Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 10 - Leave Me Alone

Chapter 10 - Leave Me Alone

Chapter 10: Leave me alone

Haley's Point of View 

Maaga akong gumising para hindi ko makasabay 'yong mayabang na impaktong si Harvey. Hindi siya magandang kasama. Panira siya ng buhay nang may buhay.  'Laging may kontra, 'kala mo naman siya 'yong boss. 

Bumaba na ako para makakain na, tapos na rin naman akong maligo't magbihis, eh. Malamang, alangan namang bumaba ako ng walang damit, 'di ba? 

Pagkababa, pumunta na ako sa dining room na siya namang pagtambad ni Harvey early in the morning sa kanyang pwesto. Hay naku, makakasabay ko pa s'ya ngayon... Great.

"Ganyan mo ba talaga ako gustong makasabay?" pang-aasar nito habang nakasuot ng pokerface.

Kunot noo ko siyang tiningnan, "What?" tama ba 'yong narinig ko?

Umiling-iling siya, "Alam kong gwapo 'yong mukha ko, pero h'wag mo namang ipahalatang gusto mo akong makasaba—" inirapan ko siya dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita niya 'tapos umupo sa upuan na malayong malayo sa kanya. AYOKO siyang makatabi. 

"Don't assume mister, hindi mo ikakagwapo 'yang pagiging mayabang mo, baka liparin ka lang" natawa naman siya tapos pinag intertwine ang mga daliri  habang nakapatong lang ang kamay sa lamesa.

"Baka nga may gusto ka na sa akin, eh" nakatingin lang ako sa pagkain ko nang matalim ko siyang tingnan. Nakakatawa 'yon?

"You know how to die?" signature words ko kapag hindi ko nagustuhan 'yung sinabi ng isang tao.

"I'm home ~" Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses, si Keiley na nakasuot ng school uniform ngayon. And as usual, nakatirintas pa rin ang kanyang buhok. Ayan naman ang signature hair niya. Iyong masasabi mong siya si Keiley Jane Montilla. 

Ibinaling ko na lamang ang kinakain ko't hindi siya pinansin. 

"Anong  I'm home  ka d'yan? Hindi mo 'to bahay" umupo si Kei sa tabi ko kaya gulat naman akong napatingin sa kanya. Luh, ba't nandito 'to? 

She gave me a sweet smile, "Hi, Haley" bati niya nang hindi pinapansin ang sinasabi ni Harvey.

"What's your problem?" tanong ko habang nawe-weirduhan na nakatingin sa kanya. Pabiro niyang hinampas ang buhok ko kaya kunot-noo ko naman siyang tiningnan. 

"Wala akong problema pero dito ako kakain" masiglang wika ni Keiley at tinawag ang isa sa kasambahay ng Smith dito.  "Manang! Pahingi ng food!" pakiusap niya habang nakataas pa ang kamay. Parang bata, eh. 

"Yes, madam" pagsunod ng kasambahay at inasikaso ang pagkain niya. 

Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapahawak sa pisnge at mapabuntong-hininga.

***

MABILIS AKONG LUMABAS ng mansion pagkakain at pagka-toothbrush ko, ginamit ko lang 'yong bike ko papuntang school dahil sagabal pa kung mag i-skateboard pa ako, dami ko kayang dala.

Saka hindi naman din ako makikitaan dahil naka-ready na talaga ako. Ginawa kong short 'yong skirt. (Bwahaha!) 

Hindi naman nagtagal ang pagdating ko sa E.U dahil nandito na rin ako! Iniwan ko lang 'yong bike ko sa parking tapos naglakad na para dumiretsyo sa classroom.

Sa ngayon, maraming estudyante ang nakatingin sa akin at pinagchi-chismisan ako tungkol sa paglalandi ko raw kamo sa boys ng Trinity4, pero hinabaan ko lang ang pasensya ko at naglabas lamang ng hangin. Kung sino pa 'yong nagsasabi ng mga negative comments, sila pala talaga 'yon in reality. How pitiful. 

"Kaya walang kaibigan, eh. Na sa loob kasi ang kulo."  rinig kong panghuhusga sa akin ng kung sino kaya ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng school blazer ko't kumuyom.  Kalma, alam mo sa sarili mo kung sino ka, kaya h'wag mo ng patulan 'yong mga asong kahol nang kahol sayo. They don't know you, okay?

Pumasok na ako sa building namin at nagulat na narito na 'yong apat.  Ang bilis naman?

Nakatingin lang ako sa kanila nang mapatingin din ang mga ito sa akin, nagulat ako at agad na tumalikod. Umalis na rin ako para wala na silang masabi subalit humarang sila sa dinadaanan ko dahilan para mapahinto ako sa aking paglalakad.

"Hindi pa time, punta tayo sa tambayan" anyaya ni Jasper habang nakangiti. Inangat ko ang tingin sa buhok niyang blonde. Talaga bang totoo 'yan? Nakakairita tingnan. He looks like a foreign thing from another dimension! He's not human being. 

Inalis ko ang pagkakatago ng kamay ko sa bulsa ng school blazer ko, "Ang kulit, ah? Ayaw ko nga sabing sumama, eh" bakit ba hindi nila naiintindihan iyon?

"H'wag ka ngang mag paka choosy d'yan" napatingin kami sa taong nagsalita na si Kath. Nakakrus ang mga kamay nilang papalapit sa amin.

Nawala bigla ang ekspresiyon sa aking mukha. Thinking na, 'Ah, not again.'

"Ikaw na nga 'yong ini-invite, ayaw mo pa, anong kaartihan 'yan?" si Shane naman ang nagsalita habang tumango lang si Aiz bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Shane.

Humarap ako sa kanilang tatlo, pero nandoon pa rin 'yong walang ekspresiyon. "Why? Is it because you guys want to be invited by these Three Jerks, and One Chic?" tanong ko saka ako nilapitan ni Shane kasabay ang pag-ismid niya. 'Di ko lang pinagtuunan ng pansin sila Reed na ngayon ay hindi maipinta ang reaksiyon.  Mukhang napikon sa sinabi ko. 

Tinabingi niya ang ulo nang kaunti at ngumisi, "Kailan ka natutong mag talk back? Aba, tingin mo ba ang taas mo 'di porke nilalapitan ka ng model student ng EU?" taas kilay niyang tanong na animo'y hinahamon akong makipag-away. "Girl, don't ever assume." inilapit niya ang labi sa aking tainga. "Hindi ka bagay rito. Back off." 

Umiwas ako ng tingin at tumalikod. Hindi na ako nagpaalam at dali-dali lamang naglakad paalis. 

Reed's Point of View 

Biglang umalis sa harapan namin si Haley kaya balak ko pa sana siyang sundan pero pinigilan ako ni Harvey. Umiling siya na parang sinasabing h'wag ko nang gawin at bigyan ko muna siya ng space kaya hinayaan ko na nga lang muna.

Nilingon ako ni Shane na may ngiti sa kanyang labi,  "Hey, baka gusto niyong sumabay for lunch later?"  maarteng sabi nito at pumalo pa sa dibdib ko. Hindi ko siya dinaanan ng tingin at nakatitig pa rin sa papalayong si Haley. 

"Mayroon akong binake para sayo, Jasper"  sabay bigay ni Aiz ng isang basket kay Jasper.

Humawak sa ulo si Jasper, tila nahihiya sa ibinigay sa kanya. "A-ah! Thank you Aiz..." pagtanggap ni Jasper sa bigay nito, nakita ko ang tipid na pag ngiti ni Kei. Kahit naman hindi niya sabihin ay mahahalata mo namang naaasar s'ya sa tatlong ito.

Mas nahalata lang iyon noong napairap s'ya nang ayain ni Kath si Harvey.

"Harvey? Pwede mo ba akong samahan mamaya?" pagpapasama ni Kath kay Harvey na hindi niya sinagot, sapagkat nagpamulsa lang siya at naglabas ng hangin sa ilong.

"Bakit? Hindi mo ba kayang mag-isa at kailangan mo ng guardian na sasamahan ka?" Hindi nakasagot si Kath sa naging tanong ni Harvey kaya umalis na ang kaibigan ko at hinila si Kei. Sumunod naman doon si Jasper gayun din ako. Kakausapin ko pa si Haley.

Haley's Point of View 

Padabog akong pumasok sa classroom dahilan para tingnan ako ng lahat. Sinusundan din nila ako nang tingin kaya huminto ako para lingunin silang lahat. Damn. 

"What?! Tititigan n'yo na lang ba ako palagi, huh?!" mabilis silang umiwas ng tingin habang 'yong iba naman ay ipinagpatuloy lamang ang ginagawa. Bumalik na nga ako sa pwesto ko na pabagsak ding umupo. Nagpamulsa ako sa magkabilaang bulsa ng school blazer ko. 

Mayamaya pa'y dumating na 'yong dalawa na sina Reed at Keiley.

Hindi ko sila nakita dahil nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pero nalaman ko lang na nandiyan sila noong tumili 'yong mga kaklase kong babae na maiingay, habang 'yong mga lalaki naman, nagsisigulo na sa may gitna.  Augh, seriously... Artista ba sila para pagkaguluhan ng ganyan? Bakit hindi ko sila kilala?

"Haley", Hindi ako kumibo nang tawagin ni Reed ang pangalan ko, "Pwede bang humarap ka dito?" mas lalo kong nilingon ang ulo ko paharap sa bintana. "Hey, mayroon lang akong concern" ani niya.

"I don't want to talk to you" pagtataray ko, kung tigilan na lang sana niya ako, edi sana hindi siya nahihirapan diyan sa pakikipag-usap sa akin. Hindi ko naman kasi hinihingi 'yong pakikipag-usap nila sa 'kin. 

"Bakit mo hinayaan na ganunin ka lang nila?" unting nanlaki ang mata ko dahil sa tinanong niya, "Hindi pa kita kilala ng lubusan, pero sa pinakita mo kanina, parang hindi ikaw 'yong na sa harapan nila" ano ba'ng alam mo at kung makapag sabi ka ng ganyan sa akin?

Yumuko ako, "It doesn't concern you" hindi s'ya nagsalita kaya nilingon ko siya, "We have our own issues in life, so stick to your own and don't mind other business"

Nag ring na ang bell pagkatapos kong sabihin 'yon kaya humarap na ako sa labas ng bintana kasabay ng pagkalumbaba.

"I'm just worried"

Pumikit ako nang pumasok ang hangin sa classroom.

"Hindi ka dapat mag-alala sa mga taong hindi mo kilala, hindi mo alam baka 'yong taong inaalala mo ay siya ring ta-traydor sa 'yo, magugulat ka na lang ginagamit ka for their own benefits." pagbibigay ko sa kanya ng payo not because I'm also concern. It's just a matter of fact na gusto kong magpamulat sa kanila. 

"You're right. But it is also your choice whether you hurt this person or not." ani niya kaya unti-unti ko siyang nilingon, "And I know you're not one of them."  huminto na ang tingin ko sa kanya 'tapos nagsalubong ang kilay. 

"I prefer you not to open your mouth. You're pissing me off." naiirita kong wika pero binigyan lang niya ako ng makabuluhang ngiti kasabay ang pagkibit-balikat. Bumalik na siya sa pwesto niya habang sinundan ko lang siya ng tingin. 

Mayamaya pa'y napapadyak na lang ako sa sahig sa sobrang inis. 

Kung ano pa 'yong gusto mong mangyari, siya pang kabaliktaran ang resulta. 

Nasa'n na iyong hinihingi kong katahimikan?