Blood LVI: Level H Blood
Zedrick's Point of View
Inilabas ko ang mga gamit ko sa maleta na ngayon ay nakapatong sa kama ko. Kasama ko si Hades gayun din si Septimus kahit labag sa loob ko na kasama namin ang ugok.
Ayoko ng mga mayayabang na kasama. "Ang init naman, buksan n'yo naman 'yong aircon. Mga walang initiative." Bossy na wika ni Septimus.
"Bru, na sa tabi mo lang 'yung aircon. Ba't hindi ikaw ang magbukas?" Nakasimangot na tanong ni Hades na naglalagay na ng gamit sa cabinet. Malaki naman ito kaya kasya rin 'yong mga gamit namin. Saka tatlong araw lang kami kaya hindi naman gano'n karami 'yung mga dinala namin.
Pabagsak na isinara ni Septimus ang bag niya at bored kaming tiningnan. "Nakikita n'yo namang nag-aayos ako, 'di ba?" Tukoy niya sa mga gamit niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin naman niya inilalabas. Gag* 'to! Sasapakin ko na 'to, eh!
"Ano'ng tawag mo rito?!" Turo ko sa mga gamit namin. "Wala rin kaming ginagawa?!" Pabulyaw kong tanong sa inis at napakamot na nga lang sa ulo para ako na ang magbukas. Nung aircon. Walang mangyayari kung magtuturuan pa kami, wala rin naman yata siyang balak buksan. P*ta, 'kala mo hari.
Dapat pala, tinulak ko siya palabas ng Van habang umaandar 'yung sasakyan ni Ma'am Eirhart.
Binuksan ko na nga 'yung aircon at babalik na nga sa pwesto ko noong magtanong si Septimus. "Hoy, bampira." Mayabang na pagkakatawag ni Septimus sa akin dahilan para mapatigil ako't lingunin siya.
Umupo siya sa edge ng kama niya at ipinagkrus ang mga hita bago ako nginitian. Ngiting maaasar ka. "Hindi ko naman sinasadyang makita kayo ni Curry sa clinic pero mukhang siya 'yung source of life mo, ha?" Panimula niya kaya nagsalubong ang kilay ko't humarap sa kanya.
"Eh, ano'ng point mo?" Tanong ko.
Lumapad pa ang nakalinyang ngiti sa labi niya. "Hindi wala naman, curious lang ako kung ano'ng lasa ng dugo niya kaya halata sa mukha mong sarap na sarap ka. Hindi ba't walang pinagkaiba 'yun sa tinatawag nating lust?" Pagkatapos na pagkatapos pa lang niyang magsalita ay mabilis na akong lumitaw sa harapan niya. I was about to give him a punch, pero mabilis din akong pinigilan ni Hades sa pamamagitan ng paghawak sa pulso ko.
Samantalang nanlalaki naman ang mata ni Septimus pero dahil sa 'di natuloy ang aksiyon na gagawin ko sa kanya ay ngumisi lang ito saka siya tumayo para itulak ako palayo sa kanya.
Pinagpagan niya 'yung polo shirt niya at gumawa ng nakakairitang tunog. "Hay nakoooo. Napakaingay rito, makalabas na nga." Binuksan ni Septimus ang pinto at lumabas.
Binitawan na nga ako ni Hades. "Huwag ka ng pumatol, mas magmumukha kang sira kung papatulan mo pa 'yung siraulo."
Umismid lang ako 'tapos bumalik kung nasa'n ang mga gamit ko. Binuksan naman ng kung sino ang pinto at sumilip ang walang ganang tingin na si Curtis. "What? Hanggang ngayon, 'di pa rin kayo 'tapos mag-ayos ng gamit n'yo? Kakain na, hello?" Pumasok na siya sa kwarto namin kasabay ang pagsara nung pinto.
Humakbang ng isa si Hades. "Empress. Hindi ba't nasabi mong nauuhaw ka kanina?" Tanong ni Hades na may ngiti sa labi niya. "Gusto mo bang--"
"Nakainum na ako kay Savannah." Mabilis na tugon ni Curtis kaya bumagsak ang balikat ni Hades.
"Kailan mo ulit iinumin 'yung akin?" Nagtatampong sabi ni Hades.
"Bakit parang nag e-enjoy ka pang kinakagat kita?"
Sinimangutan ko silang pareho. Kinuwento nila ang tungkol sa nakaraan nila at iba pang detalye nung magkasama sila.
Pero kahit hindi pa nila sinasabi ang isang bagay, mahahalata mo na mayro'n silang something sa isa't isa.
Saka nabanggit yata sa akin ni Hades na 'di na siya virgin.
Tinalikuran ko sina Curtis na nag-uusap lang ngayon. Humalukipkip at tumingala para tingnan ang kisame. "Hmm…" Si Curtis kaya 'yung babaeng tinutukoy niya?
"Pumunta na kayo sa dining room bago pa magreklamo si Ma'am Eirhart." Wika ni Curtis kaya lumingon ulit ako sa kanila. Tumango si Hades bilang pagsang-ayon 'tapos tiningnan ako para ayain na tinanguan ko lang din bago siya umalis sa kwarto.
Kinuha ko na muna 'yung bote na may lamang dugo sa bulsa ng jeans ko kasi baka mamaya mabasag.
Ilalagay ko lang muna sa maleta ko.
Inilabas ko na't ilalagay ko na sa maleta nang mapasinghap si Curtis. "Saan mo nakuha 'yan?!" Sa biglaan niyang pagsigaw ay napatayo ako.
"Eh?" Reaksiyon ko. Nag martsa siya palapit sa akin at akmang hahablutin sa akin 'yung bote nang iangat ko para hindi niya maabot. "Bakit mo kinukuha?" Naguguluhan kong tanong.
Tumalon siya para kunin sa akin. "Bakit na sa'yo 'yan?! Sa'n mo nadampot 'yan?!" Patuloy sa pagtatanong ni Curtis.
Namilog ang mata ko. "Sa 'yo ba 'to?" Tukoy ko sa bote na may lamang dugo saka siya kumuha ng pwersa upang makuha sa kamay ko 'yung bote, nagtagumpay siya ngunit dumulas 'yung paa niya kaya ngayon ay pabagsak na siya sa akin. Wala sana akong balak saluhin siya at umatras lamang kaso tumama na 'yung paa ko sa paanan ng kama kaya nawalan din ako ng balanse't pareho kaming bumagsak sa kama.
Bumagsak ang paa niya sa pagkalalaki ko kaya 'di napigilan ng bunganga ko ang makagawa ng panandaliang ingay.
May nagbukas ng pinto. At ang malas dahil si Savannah nanaman 'yung nakakita sa pangit na scenario na 'to!
"Bakit ang tagal n'y--" Napatigil si Savannah pagkakita pa lang sa amin.
Pareho kaming dalawa na nakaawang-bibig habang naninigas naman ako sa pwesto ko't animo'y isang yelo.
Inangat ko ang kalahati kong katawan habang nakasuporta lang ang kaliwa kong siko. "Sandali lang, katulad ito ng mga napapanood natin sa pelikula o anime. Naiintindihan mo naman sigurong aksidente lang it--" Isinara na niya kaagad 'yung pinto at hindi pinakinggan 'yung sinasabi ko. "Savannah!" Tawag ko sa kanya.
Sinapak naman ako Curtis pagkatayo niya kaya napahawak ako sa pisngi ko. "Luh!" Reaksiyon ko.
Tumayo na siya at binigyan ako ng matalim niyang tingin. "May kailangan akong sabihin tungkol dito." Pag-angat niya sa boteng kinuha niya sa akin.
***
MATAPOS NAMING KUMAIN, pumunta kami sa sala dahil walang tao roon ngayon at na sa kani-kanilang mga kwarto dahil nagpapahinga.
Nagkaroon pa kami nang kaunting hindi pagkakaintindihan ni Savannah at hindi pa ako gustong kausapin nung una pero mabuti na lang at pinakinggan niya ako matapos ko siyang tulungang maghugas ng pinggan.
Kumbaga ngayon, na sa sala ako't kasama si Curtis. 'Di ko rin maintinidhan kung bakit at parang napaka importante nung idi-discuss niya sa akin para lang maipaliwanag 'yung bote na iyon.
Inilabas ni Curtis ang bote na may lamang dugo. "Hindi lang ito isang ordinaryong dugo. Sa loob ng basement, ito 'yung tinatawag namin sa Level H Blood."
"Level… H Blood?" Ulit ko sa binanggit niya.
Ibinaba niya ang nasabing H blood at ipinatong iyon sa harapan lamesa namin. Magkatapat lang kasi kami ng sofa.
"Health ang ibig sabihin ng 'H'. Ngayon, gusto ko munang malaman kung saan mo nakuha 'yan?" Turo niya sa bote.
"Sa Classroom, nakita ko 'yan sa sahig bago ako pumunta sa field para sa activity na sinalihan ko nung sports fest last year." Sagot ko na hindi naman niya inimikan. "Mukhang sa'yo nga talaga 'yang boteng 'yan. Bakit? Ano mayro'n at mukhang importante sa 'yo?" Tanong ko kasabay ang pag krus niya ng mga hita niya.
"Hindi naman sa importante, pero itong Level H Blood na ito 'yung nakakatulong sa akin na 'di masyadong mag crave sa dugo ng tao." Sagot niya na nagpabuka sa bibig ko. Humalukipkip siya at tiningnan ako diretsyo sa mata. "Ginawa ito ng mga vampire physician sa Larmavel" Ito 'yung lugar kung saan naka-locate noon ang mga kasamahan niya.
Last 5 months ago, pinuntahan ng mga vampire hunters ang sub-basement nila Curtis noon upang i-raid subalit sa kasamaang palad, may ideya yata sila na aatakihin sila ng mga K.C.A hunters kaya umalis sila roon upang lumipat ng pwedeng pagtaguan. May hunch din kami na hindi sapat ang bilang nila para kalabanin kami.
"…Ginawa nila ang Level H Blood for future purposes. Dahil hindi naman mananatiling tao ang pagkukuhanan namin ng source para lang mabuhay tayong mga normal vampires." Ibinaba ni Curtis ang tingin sa bote. "Kapag ininum mo ang Level H Blood, hindi ka makakaramdam ng kahit na anong uhaw ng mahigit tatlong linggo."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Tatlong linggo? Edi maganda pala na magkaroon niya--" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Ang pangit nga lang diyan, kapag natapos ang tatlong linggo. Matinding uhaw ang mararamdaman mo kaya madalas din kaming may mga blood pack na dala para ma-ease ang thirst." Saad niya. Mayroon din pala silang blood pack.
Ngumiti ako. "Pero ibig talagang sabihin niyan, hindi ka talaga pumapatay ng tao para lang makainum ng dugo?" Umiwas lang siya ng tingin. "Edi tulad ko, sumasakit din ang dibdib mo dahil kulang ka rin sa dugo ng tao?"
"No, may source pa rin ako." Mabilis niyang sagot.
Namilog kaunti ang mata ko. Gusto kong tanungin kung sino, pero kahit naman siguro malaman ko, hindi ko rin naman kilala.
Nagkibit-balikat si Curtis. "Gusto ko sanang sabihin sa physician natin ang tungkol sa Level H Blood para sana makagawa sila para sa'ting dalawa pero kahit na gawin ko iyon kung hindi ko rin alam kung ano ang mga chemical and ingredients nito, wala ring saysay. At isa pa, darating pa rin sa punto na 'di tayo makukuntento sa gano'ng amount lang ng dugo. Tayo rin ang magdudusa sa huli."
Kinuha ni Curtis ang Level H Blood gamit ang paa niya't pabato iyon ibinigay sa akin. Nasalo ko naman iyon 'tapos inangat ang tingin sa kanya.
Ibinalik niya ang pagkakakrus ng mga hita niya. "Itago mo na lang 'yan, hindi mo naman kailangan 'yan, 'di ba? Nandiyan naman si Savannah, eh." Saad niya at tumingin sa hindi kalayuan. "But even if I said that," She paused.
"…I still want to remind you na kapag in love ang mga bampira ay mas malakas ang aroma ng dugong minamahal nila. Even if she's a fabled fiend, don't forget that she's a human right now." Sabi niya at muling hinarap ang ulo sa akin upang tingnan ako nang maayos. "Pwede siyang mamatay nang dahil sa 'yo." Seryoso niyang sambit na nagpadikit sa aking kilay.
***
TITIG NA TITIG lang ako sa kisame ngayong nakahiga ako sa kama matapos naming mag-usap ni Curtis. Wala naman akong iniisip pero hindi ko mapigilang mapatulala.
Siguro gusto kong isipin 'yung sinabi ni Curtis kanina pero pinipili lang ng utak ko na huwag dahil pagod din ako.
Binato ako ng unan ni Hades. "Bro! Kanina pa kita tinatawag!" Sigaw niya sabay taas ng cellphone at selfie. Ipo-post nanaman niya kasi sa social media.
Inangat ko ang kalahati kong katawan gamit ang kanan kong siko. "Ano nanaman ba 'yan? Burahin mo nga 'yang photo, ang pangit ng buhok ko, eh." Tumayo na ako para agawin 'yong phone pero ipinasok niya iyon sa loob ng pants niya kaya ako naman itong napahinto. Ibinuka niya ang mga braso na may pagsuot pa ng malapad na ngisi.
"Oh, sige! Kunin mo!" Tila nang-aasar pa nitong sabi
"Pakyo! 'Kala mo hindi ko kayang gawin?!" Hamon ko at lumapit ulit sa kanya. Siya naman itong napatigil at balak pang tumakbo noong mahablot ko manggas ng damit niya.
Inilapit ko siya sa akin at pilit na kinukuha ang phone sa loob ng pants niya dahilan para magsisisigaw siya. "Rapist!" Sigaw niya at tinutulak tulak ang mukha ko palayo sa kanya.
"Huwag kang magalaw! Akin na 'yung phone!"
Si Septimus naman na nakahiga sa kama niya't nagbabasa ay tila parang nawe-weird-uhan na nakatingin sa amin ngayon. "Yuck, gay."
"Bru! Sandali! Iyong pututoy ko! Si Empress lang pwedeng makahawak niyan!"
Narinig namin ang pagbagsak ng kung ano mula sa pinto at nalamang si Curtis iyon na namumula ang mukha. Kailan pa siya nandiyan?! Saka si Savannah!
Nakatayo siya sa likuran ni Curtis at parang diring diri na nakatingin sa amin. Ibinaba niya ang tingin kung saan nakalagay ang kamay ko."What are you doing?" Walang ganang tanong sa akin ni Savannah.
Gumawa naman ng apoy si Curtis. "We were just passing by pero kung anu-ano ang naririnig ko mula sa 'yong gunggong ka!" Giit ni Curtis.
Inalis ni Hades ang kamay ko sa loob ng pants niya at pilit na nagpaliwanag kay Curtis pagkalapit niya sa harapan nito. "Empress, alam mo kasi--" Nahulog sa carpet ang cellphone ni Hades kung saan picture naming dalawa ang na sa wallpaper.
Namuo ang katahimik.
Kakakuha pa lang namin nito kanina, paanong naging wallpaper 'to-- Shit! Baka sa kakagalaw namin kaya napindot 'yung 'set as wallpaper'
Nanilim na ang paraan ng pagtingin ni Savannah sa akin matapos nitong makita ang wallpaper ni Hades. "Hindi ko alam na may ganyan kayong lihim. Ba't hindi mo kaagad sinabi sa 'kin?" Mainahon pero lumiliyab na galit ang nakatago sa paraan ng pananalita ni Savannah.
Pinagpawisan ako. "Ahm--"
Nilagpasan naman kami ni Septimus. "I'm out of here." Paalam nito at isinara ang pinto. Naiwan na lang kami ni Hades dito dahilan para mapalunok kami.
Curtis' Point of View
Naghahanap hanap kami ng swimsuit dito sa maliit na mall malapit sa beach resort. Kung tatanungin kung bakit kami nandito, iyon ay dahil hindi nagdala ang mga engot kong kasama ng swimsuit.
Ang rason nila? May mapagbibilhan daw sila rito.
Hindi na kami sinamahan ni Ma'am Eirhart at pinahiram lang sa amin ang susi ng van. Tutal, marunong naman pa lang mag drive si Astrid plus mayroon pang license kaya hindi kami nahirapan.
Sina Hades, nandoon lang sa labas. Alangan namang isama pa namin sila rito?
"Bagay ba sa akin?" Tanong ni Vermione habang ipinapakita ang suot suot niyang swimsuit kay Astrid, 'di pa rin nawawala sa kanya 'yung pagiging magaling niya pero 'di rin naglalaho 'yung aura niyang nakakainis.
Damn it, goody-good shoes. "Curtis ~!" Matamis na tawag ni Vermione, lumapit siya sa akin na nilingunan ko naman. Hindi pa rin nawawala 'yung nakaguhit na ngiti sa bibig niya. Annoying.
"Maganda ba sa 'kin?" Idinikit ni Vermione 'yung napili iyang swimsuit sa katawan niya na nagpabuntong-hininga sa akin. Malaki boobs niya, kaya babagay sa kanya lahat nung swimsuit niya.
"Oo, kaya bilisan mo." Pagmamadali ko sa kanya kaya ngiti siyang tumalikod sa akin.
"Okie! Nagandahan si Curtis sa akin!" Masiglang sabi ni Vermione na animo'y inaasar pa ako. Kainis.
Tiningnan ko naman si Savannah na hanggang ngayon ay wala pa ring napipili. Inaangat-angat niya 'yong dalawang pangit na swimsuit na napili niya. Pagkatapos ay titingala para mag-isip.
Ano ba 'yan!
Nagmartsa ako palapit sa kanya.
"Hmm... Let's see something unpleasant. Dark Blue? Maroon?" Rinig kong pakikipag-usap sa sarili habang pumipili pa rin sa nakuha niya. It's just a plain school swimsuit for pete's sake!
"That's hideous!" Marahas kong inagaw ang pinili niya at asar na ibinalik sa dapat na paglagyan. "What an annoying woman! You don't want to catch any rays?" Paninigurado ko.
Binigyan niya ako ng walang ganang tingin at humawak sa braso niya. "If I don't pick something ugly, boys will be all over me." Hindi naman sa nagyayabang siya niyan 'no?
Humilamos ako sa mukha tapos tumingin-tingin ng maganda at babagay sa kanya, sa paghahanap ko ay huminto ang tingin ko sa purple two piece sa hindi kalayuan tapos asar na hinila si Savannah roon.
Inalis ko sa pagkakasabit 'yung swimsuit na pumukaw sa atensyon ko 'tapos iginiya si Savannah sa fitting room. Itinulak ko siya sa loob 'tapos binato sa kanya ang napili ko. "Now, wha--" Itinulak ko na pasara ang kurtina.
"Change! Ang bagal mo!" Utos ko. Imbes na makakapag pahinga pa ako, kailangan ko pang sumama rito!
"Geez! Fine!" Tila napipilitang sagot ni Savannah.
***
NAPANGANGA sila Astrid at Vermione noong iurong ni Savannah ang kurtina para ipakita sa amin ang pinili kong swimsuit. Pulang pula ngayon ang mukha niya habang tinitingnan ang sarili. "H-hindi ba weird?" Tanong niya nang ilipat ang tingin sa amin.
"H-hindi siya weird." Magalang na kumento ni Astrid at napakagat sa mga daliri. "Kailangan ko na rin yatang mag diet." Dagdag pa nito.
Ipinagdikit ni Vermione ang dalawa nitong palad habang tuwang tuwa na nakatitig sa best friend. I called them that dahil masyado silang close sa isa't isa. "Venus!" ani Vermione, pinupuri talaga niya 'yung kaibigan niya.
Humalukipkip ako. "The power of fashion." Pagmamalaki ko sabay pitik sa ere.
Naglabas ng hininga si Savannah tapos tumalikod. "I won't take this." Sabay urong niya pabalik ng kurtina para isara, nagkanya-kanya naman kami ng reaksiyon.
I tsked and looked at her clothes. Binigyan ko ng signal sina Astrid kaya mga nagsitango sila at kinuha ang damit ni Savannah.
Kaya noong ilabas ni Savannah 'yong kamay niya para kunin ang damit niya sa basket na nasa tabi lang ng door frame ay napatigil ito nang wala siyang makapang damit. Inilabas niya ang ulo niya. "Nasa'n 'yung damit ko?!" Hanap niya sa damit niyia at tiningnan kami.
Inangat ni Vermione ang damit ni Savannah nang hindi inaalis ang ngiti gayun din si Astrid. Ngumisi lang ako. "Kung hindi mo kukunin 'yan, hindi namin ibabalik 'yung damit mo." pangba-blackmail ko.
"Eh?" Reaksiyon niya habang namimilog ang mata.
Zedrick's Point of View
Pabalik balik ang tingin ko sa relo dahil ilang oras na kaming naghihintay rito sa labas at wala pa rin ang mga babae. "Ba't ang tagal nila?" Tanong sa sarili habang patuloy lang sa pagse-selfie si Hades sa gilid.
"Optimus, picture-an mo nga ako rito." si Hades.
Inis naman itong nilingon ni Septimus. "It's Septimus, not Optimus you idiot!" Bulyaw nito.
"Iisa lang naman 'yon." Hirit ni Hades at inaabot ang phone. "Dali, picture-an mo na ako para may mai-post naman ako sa instagram ko."
"Tumahimik ka! Ba't mo 'ko inuutos-utusan?!" Napipikon na angal ni Septimus na handa ng banatan si Hades dahil sa sobrang kakulitan nito.
Napabuntong-hininga na lamang ako tapos napatingin sa gawi nila Vermione dahil nandiyan na pala sila.
Tumayo na kami tapos lumapit sa kanila. "Ba't ang tagal n'yo naman?" Naiiritang tanong ni Septimus.
Sabay-sabay na tiningnan nila Astrid si Savannah na nakatungo't kagat-kagat ang labi. Ibinaling ko naman ang tingin sa kanya, she's wearing shorts and white beach jacket.
"Bakit?" Kinalabit ko sa braso si Savannah pero tinaliman niya ako ng tingin at nilagpasan ako. Ako naman itong nagtataka na nakatulala lang sa kanina nitong pinanggalingan. Eh?
Ipinatong ni Curtis ang kamay sa balikat ko't tinapik tapik. "Good luck tomorrow." Gaya ni Savannah ay nilagpasan na rin niya ako.
Binelatan lang ako ni Vermione habang nginitian lang ako ni Astrid para sundan ang mga babae. Tumabi naman sa akin si Septimus at humalukipkip.
"Ano'ng mayroon?" Curious na sambit ni Septimus.
Tumabi rin sa akin si Hades. "Bru. Good luck daw, baka naman--" sumabat bigla si Septimus kaya hindi naipagpatuloy ni Hades 'yung sasabihin.
"Stupid, it's impossible." Tutol na sabi nito na parang alam ang sinasabi ni Hades. Ako lang itong walang ideya sa mga pinagsasasabi nila.
Naglakad na nga lang kami para makauwi na rin pero napahinto rin nang lumingon ako sa likod noong maramdaman kong may sumusunod sa amin.
Nagmamasid masid ako nang mapansin ko namang wala kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Okabe's Point of View
"One year before the resurrection of the Fabled Fiend and the day are already approaching of her awaken power."
Tumunog ang telepono senyales na mayroong tumatawag. Sinagot ko iyon at nagsuot ng ngiti. "Oh, I see you're finally goin' to make a move?" Narinig ko ang pag ismid niya sa kabilang linya.
"Sino bang kuya ang gustong mapahamak ang bunsong kapatid?" He's mocking with me.
Humagikhik ako. "You told me that you will let your sister decide. Ano ang nangyari at nag-iba yata ang ihip ng hangin?"
"Hindi nagbago ang plano ko para sa kanya. Hahayaan ko lang siya sa magiging desisyon n'ya pagkatapos lahat ng mga ito. Papuntahin mo na ang mga vampire hunters. Exact 12AM on Sunday." Ibinaba na niya ang telepono pagkatapos niyon.
Ibinalik ko na nga lang sa dapat paglagyan ang telepono saka ngumiti ng bahagya sa babaeng na sa harapan ko ngayon.
"To protect its people, it was a sacrifice that needed to be made."