Blood L: Light My Fire
Savannah's Point of View
Ihip ng hangin ang maririnig sa paligid. Mga nagsiliparang paniki papunta sa kung saan ang dumaan sa harapan ko habang naguguluhang nakatingin kay Curtis. "A Fabled… fiend?" Ulit ko sa binanggit niya. Ano iyon?
May malabong litrato ang muling nagpakita sa utak ko dahilan para manakit ang ulo ko't mapahawak doon.
Sh*t, I don't know what to think anymore. Is she trying to provoke me? Is she telling me the truth?
Inangat ko ang tingin kay Curtis na inihahanda ng ibato sa akin ang ginawang apoy-- Black Fire. This is an obvious theory, gaya ng sinabi ni Vermione nung nakaraan; nakukuha ng isang normal vampire ang abilidad nila depends on how they feel or what they desire.
She got the ability maybe because she's experiencing emotional turmoil in her life that she's feeling burning up.
I could see it. The way she looked at me.
Her anger and despair.
If I'm going to convince her, will her fire become lighter?
Light my Fire...
Rinig ko mula sa kanya na nagpalaki sa mata ko saka niya ibinato sa akin ang apoy na iyon. Hindi ko s'ya inilagan pero may humarang para saluhin iyon. Hiniwa n'ya ang apoy sa pamamagitan ng malaki nitong spada. Kumikinang ito saka ini-swing sa ere. "D-Dad." Nauutal kong tawag dahil sa gulat. May mga tumabi na rin sa akin-- Apat na vampire hunters.
Binuhat nila si Hades lalo na si Vermione na nasaksak kanina ng kasama ni Curtis.
Si Zedrick na lang ang hawak nila Curtis ngayon. "Hindi man lang kayo nagpasabi na dadalaw kayo rito. Pinainum ko man lang sana kayo ng cha-a para maidaan natin 'to sa magandang usapan," nagawa pang magbiro ni Dad. Ngumiti siya lalo pa nung ibaling ang tingin kay Curtis. "Hindi ba, Empress?" Tawag ni Dad sa first name ni Curtis.
Pinanlisikan ni Curtis ng tingin si Dad saka siya napaismid. "You keep on hiding our identity to protect your school, don't you know how pathetic you are? Hindi rin naman magtatagal, malalaman din ng buong mundo ang mga Arcane Vampires. Na totoo kami't nabubuhay sa mundo ng mga TAO." pag emphasize n'ya.
"Hmm? Are you upset?" Mapang-asar na tanong ni Dad kaya mukhang mas nagalit pa yata si Curtis. Ibinaling ko lang ang tingin sa isa pa n'yang kasama noong ngumisi siya habang hindi inaalis ang tingin kay Zedrick. Ano ang ginagawa niya?
Tumayo na ako't lalapit noong iharang ni Dad ang kamay niya senyales na huwag na 'kong magpatuloy. Nilingon n'ya ako, "Go. Leave it to us."
Nakatingin lang din ako sa kanya nang tumungo ako. "Dad..."
Pumaharap ito ng tingin. "Mag-usap tayo sa office ko. Samahan mo muna ang mga kaibigan mo." Bilin niya sa akin na ikinakuyom ng kamao ko.
Paano ako makakapayag na umalis dito kung marami akong gustong itanong sa kanya? Gusto kong maliwanagan pero hindi pa ito ang oras. But still--
Ibinaba ko ang tingin ko sa aking mga palad na nanginginig. You can see nothing on my face, but I'm frigging shaking right now.
I want to avoid thinking unnecessary things at this moment, but the more that I will remember the times I had my nightmares. The more I couldn't help but to ask this myself. "Who am I?"
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkuyom ni Dad sa espada niya. "Savannah" Tawag ni Dad sa akin. "You're my daughter" Napasingjap ako nang kaunti habang hindi tinatanggal ni Dad ang tingin sa harapan. "Iyan ang alam ko." Pagkasabi niya niyon ay itinaas niya ang kanan niyang kamay para pumitik sa ere.
Mabilis na sumugod ang apat na vampire hunters para sugurin sina Curtis.
"Hayaan n'yo si Empress." Pahabol ni Dad saka ngumiti, "She's a student here. We can't harm her." Nakita ko ang pagkagulat ni Curtis pero hindi iyon ang dahilan para hindi n'ya atakihin ang mga tao ni Dad.
Ngayong may pagkakataon, pumunta ako kung nasaan si Zedrick ngunit kaagad din na humarang si Curtis upang hindi ko makuha si Zedrick. Patalon akong napaatras at kinuha ang kaisa-isang baril na dala ko para mag battle stunt.
Gumawa muli siya ng apoy. Kumpara kanina ay dalawa na ang hawak niya kaya mas sumeryoso ang tingin ko. Lalo pa't nandito na rin ang mga kalaban. Si Zoe at Bryan Olson.
Naningkit na ang mata ni Dad at pinindot ang inilabas na device, nagpapatawag siya ng tao.
"It's nice to see you again, Princess." Ngising sabi ni Bryan na 'di ko inimikan.
"Ngh."
Hades's Point of View
Paano mo masasabing na sa totoong mundo ka kung in the first place ay na sa alternate universe ka? Kasama ba sa pagiging ilusyon ang mapunta sa alternate universe kung sa'n kabaliktaran ng buhay mo ang buhay sa kabilang mundo?
Through dreams, will you connect to other world? O ito ba'y isang imahinasyon lamang? Mananatili ka bang masaya kung alam mong may ibang tao ang na sa kapahamakan?
Ano ang totoo sa hindi?
Nanonood kami nila Savannah sa sinehan habang napapaisip ako sa mga pinapanood namin. May kinalaman ito sa parallel universe kung saan may gate ka raw na pwedeng daanan upang makarating sa another world. Isa sa mga examples ang Butterfly effect and Chaos Theory.
Butterfly effect, ito 'yung small changes or decision na nagdudulot ng big difference sa ibang bagay while Chaos Theory, sa single pendulum. Alam mo kung saan ka pupunta ngunit pinapa-complicated ng universe na makarating ka sa totoo mong kinalalagyan. A small change in the starting values can change the value of the function in ways that look random-- simply as CHAOS.
Recently lang din ako nagkaroon ng interests sa mga ganitong bagay, hindi ko nga lang alam kung kailan kaya rin ngayon ay hirap maipaliwanag ang tungkol dito lalo na't may hindi tama sa mundong ito na hindi ko rin maintindihan.
How come na iniisip kong ibang iba ang mga kaibigan ko noon sa kaibigan ko ngayon? Sa pagkakaalam ko, hindi ko pa ganoon kakilala si Curtis pero kasama ko siya ngayon at malapit kami sa isa't isa. Siguro ang sama kung iisipin ko 'yun sa sarili kong girlfriend pero bakit may gano'n akong pakiramdam? Hindi ko maiwasan…
'Tapos, may mga bagay akong alam na hindi ko pa naman nae-encounter before. Is that even possible?
Everytime I woke up, maaabutan ko na umiiyak ako at makakaramdam ng bagay na 'di ko maintindihan kahit pilit unawain. I feel nothing but emptiness, kaya mas naguguluhan ako sa araw-araw na magigising ako.
"You're dreaming, aren't you?" Dialogue doon sa pinapanood namin.
If we're not going to include any science related whenever we're having dreams; (blood pressure, brain function or regulating the metabolism.)
Is there any other reason why we're having dreams kung hindi naman natin iniisip at bigla bigla lamang itong lumalabas sa utak natin? How could we explain that? An imagination? I don't think so.
Imagination comes from our ideas sorted to become a creation.
Isa rin ito sa mga iniisip ko, the universe is a hologram. The volume itself is illusory and the universe is a hologram which is the information "inscribed" the surface of its boundary.
Siniko ako ni Zedrick. "Uy, ang seryoso mo naman diyan? Bakit, p're? Iniisip mo na ba 'yung kakainin mo mamaya?" Tanong niya samantalang inakbayan naman ako ni Savannah.
"Doon tayo sa bahay nila mamaya, may niluto si tita, hindi ko pwedeng palampasin 'yon." Tukoy ni Savannah kay mama kaya tumawa naman ako tapos napatingin kay Curtis na bigla na lang sumisinghot doon sa gilid. "Empress?" Tawag ni Savannah pero hindi lang niya kami pinansin at itinuon lang ang atensiyon sa pinapanood.
"All the choices you made in this world is played out in alternate realities." Rinig kong sabi sa movie kaya tumayo na muna ako't nagpaalam sa mga kasama ko na magbabanyo na muna ako. Pero ang totoo ay doon muna ako sa labas.
Ginagawa ko itong big deal kasi sumasakit na talaga 'yung ulo ko sa nangyayari. I don't understand it myself, siguro kung anu-ano lang talaga 'yung pumapasok sa isip ko kakanood ko ng mga theories sa reddit.
Nakalabas na ako sa sinehan at bumuntong-hininga. Hindi ko nga lang napansin na nakasunod si Vermione sa akin kaya sinundan ko siya ng tingin na tumatabi na sa akin. "Hades, maniniwala ka ba kung wala tayo sa totoong mundo?" Tanong niya na nagpakunot-noo sa akin.
"Huh?" Tanging reaksiyon ko sa bigla nitong natanong. Para kaning lang nung iniisip ko 'yung about sa parallel universe, 'tapos ngayon…
Hindi, baka epekto lang ito ng pinapanood namin. Grabe, nakakadala. Ang galing ng author na gumawa nung storya. Kaya siguro blockbuster.
Humarap siya sa akin na may seryoso sa kanyang mukha. "What is the last thing you remembered bago ka mapunta rito?" Hindi kaagad ako nakasagot dahil naguguluhan pa ako.
"Ano?" Naguguluhan ko pang tanong at nagulat nang sampalin niya ako sa pisngi ng sabay gamit ang dalawa niyang kamay. "Masakit--" Inilapit niya ako sa kanya na kamuntik-muntikan pa akong masubsob.
Inilapit din niya ang mukha niya sa akin para bigyan ako ng nakakatakot niyang ngiti. Yes, her face might be smiling, but her eyes aren't.
"The day when you came here, naalala mo ba kung ano ang nangyari sa kahapon." Pag emphasize niya sa salita na nagpatitig sa akin.
"Kahapon…" Ulit ko saka niya ako binitawan. Humawak siya sa bandang siko niya at pasimpleng iginala ang tingin.
"Hindi ko alam ang buong detalye, pero nararamdaman ko na may nakikinig sa 'tin kung malalaman niyang mayroon tayong kahina-hinalang kilos kaya chill ka lang at h'wag magpahalata." lumunok ako ng laway at sinusubukang kumalma.
Pumaharap ako ng tingin at tumikhim. "Vermione, wala naman tayo sa deep web para mangyari 'yan na may makikinig sa 'tin na user. Saka hindi ka ba nag o-overthink?" Tanong ko kaya ipinagkrus naman niya ang mga kamay niya.
"I see, you're in a stage of denying the truth." Kinakausap lang talaga niya 'yung sarili niya habang hawak ang chin niya. Ibinaba na niya ang kamay niya at inangat ang tingin sa akin. "Tell me, pa'no mo ako nakilala?" Tanong niya na muling nagpaisip sa akin.
Ang alam ko sa classroom iyon pero sa alaala ko, nakilala ko siya dahil kaibigan siya ni Savannah.
Humawak ako sa ulo ko dahil nagmi-mix na 'yung mga alaala na hindi ko malaman kung totoo ba o hindi. Mas sumasakit ang ulo ko kaysa kanina lalo na't sunod-sunod na ang pagpapakita ng litrato sa utak ko. "Arghh." Humawak si Vermione sa balikat ko.
"Don't force yourself to remember, kaso hangga't maaari ay kailangan na nating umalis sa lugar--" Malakas na nanginig ang lupa kaya halos matumba tumba kami. Nawala lahat ng mga na sa paligid na tila parang isang ilusyon, ngayon ay isang blank space area na lamang ang nakikita namin.
Hawak pa rin ni Hades ang ulo niya habang nakatingin sa paparating. Nagba-buz ang form na nilalang habang papalapag ito. Hanggang sa makatuntong na ang mga paa niya sa pwedeng maapakan ay nagpakita na ito sa amin.
"Hmm. Good work at figuring out what's going on in just a short time," Inangat niya ang kaliwa niyang kamay. "…here's your reward." Pumitik siya sa ere kasabay ang pagbalik ng mga alaala naming pareho sa totoong mundo. Naalala ko rin ang ginawa ng bampirang ito kay Vermione. "Bastard!"
Lumapad ang ngisi sa labi niya at nagsimulang humagikhik.
"Vermione." tawag ko sa kanya na ngayon ay nanginginig ang mata na nakatingin sa bampirang na sa harapan natin.
"Hindi tayo makakalabas." Sambit niya na nagpakunot sa noo ko. "Siya ang may kontrol sa mundong ito, kaya siya lang ang daan para makalabas tayo."
Ibinalik ko ang tingin sa bampirang na sa harapan namin na hindi pa rin tinatanggal ang ngisi niya. Pagkatapos ay may biglang lumabas na clock sa paligid niya't pabagsak na napatungo ng hindi tinatanggal ang tingin sa amin. "You can't escape here."