Blood LIII.V: Covered
Zedrick's Point of View
"Fabled… fiend?" Dahan-dahan kong sambit sa binanggit ni Ma'am Eirhart matapos niyang maikwento ang iba pang mga detalye. Dito kami sa office niya nagpasyang mag-usap para wala masyadong makarinig, hindi pa ito nalalaman ng buong vampire hunters dahil masyado raw'ng confidential.
Magkakaroon din daw nang panic kung ibabalita nila ang tungkol dito.
Sino ba namang hindi, kung alam nila ang tungkol sa kakayahan ng mga ito?
Ang Fabled Fiend ay walang pinagkaiba sa Pureblood Vampires, pero dahil sa taglay na lakas na mayro'n ang mga ito tulad ng dark magic at ability, 'di sila naiiba sa lakas ng mga demons sa pangalawang henerasyon matapos ang rebellious war nung panahong ibinagsak sa lupa ng God si Lucifer.
Gaya ng mga demons-- o ang tinatawag sa Fiend. Kilala silang walang awang nilalang na naninirahan sa mundo ng mga tao kaya kapag naririnig nila iyon, tumitindig ang balahibo nila ganoon din ang mga bampirang katulad ko. Isang pagkakamali mo lang, papatayin ka kaagad nila. Kaya rin sila nahirangang "Fabled" dahil kilala sila sa buong Vampire Community.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa stool na bumagsak pa dahil sa pwersa ng pagkakatayo ko. "Baka naman nagkakamali kayo? Si Sav? Fabled Fiend?
Imposible naman yatang mangyari 'yan? Nasabi na iisa na lang ang namumuhay na Fabled Fiend dahil sa kagagawan ng Dark Meteor 2,000 years ago."
Nanlaki ang mata ko dahil sa isang kaisipan.
Hindi. Parang tulad ito ng dati, na akala ko ako na lang ang normal vampire na malayang nakakalakad sa mundo ng mga tao.
Kaya hindi imposible na mayro'n pang isang Fabled Fiend maliban kay Xanis Faulker kung saan nasabing nagtatago raw siya sa gitna ng malawak na kagubatan.
Ang Forest of Hope in Asia. (Philippines)
Hiniling niya ang mapayapa't tahimik na buhay matapos mamatay ang mga kapwa niyang Fabled Fiend. Nag originate ang mga tulad nila sa Country of Egypt, at napunta sa country of Rome.
Pumikit sandali si Ma'am Eirhart. "Hindi ko pa alam 'yung buong detalye, pero kagagawan ni Xanis ang pagiging tao ni Savannah."
Bumuka ang bibig ko. "Xanis? Xanis Faulker? Nandito siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko kasabay ang pagkatok sa pinto kaya pareho kaming napalingon doon. Bumukas ito at bumungad ang isang lalaki.
Wala itong ibang sinabi at sumenyas lamang kay Ma'am Eirhart na nagpabuga lamang sa kanya ng hininga bago tumayo.
"Saka na tayo mag-usap." Wika ng adviser ko saka siya naglakad at nilagpasan ako.
Mabilis naman akong humarang sa dinadaanan niya. "Marami pa akong kailangang itanong." Hindi ko 'to pwedeng palagpasin.
Nakababa ang tingin niya sa akin at sandali pang hindi nagsalita. Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at inalis ako sa dinadaanan niya kaya wala akong nagawa kundi ang mapatungo. Ngunit naramdaman ko naman ang paghinto niya sa pintuan.
"Hintayin mo na lang na magising si Savannah at siya ang magkwento ng buong detalye." Huli niyang sinabi bago siya tuluyang makalabas ng sarili niyang office at iwan akong mag-isa rito.
Hades's Point of View
Diretsyo lang ang tingin ko kay Curtis-- kay Empress na ngayon ay nakaiwas lamang ang tingin at hindi makasulyap na nandoon sa pinakadulo ng cell niya't nakaupo sa sulok.
Maliwanag pa rin sa utak ko ang mga bumalik na alaalang nawala sa akin matapos ang insidente kahapon, subalit 'di ko pa rin mahanap ang ideya kung paano nangyari 'yon. Bago kami bumalik sa realidad, animo'y lumakbay muna ako sa napakahabang panaginip dahilan para mahukay ko ang mga memoryang nakabaon matapos burahin ni Empress ang alaala ko kasama siya.
Ang ipinagtataka ko lang, sino 'yung lalaking nagpakita sa gitna ng laban namin ng bampirang si Naomi? Matapos niyang ipitik ang mga daliri sa ere, bumalik ang lahat sa normal. At sa isang iglap, na sa realidad na kami ni Vermione.
"Your wounds, gumagaling ba? Are you okay?" Sunod-sunod ko pang tanong kay Empress ngunit wala talaga. Kanina pa namin siya kinakausap pero ni isang salita, wala siyang sinasabi.
Na sa office ni Ma'am Eirhart ngayon si Zedrick at kami lang ni Vermione ang pumunta rito sa Dawn Chamber para ipaalam kay Empress na ligtas siya at wala siyang dapat na ikabahala. Magkakaroon lang siya nang kaunting parusa mula sa head at mananatili rito ng ilang buwan hangga't hindi siya nagsisisi sa nagawa niyang kasalanan.
Saka magkakaroon lang kami nang kaunting katanungan tungkol kina Yue dahil hanggang ngayon ay hindi pa namin nakukuha ang sagot kung sino ang pumatay sa dalawang iyon.
Hinawakan ko ang bakal at tiningnan ang papel na nakasabit sa kulungan na ito, kumpara kina Yue. Mas malakas ang nagagawa nitong enerhiya upang ma-sealed ang abilidad ng kung sino mang makakapasok sa prison cell na ito. Kahit gumawa nang gumawa ng apoy si Empress ara subukan itong sirain, hindi siya makakaalis dito.
Inilipat ko ang tingin kay Curtis. "Are you still mad?" Tanong ko pero wala pa ring sagot.
Tumabi sa akin si Vermione habang mayroong ngiti sa labi niya. "Kinuwento ni Hades sa akin 'yung nakaraan n'yo. Iyon ba ang dahilan kaya ayaw mong magsalita o may iba pang dahilan?" Tanong niya na hindi pa rin inimikan ni Empress. "Or is it because of the fact that Savannah is one of the Fabled Fiend that you despise?" Sa pagkakataon na ito, nakita ko ang paggalaw ng daliri ni Empress bilang reaksiyon niya sa narinig niya.
Kung aalalahanin ko ang labanan nila kahapon ni Savannah. Talagang makikita nga kung gaano niya gustong patayin si Savannah sa sarili niyang mga kamay.
Humakbang ako ng isang beses. "Empress, she is indeed the one who I saw last 6 years ago. But I want to tell you that she's not--" Hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi ko ay malakas na niyang sinuntok ang pader. Wala siyang lakas bilang isang normal na bampira kaya nakagawa lamang ng tunog ang pagsuntok niya sa pader.
Lukot na lukot ang mukha niyang inangat ang tingin para tingnan ako. "I have no any reason to listen to your nonsense talk. Para sa'n ba 'to? To convince me that she wasn't the one who killed my parents? How stupid of you to closed your eyes from the truth just because she's your FRIEND." Pag emphasize niya sa salitang 'friend'
Nagsalubong sandali ang kilay ko. "That's right. She's a friend, but I'm not being bias." Seryoso kong tugon. "You're thinking that she's at fault because she's the last person you saw that nigh--"
"SHE's not a person! She's a monster who will kill all kinds of living things in EARTH including all vampires. You don't know how dangerous she is once she is awake--"
"Then, let me ask you." Sabat ko nang hindi nawawala ang seryoso sa paraan ng pagtingin ko sa kanya. "Nakita ba ng mata mo kung gaano siya ka-delikado?" Tanong ko na nagpaurong sa ulo niya. Subalit nagsalubong pa rin ang kilay niya.
"Kapag dumating ang oras na magising 'yung demon na nakatago sa kanya. Magsisisi rin kayo." Saad at pananakot niya. "Kung ako lang talaga ang masusunod, ngayon pa lang, pinatay ko na siya."
"Pero bakit hindi mo ginawa nung una pa lang?" Isang katanungan ni Vermione na hindi rin kaagad naimikan ni Empress. "You're not actually a bad girl, so, why are you still acting all villainous?"
Tinapunan ni Empress ng nakamamatay na tingin si Vermione. "T*ng ina mo, 'di ko piniling maging kontrabida sa buhay n'yo! Siya ang may dahilan kung bakit ako nagkaganito kaya manahimik ka!" Umalingawngaw na sa lugar ang boses niya pagkasigaw niya niyon.
"Kung sakali mang si Savannah nga ang dahilan kung bakit namatay ang magulang mo, at nagpasya kang patayin siya. Ano na ang susunod mong gagawin?" Tanong ko at higpit na hinawakan ang bakal sa prison cell niya, umaasang hindi pa nangyayari ang itatanong ko. "Pumatay ka na ba?" Tanong ko na nagpalaki sa mata niya. I knew it, hindi nga talaga siya 'yung klaseng babae na kayang pumatay.
May nagbukas ng malaking pinto kaya sabay kaming napatingin ni Vermione roon. Si Zedrick pala ito.
Naglakad na siya papasok para puntahan kami. "Ano raw sabi ni Ma'am Eirhart?" Bungad ko kaagad sa kanya pagkahinto sa tabi namin pero tumahimik lang siya.
Naglabas lang ako ng hangin sa ilong. May ideya na ako na alam na niya kung sino talaga si Savannah.
Humarap ulit ako kay Empress. "Who killed Yue?" Tanong ko pero ibinato lang niya sa mismo kong harapan ang ginawa niyang itim na apoy.
Ngumiti na lang ako pero makikita ang lungkot sa aking mata.