Chapter 19: Punishment
Harvey's Point of View
Pabalik ako ngayon sa classroom, katatapos ko lang maipasa 'yong seatwork ko na hindi ko natapos.
"Harvey..." parang nagde-daydreaming na tawag ng kung sinong babae sa akin.
Gaya ng usual na buhay ko, hindi ko pinapansin ang mga estudyanteng katulad nila.
Bumuntong-hininga ako't nagpamulsa. Kung natutuwa ang ibang kalalakihan dahil sa sikat sila among girls, pwes ako? Hindi. Ginagambala lang nila 'yong buhay ko, 'yong kakain ka na nga lang, may mga nakatitig pa sa 'yo. Siyempre, mawawalan ka rin ng gana.
'Tapos iyong naglalakad ka lang sa hallway, may mga palihim na sumusunod sa 'yo. Parang wala kang privacy.
Halos lahat sila, pare-pareho.
"Aray ko!" tiningnan ko 'yong taong nabunggo ko tapos napakunot-noo nang makita nanaman ang babaeng ito. "Sorry, sinasadya" pang-aasar ko. Lumingon si Haley sa akin na may disbelief sa kanyang mukha.
"Wow, ah? Nag-sorry ka pa?" inis na daing ni Haley sa akin at naglakad ng muli. Nagmartsa na siya palayo habang sinusundan ko lang siya ng tingin.
Tst, tomboy yata 'yon, eh?
"Harvey" tawag ng taong nasa likod ko kaya nilingon ko siya, at nagulat nang makita ang nakangiti niyang labi.
"..."
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti, "Where are you going?" tanong nito sa akin habang nakalagay ang mga kamay sa likod. Inilayo ko ang tingin at sumimangot.
"Babalik sa room" sagot ko tapos tiningnan 'yong mga dala-dala niyang libro, "Bakit ikaw lang ang nagdadala niyan?" paanas kong tanong at kinuha sa kanya 'yong mga kargang libro, "Saan ito dadalhin?" tukoy ko sa mga dala-dala kong libro ngayon.
Kumurap-kurap siya 'tapos aagawin sa akin, "It's okay! Ako na lang ang magdadala--"
Tinalikuran ko siya, "Manahimik ka na lang diyan at sabihin mo na sa akin kung saan ito dadalhin, nangangalay na ako, oh?" pagtaas ko ng mga balikat ko. Wala naman siyang nagawa kundi ang sabihin na nga lang sa akin
"Sa Classroom" sagot niya. Tumango ako at nagsimulang maglakad.
Nakarinig nanaman ako ng maiingay na tili. Hindi ba sila naiingayan sa sarili nilang boses? Karindi.
"Ang gentleman niya!"
"Nai-inggit ako, mga inday!"
"Ang swerte ko siguro kung ako si Keiley 'no?"
Huminto ako sa paglalakad tapos nilingunan 'yong tatlong babae na maiingay.
"Oh my ghad, nakatingin siya sa akin mga inday"
"Huwag kang assuming girl, ako ang tinitingnan niya"
"Gaga, mahulog man mga panty niyo, ako pa rin ang tinitingnan ni Harvey my loves"
Asa, managinip na lang kayo.
Tinabingi ko ang ulo ko at nginisihan sila, "You girls are cute" napatingin sa akin si Kei. Naguguluhan dahil sa sinabi ko habang 'yong tatlo naman ay nagwawala na sa kilig.
Napasinghap ang ibang nakarinig. Sino ba namang hindi?
"But don't take it seriously" pagbabawi ko kaya tumigil sila sa pagtili nila at parang binagsakan ng langit at lupa. "Humph" naglakad na ulit ako, tapos mayamaya'y hinampas ni Kei ang braso ko.
"Hey, 'di mo dapat 'yon sinabi sa kanila." suway niya sa akin habang naglalakad kami, "Pinapa-asa mo kaya 'yong tao" itinirik ko ang mata ko.
Alam naman nilang hindi ako interesado sa kanila kaya hindi pa rin ako paasa. Kasalanan na lang nila kung umaasa sila sa taong hindi na pwedeng makuha pero pinipilit pa rin ang sarili na magpapansin sa taong gusto nila.
Kung alam mong imposible, tumigil na.
Hindi ko na lamang sinagot si Kei at naglabas na lamang ng hangin sa ilong. Wala naman mangyayari kung sasabihin ko pa 'yong nasa utak ko-- dahil palaging TAMA ang babae.
Sa paglalakad namin ay nakita ko sa peripheral eye vision ko ang pagsulyap niya ng tingin pero ibinaling din kaagad sa harap.
"Why are you so gentleman today?" she asked me.
"Bakit?" panimulang tanong ko at nilingon si Kei, "Hindi ba ako gentleman sa paningin mo noon?"
"Never" mabilis na sagot niya na mas nagpasimangot sa akin.
"What's with that?" aniya na may pagsalubong na kilay.
Hindi na lang siya nagsalita at nakasimangot lang na nakatingin sa ibang direksyon. Napakamot tuloy ako sa pisnge ko dahil sa ginagawang mukha ng babaeng nasa tabi ko. "I heard that you were in the clinic, what happened?" narinig ko kasi kay Reed kanina.
"Ah, ayun ba? Wala 'yon, forget it" maniniwala ba ako sa sinabi niyang 'yan? Pero ayoko namang ipilit ang sarili ko kung ayaw niyang sabihin sa akin. Kasi kung gusto namang ikwento ng tao, siya ang magkukusa.
Pumaharap na lang ako ng tingin, "Fine"
Sa buhay ko...
Lahat ng mga bagay ay nabibili at nakukuha ko kaagad. Pero alam niyo 'yong hindi ko makuha kuha sa buhay ko? Ang taong gusto ko.
Pwede ko siyang makuha, kaso ang problema... Natatakot akong sabihin 'yong nararamdaman ko, iniisip kung gusto rin ba niya ang isang lalaking katulad ko.
At isa pa, mahirap ring sabihin kung ano 'yong na sa puso lalo na kung may kaibigan kang may gusto rin sa kanya.
At ayokong makasira ng pagkakaibigan. Sa ngayon, mas importante pa rin siguro ang friendship.
Nakarating na kami sa classroom nila Kei.
Inilagay ko na 'yong libro sa table niya. At 'yung mga kaklase naman niyang babae, kung makatitig sa akin, wagas...
Pwede na akong maging yelo na natutunaw.
Tsk, nakakainis talaga itong mga babaeng ito.
Lumapit ang isa sa kaklase ni Kei sa kanya tapos may binigay, "Pakibigay kay Jasper 'yong wrist band niya, naiwanan niya kahapon during practice" tiningnan ko ang babaeng iyon. si Mirriam Garcia ito, 'yong isa sa kasama ni Jasper sa Sprinting.
Kinuha niya 'yong wristband sa babaeng iyon at nag pa-salamat. Umalis na siya na sinundan ko lang din ng tingin.
Pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Kei, "Close ba kayo ni Mirriam?" tanong ko.
Tumango siya't nginitian ako, "Medyo." tipid niyang sagot at napaawang-bibig, mukhang may sasabihin nang marinig namin ang maingay na bunganga ni Jasper. Pumasok siya sa classroom nila Reed, suot-suot ang sports uniform nila't hingal na hingal. Mukhang nagmamadali.
"Kei--" hindi naituloy ni Jasper ang pagtawag niya kay Kei dahil biglang tumili ng pagkalakas lakas ang mga tao rito sa loob. "Hi, girls!" Bati niya sa mga kaklase ni Kei pero kaagad na lumapit sa amin na pawis na pawis, "Oy, guy--!" Binatukan ko naman siya nang makalapit siya rito. Ang ingay ng bunganga, eh.
"Jasper, wrist band mo pala" pagbalik ni Kei sa wrist band ni Jasper.
Lumawak ang ngiti ni Jasper, "Thank you Kei, ang bait mo talag-- Ay, saglit lang! Big trouble desu ~ !" diring diri ko naman siyang tiningnan.
"Argh, 'wag ka ngang magpaka weaboo riyan, ano ba'ng problema mo?" iritang tanong ko sa kanya. Pati pagiging otaku niya, dinadala rito sa skwelahan.
Palingon-lingon siya sa paligid 'tapos inilapit ang mukha sa akin, "Si Haley!" Pasigaw niyang bulong.
Tumingin ako sa pwesto niya pero wala siya roon. Nasaan nga 'yon?
"Ano'ng mayroon sa kanya?" Taas kilay kong tanong.
Kumamot siya sa ulo niya, "Ayun nga! Nandoon siya sa likod ng building kasama si Reed! Nakikipag bugbugan sila!" Napatingin kaming pareho ni Kei sa isa't isa 'tapos kaagad na tumakbo paalis sa classroom nila. Naabutan pa nga namin 'yong next teacher namin, eh.
"Saan kayo pupunta?!" tanong ng guro namin. "Miss Keiley! Hindi porque anak ka ng president, pwede ka ng mag cutting!" sigaw ni sir nang lagpasan namin siya, pero hindi lang namin ito pinansin at nag tuloy-tuloy lang sa pagtakbo. Mayamaya lang nang pababa na kami ng hagdan ay huminto bigla si Kei. Huminto kaming dalawa ni Jasper habang nakatuon ang tingin kay Kei.
Hingal na hingal ito habang hawak-hawak ang dibdib, "S-sorry... Mauna na kayo, susunod ako"
Hindi na ako nagdalawang isip at pumayag na lamang ako, "Okay, but you don't need to come. Kami na lang ang bahala." hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at dali-dali na lang kaming bumaba.
Pero laking gulat na lamang namin noong maunahan kami ni Kei. Animo'y nakalimutan na mayro'n siyang asthma.
Inis niya akong nilingunan, "Nando'n si Haley. I won't let them hurt her." at mas binilisan pa niyang bumaba. Nagkatinginan kami ni Jasper bago sumunod sa kanya.
Haley's Point of View
Dikit-kilay akong nakatingin sa harapan nang ibaling ko ang tingin kay Reed na ngayon ay seryosong nakatingin 'don sa tatlong lalaking nasa harapan.
Hinubad niya ang coat at polo, kaya ngayon ay naka White T-Shirt lang siya. Handang handa ng makipag-away.
"Reed, umalis ka na lang dito. Wala ka namang kinalaman--"
"HINDI" Mariin niyang tugon nang hindi inaalis ang tingin sa tatlong lalaki.
Itong tatlong ito ang dati ko ng nabugbog, at nakakagulat dahil dito rin pala sila nag-aaral.
Pero paano nakapasok ang mga hampas lupang katulad nila dito? Eh, ang mamanyak naman nila?!
Tinuro ako ng lalaking nasa gitna, "Hindi mo ba alam ang ginawa ng babaeng 'yan sa ngipin ko?" tanong niya at ipinakita ang harapang ngipin. Wala na 'yung isa roon.
Dahan-dahan kong tinakpan ang bibig ko't iniiwas ang tingin. Gusto kong matawa, kaso baka sugurin na talaga ako ng tuluyan ng mga ito.
"Siya ang dahilan ng pagka pangit ng ngipin ko na hindi na tumubo!" May pumitik sa sintido ko kaya asar kong inilipat ang tingin sa kanya. Puma-abante ng isang hakbang na may kasamang pag-padyak sa lupa.
Nakita ko naman silang umatras ng kaunti. "Gag* ka ba? Kung hindi mo naman ako binastos, hindi 'yan mangyayari sa 'yo, eh! Saka 'wag ka ngang assumero!" pag-iba ko ng paraan ng pakikipag-usap. "Unang kita ko pa lang sa'yo... PANGIT ka na talaga! Eng-Eng! Stupido!" In-emphasize ko talaga 'yung word na pangit para ramdam niya.
Umigting ang mga panga niya at medyo nagpakita ang mga ugat sa kanyang noo dahil sa galit. Ngunit hindi siya sumagot.
Sumabat lang 'yong kasama niya. "Sumo-sobra ka na talagang babae ka!" pagduro n'ya sa akin.
"Shut up, loser! Huwag kang makisali!" inis kong bulyaw na kita ko naman na napa-atras ang isa sa kanila
"Gag* kang babae ka!" sigaw pa ng isa. Gag* ka rin!
"Huwag mong minumura si Haley taratando ka!" mabilis na tumakbo si Reed papunta sa tatlo at malakas na sinapak 'yong taong minura ako. Kaya ngayon ay nakahiga na 'yong lalaki sa lupa.
Napanganga ako ng unti dahil sa ginawa niyang iyon, tapos nilingon siya pagkatapos, "Reed! I said you stay out of this!" Inis na sambit ko kasabay ng pagdating nila Kei.
"Ano'ng nangya-- Kayo?!" Hindi makapaniwalang pagtukoy ni Harvey na mukhang may galit sa lalaking toothless.
Sinugod ito ni Harvey noong ngumisi siya, habang 'yong nakahiga kanina at ang isang lalaki ay sabay na lumapit sa akin. Kaagad na kinuha ni Reed at Jasper ang kwelyo ng mga ito at sila na ang bumugbog sa kanila.
Napanganga na lamang ako't napaturo sa sarili, "Uhm...?"
Nilapitan ako ni Kei, "Haley, umalis na tayo dito"
"B-but this is my fight!" inis ko pang sabi tapos napatingin doon sa lalaking stupido nang may batuhin siya kay Kei na kung ano. Malakas niyang binato iyon pero mabuti na lang dahil 'agad kong nasalo 'yon.
Tumili si Kei dahil doon. Sh*t! Ang lakas nang pagkakabato niya!
Binitawan ko na ang bato at tiningnan ang palad ko na ngayon ay nagdudugo. Matulis kasi ang dulo no'ng bato na iyon.
Tumaas ang dugo ko dahil sa nararamdamang galit. Mahigpit kong iniyukom ang kamao at hindi pinansin ang sugat ko, "H-Haley! Nagdudugo! Huwag mong ganyanin!" saway ni Kei sa akin na hindi ko na masyadong marinig.
Paano kung natamaan niya si Kei? Ano na lang ang gagawin niya?
Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa taong nagbato 'non dahilan para manlaki ang mata niya. "Humanda talaga kayo sa akin." nanggigigil kong pananakot at kumuha ng mas malaking bato. "Huwag kang mandadamay ng ibang taong wala namang atraso sa 'yo!" Malakas kong ibinato 'yong batong iyon sa kanya. Mas nanlaki ang mata niya at mukhang nagpa-panic na sa pwesto niya.
Parating na ang malaking bato pero nakailag ito, iba ang natamaan.
Rinig namin ang malakas na pagbasag ng salamin ng bintana dahilan para huminto kaming lahat sa mga ginagawa namin. "Lagot" sabay na sabi nilang lahat habang napahampas naman ako sa mukha ko.
***
MALAKAS NA hinampas ng prefect of discipline ang table niya, "Ano ang pumasok sa mga utak ninyo't nagawa n'yo ito, ha?! Mga model students kayo tapos ganyan ang ina-arte niyo?!" malakas na sermon niya sa 'min na maririnig talaga sa buong kwarto niya.
Nandito kami sa office niya at nakikinig sa mga sermon niya sa amin. Naka-upo lang ako ng maayos habang naka crossed legs si Kei.
Si Reed naman naka de kwatro. Si Jasper naman nakalagay ang kamay sa ulo habang naka intertwine ang mga daliri, tapos nakapamulsa lang si Harvey
"Sir, ako lang ang--" pinatong ni Kei ang kamay niya sa balikat ko kaya hindi ko na rin naituloy ang dapat kong sasabihin.
Nilingon ko siya dahil doon, "It's okay" ngiti niyang sabi.
What the hell...
"And you?" Tukoy sa akin ng prefect of discipline kaya nilingon ko siya, "Nagkaroon ka na kaagad ng record sa university na ito, knowing that you're a new student" yumuko ako.
Tiningnan naman niya 'yong tatlong hinayupak, "Kayo? Pang ilang beses na kayong napupunta sa office ko? At ikaw rin Harvey" tukoy niya sa chill na Harvey.
Inilipat ulit niya ang tingin sa tatlo. "Kayong mga bata kayo, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa inyo..." halata sa kanya na nakokonsume na siya, isama mo pa na nakahawak siya sa sintido niya.
"Umalis na muna kayong tatlo dito, pag-iisipan ko muna ang gagawin ko sa inyo" tumayo sila at sumunod sa sinabi ng prefect of discipline. Pagkatapos 'non ay tumingin naman siya isa-isa sa amin.
"Okay, pagbibigyan ko kayo, hindi ito malalaman ng mga magulang n'yo pero kapag naulit ito, suspended kayo ng 2 weeks" natuwa kami dahil sa sinabi niya. Yes! Hindi ako mapapagalitan ni mama!
"Opo!" Sabay na sagot naming lahat.
"But...!
As a punishment, lilinisin niyo ang pinaka-unang kwarto sa old building na nasa kabila"
"WHAT?!" sabay-sabay naming reaksiyon. Mas nakakatakot pa ito kaysa sa mga horror movies.
"You MUST do it tomorrow" dugtong pa nito. Kaagad 'agad?! Grabe naman, hindi ba pwedeng i-postpone 'to?
"But--" naputol 'yong sasabihin ni Reed.
"No buts, Reed Evans. If you don't want your parents to know all of these, then obey my orders. Besides, kasalanan niyo kung bakit kailangang palitan 'yong salamin" tukoy niya sa salamin niya na nasa kaliwang bahagi ng table niya.
Hindi na kami sumagot dahil tama naman siya. Pero sa totoo lang, ako lang naman talaga ang may kasalanan, nadamay lang sila. Inayos niya ang suot na salamin, "Pwede na kayong umalis"
***
ISINARA NA ni Jasper ang pinto ng office 'tapos naglakad na kami palayo roon, "Argh, maglilinis pa tayo bukas" labas sa ilong na pagsusumamo ni Jasper at muling inilagay ang dalawang kamay sa kanyang ulo.
"Okay lang, hindi naman tayo madalas maglinis sa mga bahay natin kaya dito na lang tayo bumawi." ngiting ani Kei nang silipin niya 'yong mukha ni Jasper na bigla na lamang namula ang mukha.
"Gag* kasi 'yong tatlong 'yon!" Inis na wika ni Reed
Kumamot lang ng ulo si Harvey, halatang inis na inis, "Imbes na magpapahinga na lang ako bukas, eh..." Kasalanan ko ito. Kung hindi dahil sa akin at hindi nangyari iyon, siguro hindi sila maglilinis bukas. Na-isturbo pa tuloy sila.
"Kanina pa nagsimula 'yong klase, tambay na lang muna tayo sa canteen" anyaya ni Jasper at humarap sa akin ga'non din si Kei.
"What do you think-- Haley?" takang tawag ni Kei. Hindi ako umimik at nakayuko lang na nakatingin sa 'di kalayuan.
Wala pang nakakagawa ng mga ganitong bagay sa akin. It's always me who always tries to protect those people who needs me. I'm not used to this kind of treatment. Nakakapanibago.
"Hoy, ano'ng problema mo at natahimik ka diyan?" tanong ni Reed at lumapit kung nasaan ako.
Hinawakan niya ang balikat ko nang magsalita na ako. "Bakit hindi n'yo sinabing ako ang may kasalanan?" Hindi sila sumagot kaya tumingala at tiningnan ko silang lahat.
Mga nakatingin lang sila sa akin, "Huwag kayong pupunta sa old building, kasalanan ko 'yon kaya ako lang ang dapat na parusahan." ibinaba naman ni Reed ang pagkakapatong ng kamay niya sa aking balikat
"Huwag ka ngang magsabi ng ganyan" suway ni Reed na magkadikit na ang mga kilay. Ngunit nang mag stick ang tingin ko sa mga mata niya, nginitian na niya ako. "Mag kaibigan tayong lahat dito, 'di ba? Kaya bakit mo sino-solo?" kibit-balikat niyang tanong. Reed...
"And friends should help each other" nilingon ko naman si Kei nang sabihin niya iyon.
"Kasalanan ng isang kaibigan, kasalanan na ng buong barkada" ngiting ani Jasper sabay thumbs up.
Kumamot ulit sa ulo si Harvey at bored na tiningnan ako, "Aanhin mo pa ang tinatawag na kaibigan kung 'di ka rin namin tutulungan? Are you stupid?" kahit kailan talaga hindi mo malaman kung nang-iinis ba siya o ano.
Unti-unti na lamang akong napapangiti dahil sa mga sinabi nila. Na-touch yata ako. I don't know.
"Jasper, Kei, Harvey... And Reed" tingin ko isa-isa sa kanila kasama ang pag ngiti ko, "Thank you"
Nag "Aww" naman ng mahaba si Jasper at Kei tapos sabay akong niyakap, "Nginitian mo na rin kami sa wakas, sana ganyan ka na lang hindi 'yong nagmu-mukha kang dragon kapag nagagalit k-- Aray! Biro lang naman 'yon" kinurot ko kasi si Jasper sa tagiliran niya.
Tumawa si Kei 'tapos mas yumakap pa sa akin. I want to cry...
"Oy, kayong dalawa diyan, group hug tayo" napatingin sila Reed at Harvey sa isa't isa at saka hiyang lumapit sa amin. Nakakatuwang isipin na kahit may times na inis talaga ako sa mga taong ito, hindi pa rin maaalis sa akin na mas nangingibabaw ang tuwa ko sa kanila.
Importante na sila sa akin na ayaw ko na silang mawala. Mukha ngang nahanap ko na talaga 'yong taong mapagkakatiwalaan ko. Iyong mga taong pwedeng mag-alis sa akin sa dilim kapag hindi ko na nakikita 'yung liwanag.
Kahit wala akong love life basta may kaibigan. Sapat na.
Doon na ako masaya.