag-angat ko kasabay ang biglaan niyang paglitaw sa ibabaw ko't inangat ang kanang paa upang magbigay pwersa sa pabagsak niyang sipa sa dibdib ko. 

 Wala pang segundo noong makarating ako sa lupa, unang tumama ang likuran ko sa simento kung saan nagkaroon pa ito ng malaking pagkawasak senyales na malakas ang pagkakabagsak ko roon. Tumalsik ang dugo mula sa bibig ko. 

 

 Dahan-dahang bumaba si Bryan Olson mula sa ere. Kung hindi ako aalis dito, papatayin talaga niya ako. 

 Nakarating na siya sa tabi ko pero hindi ko pa rin magawang makatayo. Nanlalabo ang paningin ko at muling naglabas ng dugo sa bibig pagkaubo ko. 

 Iniluhod ni Bryan Olson ang kaliwang tuhod at itinapat ang palad niya, may inilalabas na kung anong enerhiya na animo'y hinihigop ang lakas na mayroon ako. "H'wag mo ng pahirapan ang sarili mo, Princess." 

 Tumalsik siya pagkasabi niya niyon sa akin. Si Dad ang may kagagawan gamit ang skyrim anti-vampire weapon kaya malakas din ang impact nito sa kanya. 

 "You know the sayings? Be careful what you ignore, 'cause sometimes, what you ignore is what you need more." Pagtatapos ni Dad saka muling inatake si Bryan Olson ng Anti-Vampire Weapons. 

 

 Itinuon ko ang tingin kay Curtis na patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa mga tao ni Dad. Gayun din sina Zoe sa iba ko pang mga kasama, sila Vermione ay nandoon lang sa gitna at mga wala pa ring malay. 

 Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakuha ng sapat na hangin, nararamdaman ko pa 'yung pagtulo ng dugo mula sa ulo ko. Ipinikit ko na nga lang ang aking mga mata dahil sa matinding pagod. 

 Ayoko mang aminin pero mukhang mamamatay nga kami rito gaya ng sinabi ni Septimus. 

 Remember the past! 

 Iminulat ko ang mata ko para tingnan ang naninilim na ulap, muli ko nanamang naririnig ang boses na iyon. Ganito ba talaga madalas ang mangyari kapag nalalapit ka na sa kamatayan?

 Naramdaman ko ang maitim na enerhiya papunta sa akin gawa ng pag reverse blocked attack ni Dad. Kung tatama iyon sa akin, sigurado akong matutusta ako ng buhay. 

 Muli akong napapikit, pumasok sa isip ko kung ano ang posibleng mangyari sa hinaharap kung matatapos namin pait na kasalukuyan. Posible bang mangyari 'yun?

 Remember the Past! 

 Bumagal ang galaw ng bawat paligid, mabigat na paghinga lang ang maririnig at pinapakiramdaman ang atake na papunta sa akin. Tumulo ang pawis ko't muling kumuha nang maraming hangin. 

 Tumayo ako't wala sa sarili na pumunta sa harapan ni Bryan Olson, umikot ako't binigyan siya ng pag-ataking face crusher. Sa hindi inaasahang pangyayari ay muli nanaman itong tumalsik kasama si Zoe. 

 Bumalik ulit sa normal ang lahat habang nakatungo lang ako't hingal na hingal. 

 Nawala bigla ang summoned spirits habang napaatras naman ang nagngangalang si Naomi. Nakatingin lang si Curtis sa akin nang bigyan ko sila ng nakamamatay na tingin saka mabilis na pumunta sa kanilang harapan. 

 Gulat na gulat ang mga ito at aatakihin pa ako nang mabilis ko na silang patumbahing pareho. Sa sobrang bilis ng galaw ko, hindi na nila makita ang aking kilos at galaw. Kumuha ako ng nag-iisang magazine sa bulsa ng skirt ko at ipinasok iyon sa baril ko na ipinasok ko kanina sa Concealed gun pouch ko.

 "Three shots." Aking sambit ng walang kaemo-emosyon. Ipinutok ko ang bala sa braso ni Zoe, tagiliran ni Bryan Olson, at hita ni Curtis kaya bumagsak sila. 

 Dahan-dahang inaangat ni Curtis ang katawan niya noong sipain ko ang kanyang mukha na nagpahiga sa kanya. "Nnghh…" Ungol niya at pilit na inaangat ang kalahating katawan gamit ang siko pang suporta noong apakan ko na ang dibdib niya para hindi na niya magawa ang gagawin niya, humawak naman ito sa aking paanan pero mas diniinan ko lang ang pagkakaapak kaya mas lalo itong hindi makakatayo.

 Nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi niya. "Sa'n mo kaya nakuha 'yang lakas mo?" Nagsalubong ang kilay ko at inalis na ang paa ko sa dibdib niya para buhatin siya sa kwelyo niya na pati ang kanyang katawan ay nakaangat. Napaungol siya sa sakit samantalang papunta rito si Zoe nang harangan siya ng isa sa mga vampire hunter. 

 Humaharang ang mahahaba't itim kong buhok sa aking mukha dahil sa lakas nung hangin. "What do you know?" Mainahon kong tanong at itinabingi ang ulo ko, nawawalan na ng buhay ang mata ko na anytime, pwede ng maging blanko 'yung utak ko kung magtatagal pa ito. Bumagsak ang pulang likido sa lupa na nagmumula pa sa noo ko. 

 Mas lalong nag glow ang pulang mata ni Curtis na ikinatungo niya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. 

 "Why bother? May rason ka ba para pakinggan ako? Eh, hindi ba't ikaw rin ang pumiling makalimot? Kaya nga ang saya-saya mo, eh." Tanong niya na animoy' parang inaasar ako. "At pwede bang 'wag mo 'kong hawa--" Hindi niya naipagpatuloy 'yung sasabihin niya dahil sa malakas kong paghagis sa kanya. 

 Malakas na nag crack ang pader ng gusali mula sa pagkakatama ng likuran ni Curtis doon at padapang bumagsak sa lupa. Tumalbog siya at tuluyang bumagsak. 

 Nagulat sila Bryan Olson sa nakita nila samantalang dinampot ko ang tumalsik na katana na galing sa isa sa vampire hunter at hinayaang isadsad ang patalim sa simento ngayong papalapit ako kay Curtis kaya nakakagawa ito ngayon ng ingay. "Are you trying to provoke me? Such a lame moves you got there, huh?" Huminto ako sa harapan niya at itinutok ang katana sa kanya. "Right now, wala talaga akong pakielam kung mamamatay ako," Higpit kong hinawakan ang handle nung katana. "…Pero gusto kong malaman kung ito talaga ang gusto mong mangyari. After you spent your time with us, hindi ka ba naging masaya?" Paninigurado ko. 

 Inangat niya ang ulo niya para makita ko. Nakatapat sa mismong mukha niya 'yung patalim ng katana. "You have no rights to tell me to be happy after you killed my parents!" Singhal niya na nagpalaki sa mata ko dahil sa kanyang sinabi at tila parang nawala ang lakas na mayro'n sa katawan ko. "Of course, this is what I want! Kahit na ikaw pa ang sinasabing makapangyarihan sa lahat na nilalang sa mundo, kahit ikaw pa ang Fabled Fiend, papatayin kita." Mariin at matigas niyang sambit saka niya ako inatake. 

 Tumalsik ang hawak kong katana na nilingunan ko pa bago ako tumalsik mula sa ginamit ni Curtis na itim na apoy. 

 "Curtis! Stop! H'wag mong kakalimutan 'yung pinapagawa sa'yo." Mainahon at may awtoridad na tono na wika ni Bryan Olson kasabay ang pagbagsak ko. Napahawak ako sa bandang siko ko, umuusok ro'n ang tumamang apoy mula sa pag-atake ni Curtis. 

 Patalon akong umatras sa muling pag-atake ni Curtis. Lukot na lukot na ang mukha niya at tila wala na sa kanyang sarili. 

Nakipagpalita kami ng atake nang hindi napapansin ang na sa paligid namin. 

 Napapadapa kami't bumabagsak pero pagkatapos no'n ay tatayo rin. Itinulak ko siya at itututok ang baril na nakuha ko sa lupa pero gumamit lang siya ng apoy na nagpatalsik doon kaya gumamit ako ng pwersang gumanti. Tumalon ako't sinipa ang mukha niya kung saan pumaikot siya sa ere't muling bumagsak. Pinatalbog ko ang katana sa lupa't kinuha ko, akmang babatuhin iyon sa kanya nang may sumigaw sa pangalan ni Curtis. 

 Pareho kaming napatingin kay Hades na hawak ang braso't sinusubukan kaming lapitan. "Stop, Empress…" ani Hades at paika-ika na naglakad. 

 "What?" Naguguluhan kong tanong habang naningkit naman ang tingin ni Curtis. 

 Huminto si Hades na may ngiti sa kanyang labi. "You're always doing things that no one could understand. You haven't changed." Sigaw niya kaya kumunot lalo ang noo ni Curtis. "It's not too late, Empress. May oras pa." Inilahad ni Hades ang kanyang kamay na parang inaalok si Curtis na sumama sa kanya. Tumingin naman ako kay Curtis na hindi pa rin naglalaho ang galit sa kanyang mukha. 

 'Tapos napahawak na lang ako bigla sa bandang siko dahil sa paghapdi nito mula sa pagkakasunog sa atake ni Curtis. 

 Itinungo ni Hades ang ulo niya habang nakatingin kay Hades ngayon. "Why do you have to remember the past?" aniya. Gumanti lang si Hades ng matamis na ngiti. 

 "The destiny was already written. Even if you try to erase my memories, feelings won't disappear as long as you're here." ani Hades at tila naging seryoso pagkatapos, "But this time, I won't allow you to do it again, I won't allow you to take the path you don't want. You won't be alone, we're here." Tiningnan ko lang silang dalawa na nagkakatitigan sa isa't-isa. 

 "I don't want you to interfere, Hades. Savannah was the fabled fiend--" Inunahan siya bigla ni Hades. 

 "Don't you think you forgot something?" Tanong ni Hades nang maibaba ang kanyang kamay. "There's a two fabled fiend last 6 years ago. Magkasama tayo no'n habang pauwi ka and Savannah wasn't the one we saw that nigh--" 

 "NO! SHUT UP! SIYA 'YUN! HINDI PWEDENG MAGKAMALI ANG MATA KO SO SHUT UP!" Singhal ni Curtis at itinaas ang dalawang kamay sa ere upang gumawa ng malaking bilog na itim na apoy. Kung babatuhin niya iyan sa lugar, maraming mamamatay. 

 Pumukaw ang atensyon ng lahat sa kanya. "Curtis! Kapag ginawa mo 'yan, you'll die!" Sabi ng kasama ni Curtis-- si Naomi. Sinuntok siya ng kagigising na si Vermione na hawak naman ang sikmura na patuloy pa rin sa pagdugo. 

 "Krr!" Naglalabas pa rin ng enerhiya si Curtis sa katawan niya. Alam kong napaka delikado pero tumakbo ako papunta sa kanya. Tinawag ako ni Hades ngunit hindi ako huminto at tuloy-tuloy pa rin ako. I should keep on running. Don't ever look back! 

 "Curt--" Muli nanamang bumungad sa akin si Bryan Olson kaya huminto ako't gumamit ng blocking sa mabilis niyang paggamit ng isa sa palm fighting technique. Napaatras ako sa ginawa niya na siya namang mabilis sa pagpunta sa likuran ko. 

 Walang sabi sabi na kinagat ang leeg ko kung saan unti-unti na rin akong nanghihina dahil sa bilis ng pagkuha niya sa dugo ko. 

 Napaluhod ako samantalang tinanggal na niya ang pangil sa balat ko tapos itinapat ang mga palad sa aking noo. He was about to erase my memories when someone stabbed him. 

Mabilis na tumalon si Bryan Olson paatras habang nawala naman ang ginawa ni Curtis na apoy dahil din sa kagagawan ng nagpakitang lalaki. 

 Pababa ang itim nitong kapa, nakatingin lang ako sa likuran niya habang nakanganga. "Who... are you?" 

 Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin, tulad ko ay may purple eyes din siya. He's fierce and doesn't even flinched. 

Ibinato ni Bryan Olson ang pumapaikot-ikot na kutsilyo papunta sa lalaking iyon nang gumamit naman siya ngayon ng isang red transparent circle bilang pang blocked dahilan para tumalsik ang patalim at tumusok sa lupa. 

 Once again, I asked him. "Who are you?" 

He didn't answer. But he smiled.