Chapter 60: Do You Remember Love?
Haley's Point of View
Ngayon ang sinasabi ni Jin na mini-concert niya kamo sa gymnasium kaya pagkatunog pa lang ng bell ay mabilis akong tumayo at inayos ang gamit ko. Buti napapayag ni Jin 'yong student council na mabigyan sila ng school concert, o baka naman school idol sila kaya gano'n?
'Kala ko sa anime lang nangyayari 'yong gano'ng bagay, eh.
"Haley, sa'n punta?" tanong ni Kei na medyo nagpapitlag sa akin. Bigla bigla na lang kasing magsasalita sa likuran ko, kanina pa pala nandiyan.
Tumigil ako sa pag-aayos ko't nilingon siya.
"Sa…" narinig ko na ang kakaunting tugtog mula sa Gymnasium. Hindi naman kasi 'yon kalayuan mula rito. "Okay, I have to go." maglalakad na ako pero niyakap niya ako bigla. Isabay mo pa ang kanyang matamis pero mapang-asar na ngiti.
"Today is the mini-concert of the school idol band called FlashDrive. Don't tell me you're goin' to see him? I mean Jin." inilayo ko siya sa akin. Ramdam ko pa ang namumula kong pisnge.
"Dummy. That's not it." tumakbo na ako palabas ng classroom. Kung anu-ano sinasabi, eh. Pero pupunta nga ako ro'n dahil kay Jin pero hindi para makita siya, gusto ko lang din marinig kung paano siya tumugtog.
***
NAKALABAS NA AKO at laking gulat ko nang mapansing marami-raming estudyante ang nanonood. Siksikan 'tapos todo gitgitan sila sa may bandang gitna. Karamihan nga rin sa kanila ay mga babae, kung may lalaki man. Bading naman.
Tumingin ako sa harapan, naghe-head bang pa si Jin habang kumakanta. Feel niya talaga 'yung bawat lyrics na inilalabas niya. Hindi ko rin inaasahan na maganda 'yong boses niya! Kumpara kay Jasper…
Bigla ko naman naalala 'yong last time na kumanta siya dahilan para mapabuntong-hininga ako. Bigla kong tinakpan ang tainga ko noong biglang tumili 'yung bakla na nasa tabi ko. Kainis! Sisirain mo ba 'yong eardrums ko?! Tinulak ko nga.
Muli kong ibinaling ang tingin kay Jin kung saan mukha namang nakita niya ako dahil kumaway pa ito na may kasama pang malapad na pagngiti. Kaso akala siguro ng mga babae sa likod ko sila ang kinawayan kaya kumaway din sila
Pinakinggan ko na lang nang pinakinggan ang boses ni Jin.
"Is it too late to say sorry" kinakanta kasi ni Jin ngayon 'yung "Sorry" ni Justin Bieber.
"Ang gwapo mo talaga Jin!" patili na sabi ng kung sino sa tabi. Mayamaya pa'y kinakanta naman ni Jin 'yong song ng One Direction na "What makes you beautiful" kaya karamihan ngayon sa Gymnasium ay tila parang nabuhayan at nagkaroon ng energy na sabayan ang kanta.
Samantalang ako naman, nakatayo lang at ngiting nakikinig sa mga kanta niya.
Natapos na ang kahuli-hulihang kanta ni Jin kaya binigyan siya ng masigabong palakpak ng mga estudyante. Nakatayo lang ako ro'n at pinapanood ang pagkaway niya sa mga fans niya.
Nakaka-proud din itong lalaking ito sa totoo lang. Mayroon na siyang bagay na puwedeng maging SIYA sa hinaharap. Hindi na ako magtataka kung magiging sikat na Musician Artist siya't makikita na lang namin sa TV balang-araw. He has a talent.
"Salamat, guys! Pero bago tayo magtapos, puwede ba munang magkwento?" ngiti na medyo nahihiya nitong tanong habang nakatingin sa electric guitar niya.
Siyempre bilang isang fan ng isang magaling na singer, um-oo kaagad sila. Nagkibit-balikat lang akong ngumiti, "Alam niyo bang nagpanggap ako bilang isang nerd sa campus na 'to?" tanong niya kaya naguluhan ang iba. Nagbulong-bulungan at mga nagtaka.
Tumaas lang ang kilay ko bilang reaksiyon ko.
"Ginawa ko 'yon para malaman kung ano ang magiging turing ng taong iyon sa mga nakakasalamuha niya. Gusto ko ring masiguro na kakaiba siya sa lahat." sambit niya.
'Di pa niya sinasabi pero mukhang tinutukoy niya yata 'yung taong nagugustuhan niya.
Ngiting naglabas ng hangin si Jin, "At napatunayan kong totoo siyang tao. Wala siyang pinipili at pantay-pantay lang ang tingin niya. Mataray siya which is not a bad thing actually. In fact, ayun pa yata 'yong nagustuhan ko sa kanya." tumili ang mga kababaihan, may iba naman na parang binagsakan ng langit at lupa. Malamang, malaki ang paghanga nila sa tao na ine-expect din nila na mapansin sila nito. "Iyong tipong nagagalit na siya sa 'yo pero at the end of the day? She will still care for you." litanya niya't tumingin sa gawi ko.
"Everytime na makikita kita, nagiging buo ang araw ko, ang saya-saya ng mga araw na magkasama tayo." tinabingi ko ng kaunti ang ulo ko habang nanatili lang ang kaliwa kong kilay na nakataas. Sino kinakausap nito? Hindi naman ako 'yon, 'di ba? "Sungitan mo man ako, lilingon ka pa rin para tingnan ako.
Itataboy mo 'ko pero babalikan mo pa rin ako." lumawak ang ngiti sa labi niya, "Because of that, I finally remember how to love. And I want to say I love you, " he paused at tumingin na sa mismo kong mata na nagpalaki sa mata ko lalo na noong banggitin niya ang pangalan nito. "Haley Miles Rouge."
Napatingin lahat ng mga estudyante sa akin habang malakas na tumibok ang puso ko, "Jude…?" tawag ko sa isa pa niyang pangalan. Iisa lang sila ni Jin?
Reed's Point of View
Pa-simple akong nakatingin kay Haley habang nag-aayos siya ng gamit.
Medyo nag-aalanganin akong kausapin siya ngayon dahil ramdam ko 'yong hiya pero alangan namang magpaka-pride pa 'ko rito ngayon at walang gawin?
Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa kanya na ngayon ay kausap na rin si Kei. Kakausapin ko kasi sana siya para humingi ng sorry dahil ayoko na ring palagpasin 'to. Ayoko ng magkaro'n kami ng gap, ang hirap talaga. Mababaliw ako kakaisip.
Ngunit palapit pa lang ako, paalis na siya. Napahinto na lang ako sa paglakakad.
Gano'n na ba katindi ang galit niya sa 'kin para iwas-iwasan na lang ako ng gano'n?
Lumingon si Kei sa akin nang mapansin niyang na sa likuran niya ako. "Oh, nand'yan ka pala?" nakatingin lang ako sa kanya nang mapabuntong-hininga ako. Sh*t, malapit-lapit na 'kong sumuko.
Pakiramdam ko, wala na 'kong pag-asa para makausap siya, pero hindi naman pwede! Ayoko!
Gusto ko siyang kausapin, kaso pa'no ba talaga? Ang hirap niyang lapitan! Naba-blanko utak ko.
"Ayaw mo ba siyang sundan?" tanong niya kaya binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin.
"Saan ba siya papunta?" tanong ko. May bigla naman akong narinig na kumakanta mula sa gym kaya napatingin ako banda roon. "Anong meron?" tanong ko pa pero hindi siya sumagot at tinapik tapik lang ang balikat ko. Wala akong ideya kung ano ang gusto niyang sabihin pero noong banggitin ni Rose ang Flash Drive kanina dahil naririnig kong pinagku-kwentuhan nila kanina ay pumasok bigla sa utak ko si Jin.
Naalala ko nga rin 'yong paraan ng pagtingin niya kay Haley noong na sa bahay nila kami para ipagpaalam si Mirriam makipag sleepover.
Lalaki rin ako, 'yong gano'ng klaseng tingin niya sa babae ay nangangahulugang gusto n'ya iyong tao. He's smiling while looking at her like she's the most beautiful girl he have ever met.
Indeed, maganda nga si Haley kahit na ang b*tchy niya not gonna lie. But,
I also like her! There are things na ako lang ang nakakaalam na 'di alam ng ibang tao!
Tumagilid si Kei ng hindi inaalis ang ngiti sa labi niya, "If you're not going to make your first move, baka mamaya maunahan ka niyan."
Ngumisi ako, "Tss. Aalis muna ako, sumabay ka na lang kay Harvey." at kinuha ko na 'yong gamit ko para lumabas ng classroom. Inaaya pa nga ako ng kaklase kong mag karaoke pero tinanggihan ko lang at umalis.
Noong una, naglalakad lang ako. Pero paunti-unti, napapatakbo na 'ko. "Saan gaganapin 'yong mini concert na 'yon?" tanong sa sarili at umiwas sa mga estudyante na naghaharutan sa hallway.
Bumibilis na rin ang takbo ko kaya halos madapa-dapa na rin ako dahil may nadaanan pa 'kong madulas na part. "Oops!"
"Excuse me." mabilis namang tumabi ang mga estudyante sa dinadaanan ko. Noong marating ang kabilang dulo ay nagtanong ako sa 'di ko gano'ng kakilalang estudante. Huminto ako sa harapan niya 'tapos kinalabit siya.
Nang humarap siya sa akin ay napasinghap siya't napatakip sa bibig. "Reed! Oh my gosh!" patili niyang reaksiyon noong makita ako. Lumabas na rin sa classroom ang iba niyang kaklase at nagtititili.
Pilit akong ngumiti at ginawa ang pakay ko. Tinanong ko kung nasa'n ang mini concert ng FlashDrive. Pero imbes na makatanggap ako ng matitinong sagot ay mga sigawan at tilian lang nila ang natanggap ko. Nilabas nila 'yong mga phone nila para makipag selfie sa akin, dumadami na nga sila at hinihila na 'ko. Sadyang kumawala lang ako sa mga hawak nila.
"Reed! Sandali lang!"
Pahintay no'ng estudyante pero panay takbo na lang ang ginawa ko para mahiwalay sa kanila.
"Reed naman, eh!" nilingon ko sandali ang babaeng estudyante na iyon bago iharap ang tingin.
Nope, I have to look for Haley already. Kaso ang laki ng Enchanted University, saang gymnasium ba 'yon?
Argh, hanapin ko muna sa pang-unang gym. Baka nandoon.
Dumiretsyo nga ako roon pero dahil hindi ma-tao ro'n ay bumalik ako para puntahan ang kaisa-isang gym na pwedeng gawing mini concert ng FlashDrive.
Tumutulin na ang takbo ko kaya pinagtitinginan na ako ng mga estudyante habang focus lang ako sa dinadaanan ko.
I don't know why I'm running. I just have a feeling that I have to find her, that girl!
Pumasok ako sa 5th building malapit sa Main Science Laboratory at pumasok pa sa ilang rooms bago marating ang Gymnasium kung sa'n dinaig pa ang fandom sa KPop idols dahil sa dami ng tao. Malapit lang talaga ito sa building namin, medyo inilayo ko lang ang sarili ko just to make sure.
Nagtititingin ako sa kaliwa't kanan ko nang mapahinto ang tingin ko kay Jin. "And I want to say I love you, Haley Miles Rouge." pag-amin bigla ng lalaking iyon na nagpapukaw sa atensyon ng lahat. Tiningnan nila si Haley na nasa harapan ko lang din mismo pagkababa ko ng tingin.
Gulat na gulat ang mukha niyang nakatingin sa nakangiting si Jin. "Hindi pa 'to nagtatapos, may isa pa tayong isang huling kanta. That Girl!" pagkabanggit ni Jin sa title nu'ng kanta ay muli silang tumugtog.
Napayukom ako dahil sa inis. Didn't able to say those words is a painful feeling.
'Yung maririnig mo na lang na sinasabi 'yan ng ibang tao sa taong nagugustuhan mo. Hindi ko magawang makapag-isip ng mabuti, ang sakit at masikip sa dibdib.
Pero hahayaan ko na lang ba na hanggang dito na lang?
Biglang naging seryoso ang mukha ko't determinado na naglakad papunta sa kanya, "Haley." tawag ko sa kanya na sandaling nagpataas sa dalawa niyang balikat. Lumingon siya sa akin, hindi pinahalata ang pagkagulat. "I want to talk to you. Wanna come with me?" I asked, still waiting for her answer. Kaso inilayo niya 'yong tingin, parang nag-aalinlangan kung sasagot ba sa akin o hindi.
F*ck.
Ang ginawa ko na lang ay kinuha ko ang kamay niya na nagpaawang sa kanyang bibig, "Let's go." kahit hindi pa siya pumapayag ay hinila ko na siya. Medyo pumapalag siya at talagang ayaw niyang sumama sa akin pero bandang huli, nanahimik na lang siya't hinayaan ako.
Lumabas kami ng Enchanted University at naglalakad lamang sa side walk. Hawak ko pa rin ang kamay niya at hindi binibitawan. Nagkaroon nga ng bulong-bulungan na saka ko lang na-realize na magkahawak-hawak kamay kami noong banggitin niya. "Ayaw mo bang bitawan 'yung hawak mo?" huminto ako at lumingon sa kanya. Namumula ang pisnge niya kaya ibinaba ko ang tingin para makita ang sinasabi niyang hawak ko.
Binitawan ko iyon at namumulang lumayo sa kanya, "S-sorry!" hingin paumanhin ko saka kami naglayo ng tingin. Mayamaya lang nang ayain ko na nga siyang maglakad, buti nga hindi siya nagrereklamo at nakikisabay na lang sa akin.
Kaso sa sobrang layo ng narating namin, napuntahan namin ang Green Park. Ito iyong madalas na tambayan ni Haley.
Umupo kami ro'n sa swing nang makarating sa children's playground. Wala masyadong tao kaya walang ibang makakarinig sa magiging usapan namin.
Medyo namuo ang kaunting katahimikan, binasag ko lang matapos kong huminga ng malalim, "I dragged you here to apologize but I still don't understand why you're angry last night, So, I won't apologize yet."
Hindi siya sumagot kaya napayuko ako, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Tama lang ba na ayun ang sinabi ko? Baka naman mamaya, magalit nanaman siya sa akin.
Muli ko siyang tiningnan, nagulat noong takip takip na niya ang mukha niya, parang umiiyak. "O-oy, umiiyak ka ba?" hinawakan ko ang pulsohan niya para alisin ang kamay niya nang bigla siyang humalakhak. Nagtaka naman ako dahil doon, hindi ko rin alam kung ano ang ire-react ko.
"Geez, Reed! Dinala mo lang ako rito jus to say that? What the hell are you doing? It isn't like you, you look like an idiot!" muli nanaman siyang tumawa kaya may pumitik na sa sintido ko. Now, she's teasing me.
Kumamot na lang ako sa batok ko at hindi na nagsalita, ayoko ng magkagalit pa kami lalo ngayon.
"Thank you." pagpapa-salamat niya na ipinagtaka ko. Bakit siya nagpapa-salamat sa 'kin?
"Hmm?" parang patanong tingin sa kanya.
Nakangiti lang siya sa harapan nang ibaling niya sa akin. "I actually want to say sorry pero hindi ko magawa, I don't know how and I don't know when will be the perfect timing. I'm… Sorry." hinging patawad niya. Ako dapat ang humingi ng tawad dahil may nasabi rin akong hindi maganda noong una.
Pero ano kaya ang ikinagalit niya kagabi? Ayun talaga ang hindi ko maintindihan.
Tinatanong ko lang naman kung gusto niya 'yong nerd na 'yon na nalaman ko ngang si Jin pala.
Buwisit, ano kayang iniisip no'n at nag disguised pa?
Humawak ako sa batok ko't inilayo ang tingin, "Ewan ko kung mati-trigger ka sa tanong ko, but I want to know kung ba't ka nagalit kagabi. Sorry, 'di ko kasi talaga maintindihan." girls are always like that. Parang kinakailangan mo pang manghiram ng dictionary sa library tungkol sa kung ano man ang iniisip ng kababaihan nang sa gayun ay maintindihan mo sila.
Tumayo siya na sinundan ko lang ng tingin. "Forget it. Hindi na mahalaga kung hindi mo maintindihan, maliit lang na bagay iyon but one thing is for sure. You still care."
"Haley…" tawag ko sa pangalan niya. Ayoko ng pilitin kung ano ang ayaw niyang sabihin. Basta sa ngayon kailangan ko na munang bumawi sa babaeng ito.
Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya na nagpalaki sa mata niya, medyo matagal-tagal siyang 'di nakagalaw kaagad bago niya ako bigyan ng masamang titig, "Huwag mong hinahawakan 'tong buhok k--"
"I miss you." mga salitang muling nagpatigil sa kanya. Hahh... Ganito rin 'yon, eh. That one time I patted her head. Ganito rin ang reaksiyon niya.
"You know it annoys me when you're doing that." naalala kong sabi ni Haley noong bata pa lang kami na palagi ko lang tinatawanan saka ko guguluhin ang buhok niya.
Time flies...
Unti-unting luminya ang malapad na ngiti sa labi ko lalo na noong mamula na ang kanyang pisnge. Hindi niya inalis ang kamay ko at yumuko lamang. "Shut it, Jerk."