Chapter 13: with Memories
Haley's Point of View
3 days na ang nakalipas, kahit saan ako magpunta, kahit saan ako magsususuot, kahit saan ako nakapwesto ay nandoon sila. Kukulitin ako at hindi titigilan. At sa totoo lang, nakakatakot na sila, ang creepy pa. Ayoko na nga silang maging kaklase, eh.
Imbes na natutuwa ako sa binabasa ko every night, puro mga boses nila ang nasa utak ko. Hindi ko nga alam kung paano mawala! Nababaliw na yata ako.
Tiningnan ko ang oras-an. Mayroon pang sampung segundo bago mag bell. Nag bilang ako ng 1-10 hanggang sa mag lunch break na.
Tumingin ako sa paligid ko.
Bago pa man ako kausapin no'ng dalawa ay mabilis na akong lumabas at tumakbo para makalayo sa kanila.
"H-Haley! Saan ka pupunta?" rinig kong tanong ni Keiley pero hindi ko lang siya pinansin at tumakbo lang papalayo. Nabubuang na ako! Tulong!
Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo para makalayo sa kanila pero sa kasamaang palad, hinahabol nila ako.
Parang sila ang zombie sa palabas at ako ang lead na pwedeng makain kapag huminto ako sa pagtakbo.
"Haley! H'wag ka namang ganyan! Sumama ka na sa 'min!" rinig kong sabi ni Jasper dahilan para lumingon ako sa likod. Sh*t! Nasa likuran ko na silang apat.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Nadaanan nga rin namin si Mirriam, galing kasi siya kanina sa clinic dahil hinatid ang kaklase naming may sakit.
"Hoy babae! Ayokong tumakbo, ah?! Tumigil ka!" utos ni Harvey habang hinahabol ako. At kailan ka pa nagkaroon ng interest sa akin?!
Nilingon ko sila, "Tigilan niyo sabi ako, eh! Kahit ano pa'ng sabihin niyo... Hindi ako sasama sa inyo!" sigaw ko sa kanila habang tumatakbo pa rin.
"Ang pabebe mo!" sigaw ni Reed sa akin kaya muli akong lumingon para tingnan s'ya ng masama.
Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtakbo.
"Ano'ng sinabi mo?!" galit na tanong ko.
Binelatan n'ya ako, "Pabebe!" pag-uulit pa niya sa sinabi niya kanina. Huminto ako bigla dahilan para malagpasan nila ako habang papunta na ako sa kanan na daan. Hindi ko nakikita si Keiley, kaya malamang ay nasa classroom ulit s'ya.
"Sandali kasi! Hinto! Ano'ng gusto mo? English-in pa kitang babae ka?!" si Harvey ulit. Kung bakit naman kasi nangyayari ito sa akin!
Sa katatakbo ko, may nabangga na ako, pero buti na lang talaga hindi ako napaupo o natumba. "Tsk!" I tsked and ran again. Hindi ko na nilingon 'yong lalaki gayun din ang paghingi ng pasensiya. Nagmamadali ako.
"Jin? 'Di ba siya 'yung--" pinatahimik siya ng tinawag niyang Jin at pinaltukan ito.
"Haley! Oo, tama 'yan! Lumapit ka sa 'kin, bebe--" nilagpasan ko si Jasper. Kailan pa s'ya nakarating sa harapan ko? Nasa likuran ko lang s'ya kanina, ah?
"Ano nanaman ba 'yong ginawa ko para snob-bin mo ng ganyan?" umiling ako't napangiwi.
"Sa lahat ba naman ng tao, bakit isa siya sa mga nakilala ko?" tanong sa sarili. Dumiretsyo ako sa labas at pumunta sa likod ng building namin, pero nagtago ako noong may makita akong nag me-making doon. But not totally love making, ah? Parang ano lang, kiss.. Ga'non. Geez, what an eyesore...
Tumingala at tumingin ako sa taas, "Get a room will you?" sabi ko sa sarili ko at pumunta na lang sa covered court, nang makapunta ay agad akong umupo sa bench sa may gilid. Bumuntong-hininga at kumuha ng bisquit na nakatago sa bulsa ko. Nagutom ako sa katatakbo.
Luminga-linga ulit ako. Hindi naman siguro ako makikita ng tatlong mokong na iyon kaya mananatili na muna ako rito.
Habang kumakain ako ay 'di pa rin ako mapakali sa pwesto ko't nililingon lingon pa rin ang tingin sa paligid. Para akong kriminal na may tinataguan.
Naglabas ako ng hininga, "Maganda sana itong school na ito, kaso..." napatingin ako sa dalawang couple na naroon sa hindi kalayuan at naglalandian, "Ang dami daming malalandi, ang daming PDA, hindi ba nila alam na nasa school sila at bawal 'yang mga ganyan dito?" Ibinaba ko 'yung kinakain ko, "O sadyang walang ganyang klaseng rules?" Nag crossed legs ako, "Walang kwenta 'yung taong nagpapatakbo ng skwelahan na ito"
"Pero ako 'yong nagpapa-takbo ng E.U" sabi ng isang babae sa aking tabi.
Muli akong naglabas ng hininga, "Wala akong pakialam kung ikaw--" nilingon ko ang taong 'yon at nanlaki ang mata nang makita si Keiley na malapit sa mukha ko.
Malawak itong nakangiti habang nagpa-puppy eyes sa akin. Mayamaya lang ay kumagat siya sa kinakain kong bisquit. "Sarap."
Lumayo ako ng kaunti, "I-Ikaw!" kinindatan n'ya ako sabay belat. "N-nasundan mo ako." hindi makapaniwala kong sabi saka siya tinuro. "Nananahimik na ako rito, ah? 'Wag mo 'kong guluhin."
Tumawa siya, "I won't." sagot niya at tumabi sa tabi ko. Umurong lang ako ng kaunti pero napatingin sa kanya nang lumingon ito sa dalawang naglalandian sa hindi kalayuan.
Humawak s'ya sa pisnge n'ya, "Pasensya na kung may nakikita ka rito na hindi maganda. Hindi lang talaga sila marunong sumunod sa rules" Hindi ba't nasabi niyang siya raw 'yung nagpapatakbo ng skwelahan? So, isa siya sa miyembro ng Student Council? Kaya pala palagi s'yang pinapatawag sa office.
Lumapit ako sa kanya ng kaunti, "Hey, hindi sa interesado ako sa buhay na mayroon ka, pero ano ba'ng position mo sa student council? President ka ba?" Binigyan niya ako ng tingin na parang sinasabi sa akin na, "Ano'ng sinasabi mo?"
Tumaas ang kaliwa kong kilay, "W-what? Am I wrong?" tanong ko pa, nawala ang ngiti sa labi niya at tinuro ang sarili.
"Do I look like one?" tanong niya na may pagkurap pa ng ilang beses.
Sumimangot ako. "Whatever, kung hindi ikaw, bakit ikaw 'yong nagpapatakbo ng skwelahan na ito?" Mas tumaas ang kilay ko dahil hindi niya na talaga sinagot ang tanong ko at binigyan lang ako ng isang makabuluhang ngiti. Bumuntong-hininga ako, "Ah, you lied. Okay."
Kaso mukhang hindi siya 'yong babae na mahilig mag joke o magsinungaling.
"Hindi ako miyembro ng Student Council pero..." hindi niya naituloy. Mukhang nag-aalinlangan itong sabihin sa akin kaya ako naman itong napatitig sa kanya nang lingunin ko siya. Ha?
"Ako 'yong nagpapatakbo ng E.U" naalala kong sabi niya kanina. Siya 'yung nagpapatakbo...
Tumingala ako at dahan-dahan s'yang tiningnan, "H'wag mong sabihing ikaw ang tinutukoy ng karamihan dito na anak ng may-ari ng Echanted University?" naririnig ko kasi 'yon sa iba kapag dumadaan ako sa corridor. Ewan ko, hindi naman ako chismosa. Sadyang naririnig ko lang din talaga dahil ang iingay ng mga bunganga nila.
Wala itong imik pero binigyan niya ako ng nahihiyang ngiti. Humawak ako sa magkabilaan kong pisnge. The f*ck! As in siya talaga?! Bakit ngayon ko lang nalaman 'yan?! OMG, I'm dead! Paano kung i-kick out niya ako sa school na ito? Nako! Lagot nanaman ako kay mama nito. Nai-imagine ko pa namang magalit 'yon.
Pero...
Tumayo ako na sinundan niya ng tingin, "Humph, don't mess with me. Not because you're the president's daughter, mataas ka na. You're just like the other student. You're still human just like us. Nagkakamali ka pa rin kaya," humarap ako sa kanya at humalukipkip. Mapapahamak ako sa gagawin ko pero I still have the rights to tell this to her, "You can't expell me!"
Tumaas ang dalawa niyang kilay habang seryoso pa rin ang tingin ko. Ngunit naguluhan ako nang humalakhak siya. "Hoy, walang nakakatawa sa sinabi ko, ah? Ano'ng problema mo--" tumigil ako sa pagsasalita dahil ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. She patted me as I slowly raised my head to look at her.
"Buti na lang talaga nag transfer ka rito." she wearing a genuine smile. The real one!
Tumingin naman ako sa kaliwa't kanan ko sa hiya 'tapos ay inalis ang kamay niya, "Whatever. You better stop them." tukoy ko sa dalawang naglalandian sa hindi kalayuan. "Baka saan pa mapunta 'yan, image pa ng school ang masira." tumalikod na ako at iniwan siya.
Sinubo ko na ang kahuli-huling bisquit. Ayun iyong kinagatan ni Keiley kanina. Damn it.
***
NAPAHAWAK AKO sa batok ko nang maramdaman ko ang unting pagsakit nito. Ano ba 'yong ginawa ko at sumakit ito ng ganito?
Sa paglalakad ko ay nakarinig ako ng malakas na tili kaya napahinto ako sa paglalakad para tingnan 'yong mga babaeng nagkukumpulan sa hindi kalayuan. Nandito pala ako sa isang parte ng school malapit sa canteen at palabas ng building. Pa-akyat na rin sana ako dahil tapos na rin akong kumain.
"Girls, wala akong time makipag chit-chat sa inyo, may gagawin pa ak--" hindi naituloy ni Reed 'yong sasabihin n'ya dahil hinila s'ya bigla ng fan n'ya.
"H'wag ka ngang KJ Reed! Magdate naman tayo, please?"
"Sino may sabing makikipag date ka sa kanya? Dapat sa akin ka lang Reed!"
"Kyaah!" tili pa ng mga babaeng nasa paligid niya kaya napa-bored look ako.
Makaalis na nga lan-- "Haley! Tulungan mo ako!" paghingi ng tulong ni Reed. Nakaramdam ako ng kakaibang aura sa paligid, masasama at matatalim na tingin. Tsk, thanks to you Reed Evans at muli nanaman akong makakatanggap ng tingin na ayaw na ayaw ko sa lahat!
Bumuntong-hininga ako at seryosong tiningnan 'yong mga babaeng daig pang magshabu dahil sa pagiging addict nila kay Reed.
"You know how to die?" bigla naman silang nanahimik at karamihan sa kanila, akala mo mga nakakita ng multo. Nilukot ko kasi 'yong mukha ko dahil badtrip na badtrip talaga ako. Mukhang natakot yata kaya ga'non na lang sila mag-react.
Dumiretsyo ako sa hagdan pero muli akong nakaramdam ng gutom kaya huminto ako. "Oh... "
May humila sa magkabilaan kong kamay kaya napalingon ako roon, "Hey, what are you doing?" tanong ko sa kanila.
Nginitian ako ni Aiz, "Sa rooftop lang naman, may pag-uusapan tayo" sagot n'ya sa tanong ko. I'm having a bad feeling. I can't stay here.
"No, let me go, hindi ako sasama sa inyo" hinigpitan bigla ni Kath ang hawak niya sa kamay ko, habang nilulubog naman ni Aiz ang matatalas niyang kuko sa balat ko.
"Sumama ka na lang, na-miss ka kaya namin" ngiti na wika ni Kath gamit ang malambing niyang boses kahit deep inside, she really wants me to die.
Jasper's Point of View
Hinahanap ko pa rin ang tatlo kong kaibigan sa kung saan-saan. Ngayon, naiinis ako dahil hindi man lang nila naisipang magtext! INIWAN nila ako!
Inis akong napakamot sa ulo, "Nasaan ba kayo Harbe Boy!?" Nagpameywang ako at iginala ang mata sa kung saan-saan, hanggang sa mag stuck iyon kay Haley. Kasama niya sila Kath at Aiz.
Teka? Magkasama sila?
Tanong sa isip ko at tiningnan ang dalawa na nakangiti kay Haley. Bakit sila nakangiti? Okay na ba sila?
"Hind ako sasama sa inyo!" nagagalit na pagtanggi ni Haley na nagpanganga sa akin.
"Sumama ka na lang, na-miss ka kaya namin!" plastic na sabi ni Aiz habang hindi tinatanggal ang ngiti sa labi.
Ano nanaman ba 'yang ginagawa nila? Napatingin ako sa hawak nila, at nagulat nang makita ang ginawa ni Aiz sa paglubog ng kuko niya sa balat ni Haley. Hindi lang siya basta lubog, dahil lubog na lubog ito. Kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mahahalata ang palihim na ginagawa nila, ngunit kung papansinin mo mabuti...
Lumingon si Haley sa gawi ko, at sigurado akong nagtama ang mata namin. Ngunit agad din s'yang umiwas ng tingin at dumiretsyo lang sa pag-akyat kasama ang dalawa. Tsk! Wala nanaman silang gagawing maganda.
Haley's Point of View
Tinulak nila ako noong makarating kami sa rooftop, hindi ako natumba pero na pwersa nila akong matulak. "Hintayin mo si Shane, hindi kumpleto ang samahan natin kung wala s'ya" ngising sabi ni Kath dahilan para mawala ang sama ng tingin ko sa kanya.
Nanghihina ako...
Lumapit si Aiz sa akin saka hinawakan ang pisnge ko, "Aww... Mukha ka pa ring mahina katulad ng dati" nanlaki ang mata ko. Mahina?
Tinapik niya ang pisnge ko, o sabihin nating pasampal na ang ginawa n'ya.
Tumawa siya, "Ang gandang tapikin 'yang pisnge mo, kung araw-arawin ko kaya 'yan?" Nilingon ko siya ng walang sinusuot na emosyon. Tapos may nagbukas ng pinto at bumungad ang isang babae, "Sino may sabing pwede mong gawin 'yon sa kanya?!" nagulat 'yong dalawa habang wala pa rin akong pinapakitang ekspresyon sa mukha ko.
Lumapit siya sa amin habang ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanya. Seryoso ang tingin niya sa dalawa ng mapatingin siya sa akin.
Shane...
Humarap siya sa akin, at ang seryosong expression niya kanina ay napalitan ng nakakalokong ngiti. "We're finally alone, Haley" hindi ako kumibo at nakatingin lang sa kanya.
Lumapit siya sa akin dahilan para mapaatras ako, "Oh? Bakit natatakot ka? Hindi naman kita kakainin" mapang-asar na tonong sabi niya kasabay ang pagkibit-balikat nito.
"Pwede bang sabihin niyo na lang 'yong gusto niyong sabihin para makaalis na ako?" tumingin sila sa isa't isa hanggang sa tumawa nang tumawa si Shane. Ngumisi lang 'yong dalawa. Tila natutuwa sila sa nakikita nila. Nakakatuwa na ba akong tingnan?
"Aalis ka!? Sino niloloko mo?!" Nanliit ang mata ko, para s'yang baliw sa ginagawa niya ngayon.
Kinuha niya ang kwelyo ko at nilapit ako sa kanya, "Nakalimutan mo ba 'yung ginawa mo sa akin, huh?!" Dumikit ang kilay ko, "What are you talking about?" tanong ko, dahil hindi ko talaga alam ang sinasabi niya.
"What? All along you still don't know? Are you STUPID?" galit na sabi niya sa akin, hindi ako nagsalita dahil iba lang ang masasabi ko sa kanya. "Listen, mula umpisa... Hindi talaga kita gusto, makita pa lang kita, nasisira na kaagad ang araw ko, kapag ngingiti ka sa akin gusto ko na lang basagin 'yang nguso mo. Nakakadiri. Hindi talaga kita GUSTO." pag emphasize niya sa salita.
May kumirot sa puso ko. Sobrang sakit na mapapahawak ka na lang talaga sa dibdib mo. "At ngayong dito ka nag-aaral, at na sayo ang atensyon ng Trinity4 lalo na si Reed, mas kinasusuklaman kita!" At doon, tinulak na niya ako.
Wala akong nagawa kaya napaupo na lamang ako.
Yumuko ako at ramdam pa rin ang mabigat na bagay sa dibdib ko. Iyong tipong sila 'yong akala mong tutulong sa 'yo at ang sandalan mo sa problema.
"I really thought we were friends..." mahina kong sabi pero sakto lang para marinig niya.
Umismid siya, "Friends your ass! We're not friends, we're strangers with memories" mas yumuko ako lalo. Hmph, that makes sense... I knew that all along, I just don't want to accept the fact that they're just using me because my family was rich. Though I still don't understand kung bakit siya galit na galit at kung ano ang kasalanan ko.
"Then, what did I do? Ano'ng kasalanan ko sa 'y--"
"MANG-AAGAW KA!" malakas na sigaw niya na muling nagpatahimik sa akin. Wala pa rin akong ideya sa sinasabi niya. "Palagi mong sinisira ang plano ko! Lahat ng dapat ay akin, sa 'yo napupunta! Bakit? Sino ka ba, huh?! Mas maganda naman ako sa 'yo, matalino at binibigay ko naman ang gusto nila pero bakit palaging IKAW na lang?!" huminga ako ng malalim para ilabas ang mabigat sa dibdib ko. "Naalala mo ba si Paul? si Wegener? Sila Drew? ALL OF THEM WERE MINE BUT YOU TOOK THEM FROM ME!" patili na sigaw niya sa sobrang galit.
Nang dahil sa lalaki? Nagkakaganyan na siya? Bakit? Mapapasaya ba siya ng mga 'yon?
Eh, halata namang katawan lang ang hanap nila. At isa pa, masyado pa silang bata para magka-develop-an. No love will start at 18 below!
"Pati teachers, napapamangha mo. Kahit ilang beses na akong gumawa ng effort para mapansin din nila ay IKAW pa rin!" dagdag pa niya pero ngumiti rin ng mapait pagkatapos, "Pero natutuwa ako sa 'yo because you're making them hate you. Hindi na ikaw 'yong slight goody-good shoes like before."
If someone is insulting you, it means they are already below you.
Yes, hindi ko napansin na ayan ang nararamdaman ni Shane noon at hindi ko napapansin na ayun pala ang tingin niya. Pero tingin ba niya magiging masaya siya kapag nakuha niya ang mga hangarin na 'yon?
Iyong mga binanggit niyang pangalan, hindi ko ginustong mangyari iyon.
"I hate you!" she exclaimed.
Akala ko sila na ang maglalayo sa akin sa pangit kong nakaraan, akala ko sila ang magpapasaya sa akin. Akala ko, sinu-suportahan nila ako sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko, akala ko may pakialam sila, akala ko totoo sila... Akala ko kaibigan ang turing nila saakin.
The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies.
"Do you ever feel like you aren't even friends with some of your friends?" gulat akong lumingon sa nagsalita ga'non din sina Shane.
"J-Jasper?!" gulat na tawag nila sa kanya.
"You know, I really dislike people who only need friends when it's convenient for them." seryosong sabi ni Reed nang makalabas.
"R-Reed..." kinakabahang tawag ni Shane sa kanya.
Lumabas na si Harvey gayun din si Kei na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi.
"But you know it's a good thing that you aren't really friends..." mas nanlaki pa ang mata ko, 'tapos galit na tiningnan si Reed na ngayon ay ngiting tumabi kay Shane. Even him? So, after all, you're also lying, nagsisinungaling kayong gusto niyo akong maging kaibigan.
Sinarado ko ang kamao ko dahil sa namumuong galit. "Sabi ko na nga ba at arte niyo lang talaga ang lahat, eh!"
Napapikit ako at nagbilang ng 1-10 para kumalma. 'Wag kang iiyak lalong lalo na sa mga taong katulad nila. Hindi nila deserve ang luha mo, kaya h'wag kang iiyak.
"Alam ko namang wala kayong pakialam sa babaeng 'yan" tukoy pa sa akin ni Shane kaya mas hinigpitan ko ang pagyukom ng kamao ko.
No... Please, not now. "Buti talag--" hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin niya nang dagdagan ni Reed 'yong sinabi niya kanina.
"...Kasi kukunin namin siya at ilalagay sa circle of friends namin" tumingala ako noong sabihin 'yon ni Reed. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, "She's unflinching" panimula niya,
"Oblivious" dagdag ni Harvey.
"Unpredictable" si Jasper
"Hard to read" sabi naman ni Keiley
"And a short-tempered person" dagdag pa ni Reed, "Hindi pa namin siya ganoon kakilala pero naging importante siya sa mga araw na lumipas kasama kami." mas tumingala pa ako kaysa kanina. Pare-pareho silang mga nakatingin sa akin kaya parang may namumuong luha sa mata ko.
"Kaya hindi namin hahayaan na gawin n'yo na lang 'yan sa kanya." seryoso namang wika ni Jasper na ngayon ko lang nakita ang ganoong klaseng ekspresiyon. "If you think she's a garbage, then we will be a trashcan just to have her." tumibok ang puso ko, sumasakit na rin ang lalamunan ko.
Shit! Ano ba sinasabi n'yo?!
Hindi naman maipinta ang mukha ni Shane pero makikita mo ang sobrang galit nito.
"P-pero bakit si Haley pa?" hindi makapaniwalang tanong ni Kath habang tahimik lang 'yong dalawa, "Hindi mo alam kung gaano ka-loner 'yang babaeng 'yan! Hindi siya nakakatuwang kasam—" Hindi na siya pinansin ni Reed at tinalikuran na ito para makalapit sa akin.
Inabot niya ang kamay niya sa akin pagkarating pa lang nito sa harapan ko, "Tara" aya n'ya.
Nakatingin ako sa kanya at hindi umimik, "Sumama ka sa 'min..." pagkasabi ni Reed 'non, nag walk out iyong tatlo. Patakbo silang pumasok sa loob habang lumapit naman sila Jasper sa akin na may ngiti sa labi nila.
Dito ko sila unang naging kaibigan, doon ko sinubukang magtiwala sa tao kahit na ang hirap hirap talaga, pero ano nga ba ang magagawa ko? Eh, sa dakilang makukulit nga ang mga taong ito.
Inabot ko ang kamay niya at pinagmasdan ng mabuti ang mga ngiting nakamarka sa mukha nila.
I want to forget how much it hurts and try again. Allow myself to hope, believe and trust. Refuse to let those person who hurt me, define how I respond to everyone else.
"Bestfriends!" tuwang tuwang sabi ni Keiley at niyakap ako.
Mahirap magtiwala ulit, pero susubukan ko sa kanila ang bagay na hindi ko kayang gawin noon.