Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 8 - Smith Mansion

Chapter 8 - Smith Mansion

Chapter 8: Smith Mansion

Haley's Point of View 

"Yow" we both looked at the person who just called us. It's Keiley along with his two friends. Okay, now what are they doing here?

Medyo nararamdaman ko ang awkwardness lalo na't nandito ako kasama ang apat na ito.

Tiningnan ko sila isa-isa, "Ergh." makaalis na nga lang dito. 

Nagmartsa na ako pero napatigil din noong pumunta bigla sa harapan ko si Reed. Ibinuka pa niya ang mga braso para wala talagang takas. 

Hindi ko lang siya pinansin at nilagpasan lang siya, pero sa pagkakataon na ito ay kinuha na niya ang pulso ko. "Where do you think you are going?" he asked. 

I stopped and raised an eyebrow at him, "What do you care?" maangas na tanong ko at malakas na hinila pabalik ang kamay ko, "Just stop it already, don't you know na nakakagulo na kayo ng buhay?" daing ko sa kanila na sakto naman ang pagtawag ni mama sa akin.

Lumingon ako sa kanya na ngayon ay sumesenyas na lumapit ako sa kanya. "Come here" utos nito. I tsked and scratched my head.

"Excuse me" umalis ako sa harapan nila at lumapit kay mama.

"Ano 'yon, ma?" tanong ko kaagad nang makalapit. Ipinasok niya sa pouch bag niya ang make-ups niya habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Mukhang may ipapaalam siya sa akin na hindi ko magugustuhan. 

"Anak, magmo-move na tayo after 3 days" itinaas ko 'yong kaliwa kong kilay, bakas sa mukha ko ang pagtataka dahil sa biglaang pag desisyon ni mama sa isang bagay. What?

"Saan naman?" naguguluhan kong tanong. Bakit bigla bigla na lang kaming lilipat? Ano mayro'n?

"Sa mansion ng Smith Family" matagal ding hindi nag sink in 'yong sinabi ni mama, pero mayamaya lang ay napanganga ako.

"Seryoso?"

Tumango siya bilang sagot. May suot suot din siyang ngiti sa kanyang labi. 

"Seryoso" sagot pa niya at tinapik ang braso ko. "Nakakatuwa, 'di ba?" hindi ako sumagot at napahilamos lamang ng mukha. Please, kung nananaginip lang ako pakigising na ako. Ang sakit sa puso nitong nalalaman ko. "Ayaw mo ba, 'nak?" nalulungkot nitong tanong kaya tiningnan ko siya. 

"It's not like that but can you tell me what made you decide that, ma?" tanong ko at ibinaba ang kamay papunta sa aking bibig.

"Eh, anak... We don't have any other choice, wala kang kasama sa bahay so they suggested us na doon ka na lang sa mansion dahil aalis alis na kami ng papa mo para sa project ng Smith" ayokong mainis pero naiinis ako! Kaya napapakamot na ako sa leeg dahil umaakyat 'yong dugo ko sa umiinit na ulo. 

Kasasabi ko lang sa apat na iyon na nagugulo na nila ang buhay ko tapos ngayon, heto ang madadatnan ko? Ano pa'ng kamalasan ang darating para ma-satisfy ang mundo sa 'kin? 

Deserve ko ba 'to? Ano na lang ang sasabihin na impaktong iyon 'pag nalaman niyang sa kanila ako titira? 

Paano kung utos-utusan niya ako 'pag wala si mama? Aba! Hindi pwede! Ako ang boss! 

Kaso hindi talaga! Ayoko! 

"Mama, kaya ko namang mag-isa, nakakapagluto nga ako, 'di ba? Kaya sabihin mo na lang kina tita Cory na huwag na silang mag-abala. I can do this on my own." Pagpapanatag ko sa loob niya, ayaw ko talagang tumira sa mansion ng Smith. Pumayag na akong sumama sa party na 'to kaya hindi ko na hahayaan na tumira pa ako roon.

"I know anak, but I also want to make sure that you're going to be fine, dahil may magbabantay din sa 'yo at may kasama ka" tatanggi pa sana ako pero pinandilatan na niya ako ng mata. Kaya hindi na ako sumagot pa at nanahimik na lamang.

Pumunta na lang ako sa balcony para makapag isip-isip.

***

YUKO AKONG NAKATINGIN sa ibaba, nandito ako ngayon sa balcony at mag-isa. Sa  ngayon, nagsisimula na ang pa-party nila sa  loob at hindi lang ako sumama. Wala rin naman akong kakilala at ayokong makisalamuha sa mga 'yan. 

Isinuksok ko ang earphone sa tainga ko at nakinig ng Japanese song, nakakawala kasi ng stress ang rock genre ng Japan, ayun bang napapa headbang ka na lang bigla. 

Ganoon din sa Korean Song. Mas natutuwa ako sa mga songs na hindi ko maintindihan kaysa roon sa mga kantang naiintindihan mo. 

Tiningnan ko ang bilog at maliwanag na buwan, iniisip kung ano ba'ng nangyayari sa buhay ko. Simula talaga nang makilala ko 'yong apat, mas nagulo lang ang hinihiling ko sa buhay. That instead of having a quiet life, umingay lang nang dahil sa kanila.

Nagsisisi nga ako na nag-aral pa ako sa E.U, eh? Dahil iyong mga taong ayoko ng makita ay muling papasok sa tatahakin kong daan. 

***

MAKALIPAS ANG tatlong araw na paglilipat ng mga gamit sa Mansion ng Smith ay nandito kami sa sala ni mama at naghihintay na lamang sa natitira't kahuli-hulihang gamit. 

Labag 'to sa loob ko pero nandito na, eh? May magagawa pa ba ako?

Ibinigay ko kay manang Yhina si Chummy dahil hindi ko rin siya mababantayan at maaasikaso.

"Thank you po" pagpapa-salamat ko kay manang Yhina. S'ya muna ang mag-aalaga habang nag-aayos pa kami ng gamit. Tumingin ako sa paligid at napabuntong-hininga.

"I-tour muna kita." medyo nagulat ako kay tita Cory na kararating lang sa aming tabi. Bigla bigla na lang kasi siyang magsasalita ng hindi ko napapansin. "Saan mo gustong unahin libutin ang bahay?"  Sinabi ba niyang bahay itong mansion na tinitirhan nila?

"Ah, h'wag na po kayong mag-abala pa, kaya ko pong mag-isa" hindi naman siguro bastos ang pagkakasabi ko, 'di ba?

Siniko ako ni mama sa braso kaya napatingin ako sa kanya. Nakasalubong ang kilay niya kaya ngumiwi ako sabay iwas ng tingin.

"Okay sige, tita Cory..." pagpayag ko na nginitian naman nito. Ipinagdikit ang dalawang palad at malawak na nginitian ako.

"May gusto rin akong pag-usapan, eh" sabay hawak sa beywang ko na medyo nagpatalon sa akin. Taka akong tiningnan ni tita Cory, "Bakit, anak?" tanong nito na mabilis kong inilingan. 

"No, it's nothing..." sagot ko na hanggang ngayon ay tumataas pa rin ang balahibo. 

Malakas ang kiliti ko sa beywang kaya bigla nalang akong napatalon ng ganoon. 

Naglakad na nga kami para gumala at naiwan sina mama roon sa sala. Tutal, may pag-uusapan din sila mamaya ni Mr. Alexander. 

Pumunta kami sa kung saan saan. Game room, Restroom, Kitchen then ang dress room na pinagsususuot pa ako ng kung anu-ano. Bakit puro pambabae? May anak ba si tita na babae? 

"Wala akong anak na babae pero sana ikaw na lang ang anak ko, ang ganda ganda mong bata!" at pinisil pa nito ang pisnge ko. Hoy, hindi naman siya buntis, 'di ba?!

"Ito naman ang isunod mo, Haley!" sabay angat ng Navy Blue dress. Napapagod na ako! 

Then, ang sunod naming pinuntahan matapos ang ilang trial na pag try ng iba't ibang damit ay ang kwarto ko, "Wow..." mangha kong sabi saka inilibot ang tingin sa kwarto. Pink ang color ng pader pero karamihan na rito ay color Red na ang makikita. Red theme room! 

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni tita sa akin kaya humarap ako sa kanya at ngiti siyang tinignan.

"Sobra, favorite color ko po 'yong Red" ngiti kong wika, "Thank you po" Ang bait ng magulang ni Harvey pero bakit 'yung anak, hindi? Ampon siguro 'yon! Naawa lang sina tita sa kanya kaya kinupkop. Aww, I pity him. 

Nginitian niya ako pabalik, "I'm glad" sabi niya at lumapit sa akin, "Haley, pagpasensyahan mo na pala ang anak ko kung nasusungitan ka niya, ha?" 

Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kanya. "May rason lang talaga kaya siya nagka-ganyan" kumunot ang noo ko at mas nagpaharap pa sa kanya.

Rason? Ano namang klaseng rason 'yon? "Pwede ko po bang malaman?" curious kong tanong. 

Naglabas siya nang hangin sa ilong at nagpatagilid. 

"I'm not sure, pero kahit na ga'non si Harvey, please take care of him." tumingin ako sa kung saan.

I'm not his girlfriend for you to tell me that...

Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay lumabas na kami ng kwarto. Nagpaalam si tita na may gagawin muna siya kaya nauna na ito, habang ako naman ay inililibot lang ang tingin sa kung saan, "Parang nakakatakot dito kapag kakaunti lang 'yong tao" sabi sa sarili.

Gumalaw ang pinto kaya agad akong napatakbo papunta sa baba, "Ma? Nasaan ka?!"