Chapter 56: Moving On
Jasper's Point of View
It's not safe to fall inlove. Kapag nagmahal ka, asahan mong makakatanggap ka ng sakit.
Sa pag-ibig, hindi ka pwedeng umasa na may maibabalik sa 'yo dahil tumaya ka.
Kumbaga kung may maibabalik sa 'yo, masaya pero kung wala, tanggapin mo.
Hindi ito 'yong madalas na mabasa o mapanood nating romance sa isang pelikula.
Na sa realidad tayo kung saan walang kasiguraduhan kung magkakaroon ba tayo ng happy ending o hindi.
Lumabas na 'ko ng gate habang papaatras ako kasama ang motor ko. Pupunta ako sa G.Shop kung sa'n ako madalas bumili ng bala ng games ko.
It's also suck how we have to make ourselves busy just to forget.
Masakit kasi, eh. Iyong kahit na gusto mong tanggapin pero deep inside hindi mo kaya.
Sh*t lang din, gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Pero paano ko 'yon magagawa?
Wala akong alam na lugar kung sa'n pwede akong maglabas.
Sinuot ko na ang helmet ko 'tapos pinaandar na ang makina ng motorsiklo.
Pinainit ko na muna ang makina nito para hindi tumirik sa gitna ng daan. Nakakahiya kasi kung bigla kang hihinto 'tapos ang dami pang mga sasakyan sa likuran mo.
Chineck ko ang motorsiklo ko, "Ayos! Ang ganda talaga ng pagkakalinis ko sa'yo" iling kong sabi, "Nagmana ka sa nagpaligo sa'yo" at pinaharurot ko na ito.
Noon, ang totoo niyan. Medyo nao-OA-yan ako sa mga taong gustong magpakamatay dahil sa pag-ibig na hindi nagtagumpay. Pero ngayong nararamdaman ko na't nararanasan?
Alam ko na ang pakiramdam. Hindi pala biro 'yon. Parang papatayin ka sa sobrang lungkot, sa sobrang sakit.
'Yong tipong mapapaisip ka na lang na sana magka-amnesia ka para makalimutan mo 'yong nararamdaman mo. Para mawala 'yong sakit at hirap na nadarama mo. Kasi sobrang HIRAP talaga, eh.
Kahit na ano'ng gawin kong pagpapaka positive kung ang kalaban mo ay 'yong nararamdaman mo, pwede ka ring matalo. Naglalaban ang puso't isip. Kung ano ba ang dapat na gawin.
Kung ano ba ang gusto mong mangyari.
Huminto ako noong maging pula ang traffic light. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay napailing ako sa kadahilanang si Kei nanaman ang na sa utak ko. 'Tapos may namuong kaunting luha sa gilid ng mata ko.
Sh*t lang talaga!
Hinayaan ko na lamang tumulo ang luha na nagmumula sa kaliwa kong mata bago muling pinaharurot ang motorsiklo nang mag berde na ang Traffic Light.
Narating ko na rin sa wakas ang G.Shop kaya bumaba na ako't inalis ang suot na helmet. Isinabit ko iyon sa rear mirror ko't inayos ang buhok bago pumasok sa loob.
Maghahanap na lang siguro ako ng malalaro ko para malibang libang naman ako kahit papaano.
Nag-aayos ng pera 'yong kahera. Siya pa rin naman 'yong bantay. Iyong babaeng nagbalik sa akin ng wallet ko.
Tumingala siya para batiin ako. Good mood yata siya?
Tumango lang ako 'tapos naghanap na ng pwedeng malalaro. Medyo natagalan pa nga 'ko dahil nag-iisip ako kung enough ba 'yon sa budget ko. Ginastos ko na kasi lahat sa mga effort ko kay Kei.
Kung tatanungin n'yo kung sa'n napunta lahat ng mga binili ko para sa kanya, pinamigay ko lang sa kung saan-saan.
Ayoko namang itapon lang. Grasya pa rin 'yon kahit na sa pinaka dulo na ng utak ko ang ibato ang mga 'yon padiretsyo sa basurahan.
Kinuha ko ang isang bala 'tapos napatango. "Ito na lang." sambit ko at pumunta na sa counter. Nilapag ko 'yong nahanap kong game at nilabas na ang wallet. Pagkabukas ko no'n, halos mangiyak ako.
Bumuntong-hininga ako.
"Ang bigat niyan, sir ah?" biglang pagsasalita ng babaeng ito kaya napatingala na lang ako.
Natawa 'tapos napahawak sa batok.
"Ah, pasensiya na. Ganito kasi talaga kapag paubos na 'yong pera." sagot ko na tinanguan niya kasabay ng pag scan ng laro ko. Sa kalagitnaan nito ng pag check sa receipt ko ay tinitigan ko siya. "Uhm..."
Inilipat niya ang tingin niya sa akin ng hindi inaalis ang pagkakaharap sa monitor nila. "Ano po 'yong maitutulong ko, sir?" ngiti nitong tanong sa akin at ibinaba ang kamay.
Umiwas ako ng tingin. "Na-broken hearted ka na ba?" tanong ko out of nowhere.
Medyo nanlaki ang mata niya pero kaagad ding ibinalik sa dati, imbes na ma-weird-uhan sa akin ay gumuhit lang ang ngiti sa labi niya. "Are you asking me of how to move on?" tanong niya na hindi ko kaagad sinagot. Kasi tama siya, eh. Gusto ko lang malaman kung ano ang ginawa niya noong nasawi 'yong puso niya.
Inayos niya ang suot suot niyang salamin. "I think kailangan mo lang hayaan 'yong sarili mong masaktan." sagot niya dahilan para mapatingin ako sa kanya ng nakanganga ang bibig.
What?
"The more na ipipilit mo ang sarili mong makalimot, the more na iti-trigger ka ng puso mo na mahalin 'yong tao. Maraya kasi talaga ang pag-ibig. Kahit na ano'ng gawin mo, hindi mo matatakasan 'yong nararamdaman mo." litanya niya 'tapos ngumiti. "Hayaan mo lang na masaktan ka, hanggang sa mapagod at magsawa ka." sabay abot ng plastic na naglalaman ng bala ko.
Dahan-dahan ko namang kinuha iyon at napatitig sa mukha niya. "S-salamat." sabay bigay ng bayad ko sa kanya. Sakto lang iyon kaya hindi na niya kailangan na suklian ako.
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti, "You're welcome." tumalikod na ako at lumabas na ng shop. Hindi nga ako nakakilos kaagad pagkalabas ko, eh. Kasi napaisip din ako sa sinabi niya.
Masaktan...?
I thought to myself as I looked at the sky. "Is that how it works?" tanong sa sarili.
***
KAHARAP KO NA ngayon si Harvey. Dinala ko lang siya rito sa mini forest ng Enchanted University.
Hindi naman ganoon kaaraw kaya hindi gano'n kainit. Humaharang din kasi 'yong makakapal na puno kaya hindi tumatama 'yong bilad ng araw.
Huminga ako ng malalim. Walang nagsasalita ni isa sa amin ni Harvey, pero nakikita ko na may gusto siyang sabihin. Ngunit nakalipas na ang ilang minuto, namamagitan pa rin kami ng katahimikan. Bagama't nakapagsalita rin siya mayamaya, "Jasper." tawag niya sa akin at may idudugtong pa noong magsalita na rin ako.
"Alagaan mo siya."
Salita na nagpalaki sa mata niya. Umiwas ako ng tingin, "Siguro marami akong pagkukulang kaya hindi siya napunta sa akin. O hindi ako sapat--"
"Jasper, hindi sa gano'n--" pinutol ko siya.
"Bro. Magkaibigan tayo, huwag na tayong mag sugar coating, hindi naman uso ang careful words sa 'tin, eh. Ilang taon na ba tayong magkakilala? Ilang taon na rin, magde-decade na." sabi ko na nagpatikum sa bibig niya. "Harvey, 'tol. Totoo na hindi naging madali sa akin noong malaman kong kayo na kahit sinabi mo sa akin na wala kang nararamdaman para kay Kei. Sinigurado ko pa 'yon sa 'yo pero sabi mo wala. Kaya ang sakit sakit lang." paghawak ko sa puso ko. Nararamdaman ko nanaman kasi 'yong pagkirot nito.
"Jasper..." paanas na pagtawag nito sa akin.
"Mahal ko si Kei. Mahal na mahal na handa kong isakripisyo lahat para sa kanya. Kung pwede nga lang, kung pwede lang na mapunta siya sa akin. Gagawin ko. Pero mahal ko 'yong tao, handa ko siyang pakawalan, gusto ko siyang maging masaya, eh." sabi ko pagkayuko. Pakiramdam ko kasi maluluha nanaman ako. "Kaya kung pwede?" inangat ko ang tingin para makita siya ng diretsyo.
"Huwag na huwag mong saktan si Kei?" tanong ko na hindi niya kaagad inimikan. "Palagi mo siyang pangingitiin at patatawanin." dagdag ko pa.
Nakaawang-bibig lang siya nang luminya na ang ngiti sa kanyang labi. The sincerity that he made on his smile. Iyong ngiti na alam kong hindi ka bibiguin. "Damn straight." wika niya.
Namuo na nga ang luha sa mata ko pero nagawa ko pa ring lawakan ang ngiti ko't tawanan 'yong lungkot na nararamdaman ng puso ko ngayon. F*ck!
Lumapit na sa akin si Harvey para yakapin ako't tapikin ang likod ko. "Ano ba 'yan, 'tol! Ang bakla mo!" biro ko.
Humiwalay siya ng kaunti sa akin 'tapos binigyan ng kaunting ngiti. "Salamat." salita na bihira ko lang marinig sa kanya.
Tama, alam kong pagkakatiwalaan ko 'tong taong 'to. Kaibigan ko siya, alam ko na hindi niya papabayaan 'yong taong gusto ko.
Pinapaubaya na kita, Kei.
Ngumisi lang ako 'tapos binatukan si Harvey. "Gag*!" mura ko na nagpatawa sa aming dalawa.
Haley's Point of View
Nagtatago lang ako sa likuran ng puno habang pinapanood ang dalawa kong kaibigan na kasalukuyang nagtatawanan ngayon. Hinila ni Jasper si Harvey para guluhin ang buhok nito.
Nagbuga ako ng hininga. Pinag-alala nila ako sa wala, akala ko mag-aaway 'tong dalawang 'to, eh. "Real friends will always stick together, I guess." sabi ko at napangiti. Naglakad na ako paalis dahil baka hinahanap ako ni sir Santos.