Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 57 - Arcane Vampire

Chapter 57 - Arcane Vampire

Blood LIV: Arcane Vampire 

Curtis' Point of View 

 Tatlong buwan na rin noong huli akong dinala rito sa Dawn Chamber. 

Tinitingnan tingnan ako ng Psychologist ng K.C.A mula nang malaman nilang mayroon daw akong B.P.D, o ang tinatawag sa Borderline Personality Disorder gawa ng depression at traumatic experience na nangyari last 6 years ago. 

 Naaalagaan naman nila ako ng mabuti rito at kumpara sa partikular na lugar, mas nakakakain ako ng sapat na pagkain at hindi ako masyadong nai-stress. Kahit na nasa kulungan ako, nae-entertain pa rin ako dahil pinalagyan nila ako ng TV at video games para malibang-libang. 

 Oo, nag effort pa silang magpalagay ng kuryente rito sa ilalim ng K.C.A. na nanggagaling pa sa U.B. 

 Kaya ngayon, halos ayoko na rin talagang umalis dahil gumaganda na ang buhay ko rito. 

 "Mukhang busy ka riyan, ah?" Ngiting tanong ni Vermione. Ah, nandito pala ito? 

 

 Kinuha ko ang nag-iisang chip sa plastic habang naglalaro ako ng Nintendo Switch. "You stink! Kung galing ka sa Prison of Atlante, huwag kang pupunta rito. At punasan mo nga 'yang dugo diyan sa pisngi mo, amoy na amoy. Nakakadiri." 

 Humagikhik siya't pinunasan nga 'yung dugong tinutukoy ko gamit ang likurang palad niya. "Alam mo, mas mapapadali ang trabaho namin kung may dadagdag na normal vampire sa platoon namin. Isang click mo lang, sunog kaagad sila." 

 "Hindi ba't ayaw mo sa mga bampira? Bakit parang gusto mo yata ng tulong ko?" Tanong ko at nagkibit-balikat na lamang na itinuon ang atensiyon sa nilalaro. "Bahala kayo riyan, kinukulong-kulong n'yo ako rito 'tapos ngayon paaalisin n'yo 'ko? Humph, no way." 

 Naramdaman ko naman ang mas lalo niyang pag ngiti 'tapos mabilis na inilabas ang Scythe mula sa Concealment Guitar na nakasabit sa kaliwa niyang balikat upang iatake iyon sa akin. Nasira ang prison cell ko kaya nabitawan ko 'yung Nintendo Switch ko. "Ano'ng ginawa mo sa kulungan ko?! Ayusin mo 'yan!" 

Turo ko sa sinira niyang bakal ng Prison Cell ko. 

 Pumasok naman si Hades na pagod na pagod kaya sa kanya ko naman itinuon ang atensiyon ko. "Hoy, Hades! 'Pag sabihan mo nga 'tong kaibigan mo! Sinisira 'yung tahanan ko!" 

 Huminto naman si Hades at pilit akong nginitian. "Ibang klase 'yung pagiging introvert mo, Empress." 

 "Hindi siya introverted. Masyado lang siyang adik sa loneliness niya na ayaw na niyang lumayas sa comfort zone niya. What a poor kid." Naiiling-iling na sabi ni Vermione at nagkunwari pang naiiyak. 

 Binato ko sa kanya 'yung suot kong tsinelas na sumapul pa sa ulo niya dahilan para mabitawan niya 'yung hawak niyang Scythe. 

 "Geez! Bakit kasi hindi n'yo pa gisingin 'yung babaeng 'yon nang 'di n'yo ako kinukulit?" Tukoy ko kay Savannah na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawang magising simula nang patulugin siya ni Xanix Faulker. 

 

 Nagpameywang naman si Hades. "Gising na siya." 

 "GISING NA?!" Sabay na reaksiyon namin ni Vermione na tinanguan ni Hades. 

 "Kasama siya ngayon ni Zedric--" Hindi ko siya pinatapos at tumalon na lumabas sa kulungan ko upang puntahan kung nasa'n siya. "Empress! Mahangin sa labas! Magsuot ka ng Jacket!" Habol ni Hades. 

 Sa wakas! Matitikman mo na 'yung ganti ko sa'yo, Fabled Fiend! 

Zedrick's Point of View 

 Matapos naming gawin ang task na pinagawa sa amin ni Mr. Okabe sa Prison of Atlante, dumiretsyo kaagad ako sa private room ni Savannah dito sa K.C.A. para dalawin siya. Ako ang nagpapakain sa alaga niyang kabayo na si Gazin. Nung una, hindi niya gusto na ako ang magpakain sa kanya dahil mas sanay siya sa totoo niyang amo. Ngunit makalipas ang ilang araw o siguro isang linggo rin ang inabot bago ko mapaamo si Gazin. Hindi na niya ako sinisipa sa pwet kapag nakikita niya ako. 

 Inurong ko ang kurtina para magkaroon ng liwanag si Savannah kahit papaano, masyado kasing madilim dito. 

Tiningnan ko rin ang maliit na refrigerator para makita kung may naiwang bottled water at laking tuwa ko naman na mayroon. Kanina pa kasi ako nauuhaw. 

 Nag resume na rin ang klase last month kaya marami rin sa estudyante ang naghahanap kay Savannah. Dinahilan lang ni Ma'am Eirhart na may official business lang si Savannah sa Paris bilang isang Exchange Student kahit na ang totoo ay nandito lang din siya sa K.C.A. 

 Pabagsak akong umupo sa tabi ni Savannah at tinitigan ang mahimbing niyang mukha. Hinawakan ko ang pisngi niya't hinimas ito nang sandali. "Kailan ka magigising?" Tanong sa sarili kahit alam kong hindi niya ako maririnig. 

 Ilang buwan na rin akong naghihintay para imulat niya 'yung mata niya. Para makausap siya't mayakap. 

 Hinanap ko rin si Xanis mula kina Mr. Okabe upang makapagtanong tanong kung kailan pwedeng magising si Savannah pero nasabi nilang wala ang Fabled Fiend ngayon. At kahit si Mr. Okabe, wala ring ideya kung kailan magigising ang tinuring niyang anak. 

 Inalis ko na ang kamay ko sa pisngi ni Savannah. 

 Ang tagal mo ng nakahiga sa kama, Savannah. Humahaba na 'yung itim mong buhok, hanggang kailan mo isasara 'yang mata mo? 

 Binuksan ko ang drawer para kunin doon ang madalas kong basahin. Ito ang madalas kong gawin kapag nandito ako sa kwarto niya. Habang nagbabantay ako't naghihintay sa paggising niya, nagbabasa ako. Minsan, matutulog ako at umaasang pagkabangon ko mula sa pagkakatulog, aabutan ko siyang nakangiti sa akin. 

 Pumikit ako sandali at pinakiramdaman ang malakas na hanging pumapasok sa kwartong ito. 

Mayro'n ding naligaw na paru-paro na dumapo sa ilong ko na kaagad din namang lumipad paalis. 

 "Zedrick." 

 Nanlaki ang mata ko pagkarinig ko pa lang sa boses ni Savannah. Lumingon kaagad ako sa kanya, hindi makapaniwalang may magandang babae ang nakangiti ngayon sa akin. "Did you wait?" Tanong niya ng hindi inaalis ang ngiti sa labi niya. 

 

 "Sav…" Marahan at pabulong kong tawag sa kanya at napatayo para mabilis siyang yakapin. "Sav… You're finally awake." 

 'Di pa siya makaimik kaagad pero niyakap niya ako pabalik. "Na-miss kita.��� Sambit ko't niyakap siya nang mahigpit. "Miss na miss kita…" 

 "Pinaghintay nga kita. I'm sorry." Hinging paumanhin niya bago ako humiwalay at nag bend nang kaunti upang mapantayan siya. Hinawakan ko ang pisngi niya samantalang humawak lang siya sa kamay kong nandoon sa pisngi niya. 

 "Pwede ba kitang halikan?" Hinging permiso ko sa kanya na nagpasimangot sa kanya, pero namula ang pisngi niya. 

 "Hindi pa ako nagto-tooth brush." aniya. 

 "Ako nag sipilyo sa 'yo kaninang umaga-- ako ang madalas magsilpilyo sa 'yo." 

 "Ikaw nga, pero hindi kita pwedeng hayaang halikan ako, 'di kita boyfriend." 

 "Reserve, eh?" Pagpatong ko ng noo sa noo niya. 

 Sumipol naman ang kung sino sa likuran ko kaya mabilis akong napalingon sa taong iyon. "Hades!" Tawag ko sa pangalan niya na may gulat sa mukha ko. 

 Inangat ni Hades ang kanan niyang kamay kay Savannah bilang pagbati. "Yoh." 

 Nakaawang-bibig si Savannah nang matamis niya itong nginitian. "Hi." Bati nito pabalik kaya patakbong naglakad si Hades upang yakapin si Savannah. Aangal pa sana ako pero hinayaan ko na lang silang dalawa. 

 Mabilis na hinimas-himas ni Hades ang braso ni Savannah bago humiwalay rito. "I'm glad, gising ka na." Ngiting wika ni Hades. 

 Humagikhik lang si Savannah. "Sorry for the trouble." Hinging paumanhin pa ulit ni Savannah bago tumayo nang maayos si Hades. 

 "No biggie." Lumingon siya sa akin. "Pupunta ako sa Dawn Chamber, nandoon si Vermione. Matutuwa iyon kung malalaman niyang gising na si Savnanah." 

 Tumango naman ako saka siya kumaway para umalis sandali. Ibinalik ko ang tingin kay Savannah. "I heard it, about who you truly are." 

 Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong. "Shocking, huh? 'Di ko rin expect 'yan." Sabi niya pagkamulat niya ng mata niya. 

 "Pero bakit hindi ko maramdaman 'yung presensiya mo bilang isang Fiend?" Taka kong sabi kaya ngumiti naman siya. 

 "Tao pa rin naman ako ngayon." Maraming pumapasok na tanong sa utak ko pero 'di ko na nagawang ilabas lahat iyon. Kagagaling lang ni Savannah mula sa mahabang tulog, ayoko muna siyang guluhin. "Pero hindi ko kailangan ng formalities nang dahil sa alam mong isa ako sa fiend. Ako pa rin naman 'yung Savannah na kilala mo." Dugtong niya kaya napangiti ako. 

 "Maging halimaw ka man, o ano. Ikaw pa rin talaga ang Savannah na kilala ko, hindi 'yun pwedeng magbago. Pumuti man ang buhok mo." 

 Hinarap niya ang kanyang ulo nang hindi inaalis ang tingin sa akin. 

"But fiends don't age." 

 Tumawa ako sa sinabi niya. "Oo nga pala 'no? Pero paano ka magiging Fiend ulit?" Curious kong tanong na nagpabuntong-hininga sa kanya. 

 "That's not important for now." Lumingon ulit siya sa akin. "Naging okay ka naman ba habang tulog ako?" Pag-aalala niyang tanong sa akin. "Ano ang iniinum mong dugo?" Dagdag tanong niya. 

 "Ah, kay Vermione." I answered at nagulat sa biglaan niyang pagsigaw. 

 "Kay Vermione?! Bakit mo iniinum 'yung dugo ni Vermione?!" Bulyaw niya sa akin saka ako napaatras ng isang hakbang habang nakaangat ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib. 

 "H-Hindi ko naman gusto 'yun, eh. Nagpumilit lang si Vermione dahil napapadalas na 'yung paninikip ng dibdib ko." Kumalma naman siya pagkasabi ko niyon 'tapos umupo na nga lang nang maayos. 

 

 "Buti naman at talagang nagkasundo na kayo ni Vermione?" 

 Tumawa ako nang pilit. "Hindi ko nga rin alam kung paano nangyari pero tama ka." Wika ko. 

 "I see." Pagkasabi ko niyon, isa-isa niyang binuksan ang buttones ng white long sleeve shirt niya kaya mabilis akong napaatras, hindi ko pa namalayan 'yung upuan sa likuran ko kaya paupo akong bumagsak sa malamig na simento. 

 "S-Sav! Sandali, ano 'yan?!" Pulang pula kong tanong na nagpahinto sa kanya. Inilayo niya ang tingin at mas lalong namula ang pisngi kaysa kanina. 

 "Papainumin kita ng dugo ko, pambawi lang sa mga araw na tulog ako." Rason naman niya na mabilis kong inilingan. 

 "Hindi mo kailangang gawin 'yan, okay lang! Okay lang!" 

 "Bakit? Ayaw mo?" Tanong niya sa akin at nagsalubong ang kilay. "Ah, I see. Nakahanap ka na ng pamalit sa akin?" Is she jealous? 

"Mas masarap ba 'yung kay Vermione?" Dagdag tanong pa niya na tila parang nagtatampo kaya tumayo kaagad ako. 

 Pumikit ako nang mariin. "Hindi! Mas masarap ka!" Malakas kong sigaw, hindi ko nga rin na-realize 'yung sinabi ko na naging dahilan ng pagbuo ng katahimikan sa kwarto, walang nagsasalita ni isa sa amin habang naghihintay lang ako sa reaksiyon ni Savannah. 

 Subalit noong medyo matagal tagal siyang magsalita ay iminulat ko ang mata ko para tingnan siya. 

 Nakatulala lang siya sa akin, sobrang pula ng mukha kaya napataas-kilay ako. "Bakit?" Naguguluhan kong tanong. 

Marahan naman niyang ibinaba ang tingin at tumikhim. "Wala." 

 "Eh? Ano ba'ng sinabi ko?" Walang ideya kong tanong habang isinasara lang niya ang buttones niya. 

 

 Mayamaya pa noong paunti-unti naming narinig ang papalapit na sigaw mula sa kung sino. 'Tapos nagulantang ako noong makita ko si Curtis matapos niyang iurong ang sliding door. "I FOUND YOU!!!" Malakas niyang sigaw nang makita kami kaya napaharap ako sa kanya. 

 "Curtis? Akala ko ba ayaw mong lumabas sa kulungan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. 

 "Hindi na ngayon." Wika ni Curtis at mabilis na pumunta kung nasaan si Savannah upang atakihin siya. "Mamatay ka na, Fabled Fiend!" Sa sobrang bilis ni Curtis, hindi ko alam na nandoon na siya sa ere't pabagsak na kay Savannah. "Hyahh--" 

 

 Malakas siyang tinadyakan ni Savannah sa sikmura dahilan para tumalsik si Curtis sa pader na dahilan para mawasak ang simento. Napanganga ako sa nakita ko. 

 Tatlong buwan siyang nakahiga pero ang lakas pa rin ni Savannah! 

 "K-Kulang pala ako sa exercise." si Curtis.

 Nakarinig naman kami ng yapak ng mga paa at bumungad sa amin ang hingal na hingal na si Hades at Vermione. "K-Kaunti na lang talaga ipapaampon na kita sa DSWD ng mga vampires." Pagod na wika ni Vermione at inangat ang tingin kay Savannah. "Oh my! Savannah!" Niyakap niya kaagad si Savannah at ikiniskis ang pisngi sa pisngi nito. "Wahh! Bakit ngayon ka lang nagising?!" Mahahalata kay Vermione ang sabik sa boses niya kaya hindi naman namin naiwasang mapangiti. 

 Hinimas-himas lang ni Savannah ang buhok ni Vermione samantalang tumayo naman si Curtis. "Hoy, Fabled Fiend! Wala akong pakielam sa little reunion n'yo! Hinding hindi ko palalagpasin 'yung pagkakataon na mapatay ka pero para naman fair, hihintayin kita ng tatlo-- hindi! Apat na araw para maging okay ulit 'yang katawan mo para pwede na kitang atakihin!" 

 

 "Ang energetic mo ngayon, ha? Namamangha ako." Mangha kong sabi saka niya ako tinapunan ng nakamamatay na tingin. 

 "Ang laki ng pinagbago mo." Pansin ni Savannah kaya ibinalik ni Curtis ang tingin niya rito. 

 Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "Ha? Hindi mo naman ako kilala kaya pa'no mo nasabing malaki ang nagbago sa akin?" Mataray na tanong ni Curtis at nilukot ang mukha. "And don't act too friendly, you b*tch. Papatayin pa rin kita." Mariin na wika niya. 

 Sandaling nakatitig sa kanya si Savannah nang umismid ito. "Darating tayo riyan" Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang nasambit. 

 

 Lumayo na si Vermione noong tumayo si Savannah para lumapit kay Curtis "But first," Inilahad niya ang kamay niya. "We need you, as a part of the Seventh Platoon." 

 Ibinaba ni Curtis ang tingin niya sa mga kamay ni Savannah. "At bakit ko gagawin 'yan? Bakit ako magsasayang ng oras para lang patayin 'yang mga hindot at mabahong bampira sa Prison of Atlante?" Tila parang hindi sumasang-ayon si Curtis sa gustong mangyari ni Savannah. 

 Ipinaliwanag sa kanya ng head ang tungkol sa mga ginagawa namin sa Prison of Atlante na pati confidential information ay ibinigay sa kanya kapalit ng pagbibigay ni Curtis ng kasagutan sa iilang bagay. 

 Si Bryan Olson lahat ang may kagagawan ng nangyayari sa K.C.A. 

Siya ang may kagagawan ng pagdala ng Class-A Vampire sa girl's comfort room kung saan nagkaroon ng trahedya sa isang estudyante. 

Siya rin ang may kagagawan ng pagpasok kay Zoe sa Prison of Atlante at ang pagpatay kina Yue. 

Lahat ng iyon, SIYA. 

 Ibinaba ni Savannah ang kamay niya na kanina'y nakalahad para mabilis na hablutin si Curtis palapit sa kanya. Binulungan niya ito kaya hindi na namin narinig ang kanilang mga sinasabi. 

 Ilang minuto rin bago humiwalay sa kanya si Savannah na may ngiti sa labi habang inis lamang siyang tiningnan ni Curtis. Pagkatapos ay umalis na siya sa harapan namin. 

 "Saan ka pupunta?" Tanong ni Hades kaya huminto naman si Curtis na nandoon na sa tapat ng pintuan. 

 "F*CK you, Savannah!" Malakas niyang mura bago niya itinulak pasara ang pinto. Kumurap-kurap kami bago nilingon si Savannah na bored lamang na nakatingin kung saan lumabas si Curtis. 

 "Ano'ng sinabi mo? Ba't nagalit pa lalo?" Curious kong tanong na ikinabuntong-hininga lamang ni Savannah saka siya umupo sa edge ng kama niya. 

 

 "Don't mind it, but for starters. Gusto n'yong kumain mamaya? Marami pa kayong dapat ikwento sa akin." Tumingin muna kami sa isa't isa bago lumawak ang mga ngiti namin at sumang-ayon kay Savannah. 

 Tinuro ni Hades ang sarili niya. "Treat ko muna, celebration sa awakening ni Savannah." 

 "What's with the awakening? That's kind of weird." Nawe-weirduhan na kumento ni Vermione. 

 "Ano ba dapat?" si Hades. 

 Nginitian ko lang ang dalawa bago nilingon si Savannah. "Nakalimutan ko pa lang sabihin." Panimula ko kaya tiningnan ako ni Savannah mula sa peripheral eye view niya. "Welcome back." 

 Bumuka sandali ang bibig niya bago ako nilingon ng tuluyan. "Yes, I'm back." 

Vermione's Point of View 

 One year have passed. 

 Patuloy pa rin kami sa pagbubuwis ng buhay para maubos lahat ng mga Class-A Vampires na nabubuhay sa Prison of Atlante upang 'di lumabas ang katotohanan o takot sa mga tao. Tinawag namin ito sa "Arcane Vampire" 

 Alam man ito ng nakararami dahil sa nababasa nila't napapanood pero hindi namin hahayaan na mabuksan nila ang sikreto sa totoo nilang eksistensiya sa mundong ito.

 

 "Ano ba 'yan, Savannah! Mag-ingat ingat ka nga diyan sa dinadaanan mo!" Daing ni Curtis noong mabangga siya ni Savannah ng hindi sadya. 

 "Pwede bang manahimik ka kahit sandali? Nakakairita ka." 

 5-6 months bago siya pumayag na sumali sa Seventh Platoon, isinagawa muna niya ang mga kasulatan na hindi niya ta-traydorin ang organisasyon dahil kung hindi niya magagawa ang ipinangako o kasunduan ay mapapasailalim siya ng isang matinding parusa-- isang kamatayan na hindi niya gugustuhing mangyari sa tanang buhay niya. 

 At para hindi mag rebelde si Curtis, binigyan siya ng sariling bahay at gamit na kakailanganin niya. 'Yung pera naman ay makukuha niya sa bawat task na ibibigay sa kanya ng head tulad ng nakukuha namin sa tuwing pupunta kami sa Prison of Atlante. 

 Pumagitna si Hades kila Savannah at Curtis para patahanin ang mga ito habang mag-isa lamang na nakikipaglaban si Zedrick sa Class-A. "Oy? Tulong!" Paghingi ng tulong ni Zedrick kaya gumawa ng apoy si Curtis upang masunog ang iilan sa mga bampira. 

Kumpara sa kulay itim na apoy na ginagawa ni Curtis noon, naging pula na ngayon ang abilidad niya. 

Ang teorya ng physician-scientist sa laboratoryo ng U.B ay kaya naging ganito ang kulay ng Pyrokinesis ni Curtis ay dahil sa unti-unting naglalaho 'yung negative emotions na mayroon sa puso niya. Kung magpapatuloy ito, maaaring maging kulay kahel ang apoy niya at makakagawa ng bagong abilidad tulad ng purification.

"Kulang pa, Curtis!" Demand ni Zedrick dahilan para mas maglabas pa ng apoy si Curtis. 

"Manahimik ka nga!" Inis na bulyaw ni Curtis at pinag sunod-sunod ang pagbato ng apoy sa Class-A vampires. 

Kung tatanungin kung paano nalaman ng mga tao sa laboratoryo ang tungkol sa posibleng new ability ni Curtis ay dahil sa mga data ng mga naunang Pyrokinesis user. 

"Nice! Dapat pala 'lagi kang ginagalit para mabawas-bawasan kahit paano 'yung mga-- Eek! B-Bakit?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Hades dahil sa kamuntik muntikan na siyang matamaan sa mukha ng fire ball ni Curtis. 

 Tiningnan ko pa ang mga kasama ko na hindi pa rin magawang mag seryoso kahit na sa kalagitnaan kami ng misyon. Ilang buwan na ang nakakalipas pero nakikita ko ang pagbabago ng mga ito, 

 ...Tila para bang ako na lang napag-iiwanan.