Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 20 - Pyrexia

Chapter 20 - Pyrexia

Chapter 20: Pyrexia 

Kei's Point of View 

Nakauwi na kami nila Rain. Habang papasok kami, tangkang kukunin ng mga maids ang mga gamit namin nang tanggihan namin sila at nagprisinta na kami na lang ang bahala sa gamit.

Hindi naman na sila nangulit at pumayag na lang. Pumasok na kami sa loob. 

"Pwedeng ako ulit ang magluto ng kare-kare?" masiglang tanong ng kapatid ni Reed na si Rain. Makikita rin sa kanya na sabik siyang magluto no'n. Ang tagal na rin niyang hindi kami naipagluto no'n kaya ba't hindi ako papayag?

Tumango ako at sasagot pa nang sumingit si Reed.  "Hindi" pangunguna ni Reed at naunang naglakad paloob. 

Huminto sandali si Rain bago mag react at sundan ang kapatid, "Bakit?!" 

Umupo na ako sa sofa habang nakangiting nakatingin sa dalawa na nagkukulitan na roon. 

Noon, pinapangarap ko talagang magkaroon ng kapatid. 

Kasi kapag nag-iisang anak ka lang, you will feel much loneliness kasi wala ka ring kausap o makakulitan. Wala ka rin masyadong inaalala.

Reed and Rain are not my blood-related yet I see them as my siblings. My family. 

"Basta hindi!" sagot pa ni Reed at pabagsak na umupo sa single na sofa. Pinupokpok na siya ni Rain sa ulo kaya inakbayan na ni Reed ang kapatid at ginulo gulo ang buhok. 

'Agad namang nakawala si Rain 'tapos ngumuso kasabay ang pag-ayos niya no'ng kanyang buhok. 

"Nasasawa ka na ba kuya?" Naiiyak na tanong ng kapatid n'ya kaya napatingin na 'ko kay Reed at pinandilatan siya ng mata.

Umiwas ito ng tingin at nagkamot sa batok. "Sige na nga magluto ka, magpatulong ka kina yaya" sabi niya na akala mo'y napipilitan lang. Tiningnan namin ni Rain ang isa't isa at nag ngitian. 

Tumunog ang telepono kaya napatingin ako roon. Si Rain sana ang sasagot pero inunahan ko na s'ya, "Ako na lang" pangunguna ko at pumunta na sa telepono na nakasabit sa may pader.  Sinagot ko na ang telepono. 

"Hello, this is Montilla Residence." 

[How are you, Kei, anak] Boses ni Dad 'to... Hindi. Si dad talaga ito. 

Wow, ano kaya ang pumasok sa kokote niya't napatawag siya ngayon? 

"Ah... 'Kala ko nakalimutan mo na ako, eh" seryoso na pagkakasabi ko at ibinaling ang tingin sa kung saan. 

Sandali siyang hindi nakasagot, [Anak, sadyang busy lang si daddy kaya hindi makatawag sa 'yo]  Ang dami pang palusot, pero si mommy naman nakakatawag kahit busy siya. Ano ba'ng pinagkaiba 'non?

"Eh, kailan kayo uuwi ni mommy?" I asked him although I already knew the answer. 

[Hindi pa kami uuwi, since we are busy fixing the papers for the up-coming event next week. I'm sorry.] sorry? What's that for? 

Mahina akong bumuntong-hininga at mapait na napangiti.  

"I know..." mahina kong sabi. 

[And--] may biglang tumawag kay daddy sa kabilang linya kaya nawalan na ng gana ang mata ko. [Ah, anak. I'll hang up the phone now, okay? You take care of yourself.] 'di na ako naghintay ng sasabihin niya at pinatay ko na ang linya ng telepono at padabog na ibinalik sa kung saan dapat nakalagay. 

"Si uncle ba 'yon, ate Kei?" hindi ko sinagot si Rain at humarap lang ako sa kanya. Kahit nasasaktan ako ay nginitian ko pa rin siya. 

"Yes, si dad nga" sagot ko sa kanya, "Hmm... Sa kwarto na muna ako, ah? May gagawin lang ako sandali." at umakyat na nga ako. Pumasok ako sa kwarto ko at kaagad na humiga sa malambot kong kama, higpit na niyakap ang unan ko. 

Mula noong maipanganak ako ni mom at makapasok sa mundong 'to...

Palagi na lang busy si dad, hindi siya nakaka-spend ng time sa akin. Sa amin. Palagi na lang kami ni mommy ang mag kasama kapag lalabas kami.

Sa totoo lang... Malapit na akong mapuno. Kaso... Alam ko naman na... Para sa amin 'yong ginagawa niya. Hindi ako makakakain ng masarap, makakapag-aral sa magandang school, makakahiga sa malambot na kama kung hindi dahil sa kanya.

Kaya dapat... Iniintindi ko pero may isa akong side na hindi ko maintindihan. 'Yong parang gusto ko, 'yung pansarili ko ang dapat intindihin.

Bumuntong-hininga ako at naglabas ng boses para mailabas ang sama ng loob. "Ewan!" Sabay talukbong ng kumot.

Harvey's Point of View 

Nandito si Haley sa kotse ko dahil kasabay ko siya sa pag-uwi. Ayoko namang maglakad o mag bike o kaya mag skateboard lang siya pauwi. Maraming sira ulo d'yan sa daan. 

Naiinis din kasi ako sa mga lalaking tumitingin sa kanya ng masama. Ang ibig kong sabihin 'don, minamalisyahan nila si Haley. Kahit papaano kasi, may kaibigan akong babae kaya ayoko 'yong binabastos ang amazonang babaeng ito. 

Kahit naman madalas kaming mag-away ni Haley, s'yempre may pakielam ako dahil kaibigan namin siya.

'Yong mga lalaking tingin nang tingin kay Haley? Sa totoo lang, minsan naiisip ko na lang kung hindi ba niya napapansin 'yon o sadyang wala lang talaga siyang pakielam.

Hindi s'ya umiimik, eh. 

Nilingon ko saglit 'yong babaeng nasa tabi ko at humarap ulit sa daan. Baka kasi mabangga kami.

"Humph, parang kanina ngingiti ngiti ka, ah? Bakit ngayon nakasimangot ka?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang paglingon n'ya. 

"Eh, kasi kasama ko 'yong impakto, katabi ko pa nga, oh? Nakakairita alam mo ba 'yon?" sabi niya sabay irap paharap sa bintana. 

"Tss, hindi din kita gustong kasama" ganti ko naman. 

Humarap ulit siya sa akin, "Oh? Really? Then bakit pinasabay mo pa ako sa KOTSE mo? I think I already told you that I can take care of myself, but you keep on pushing me to go with you!"

I growled, "Why are you shouting?"

"Because you're an annoying jerk!" sigaw niya pa't saka nag crossed arms at sumandal na.

Hindi ako makapaniwala sa babaeng 'to. Hindi ko alam makipag deal sa kanya.

Ibinalik ko na lang ang tingin sa daan at tahimik na nagmaneho. Mayamaya pa'y napahawak bigla ako sa ulo ko dahil sa biglaang paninilim ng paningin ko. Mukha namang napansin 'yon ni Haley kaya napatingin ulit siya sa akin at taka akong tiningnan.

"Oh? Ano namang drama 'yan?" tanong niya pero hindi ko lang siya pinansin at nag drive pa ulit. 

Pero dahil sa hindi mawala ang paninilim ng paningin ko, hininto ko na ito at ipinarada sa tabi.

Sh*t. Malayo pa naman kami sa bahay, isama mo pa na dumaan kami sa long cut na daan dahil may pinapagawang humps sa dati naming dinadaanan na shortcut.

"Hey, why did you stop?"

Hindi ako sumagot at lumunok lamang ng laway. Dumoble ang paninilim ng tingin ko nang i-angat ko ang tingin. Kaya ipinatong ko ang noo ko sa manibela para mag rest saglit. 

Napaka wrong timing, kaasar!

"Teka? Nanginginig ka?" sabi niya at hinawakan ang noo ko, "Harvey, bakit hindi mo sinabing may lagnat ka na pala?" gulat na tanong nito. 

Ngumisi naman ako, "Hindi ka naman nagtatanong, ah?" hindi ko naman inaasahang babatukan niya pa rin ako kahit may lagnat. 'Di ba kadalasan? Magpa-pasensya na lang sila dahil may sakit 'yong tao?

"Sira ulo! Wala ako sa mood makipag lokohan sa'yo, ah?" Hindi lang ako nagsalita at pumikit na lang. Tumaas na ba 'yong lagnat ko?

"Augh... What should we do now, huh? Takte ka namang lalaki ka, hindi ko alam kung saang lupalop tayo ngayon at hindi ako marunong mag drive ng kotse! 'Tapos ngayon, may sakit ka! Ka-tangahan mo!" Nag-aalala ba siya o galit talaga?

O baka pareho?

"Hala! Hindi ko nga pala dala 'yong phone ko" iritableng sambit niya habang kinakalikot ang bag niya. Humarap siya sa akin, "Hoy! Akin na phone mo" tumaas ang kilay ko't hinarap ang mukha ko sa kanya.

"What for?" I asked her but she just rolled her eyes at me.

Argh... 

I still can't forgive how she have such a shitty personality. 

"Para tawagan 'yong dalawa mong pangit na kaibigan! Ano pa ba?" napa-iling na lang ako at kinuha ang phone ko sa bulsa ko at saka inabot sa kanya. Mayamaya, nagulat ako ng sumigaw ulit siya. Ang ingay ng babaeng ito. 

"Augh! Harvey naman! Magtira ka naman ng battery mo, tingnan mo, katulad ngayong may emergency, paano ka makakatawag sa inyo kung lowbat naman 'tong PHONE mong WALA NAMANG KWENTA?" huminga ako ng malalim na 'agad ko rin namang inilabas. 

"Telephone, hindi ba pwede idiot?" I asked her. 

"Eh, alam mo ba 'yong number?" tanong naman niya sa akin. 

"No" tipid na sagot ko.

Napasapo na lang siya ng mukha at napasandal sa lean seat. "You're an idiot here" nagbuga na lang ako ng hangin. Hindi nagpa-process 'yong utak ko kapag may sakit.

"Sakto may hotel dito, kaso parang 5 star, ayos putok na putok 'yong bulsa ko kaya butas, okay lang 'yan ikaw naman magbabayad, eh. Dito na muna tayo magpalipas ng gab--Charot. Dito lang muna tayo mag stay." napaupo ako ng maayos dahil sa gulat at saka tumingin sa kanya

"Huh? N-no way! Pipilitin ko na lang na mag driv--" papa-andarin ko na sana 'yong kotse kaso pinigilan ako ni Haley. Kinuha n'ya sa akin 'yung susi.

"Bakit? Gusto mo si Kei ang kasama mo para mag stay ka lang? Tawagan natin, mag charge ka lang ng phone. Ang arte mo, eh. " at lumabas siya ng kotse. I... can't believe that girl!

Binuksan ni Haley 'yong pinto ko. "What are you waiting for? Buwan? Pumuti ang uwak? Huwag mong hintayin na buhatin kita diyan, ah? Tumayo ka na para makahiga ka ng maayos"

Napaka pushy, bossy, amazona, reklamadora, ang ingay ingay pa!

"You're not cute at all." nakasimangot kong sabi. 

"I'm not a dog, loser. Hurry up!" naglakad na s'ya papasok sa hotel. Ngunit bago s'ya makapasok, may kinausap siyang guard o sabihin natin siya ang kinausap.

Mayamaya, nagulat na lang ako dahil bigla niyang sinipa ang junjun ni kuya guard dahilan para mapaluhod siya sa sakit. 

Nagbuga ako ng hininga saka ako lumabas mula sa loob ng kotse. Lumapit ako sa guard na sinipa ni Haley. Itiningala niya ang ulo habang ngumingiwi sa sakit. Hawak pa rin n'ya 'yong betlog n'yang sinipa ni Haley. 

Hindi naman gagawin ni Haley ito kung walang pambabastos na ginawa itong stupid employee ni dad. "S-sir Harvey..."

"You're fired" huling sinabi ko na nagpanganga sa kanya bago pumasok sa Hotel.

Haley's Point of View 

Hinihintay ko si Harvey dito sa Reception. Kainis 'yong lalaking iyon, nasaan na ba siya? Bakit ang tagal n'yang makarating? Natuluyan na ba?

"Oy" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. 

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa may beywang at dikit-kilay siyang tiningnan. "What took you so long?" Hindi siya sumagot at pumunta sa receptionists.

"Oh, hi sir Harvey, welcome" bati ng babae kay Harvey at halata din kung magpa-cute. 

Sir Harvey? 

"Give me the key" utos ni Harvey. Binigay naman sa kanya 'yong susi.

Oh, yeah right, I almost forgot that he's the son of Mrs. Cory & Mr. Alexander who owns thousands of hotels.

"Uhm... Sir? I'm sorry if I'm going to ask this but, are you two making out?" nabilaukan naman ako sa sarili kong laway.

Si Harvey naman akala mo parang walang sakit kung makasigaw, "NO! No no no no no! Say that again and I'm going to let my dad remove you from work!" sabay harap sa akin at naunang naglakad. Sinundan ko naman siya.

Nag elevator kami na hanggang 20th. Ayun 'yong pinaka last floor sa hotel na 'to. Nasa 10th pa lang kami ng mapatingin ako sa kanya. Nakasandal na kasi siya at rinig ko ang mabigat n'yang paghinga. 

Lumapit ako sa kanya at sumandal, "Are you fine?"

"Do you think I'm fine? Dummy" tinatanong ng maayos, eh.

Buti nga nagtatanong pa ako. Walang utang na loob! Napaka antipatiko.

"Okay, fine" sabi ko at back to normal. Kaso may mali talaga, eh? Hindi ako mapakali.

Paano ba naman? 'Yong paghinga niya, nakakakilabot. Parang kumukuha siya ng hangin na sobrang bigat. "Pwede bang huminga ka ng normal? Ang abnormal ng paghinga mo, eh." daing ko habang naka-iwas ng tingin. Para kasi s'yang umuungol kahit hindi naman talaga. Wahh! Ang pervert ko!

"Shut up, I... Can't help it, I'm cold"

Bakit ang bilis naman niyang taasan ng lagnat? Kanina naman parang wala lang siyang lagnat.

Nasa 20th na kami kaya lumabas na kami ng elevator. Nang makalabas na kami ay kaagad na kaming naglakad. Hindi naman masyadong malayo ang nalakad namin at mabilis lang din kaming nakarating sa room n'ya.

May glass door ito at inilagay lang ni Harvey ang I.D niya sa system, basta may lalagyan ng card do'n. Identification machine yata ang tawag. Ay Ewan! Basta ayun na 'yon.

Bumukas na ang door at naglakad pa kami ng unti, pero may napansin ako.

Nangunguna ako sa paglalakad. Napatingin ako sa likod ko. Ayun. Nakatulog na 'yong impakto.

"Oh, crap!" mabilis pa sa alas kwatro akong pumunta sa pwesto niya. Lumuhod ako at tinapik tapik ang mukha niya, "Hoy, gising! Gising!"

H'wag kang shunga Haley, paano magigising 'yan kung nawalan nga ng malay at nanghihina ang katawan?

"What should I do?" Nagpa-panic na ako ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko.

May CCTV ba rito?

Naghanap ako ng camera, kaso wala naman akong makita, "Useless! 5Star Hotel pero walang CCTV sa 20th floor? Ako ba niloloko mo?!" inis at paninise ko kay Harvey.

No choice na ba ako? Kakaladkarin ko na lang siya? Alangan namang buhatin ko siya 'no? Ano siya? Chics?

But of course I can't do that. I'm just kidding, hindi naman ako gano'n ka-sama para gawin 'yon.

Ini-akbay ko lang siya sa akin saka ako naglakad.

Ano ba 'yan! Anak ng kalabaw. Sobrang bigat niya! Eh, kung kaladkarin ko na lang talaga siya para hindi ako nahihirapan ng ganito?! Aish.

Sa paglalakad ko habang dala-dala siya, napatingin ako sa mukha ni Harvey.

Akalain mo nga namang makikilala ko rin 'yong kalaro niya? Harvey Smith, huh?

Ngumiti na lang ako ng mapait saka tumingin sa harapan.

***

NANDITO NA AKO sa tapat ng pintuan nitong si Harvey. Inilapag ko muna siya sa may tabi saka ko pinunasan ang pawis sa mukha ko gamit ang likod ng palad ko.

Sobrang init kaya ng katawan niya! Kahit na sobrang max na 'yong aircon dito sa floor na 'to kung sobrang HOT naman ng naka-akbay sa'yo.

Mapapawisan at mapapawisan ka pa rin. Wala ring kwenta ang long sleeve.

Pero hindi dahil 'yong Hot na... You know? Hot na as in Hot. Gets niyo ba ako?

Basta! What I mean na hot. Dahil lang sa may sakit siya kaya hot. 

Pumunta ako sa harap nitong walang malay na si Harvey at  niluhod ang isa kong tuhod.

"Saan ba nilagay nitong impakto na 'to 'yong susi?" tanong sa sarili habang kinakapa kapa ang gilid kung saan siya may mga bulsa. What? Where did he put it? 

Kinapa-kapa ko pa 'yong gilid gilid niya nang mapunta ang kamay ko sa dibdib niya. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa mukha ko na kasabay 'non ang pag-alis ng kamay ko matigas niyang dibdib. 

Iniling-iling ko ang ulo ko ng mabilis. 

Tangeks. Paano mapupunta 'yong susi sa dibdib niya? Hello? May bulsa? May bulsa?

Hinawakan ko ang chain necklace niya at saka iyon itinaas.

Nandito lang pala sa dibdib niya 'yong susi. Tanga.

Nababaliw na yata ako, eh. Pati sarili ko kinakausap ko na.

Tumayo na ako at binuksan na nga ang pinto na kailangan din pala ng I.D

Ang dami-daming arte ng hotel na 'to, pero wala namang CCTV. Abnormal. 

Pero ang totoo, nakatago talaga ang CCTV somewhere. 

***

PUMASOK NA kami sa kwarto ni Harvey, at sa ngayon ay hinahanap ko lang ang bed room niya para naman makapagpahinga na 'yong likod ko. Mas kawawa ako kaysa sa kanya. Para kasing makukuba na ako dahil sa sobrang bigat niya, eh.

Nang makita ko na ang kwarto niya. Mabilis ko 'yon binuksan at inilagay na siya sa kama na pati ako nasama. Nasa dibdib niya ako ngayon pero hindi iyon nagtagal dahil umalis din ako sa pagkakapatong ng half body ko sa kanya. Ewww!  

"I'm sorry, Kei!" aniya at tumayo na ng maayos kasabay ang pagpapameywang. Tumalikod na ako sa kanya pagkatapos. 

Actually, ngayon ko lang naisip na pwede naman kaming mag commute, kaso dahil sa wala na rin naman siyang malay at hindi ko alam 'yong address ng mansion. H'wag na lang.

Ibinaling ko ang tingin sa may bintana at iginala gala ang tingin ng mata sa paligid. Tapos ini-stretch ko 'yung likod. Ang sakit talaga, eh.

"Lara..." napatingin ako kay Harvey nang bigla s'yang magbanggit ng pangalan. "Lara..." pag-uulit niya.  Hindi ako umimik at nilingon lang s'ya.