Chapter 55: Talk About
Haley's Point of View
Tinanghali kami ng gising kaya ngayon ay nagmamadali kaming apat na lumabas ng mansion para pumasok. Dala-dala ko naman ang skateboard ko na matagal ko na ring hindi nagagamit.
Nakasuot lang ako ng P.E Uniform ng Enchanted University dahil iba ang schedule namin ngayon. May activity kaming gagawin para sa araw na ito kaya hindi ko magiging problema na makitaan ng kung sinong manyakis na lalaki.
Pabagsak kong ibinaba ang skateboard sa simento at tumuntong. "Haley! Doon ka na lang sa sasakyan!" sabi ni Kei na may tinapay pa sa bunganga.
"No, I have motion sickness so I'll go first." nagsimula na akong pumadyak dahilan para gumalaw na ako. I still have this hobby na mag skateboard, my way of exercising every morning.
Binato ko kay Harvey ang bag ko, "Pakidali na lang." utos ko na hihirit pa sana kaya pumadyak na ako dahilan para gumalaw ako. Dumiretsyo na kaagad ako sa E.U at inunahan sila. Kaso sila pa rin naman ang nauna kaya iniiwan ko na ang skateboard sa Guard House at kumaripas ng takbo papunta sa classroom. Naiwan ko kasi 'yung iba kong gamit na kakailanganin sa field kaya kailangan ko ring bumalik.
Nandoon pa kaya si Ree-- Hindi, I mean si Kei pala?
Sa pagtakbo ko't nang makarating sa classroom na medyo lumagpas pa ay pumasok kaagad ako. Nandoon pa rin si Kei at tahimik lang na nakaupo sa pwesto niya. Hinanap ko muna 'yung I.D. ko sa ilalim ng lamesa gayun din ang swoosh Wristbands na binili ko noong isang araw bago lumapit kay Kei.
Binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin, "Bakit nandito ka pa? Tara na, magagalit si sir sa 'tin nito." anyaya ko habang isinusuot ang wristbands. Umuling siya at nilingon ako.
"I'll stay here, I have nothing to do there." Why is this girl… Looks so despondent?
Naalala ko bigla na kasama namin ang klase nila Jasper sa activity ngayong umaga, ibig sabihin nandoon si Jasper gayun din si Harvey.
Nakatitig lang ako sa kanya nang magsalubong ang kilay ko't kinuha ang pulso niya para hilahin patayo, "Tara na!" nag-alanganin siya kaya hindi hindi ito kagaad sumunod.
"But--"
"If you're just gonna run away, do you think something will change?" I asked her as her eyes widened.
She averted her eyes, alam niya kung ano ang tinutukoy ko. "You don't understand, Hal--" I cut her off.
"Kei, it's true that the way I see things is different from yours. So, you can't expect me to understand easily, but if you're going to put yourself in someone's shoes" I paused and looked at her with a serious expression on my face, "You'll understand." I said and lean closer.
Let out a sigh and looked directly into her eyes, "We lied, he's hurt.
Hurting is too complicated that it leaves a scar on every people's heart" he's heart must be worse off than anyone's. "…And he must be in more pain than any of us."
Napaawang siya sa aking sinabi, mukhang na-realize ang sinabi ko dahilan para kunin ang kamay ko't tumayo. "Thank you for making me realize my mistake, I'm a coward, I shouldn't run away. I have to face him." sabi niya kasabay ang pag seryoso ng kanyang tingin.
"That's the spirit." pag ngisi ko.
***
PAGKARATING pa lang namin sa field ay sinermonan kaagad kami ni sir Santos. Nakakainis, hindi man lang ba niya kami bigyan ng kahit 5 minutes? Pinaglihi yata 'to sa sama ng loob, eh.
'Kala mo naman, hindi nale-late. Masyadong perfectionist.
Lumapit na nga lang ako sa nakayukong si Kei bago ibaling ang tingin kay Jasper na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Nakapatong sa tuhod niya 'yong dalawang siko niya at medyo mababa ang kanyang balikat.
Hindi siya masyadong nakikisama sa mga tawanan ng mga kaklase niya pero ngumingiti naman siya kapag kinakausap.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganito, nakakapanibago.
Madalas ko siyang makitang masaya at masigla kaya ngayon, nakakatakot siyang lapitan. Iba kasi ang aura niya, mukha talaga siyang hindi okay at anytime, pwede na lang magalit.
Kahit na kausapin ko siya ngayon, I know wala rin akong maitutulong. Baka nga maging worse pa kung magsasalita ako.
Inilipat ko ang tingin kay Mirriam na kasalukuyang kinakausap sila Tiffany na ngayon ay nakahalukipkip. Nandoon sila sa area na sila-sila lang talaga, mukhang may pinag-uusapan sila na hindi pwedeng marinig ng iba.
...At nakikita kong 'di rin okay si Mirriam. Naningkit ng kaunti 'yong mata ko.
"Rouge." tawag ni sir Santos kaya mabilis naman akong tumingin sa kanya. Inangat niya ang record book, "Ikaw ang mag check ng attendance. Including the other section." tukoy niya sa klase nila Jasper. Luh? Ano'ng silbi ng beadle kung sa akin lang ipapasa?
Pwe, ito ba 'yong paraan ng paghihiganti niya sa ginawa ko last time?
Lumapit naman ako sa kanya para kunin ang record book, "Okay, okay." parang walang gana kong sagot. Ginamit na ni sir Santos ang whistle para tawagin ang lahat habang bumalik na 'ko kung nasaan si Kei, napahinto lang ako noong mapansin si Harvey na medyo nag-aalanganin na lapitan si Jasper.
Ngumiti na lang ako. "Kaya mo 'yan."
Harvey's Point of View
Na sa kabilang side area kami habang na sa harapan namin ang section nila Kei.
Malapit lang sa akin si Jasper pero 'di ko siya magawang harapin. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko naman alam kung paano ako magsisimula. I reassured him that I don't have a thing towards Kei pero heto ako ngayon, malalaman niyang boyfriend ng taong nagugustuhan niya.
Ang gag* ko rin talaga. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na ikulong 'tong nararamdaman ko.
Kasi kapag ginawa ko 'yon, habangbuhay ko 'yon pagsisisihan.
Naghahanap ako ng bwelo para makahingi ng tawad pero kung ganito 'yong pakikitungo ni Jasper, impossible na makausap ko siya.
Kumamot ako sa batok ko at pa-simpleng luminga-linga. Nakatingin lang sa malayo si Jasper, wala namang lumalapit sa kanya ngayon kaya siguro ito na ang magandang pagkakataon para makalapit.
Ngunit laking gulat ko nang humarang na ang mga kababaihan sa kanya para kausapin.
"Jasper, m-may ginagawa ka ba? Baka gusto mo ng makakausap."
"Will you give me a hand? I mean, you know how to do this activity."
"Guys, shut up. Hindi n'yo ba nakikitang gustong manahimik ni Jasper?"
Okay sana 'yong nagsabi nung huli pero nagkakagulo na talaga sila ngayon at nag-aaway na sa harapan ni Jasper. Hindi ko na lang mapigilan ang mapa-bored look at mapabuntong-hininga.
Napatakip na rin ako sa mukha ko, tinanggal ko lang iyon nang maramdaman ko ang presensiya ni Mirriam.
Unti-unti kong inangat ang tingin, iyong Black Ribbon kaagad ang una kong nakita bago ang magkasalubong na kilay ni Mirriam. Papunta siya ngayon kina Jasper at huminto sa tapat ng mga babae.
Tumikhim siya, "Excuse me, pinapatawag kayong dalawa ni Haley. Kailangang hingin 'yong pangalan n'yo." turo ni Mirriam kung nasa'n si Haley. Sinundan ko naman ng tingin kung nasaan ang babaeng 'yon. Nakatingin na rin sa akin si Haley, tinaasan pa niya ako ng kilay na para bang sinasabi na, 'Ano pa'ng tinatayo tayo mo diyan? Kilos.'
Ewan ko, pero parang naririnig ko na 'yong boses niya kahit hindi pa bumubuka ang bibig niya.
Ibinalik ko naman ang tingin kay Mirriam na pa-simple lang din na nakalingon sa akin.
Tinaas niya ang dalawang kilay niya na sumesenyas na chance ko na rin ito.
Umalis na ang tatlong estudyante habang nakasunod naman si Mirriam. Salamat.
Pagpapa-salamat ko kay Haley at Mirriam bago hinarap si Jasper na may seryosong ekspresiyon.
Nakatingin pa rin siya sa harapan at walang imik doon.
Kaya ko 'to. Para maayos na rin!
Sinabi ko nga 'yan pero bigla naman siyang tumayo at naglakad paalis.
Napahilamos ako sa mukha ng wala sa oras. "Dammit." nasabi ko na lang. May pumatong ng kamay sa balikat ko kaya sa sobrang gulat ko ay patalon akong napaatras. "Oy! Ano ba."
Ibinaba na ni John 'yong kamay niya at natawa, "Mukhang may problema, ah?" at dinaanan pa niya ng tingin 'yong pwesto ni Jasper kanina. Nilayo ko ang tingin 'tapos hinimas-himas ang aking batok.
"Well, you could say that." sambit ko.
Inakbayan niya ako at dahil medyo maliit siya sa akin, napayuko pa ako. Nakakainis naman!
Ayoko ng inaakbay akbayan, eh!
Magsasalita sana ako nang bumuka na ang bibig niya, "Bigyan mo muna siguro ng oras 'yong tao para sa sarili niya." panimula niya at ibinaba ang tingin para makita ako. "Kilala naman natin si Jasper, eh. Hindi naman matagal kung magtanim 'yan ng galit. Kaya huwag mo muna siya masyadong madaliin, magiging okay rin ang lahat."
Inilayo ko ang tingin 'tapos inalis ang kamay niya sa pagkakaakbay, "Hindi porke alam natin 'yong ganoong rason, hindi na tayo kikilos." mas iniiwas ko pa ang tingin ko. "Ayoko lang na hindi kami magkakasundo, 'di ko kaya."
Matagal na kaming magkaibigan ni Jasper. Hindi pa kami nag-aaway ng ganito kaya hindi ko kaya na 'di kami mag-uusap. Ang bading pakinggan, pero wala.
Nasanay ako sa pangungulit niya, eh. Gusto kong bumalik siya sa dati, bumalik kami sa dati. Ayokong masira 'yong pagkakaibigan namin ng dahil lang sa babae.
Napatakip ako sa mukha ko. Ayoko kamong masira pero ako naman 'yong gumawa ng dahilan kung bakit kami nagkaganito--
Biglang ginulo ni John 'yong buhok ko. "Gag* ka, Harvey! Mukhang ang tigas tigas mo sa panlabas pero may tinatago ka naman pa lang lambot!" malakas ang pagkakasabi niya niyan kaya ako naman itong biglang namula.
Pasakal ko siyang inakbayan. "Shut up, monkey!" inis kong wika habang hinahampas hampas naman niya ako sa hita senyales na suko na siya.
Na sa kalagitnaan kami ng paghaharutan nang mapatingin ako sa gawi ng section nila Kei.
"Geez. What are you doing?" rinig kong sabi ni Haley na tinutulungan si Kei na makatayo. Nagwa-warm up kasi sila ro'n pero ewan ko kung ano ang nangyari.
Patakbo akong naglakad palapit sa kanila. "Ano'ng nangyari?" tanong ko 'tapos ibinaba ang tingin sa tuhod ni Kei . Mayro'n ng galos doon kaya napangiwi ako't napailing kasabay ang pagbuhat sa kanya na animo'y isang prinsesa. Napuno nanaman ng tilian sa field.
Ayoko ng masyadong atensiyon but if I'm not going to do this, iika-ika na lang siyang maglalakad papuntang clinic. Ang pangit tingnan! Seriously, what is she doing?
Namumula naman itong inangat ang tingin habang pilit akong pinapababa siya.
"Huwag na kasing matigas 'yong ulo." sambit ko 'tapos ibinaling ang tingin kay sir Santos. "Papuntahin ko lang po sa clinic." paalam ko pero walang gana itong nag gestured na umalis na kami.
Nilingon ko si Haley na walang gana ring nakatingin sa akin, pagkatapos ay may isinulat sa record book. "Sige, shoopi. Excuse na kayo." pagpapaalis din niya sa akin kaya nagsimula na nga akong maglakad paalis para dumiretsyo sa clinic. Buti nga hindi siya ganoon kalayo, 'di ko rin kailangang umakyat ng hagdan.
Habang buhat-buhat ko si Kei, hindi maiwasan ng mga estudyante ang mapatingin na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin. Waste of time.
Pero mas nadi-distract ako sa kung ano man ang umaalog doon sa ibaba, eh. Kaasar.
"M-mabigat ako ngayon, Harvey. Ibaba mo 'ko." pagmamatigas ni Kei napasimangot ako. Medyo mabigat nga siya kumpara noon, pero hindi ko pwedeng sabihin 'yon.
Sa lahat ng bibitawan mong salita, ang pagiging mataba o mabigat ng mga babae ang hindi mo pwedeng sabihin. Madali kasi silang ma-conscious, imbes na gawin nila ang ang gusto nilang gawin ay baka iwasan pa nila.
Nakarating na 'ko sa clinic sa ground floor. Pumasok at dahan-dahang ibinaba si Kei sa kama.
Lumapit naman ang school nurse sa amin at chineck si Kei. At nang sabihin niyang kailangan muna itong i-treat ay nagpasya na muna akong lumabas.
"Susunod na lang ako pagkatapos." pahabol ni Kei nang makarating ako sa pintuan.
Lumingon ako sa kanya at mas binigyan siya ng walang ganang tingin.
Mukha siyang tuta. Ang cute.
"Ge." tipid kong sagot bago isinara ang sliding door. Nagpamulsa akong nagbuga ng hininga bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero 'di ko naman inaasahan na makakasalubong ko si Jasper.
Nakapamulsa rin siya't nakayuko nang iangat niya ang tingin. Ngayon, pareho kaming nakahinto.
Nakatingin lang kami sa isa't isa pero ako ang naunang nag-iwas. Nakakainis, sabi ko ngang kakausapin ko siya, eh. Sabi ko, haharapin ko siya pero ano ba 'tong ginagawa ko?
Muli akong naglakad, balak sana siyang lagpasan pero bigla siyang nagsalita.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya dahilan para mapahinto ako sa mismong tabi niya.
Kita ko sa peripheral eye vision ko ang paglingon niya sa akin, seryoso lang ito.
Lumingon na rin ako sa kaya at tumango bilang sagot.