Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 61 - Fabled Fiend

Chapter 61 - Fabled Fiend

Blood LVIII: Fabled Fiend 

6 years ago... 

 Simangot na sinusundan ng batang babae ang binata sa harapan niya habang hindi pa rin naaalis sa kanya ang paghalukipkip. Makulimlim ang ulap at maririnig ang kaunting pagkulog sa itaas. "Ba't ba hindi mo na lang ako hayaang umuwi mag-isa? You're always treating me a kid." Pagtatampo ng bata sabay nguso. 

 "A girl walking alone at night is just the signals for all the bad men around." Suway naman ng binata at nilingon ang batang babae sa kanyang likuran. Nakababata niya itong kapatid. "Pa'no na lang kung may mangyari sa'yong masama?" Segunda ng binata na may bakas na pag-aalala sa kanyang mukha. 

 

 Both of them went in the dark forest as they activated their vampire instinct and made their eyes glow into Red. Ito ang paraan upang makapasok sila sa kanilang tahanan na mayroong malawakang barrier gawa ng abilidad ng binata, ginawa ito upang hindi sila makita ng kalaban na pwedeng umatake sa kanila. 

 "Pero kuya, may nakakatakot pala akong napanaginipan kanina noong makatulog ako." Panimula ng batang babae. "There was a man who wants to kill me and because of fear. I couldn't control my ability as a Fiend. I killed all vampires that lives in that place." Nanliit ang tingin ng binata. "It's making me uneasy." 

 Huminto sila sa paglalakad at pumunta sa harapan ng batang babae ang binata upang iluhod ang kaliwang tuhod. Pumantay siya sa tangkad ng kanyang kapatid. "It's just a dream, a bad dream that should vanish forever." 

 Sila'y nanggaling kanina sa lugar ng Anixeto, ang lugar na 'to ay para sa mga naninirahang mga normal vampires na pino-protektahan ng ninuno nilang Fiend na si Xanis. 

 "August. Sa susunod, huwag ka ng pupunta sa Anixeto. Aalis na tayo rito." Bilin ng binata na ikinatabingi ng ulo ng batang babae at nilingunan ang lugar ng Anixeto. 

 

 Medyo makikita sa mukha niya ang kaunting pag-aalanganin ngunit ibinalik din ang tingin sa panganay na kapatid para tumango. "Okay." Tipid na sagot nito bago tumayo ang kapatid niyang lalaki. Walang kaibigan ang batang babae sa Anixeto kung kaya't wala naman siyang panghihinayangan kung hindi na siya pumunta, dumadalaw lang siya sa lugar ng Anixeto upang bumili ng isang card game na madalas niyang kolektahin. 

 Sa kalagitnaan ng paglalakad ng dalawang magkapatid, nakaramdam ng presensiya ang binata dahilan para muli silang mapatigil sa paglalakad at ilagay sa kanyang likuran ang bunsong kapatid. 

 Lumitaw sa harapan nila ang hindi pa nagpapakilalang lalaki. Walang emosyon ang mukha niya nang magsuot ito ng nakakatakot na ngiti. "Hi, so-called Fabled Fiend." Bati niya sa binata na hindi lamang nito binigyan ng reaksiyon. 

 Humakbang ng isa ang binatang walang iba kundi si Xanis. "Ang tapang mong humarap sa akin, ah? Ano���ng kailangan mo?" Seryosong tanong ni Xanis habang nagtago lang ang batang babae sa kanyang likuran. 

 Bumungisngis ang bampirang na sa harapan niya. "Kayo! Kayo ang kailangan ko! Magpapakita ba ako sa inyo ng ganito kung hindi kayo ang sadya ko?" Pang-aasar ng nagpakitang lalaki at tinuro-turo ang sintido. "Nasa'n utak mo? Na sa paa?" 

 Bumuntong-hininga si Xanis. "I see." Tanging sambit ni Xanis kasabay ang pagpikit. Pagkamulat niya ng kanyang mata ay nag-iba ang kulay nito at itinapat ang kaliwang kamay sa punong na sa gilid niya upang paangatin. 

 Nakaramdam nang kaunting takot ang bampirang nagngangalang si Bryan Olson subalit nagawa ring ngisihan ang kanyang ninuno. Gumamit siya ng kanyang abilidad na makapagpahinto sa kanyang kalaban, noong magtagumpay siya ay nagsimula itong humalakhak sa tuwa. Hindi makapaniwala sa kanyang nagawa. 

 "Whoohoo! Ako lang pala ang makakapatay sa Fabled Fiend, eh! Bakit hindi ko pa ginawa noon?!" Parang nasasayangang wika ni Bryan Olson at kiniskis ang mga palad kasama ang paglalakad niya papunta sa batang babae. 

 Ito ang nilapitan niya dahil mas madaling maubos ang dugo nito kumpara sa binata. Kung papabilisin lang niya ang kanyang intensiyon, mas maganda. 

 Iniluhod niya ang kaliwang tuhod at malapad na nagsuot ng ngisi. Muli nanaman siyang bumungisngis saka bumaba ang kanyang matutulis na pangil. Handa niyang ibaton iyon sa balat ng batang babae nang biglang mag snap ang abilidad niya't bigla siyang tumalsik. 

 Sa isang iglap, gumalaw muli ang paligid. Samantalang nanlaki naman ang mata ng batang babae sa biglaang pangyayari. 

 Aatake pa sana si Xanis subalit mabilis na nakatakas si Bryan Olson. 

Kasabay naman niyon ang panganib sa lugar na bigla niyang naramdaman. Mula naman iyon sa kabilang area ng Anixeto na 'di lalayo sa kanilang pinanggalingan ngayon. 

 Binuhatin niya ang kapatid at dinala sa ligtas na lugar. Mataas na pagtalon ang ginagawa ni Xanis nang matanaw niya ang malalaking sunog sa lupain ng kabilang area ng mga bampira. Lumanding siya sa lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng kahit na sino at doon ibinaba ang bunsong kapatid. "I want you to stay here and never leave the place not unless I tell you so." Bilin sa batang babae.

 Hinawakan ng batang babae ang laylayan ng damit ng binata. "K-Kuya, sasama ako!" 

 Inalis lang ni Xanis ang kamay nito at umiling bago palihim na ginamit ang abilidad niya upang gawing pansamantalang tao ang batang babae. Ginawa niya ito upang hindi maramdaman ng kahit na sinong bampira ang presensiya ng kapatid. Binigyan din ito ng protection para kung sakaling may umatake sa kanya ay kusa na lamang aatake ang fiend na nasa katawan niya. 

 Pinilit pa ni Xanis na manatili sa kinatatayuan nila ang batang babae bago siya pumunta sa nasusunog na lugar para tingnan ang nangyayari. 

 Tahimik na naghintay ang batang babae ngunit makikita rito na hindi siya mapakali sa kanyang pwesto dahil sa sunod-sunod na ingay mula sa hindi kalayuan. Hindi lang tili o sigaw ang maririnig mula sa mga bampira kundi ang iyak ng mga hayop na nanggagaling sa lugar na nasusunog ngayon. 

 Nag-aalinlangan ang batang babae kung pupunta ba siya o hindi, subalit pagkarinig pa lang niya sa iyak ng bata. 

Nagmatigas na siyang umalis sa kanyang pwesto para puntahan ang lugar. 

 Patakbo siyang pumunta roon hanggang sa unti-unti itong mapatigil nang makapasok siya sa nasusunog na kagubatan. Naaamoy na niya ang halo-halong dugo na nagkalat sa paligid gayun din ang usok mula sa waring kahoy at halaman. 

 Dahan-dahan ulit siyang naglakad, nag-aalangan kung tutuloy ba o hindi. Dumaan sa kanya ang abo, ramdam ng batang babae ang panlalamig ng katawan, pinagpapawisan at nanginginig ang mga tuhod na humahakbang paabante kahit hindi niya sigurado kung ano ang naghihintay sa kanya. 

 Kita ng kanyang dalawang mata kung paano magpatayan ang mga mga bampira mula sa malayo. 

 'Di makapagsalita at mistulang pipe sa trahedyang nakita. Pabuka-buka ang kanyang bibig, naghahanap ng salitang ilalabas. Naglakad pa rin siya sa papasok sa lugar na iyon. 

 

 May tangkang umatake mula sa likod ng bata pero kusa na itong pinatay ng sariling senses niya. Ang FIEND o DEMON. 

 Huminto siya sa gitna at inilibot ang tingin sa paligid, animo'y malapit ng maluha noong magpakita sa harapan niya si Bryan Olson. Suminghap ito sa gulat nang malakas siyang sampalin nito dahilan para malakas siyang tumalsik hanggang sa dulo ng ilog. 

 May kaunting galos ang pisngi ng batang babae dahil sa pagtama ng matulis na kuko ni Bryan Olson na tangka pa nga sanang sundan noong atakihin siya ni Xanis. 

 Patalon na umatras si Bryan Olson habang dahan-dahan namang lumapag ang Fabled Fiend sa nasusunog na kahoy. "Don't lay a finger on my sister." Babala ni Xanis at pinanlisikan ng tingin si Bryan Olson na siyang paglabas ng kung anong flicker attack. 

 Natamaang muli si Bryan Olson pero nagawa ring makatayo matapos ang pagkakabagsak sa maabong lupa. Tumayo nang maayos si Xanis ng wala pa ring sinusuot na kahit na anong reaksiyon. "If you're not going to tell me your purpose, I'll kill you right here and now." May awtoridad na tono na pananakot ng Fabled Fiend. 

 Hawak ni Bryan ang kanyang brasong natamaan nang mapangisi siya. "Have you heard the prophecy? The last child who will detroy the entire world will be the younger sister of the Fabled fiend." hindi sumagot ang binata at diretsyo lang ang tingin. Nanilim naman ang paraan ng pagtingin ni Bryan. "Your sister will be strongest and at the same time, a dangerous fiend that will kill all of us including you. If we're not going to take an action, she'll destroy all living thin--" 

 "Oh? Is that true?" May pagdududang tanong ni Xanis. "Wala akong naririnig na kahit na anong propesiya sa sinasabi mo. You just want to eliminate her because she has the blood of a fiend that could grant you a wish." Taas-noong tiningnan ni Xanis ang bampirang na sa harapan niya pagkatapos. "And wrong. It's change, not destroy." 

***

 MATAPOS ANG KAUNTING pag-uusap ay gumamit ng ilusyon si 

Xanis upang pekehen ang pagkamatay niya sa harapan ni Bryan Olson nang atakihin siya nito. Nakita niya ang hinaharap ng lalaki kaya napag desisyon-an niyang huwag na muna itong patayin at hinayaan na munang mabuhay dahil nakaplano na ito sa magiging tadhana ng kanyang kapatid. 

 

 Lumalakad ito sa ilog kung nasa'n niya naramdaman ang presensiya ng batang babae. Lumilinga-linga siya nang ituon niya ang atensiyon sa batang bampira. Hindi maliwanag ang kanyang mapulang mata pero makikita ang potensiyal niya na protektahan ang nakababatang kapatid. 

 Malakas na umihip ang hangin kaya mas humahampas at umaangat ang suot ni Xanis na cape coat. Umatras ang batang bampira habang ngumiti naman si Xanis na huminto sa harapan niya. His son? 

 He thought to himself. Tinanaw ng binata ang mapulang buwan at gumawa ng malakas na ulan upang mapatay ang makapal na sunog sa kagubatan. Mas lumakas din ang pagkulog sa kalangitan. 

 

 Ibinaba ni Xanis ang tingin niya sa walang malay na kapatid na ngayon ay buhat-buhat ng batang lalaki. Tumitig siya ng ilang sandali sa kanila noong magpasya siyang lumapit sa kanila. 

 Naramdaman ng batang lalaki ang presensiya ng Fabled Fiend kung kaya't mabilis siyang napalingon dito. "Ano--" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin sapagkat ginamitan na siya ni Xanis ng abilidad para patulugin siya ng mahimbing. 

 

 Lumuhod si Xanis at tiningnan ang mukha ng kanyang kapatid bago sa batang lalaking nagngangalang si Zedrick. "You have the same blood as your father, but..." 

 'Di na napigilan ni Xanis na mapangiti sa kanyang naiisip at dinala ang mga ito sa bahay ng Sakai-- Kilala sa pamilya ng mga vampire hunters. 

 Sa napakahabang panahon, magkaibigan na talaga sila Okabe Sakai at Xanis dahil sa naging trahedy ng kanilang mga nakaraan. 

 "Sila na ba 'yon?" Bungad ng kaibigan na may seryosong tingin sa kanyang mata. 

 Tumango si Xanis bilang sagot. "I'll leave her to your care." Inihiga pa niya ito sa sofa. 

 Hindi kumibo si Okabe at nilingon lang ang isa pang buhat ni Xanis.

"How 'bout him?" Tukoy niya sa batang bampira. 

 "Aalagaan ko siya pansamantala." Sagot nito at naglabas ng hangin sa ilong. 

"By the way, her name's Sephera." Pagpapakilala sa kapatid. "But I will let you give her a new name as her new family-- Father." Tumaas ang dalawang kilay ng kaibigan nang mapangiti ito at tingnan ang magiging anak simula ngayon. 

 Wala pa nga 'kong asawa, pero may anak na ako. 

 Humagikgik si Okabe. "Savannah. Savannah August Curry will be her new name." 

 "Savannah?" Pagtataka ni Xanis sa pangalang ibinigay ni Okabe. 

 Kuminfat si Okabe. "I named her that because I believe she'll develop a strong bond with people. That is also the characteristic of a Savannah-cat. And it's already month of August." Paliwanag ni Okabe sa pangalan nito at pumunta sa bintana para tingnan ang kagubatan na kanina'y nasusunog. "I will build a school where she can enjoy her life of being a human. Same with this kid." Tukoy niya sa batang lalaki na buhat ni Xanis. 

 Xanis smiled as he nodded. 

 It'll be difficult for the both of them but there's no mistaking it. Before the world ends, they will run with full of their might. The pathways leads to darkness, the taste of the scary-like feeling in their blood. 

 I believe, the world will shine even if it's a small radiance.

 One year later, Xanis near the young vampire where he was sleeping. "I will leave all the rest to you, Zedrick" Ngiting bilin ni Xanis alam niyang 'di siya maririnig, itinapat na niya ang kanang palad sa noo ni Zedrick saka binura ang memorya nito kasama siya. 

Curtis's Point of View 

 "It doesn't have to be you, Curtis. 'Wag mong hayaan na madumihan 'yang kamay mo sa dugo ng isang Fiend. You also have nothing to worry about. I will make sure to use the opportunity to die someday. So, you won't suffer anymore because of me." Iyan ang naalala kong sabi ni Savannah matapos ko siyang puntahan sa private room niya noong malaman kong gising na siya mula sa pagkakatulog ng ilang buwan. 

 Kung ito ang rason niya kaya wala siya ngayon dito, 'di ko 'to pwedeng matanggap ng basta't basta! 

 "Iyan ang kwento, yes. She's my siste--" Pinutol ko ang sinasabi ni Xanis at naglabas ng apoy para ibato iyon sa kanya.

Ito ang naging dahilan para magulat ang mga taong nandito sa office ng head. 

 Hinayaan lang kami ni Mr. Okabe at tumungo lamang. Isang buwan matapos magkaroon ng gera sa K.C.A. at halos kumalat sa buong mundo ang tungkol sa mga bampira. Bakit ngayon lang siya magpapakita kung kailan hindi namin siya kailangan?! 

 "You son of a b*tch! You have no rights to call her your sister! She sacrificed knowing the consequences of being a Fiend. Dumating ka ba nung kailangan ka niya?!" Umalingawngaw sa kwarto ang malakas kong singhal habang walang emosyon na nakatingin ang Xanis na ito sa akin. I want to kill him so bad na halos mangati ang buo kong katawan. Nanggagalaiti ako sa galit, I can't literally kill him. His a damn Fabled Fiend for pete's sake! He is more stronger than what you think. 

 "I can't forgive you for killing my family." Nanggagalaiti at lukot na lukot ang mukha ko sa galit. Wala na kasi akong magagawa, eh. Kahit na anong gawin ko, wala ng pwedeng paraan para mamatay ang pumatay sa mga pamilya ko. Hindi ako makaganti. "And I won't forgive you for letting Savannah chose the wrong path!" 

 Tumayo si Mr. Okabe at balak pang ipagtanggol si Xanis nang hindi lang din siya hinayaan nito. Pinagpagan lang niya ang bandang balikat kung saan ko ibinato ang apoy saka tumalikod para umalis. Hindi ko siya hinayaan. 

 Why is he acting like he doesn't care?! "Savannah is also a Fabled Fiend, right?" tanong ko habang nakatungo. Mayamaya lang nang iangat ko ang ulo ko kasama ang pagtulo ng mga luha ko. 

 Nang hindi dahil kay Savannah, I won't be here. She stood up for me, at walang nakakagawa niyon kundi siya lang. "F*ck you!" Mura ko sa galit at umalis na nga sa kwartong ito. 

 Sinadya ko ring banggain si Zedrick dahil siya rin ang may dahilan kung bakit wala ngayon si Savannah. But he's also the reason why vampires remain ARCANE. 

 Savannah gave her the power to do it but it doesn't mean it all ends there. Bryan Olson is still alive, 

 ...and the war between human and vampires has just begun. 

Related Books

Popular novel hashtag