Blood LV: Respite
Zedrick's Point of View
Walang gana kaming nakatingin ngayon kay Ma'am Eirhart na nakasuot lang ng pokerface habang nakatingin sa malayo. AUGUST. Itong buwan na ito ang simula ng bakasyon namin at inaasahan na makakapag relax kaming lima ng walang inaalala dahil ang Platoon X ang naka-duty ngayon sa Prison of Atlante pero,
...Bakit namin siya kasama ngayon?
Inalis ni Ma'am Eirhart 'yung cigarette stick sa bibig niya't umalis sa pagkakasandal sa kotse niya upang lapitan kami. "What? Why are you guys wearing that faces?" Taka nitong sabi sa akin.
Hindi kami sumagot pero pilit na ngumiti si Hades. "Kung hindi mo mamasamain, maganda naming guro. Pero bakit ka po nandito?" Magalang na tanong nito na may kaunting pagka insulto kaya umismid naman si Ma'am Eirhart at piningutan siya.
"And why the f*ck are you complaining?" Parang pagod na tanong ng adviser namin habang napapapikit si Hades sa sakit.
"M-Ma'am. Alam mo ba na dapat hindi ka nagmumura kasi may estudyanteng nakakarinig sa'yo? And thank you sa pagmamahal na ibinibigay mo." Binitawan na ni Ma'am Eirhart si Hades 'tapos tiningnan kaming apat para suriin kami isa-isa.
Wala pa kasi talaga si Savannah at siya na lang ang hinihintay namin dito sa meeting place. Train Station Area 49 na malapit-lapit lang sa K.C.A.
Nagpasya kasi kaming mag beach dahil sa init ng panahon, kaya gusto naming magbabad sa tubig. Saka para na rin makapag unwinding at pahinga.
"Hmm. Wala pa si Savannah." Hanap ng adviser namin dito habang palinga-linga. Pagkatapos ay ibinalik sa 'min. "By the way, whether you like it or not. I am here to take charge of your performance."
Umismid si Curtis at tumagilid ng tayo sa adviser namin kasabay ang paglagay niya ng kanang kamay sa kanyang beywang. "I'm seriously not happy about this." ani Curtis.
Humakbang nang kaunti si Ma'am Eirhart papunta kay Curtis at yumuko kaunti para mapantayan ang walang ganang tingin ni Curtis. "What? Do you think I'm happy? I don't want to babysit you, either."
"Then, get out." Pabalang na tugon ni Curtis kaya nakatanggap siya ng malakas na hampas sa ulo mula sa adviser namin gamit ang ni-roll na magazine.
Mabilis naman siyang pinuntahan ni Vermione upang himas-himasin ang ulo nito.
"Damn you, old woman!" bulyaw ni Curtis na inis na inis pero pinatahan lang siya ni Vermione.
Tinuro ni Ma'am Eirhart ang kotse niya sa likod gamit ang kanyang hinlalaki nang nakaharap lang sa amin. "Dapat nga magpasalamat pa kayo dahil nandito ako, may pang transportation kayo papunta sa beach na pupuntahan. Wala kayong gagastusin dahil sagot ng organisasyon 'yung pang gas."
Ang problema, iyong driver! Kung iisipin ko pa lang 'yung paraan ng pagmamaneho niya. Pakiramdam ko masusuka na ako. Bakit ba may ganitong klaseng tao sa mundong 'to? She's terrible at cooking and most especially DRIVING.
Maaga kaming mamamatay kung sasakay kami sa sasakyan niya.
"S-Sorry! Na-late ako." Sabay-sabay kaming napatingin sa medyo hinihingal na si Savannah. Medyo napatitig ako sa kanya dahil sa summer dress outfit niya. Nag-iba rin ang style ng buhok niya kaya medyo nanibago ako. Inilipat niya ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay, sa kilig ko. Napahawak ako sa batok ko, ang ganda kasi talaga ng mata niya lalo na kung tititigan pa.
Hinampas ako ni Hades sa braso kaya muntik pa 'kong ma-out of balance. "P're, 'wag ipahalata ang kilig. Baka mapunit labi mo." Tumawa ako habang umabante naman si Curtis para simulan nanamang awayin si Savannah.
"Nag-abala ka pang pumunta, hindi ka na sana natuloy." Pagtataray nito na may paghalukipkip pa. Binigyan lang siya ng walang ganang tingin ni Savannah at malakas na naglabas ng hangin sa ilong.
"It's also nice to see you, Curtis." Pang-aasar ni Savannah kaya namula naman si Curtis. Natatawa lang si Vermione sa kanila at tinutukso pa na nagkakasundo sila.
Habang nagku-kwentuhan sila, ipinasok ko ang kamay ko sa aking bulsa kung saan nakapa ko ang dinala kong bote na may lamang dugo. Ito 'yung nadampot ko noon sa classroom bago ang activity namin sa sport fest.
Hanggang ngayon, 'di ko pa rin alam kung kanino galing ito.
Pumalakpak ng tatlong beses si Ma'am Eirhart. "Stop with your chitchats, kids. Pwede na ba tayong pumasok sa kotse nang makarating na tayo ng maaga sa destinasyon na pupuntaha--" Naputol ang sasabihin niya.
"Sa tingin n'yo makakapayag kami na kayo lang ang magsaya at kami, hindi?" Pare-pareho naman kaming napatingin sa isa pang paparating at nagkanya-kanyang reaksiyon nang mapagtantong si Septimus ito. Pero sa pagkakataon na ito, hindi niya kasama ang buong miyembro ng platoon niya. May kasama lang siyang isang babae. Sino 'to?
Hila-hila nila ang mga maleta nila, nakasabit ang shades ni Septimus sa pocket ng floral polo shirts niya. Halata mo ngang pupunta rin sa dagat dahil naka beach sandal pa. Tinuro niya si Ma'am Eirhart, "Take us with you."
"What?!" Sabay-sabay na reaksiyon namin sa gulat maliban kina Savannah, Curtis at Ma'am Eirhart.
"I'm not your private driver, brat." wika niya na may matalim na tingin sa kanyang mata kaya kami naman, napaatras na lang. Nagsisimula nanaman siyang mangain gamit ang mata.
Ibinaling ko ang tingin sa kasama ni Septimus. "And you are?" Tanong ko kaya inilipat ng babaeng ito ang tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti at magalang na pagsagot.
"I apologize for being rude. I'm Astrid Aznable-- I'm the lead of Platoon X." Napaawang-bibig kami sa nalaman namin habang naasar naman sa kanya si Septimus at kung anu-anong comment nanaman ang ibinubuka ng bibig ngunit hindi lamang ito pinansin ni Astrid at tiningnan lang si Vermione.
"It's nice to see you again, Vermione." Ngiting pagbati ni Astrid na patangong nginitian ni Vermione.
Kumamot si Ma'am Eirhart sa ulo niya tapos tinapik-tapik ang kotse niya, "Sige na, sige na! Pumasok na kayong lahat, ang init pero dito kayo nagku-kwentuhan." Init na init na daing niya at naunang pumasok sa sasakyan-- Van.
Taas noo namang umabante si Septimus at itinapat sa akin ang maleta niya. "Ipasok mo, commoner." Utos niya kung saan may pumitik na kung ano sa sintido ko. Aba! Ginawa pa akong katulong?! And what? Commoner?!
Nag bow lang sa amin si Astrid at iniwan din ang maleta sa amin bago pumasok sa loob. Kumuyom na ang kamao ko sa inis habang tinapik tapik naman ni Hades ang likod ko para pakalmahin ako. "Now, now." Tumawa pa siya niyan.
Wala tuloy kaming nagawa kundi ang ilagay ang mga gamit nila sa compartment.
Nag-aayos lang kami ng magkabungguan kami ni Savannah habang buhat buhat ang mga dala namin. "Sorry." Pahinging paumanhin ko pero ngumiti lang siya saka niya inilagay ang dala niyang gamit sa gilid.
Umiwas ako ng tingin sandali na ibinalik din sa kanya. "Kailan tayo pwedeng mag date?" umangat nang kaunti ang balikat niya, malamang dahil bigla kong nabanggit.
Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin sa private room niya kung saan siya ilang buwan nakatulog, hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa amin. More on training lang kami gayun din ang pagkuha ng misyon sa Prison of Atlante kaya wala rin kaming time na makapag-usap na kaming dalawa lang. Kumbaga, ngayon lang talaga.
Kasi madalas, kaming lima talaga ang magkakasama. Kung magkakaroon man kami ng pagkakataon na maiwang dalawa, palaging nauudlot dahil sa pabigla biglang pagsulpot ng sitwasyon kaya simula noon ay hindi na namin bini-bring up. Nagpapakiramdaman lang kami.
Eh, ako naman itong si tanga tanga, hindi rin naman kaagad masabi sa kanya dahil madalas akong pairalin ng hiya ko.
Tiningnan niya ako mula sa peripheral eye view. "Hmm... you've got some nerves to tell me that after a year. But," She paused, but a minute later. Nilagpasan na lang niya ako't hindi na nagsalita. Sinundan ko naman siya ng tingin. Is she mad?
Tinawag naman ako ni Hades kaya ako naman itong napatingin sa gawi niya, binigyan niya ako ng thumbs up na parang sinasabing good luck sa akin.
Hinimas himas ko na lamang ang batok ko bago napabuntong-hininga.
***
KALAGITNAAN NG BIYAHE. Namumuo ng argumento ang saksakyan habang natatawa lamang sila Vermione at Hades sa mga ito.
Si Ma'am Eirhart, kahit alam niyang napaka delikado ay nagsuot pa rin siya ng earphone para makinig ng kung anong tugtog mula sa phone niya. Malamang ay naiingayan sa bunganga ng mga kasama ko.
"Hoy! Sinisiksik mo na 'ko!" Daing ni Septimus at ginigitgit na sina Savannah na naroon sa gitna.
Ako kasi iyong na sa passenger seat, sila naman 'yung na sa likuran.
"Kasalanan ko bang mataba ka?" Tanong naman ni Curtis na katabi lang din ni Septimus saka umurong para sila Astrid naman ang masiksikan.
Sila Vermione at Hades kasi ang nasa pinaka likod kasama ang ibang gamit. Dalawa lang sila roon dahil kung may uupo pa sa tabi nila, mas masikip.
"M-mataba? Sumosobra ka ng bampira ka, ah?" Napipikon na sambit ni Septimus habang pina-glow naman ni Curtis ang mga mata niya para takutin ito.
"Kung hindi ka talaga mananahimik, uubusin ko 'yang dugo mo para mamatay ka na ngayon." Babala ni Curtis dahilan para umurong si Septimus paurong kay Astrid.
Pasimple naman akong napahawak sa aking noo. In the first place, ba't ba kasi nandito itong mga ito? Kami lang naman ang pupunta sa beach, eh. Saka 'kala ko ba may misyon ang Platoon X ngayon?
"May oras kang makipaglokohan dito, ano na nangyari sa misyon n'yo ngayon?" Tanong ni Savannah na nakasalong baba lang na nakatingin sa labas ng bintana. Pero nakatingin siya kina Astrid mula sa reflection nung salamin.
Umismid si Septimus, "I see, a stalker." Tatango tango nitong sabi. "But fine! Nandito kami dahil inilipat sa platoon XXXI ang misyon dahil may kailangan din daw silang mai-investigate sa assigned area namin." Pagmamalaki nitong paliwanag. "Kaya sakto na nandito kami." Dagdag niya
Narinig ko naman ng hindi sinasadya 'yung utak ni Savannah.
Ako lang ang nag-asikaso ng reports kaya alam ko. parang napapagod na sabi ni Savannah sa isip niya.
"Hmm… Hindi pala kayo maaasahan kaya inilipat sa kabilang platoon. Sige, pakasaya ka lang." Pang-aasar ni Savannah.
"Huh?!" Inis na reaksiyon ni Septimus habang hawak lang ni Astrid ang laylayan ng polo shirt niya upang pigilan sa kung ano ang gagawin nito kay Savannah.
Binalewala ni Savannah si Septimus at kay Astrid itinuon ang atensiyon. "Ba't ngayon ka lang ulit bumalik? Sa'n ka nanggaling?"
Ngumiti naman si Astrid at binitiwan si Septimus na kumalma na. "Even if I want to tell you, it's confidential." Hindi na nagpumilit si Savannah at ibinalik lang ang tingin sa labas ng bintana.
Si Hades naman ang sunod na nag-ingay habang suportado naman si Vermione sa kanya.
Kumuha na lamang ako ng blood pack sa bag dahil medyo nakaramdam ako ng uhaw. Binibigyan na ako ng supply nila Mr. Okabe kaya hindi na ako nahihirapang manghuli pa ng kung anong hayop diyan gayun din ang limitasyon ko sa pag-inum ng dugo ng tao.
Subalit naipaliwanag nga lang nila ang tungkol sa maaaring mangyari sa akin kung hindi ako iinum ng dugo ng tao-- ang maging Class-A Vampire.
Kaya hindi ko maiwasan na kailanganin si Savannah.
***
RINIG NA RINIG na namin ang malakas na paghampas ng alon nang makarating kami sa destinasyon namin. Alauna na ng hapon kaya nalipasan na kami ng gutom. Kaagad kaming pumunta sa rest house na pina-researve talaga namin na good for eight dahil iyon na lang ang available na room ngayon kaya swerte talaga sina Septimus dahil may extrang room.
Naglalakad kami habang tumutulo ang mga pawis namin, na sa bandang gitna kasi ang rest house isama mo pa na tirik na tirik pa ang araw.
"Ang annoying nito. Nakakauhaw." Nanghihinang daing ni Curtis sabay tingin kay Savannah. "You, give me your blood."
Ngumisi naman si Savannah. "Now, you're begging me for blood? How funny, Curtis. Hindi ka naman worth it bigyan." Pang-aasar nito dahilan para mapasimangot si Curtis at tumabi na lang sa akin para hawakan ang kamay ko. Nagulat naman si Savannah sa ginawa nito gayun din ako, ngumisi muna siya bago ako bigyan ng mapang-akit na ngiti.
"If she doesn't want me to give her blood, then how about you--" Hindi naipagpatuloy ni Curtis dahil sinipa ni Savannah ang buhangin-an dahilan para mapunta iyon sa mukha niya. Hindi naman siya napuwing dahil mabilis niyang pinangharang ang kamay niya. "B*tch!" Sigaw niya at mabilis na pumunta kay Savannah para atakihin.
Hindi na namin sila pinigilan dahil ganyan talaga sila madalas, sadyang si Hades lang talaga ang hindi mapigilang umawat sa dalawa.
"Eww, war freak." Kumento ni Septimus tapos inilahad ang kaliwang kamay na hindi naman aangat sa dibdib. "Astrid, massage meh." Mabilis namang ginawa ni Astrid ang gustong mangyari ng lalaking ito. Hoy! Sino ba talaga sa inyo ang lider?!
Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga ngunit napatingin din kay Vermione nang mapansing nakatingin siya sa malayo na may blankong tingin sa kanyang mata.