Chapter 61: True Self
Mirriam's Point of View
Tumilaok ang manok na nanggagaling sa kapitbahay habang nakatitig lamang ako sa message ni Tiffany na kase-send lang sa akin. She's mad, pinagmumumura niya ako and everything and she said she doesn't want to see me.
The reason why I don't go with them was because the last time na sumama ako sa Trinity5 para sa sleepover, nagalit sila dahil hindi ko raw sinabi kila Trixie. Imbes na sila raw ang nando'n, ako pa raw ang makapal na mukha na nagsasasaya kasama sila.
Trinity5-- Si Rose pala ang nagpasimuno na ibahin ang group name nila.
Hindi ko na naipagtanggol ang side ko, alam ko na, kilala ko na sila. They won't listen to me.
Ang tao kasi, kung ayaw niyan magpatalo at palaging gusto nila na sila ang tama, hindi ka mananalo.
Sumandal ako sa head board at pabagsak na ibinaba ang mga kamay ko kasama ang cellphone. I enjoyed being with the Trinity5 but it doesn't mean that I am one of them. Having no permanent friends is suck, isn't?
Nag alert ang phone ko. Senyales na mayroong nag message mula sa Facebook.
Binuksan ko iyon at tiningnan ang nag message, laking gulat na si Kei ito.
Hi! *insert laughing emoticons* - Keiley Jane Montilla
Kumunot ang noo ko, "Hi?" basa ko sa pagbati niya saka siya nakikipag video call. Medyo nataranta nga ako kasi biglaan 'yong pag call niya pero sinagot ko rin naman pagkatapos. Inaasahan ko nga na siya lang pero laking gulat nang makita ko ang buong Trinity5 in one screen.
"Yow, Mirriam!" bungad ni Jasper at sinakop lahat ng space sa screen.
Tinulak siya ni Haley. "Lumayas ka nga!" inis nitong sambit.
"Hey!" bati naman ni Reed habang tumango lang si Harvey.
Si Kei naman ang sumakop ng space, laptop yata ang gamit nila. "Wow! Ganda mo kapag nakalugay!" puri ni Kei kaya naningkit ang mata ni Haley kasabay ang paglapit niya ng kaunti sa screen.
"Oo nga, bagay sa 'yo." segunda ni Haley kaya na-flattered naman ako. Humawak din ako sa buhok ko, inaalis ko kasi 'yong black ribbon ko kapag na sa bahay lang.
Tumango ako't hiyang nagpa-salamat.
"Siya nga pala, sama ka sa 'min!" anyaya ni Kei na nagpakurap sa akin. Huh?
"S-saan?" tanong ko saka siya lumayo. Tiningnan ko ang paligid nila, na sa loob din sila ng kotse. Saan pupunta 'tong mga ito?
"Kahit saan." medyo pataray na sagot ni Haley.
"On the way kami ngayon sa bahay n'yo, maghanda ka na, ha?" at binigyan ako ng thumbs up ni Jasper.
"Ah, nandito na tayo." pokerface na sabi ni Harvey dahilan para mapatayo ako.
"HUH?!" gulat na gulat kong reaksiyon saka napatingin sa pinto nang magbukas iyon. "Ma?" tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin 'tapos kinuha ang cellphone ko, nginitian niya sila Jasper.
"Mag-ingat kayo sa pag-alis, ha? Medyo clumsy pa naman itong si Mirriam." napanganga ako hindi dahil sa tuwa kundi dahil medyo nainsulto ako sa sinabi ng magaling kong nanay. You're embarrassing me!
Narinig ko ang hiyawan ng mga tao mula sa phone kaya hindi ko na mapigilan ang mapangiti. I don't want to admit but I'm happy na isasama nila ako sa gala nila. Hindi naman ako totally kasama sa barkada nila pero...
Inangat ni mama ang tingin niya para ngitian ako. "You finally found your ally." wika niya kasabay ang pagbigay niya ng phone ko.
Hindi pa rin naglalaho 'yong ngiti sa labi ko, "I guess..." marahan kong tugon.
"Nandito na kami sa baba, hindi ka pa rin nagbibihis!" daing ni Jasper kaya napasimangot ako. Pinagbubuksan na sila ni Julius ng pinto 'tapos kinukulit na roon.
"Ibaba ko na 'to, ah? Hintayin ka namin sa baba." tumango naman ako sa sinabi ni Kei saka na nga niya in-end ang video call.
Muli kong tiningnan si mama na nakangiti lang din sa akin. "Go! Your friends are waiting for you." ngiting udyok ni mama kaya dali-dali akong kumuha ng damit ko para magbihis. Nakaligo naman na ako kaya magpapalit na lang ako ng damit.
Naglakad ako sa harapan ng mirror 'tapos kinuha ang Black Ribbon ko para ipangtali sa buhok ko. Pagkatapos ay pina-side to side ko ang mukha ko para makita kung maayos ang both sides ng buhok ko. Nang makita ko namang okay ay tumango ako. "Alright."
May kumatok sa pinto saka iyon binuksan, sumilip si Airiam. "Ate, bilisan mo. Hinahanap ka na nila."
Humarap ako sa kanya 'tapos nagpameywang, "Pababa na."
Bumaba na ako ng hagdan at pumunta sa sala kung saan nagku-kwentuhan na pala ang Trinity5 kasama ang mga kapatid ko. "Let's go?" yaya ko. Pare-pareho silang napatingin sa akin saka lumapit sina Haley, Jasper, Reed, Harvey at Kei. Nagpaalam sila sa mga kapatid ko maliban kina ate Jean at kuya Jin dahil bantay sila ngayon sa business namin.
Kinukulit nila ako tungkol sa mga bagay-bagay at tinatanong kung saan puwedeng gumala. Bilang pakikisama ko, hindi ko na namalayan na ang saya saya ko na masyado. Makikita mo 'yong iba't iba nilang characteristic but at the same time, magkakasundo sila sa mga bagay-bagay.
Hindi ako naa-out of place, in fact feel ko talaga na nandoon ako sa circle of friends nila. Parang kasama ako sa kanilang grupo. Kumpara noong na kila Trixie ako, hindi ko malaman kung talaga bang kaibigan nila ako.
Mag-uusap sila, palagi lang akong nasa likod. Kung aalis sila, palagi lang akong na sa bahay dahil hindi nila ako inaaya. Hindi nila ako tinatanong kung okay lang ba ako, kung ano ang nararamdaman ko pero sa grupo ng mga kasama ko ngayon?
Sila 'yung mga tao na wala ako noon na mayroon ako ngayon. Masasabi ko bang ma-swerte na ako?
Siniko ako ni Kei habang dumikit naman lalo si Haley sa akin, "Gusto mo si Jasper, 'no?" umakyat ang dugo sa mukha ko pagkatanong pa lang ni Haley no'n. Inaaya ko na silang umalis, 'di ba?
Mabilis akong umiling, "H-hindi, ah!" pagde-deny ko. Hindi ko pa kayang sabihing oo, nakakahiya!
Sila 'yong tipong tao na alam na alam kung ano ang iniisip o nararamdaman ng kaibigan nila, kahit wala ka pang sinasabi ay nauunawaan nila ang kilos mo.
Nagpaalam na nga kami sa mga kapatid ko gano'n din kay mama.
Lumabas na kami ng bahay at pumasok sa sasakyan, may driver pa silang isinama. "Coding kami ngayon kaya hiniram muna namin 'yong sasakyan pati kotse ni kuya para makalabas tayo." tapik ni Jasper kay manong na tinawanan naman niya.
"Sir Jasper talaga…" nahihiyang sambit.
Dinala lang kami ni kuya sa alam niyang puwedeng pagpapasyalan, noong una road trip lang kami, may mga dala pa nga silang junk foods kaya may nginunguya nguya kami.
"Yuck, Jasper! Ang bastos mo talaga!" nandidiring wika ni Haley dahil natalsikan siya ng pagkain na nanggagaling sa bunganga ni Jasper. Tinawanan lang siya nito samantalang kain lang nang kain si Kei ng prutas.
Ayaw raw niya ng junk foods kasi tumataba raw siya. Pero ang totoo niyan, dibdib niya ang tumataba, hindi katawan niya.
Napunta na kami sa Laguna kaya napagpasya naming pumunta na lang sa Japanese Garden. Nag park kami sa parking-an saka kami isa-isang lumabas. Nagtatatakbo't akala mo'y mga batang walang pino-problema.
Hindi ko nga rin inaasahan na maglalaro pa kami ng agawan base sa ganitong edad namin,
"This will be my team!" tukoy ni Harvey sa amin ni Haley dahil kami-kami ang magkakampi habang si Kei, Jasper at Reed naman ang magkasama. Nagkatinginan naman si Jasper at Kei nang mag-iwas sila ng tingin. Mukhang hindi pa rin pala sila okay.
Nagkatinginan kami ni Haley na animo'y parehong iisa lang ang iniisip.
Ngunit sa kalagitnaan ng paglalaro namin, noong magbungguan silang dalawa ay pareho na lamang silang nagtawanan. Gumuhit na ang ngiti sa labi namin saka ipinagpatuloy ang totoong laro't in-enjoy. Hanggang sa mapagod kami ay pare-pareho kaming mga humiga sa damuhan na nasa pinakatuktok ng lugar na ito. Tamang tama talaga ang hangin sa mga balat namin.
Nakapabilog kaming anim habang tinitingnan ang asul na kalangitan. Sa sobrang ganda ng araw na 'to, baka maging kabaliktaran ang mangyayari mayamaya. Nandoon sa utak ko 'yung mga what if's ko.
Umupo sa pagkakahiga si Haley tapos ibinaba ang tingin tutal magkatabi lang naman talaga kami. "Baka gusto mo ng ikwento sa 'min ang nangyari between you and your other friends?" tukoy niya kila Tiffany kaya napatingin na rin sila Jasper sa akin. "You've been quiet for awhile now. Wherever I go palagi kitang nakikita sa canteen eating all alone. Doon na kami naghinala na may mabigat pang rason kaya hindi na kayo nagsasama nila Tiffany." dugtong pa ni Haley.
Titig lang ang ginawa ko hanggang sa magpasya akong umupo't maglabas ng hininga. Ikinuwento ko na sa kanila kung bakit wala na ako sa grupo nila Tiffany at kung anu-ano pa. Ganoon naman talaga, eh. Ang kaibigan nagiging kaaway. Depende na lang kung pipiliin nilang manatili at 'di ka iwan dahil importante ka sa kanila.
But for them, that's not the case. I have no idea if talaga bang naging kaibigan nila ako o gusto lang din nilang mapalapit sa akin dahil kay kuya Jin. I don't know but let's face it. Saka ka lang naman nila maaalala kapag may kailangan sila.
'Di ko man sila maintindihan but I'm not mad or anything. It's just a matter of accepting it, whether you like it or not.
Natapos ko na ang pagpapaliwanag ko pero laking gulat ko nang bigyan ako ng batok ni Haley.
"Idiot! Why do you have to please these people just to appreciate or notice your existence? That isn't how it works! You don't need those people in your life, Mirriam." naging kaibigan ko si Tiffany kasi sila unang nag reach sa akin. Sila 'yong nag-alis sa akin sa mundo kung sa'n masyado akong isolated. Little did I know, they used me for their own benefits-- Fame.
Because my brother is a school musician idol.
'Di lang ako makawala sa kanila because of anxiety. Iniisip ko na baka may sabihin silang hindi maganda tungkol sa akin. Natatakot ako, kaya para maiwasan 'yong gano'ng pangyayari, kahit labag sa loob ko. Pinapakisamahan ko sila kahit 'di ko masyadong maipakita kung sino talaga ako.
Since they won't understand. No one even dares to know what I want, even my existence is nothing to them. I'm just an option if they don't have any choice. Minsan nga, nagkakaro'n ako ng identity crisis because of that.
Umupo na rin si Harvey saka humalukipkip, "Kung ganito ang pakikitungo nila sa 'yo bakit hindi ka pa umalis? Bakit natitiis mo 'yong ganyang klaseng kalungkutan?" tanong niya na 'di ko kaagad nabigyang sagot. It's not easy.
"Sometimes it's better to be alone so that nobody can hurt you." wika niya na binigyan naman ng malaking thumbs up ni Jasper.
Itinaas niya ang kanyang dalawang paa at binigyan ito ng pwersa na tumayo. "Maybe you're all alone before." panimula ni Jasper at nagpameywang matapos magbuga ng hininga, "But right now… You know that you're not." lumingon siya sa akin at nginitian ako. "Right?" dagdag niya na nagpataas sa dalawa kong kilay.
Lumakas pa lalo ang ihip ng hangin. Pumikit si Kei saka humagikhik, "This is kind'a familiar, isn't?"
Napatingin naman ang tatlong lalaki kaya tiningnan isa-isa ni Haley ang mga ito. "The f*ck." Tila parang alam ni Haley ang tinutukoy ni Kei. Tumawa ang mga ito pero ibinaling lang ni Haley ang kanyang pansin sa akin.
"You are already a part of our circle. If you feel that you're lost, we will come and find you. If you feel alone, we're goin' to stay by your side. If you are the kind of person who loves to hide, then one of us will be there to look for you." litanya ni Haley at tumayo para pumunta sa harapan ko. Inabot niya ang kamay niya sa akin at binigyan ako ng malapad na ngiti.
Biglang kumislap ang mata ko dahil sa mga sinabi ng mga ito, finally… Nakita ko na 'yong KAIBIGAN na gusto kong makuha noong una pa lang. You finally show yourselves…
…Trinity5.
***
KANYA-KANYA kami ng pwestong anim habang nakaangat ang kamay ni Kei na hawak-hawak ang cellphone pang selfie. Naghahanap kasi kami ng magandang anggulo para maganda ang kuha namin sa unang litrato naming anim. "Ang likot mo naman, Reed! May kitikiti ka ba sa puwet mo?!" iritang tanong ni Haley dahilan para inis din siyang tingnan nito.
"Ang arte mo! Diyan ka na lang sa gitna!" hinawakan ni Reed ang dalawang balikat ni Haley para ipwesto siya sa gitna na nasa likuran namin ni Kei. Umabante ng kaunti si Jasper at Reed habang nasa likuran naman si Harvey.
"Okay, in 3… 2… 1…! Cheese ~!" sabi ni Kei and click.
'Cause of these people, I finally learn how to show my true self. I laugh and smile a lot more. They accepted who I really am and helps me become who I should be.
Kinuha ni Jasper ang nakuha niyang bulate sa damuhan saka inihagis kay Haley dahilan para saluhin ito ni Haley saka malakas na ibato pabalik sa pagmumukha ng mokong. Lalaki siyang nagtititili't nag-iiikot doon habang tumatawa lang kami.
I found people who are kind of crazy.