Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 51 - Bottled Up

Chapter 51 - Bottled Up

Chapter 51: Bottled Up

Haley's Point of View

Umalis ako ng maaga sa mansiyon para pumasok sa Enchanted University, hindi ko na hinintay sila Reed dahil mamaya-maya pa sila aalis do'n. Kinakailangan ko lang talagang pumasok kaagad dahil maraming gumugulo sa utak ko kapag na sa kwarto lang ako. Hindi ko kinaya 'yung kaingayan ng utak ko.

Sumakay ako sa jeep papuntang E.U. Mabuti na nga lang kamo at hindi traffic kaya nakarating din naman kaagad ako sa dapat kong bababaan. Bumaba na ako saka nagbuga ng hininga na pumasok sa campus.  

Kaso sino naman ang bumungad sa akin? Walang iba kundi si Nerd. Nandoon siya sa entrance, animo'y sadya niya talagang maghintay doon.

"Hi!" masigla niyang bati na nagpahinto sa akin.

"Jude. Sino hinihintay mo?" tanong ko na nagpabilog sa mata niya.

"Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko." mangha niyang sabi't ngumiti, "Saka ikaw talaga ang hinihintay ko. Hindi ko nga inaasahan na mapapaaga ka ngayon, eh."  

Hindi ko siya inimikan at pumaharap na ng tingin, "I see…" sabi ko't naglakad na. Dumiretsyo ako sa library habang nakasunod lang ang Jude na iyon. Pa-simple akong lumingon para tingnan siya.

Nakatingin lang siya sa akin nang mapangiti ulit siya, hinarap kong muli ang tingin at hindi na siya pinansin. He's waiting for me edi may kailangan lang siya sa akin?

Nakarating na kami sa library, kinuha ko ang I.D sa bulsa ng blazer ko't itinapat iyon sa scanner dahilan para mapunta iyon sa system nila. Ito raw 'yong ginawa nila Reed noong first year sila ni Kei. Sila raw'ng dalawa ang mag partner, kumbaga si Reed ang programmer si Kei ang may idea ng School I.D Library Monitoring System.

 

Napangiti ako ng wala sa oras, ang galing lang ng dalawang iyon, iba ang nagagawa kapag nagsama.  

Naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan, walang mga estudyante sa oras na ito kaya solo ko lang ang lugar. Saka hindi naman ako pumunta rito para mag research, matutulog lang ako dahil ito lang 'yong tambayan na p'wedeng pagtulugan. May aircon pa.

Eh, ayoko namang pumunta sa mismo naming tambayan kahit may susi ako no'n.

Umupo sa tabi ko si Jude kaya tiningnan ko na siya, "Ano ngang kailangan mo?" tanong ko.

Nagsalong baba siya, "Wala, gusto lang kita makasama." sagot naman niya na medyo nagpakunot-noo sa akin. 

Bakit biglang nag-iba 'tong nerd na 'to kumpara noong huli ko siyang nakita?

At ano'ng sabi niya? Gusto niya akong makasama?

Bumuntong-hininga ako, "Give me a break…" pabulong kong wika.

***

DINALDAL NIYA ako nang dinaldal kaya hindi na ako nakatulog. Gusto lang niya akong makasama para makadaldal. Malungkot siguro 'to sa buhay niya kaya inilalabas niya sa akin ngayon. Kaso ano namang pakielam ko?!

  Tumayo ako kaya tumigil siya sa pagku-kwento niya, "No offense, but I don't care." sabi ko't kinuha ang bag ko, "Now, if you excuse me." aalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko.

  "Wait!" pagpapatigil niya sa akin pero inis ko lang itong inalis.

Nagulat siya sa ginawa ko habang walang emosyon lamang akong nakatingin sa kanya, "I'm sorry but… Could you not speak to me in such an overly friendly manner?"  

 Nanlalaki ang mata niya pero ibinawi rin kaagad ng isang ngiti, "Sorry--" kinuha ko ang necktie niya't hinila siya palapit sa akin, kaya ngayon ay magkalapit ang mukha namin at natititigan ko ang berde nitong mata.

Ang tanging maririnig sa lugar ay ang hangin na lumalabas mula sa aircon at ang paglipat ng pahina ng libro.

I lean closer, "I think I really have seen you before." kaso saan? Medyo familiar 'yung mukha niya lalo na 'yung mata niya. Pero saan ko nga nakita?

 

  "P'wede bang huwag mo 'kong bitawan nang natititigan ko rin 'yong mukha mo." dahil na-distract ako sa sinabi niya ay tinulak ko siya palayo sa akin at hindi na ulit sinabi ang concern ko.

"Bastard." I cussed. Hinilot ko na rin ang noo ko dahil pakiramdam ko, sumasakit na rin ito. "Just what do you want from me? Hindi ka lang naman siguro lumapit sa akin para ikwento 'yung nangyayari sa buhay mo, 'di ba?" tanong ko nang maibaba ko ang aking kamay.

  Humawak siya sa ulo niya at pilit na ngumiti, "S-si Jin." tukoy niya sa lalaking iyon. Bigla yatang kumulo dugo ko. "He wants to apologi--"

Itinapat ko sa kanya ang mga palad ko, "No." mariin kong sabi at nagpameywang, "If he's sincere, hindi niya ipapasabi sa 'yo para lang humingi ng tawad." tumaas ang balikat niya habang tumagilid lang ako't naglabas ng hininga, "Goodness, kung ayan lang ang sasabihin mo, 'di ka na dapat nagsayang ng oras para magkwento." inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa aking balikat at nagpaalam na sa kanya.

Bubuksan ko pa lang ang pintuan nang unahan na ako ni Jude, "Sandali, ako na lang magdadala ng bag mo." alok niya nang makalabas sa library. Pairap akong humarap sa kanya, hindi ba 'to napapagod sa kakakulit sa akin?

Ngiwi akong humarap sa kanya, "Look, I don't need your help kaya kung p'wede, tantanan mo 'ko? Gusto mo ba ng kapalit sa pagbili ng napkin ko noong nakaraan?" namula ang buong mukha niya pagkasabi ko no'n dahilan para mapangisi ako't patalikod na kumaway.

  Pumasok ako sa building namin at naglalakad na papunta sa classroom ko. Hindi naman na ako kinulit ni Jude kaya wala na akong problema ngayon. Sa kalagitnaan ng paglalakad, napahinto ako nang madaanan ko ang music room, humarap ako roon at na-curious sa laman ng kwarto kaya dahan-dahan akong pumasok sa loob. Isinara ang pinto at humakbang ng kaunti. Bukas ang bintana kaya pumapasok sa loob ang hangin na pati ang petals ng mga bulaklak ay sumasama.  

  Pumukaw ang tingin ko sa itim na Piano na nasa gitna, walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko't nakatitig lamang doon.

Reed's Point of View 

  Sumalubong kaagad sa amin ang mga estudyante pagkarating na pagkarating pa lang namin sa E.U. nag text sa amin si Haley na nauna na siya kaya pumunta na kaagad kami rito pagkatapos gawin ang mga dapat sa bahay.

"Reed! Pansinin mo naman ako!"

"Harvey! Marry me!"

"Ang ganda mo talaga, Keiley!"

"Jasper!" 

 Kanya-kanya nilang pagtawag at pagbati sa amin na nginitian ni Kei, "Ang energetic nila ngayong umaga." sambit nito at humawak sa buhok niya na naka-ponytail lang ngayon.  

"You think so?" tanong ni Harvey na nakaiwas ng tingin. Tumabi si Jasper kay Kei at nagsisimula ng makipagkwentuhan. Oo nga pala, hindi pa pala namin nasasabi kay Jasper 'yung tungkol sa dalawa.

Pumaharap na lamang ako ng tingin at nagpaalam na muna na mauuna na ako. "Excited makita si Haley, ha?" pang-aasar ni Kei habang umismid lang si Harvey.

 Umakbay naman sa akin si Jasper, "P're, aminin mo na lang kasi na gusto mo si Haley." inalis ko 'yung kamay niyang nakaakbay.

"Tigilan mo nga 'yan." patakbo akong naglakad. "Kita na lang tayo mamaya. Ihatid niyo na lang si Kei sa classroom, ah? May pupuntahan lang ako sandali." habol ko. 

Nagpamulsa si Jasper at nginisihan ako, "Sus, utot mo. Hahapin mo lang si Haley, eh."

 

"You can't be honest, can you?" umiiling iling na sabi ni Kei kaya nauna na nga lang ako. Aasarin lang ako kapag nanatili ako ro'n, eh. Isa pa, dumadami na ang mga estudyante kaya bahala na sila diyan mag-asikaso kung muli silang dadagsain.

 Tumakbo na ako paloob ng building, nakasalubong ko pa nga ang iba sa mga professor namin kaya binati ko pa sila. Umakyat na ako sa hagdan at tumatakbo na ngayon sa hallway, mula rito sa aking pwesto ay maririnig ang magandan't malinis na tugtog na nagmumula sa isang piano.

  Napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na melody na iyon, "This is…" tumagilid ako sa kanan at kaliwa ko para sundan ang tunog, muli akong napatakbo hanggang sa marating ang music room. Medyo nanginginig ang mata kong nakatingin sa pinto nang mapalunok ako't magpasyang humakbang para buksan ang pinto.

  Sumilip ako sa loob, laking gulat noong makita si Haley na tumutugtog habang walang kamalay malay na may nanonood na pala sa kanya. Napanganga ako sa nakikita ko habang nakatitig sa kanya.

Pinapakiramdaman niya ang bawat musika na nagagawa niya, tila parang inaalala ang mga masasayang alaala ng nakaraan kasabay rin ng pagbalik ng mga malulungkot na bagay.

Ganito pala siguro kapag inilalabas mo 'yong nararamdaman mo gamit ang musika. May makikita't makikita ka dahil sa tunog. Mararamdaman mo 'yong nararamdaman no'ng tumutugtog kahit hindi mo alam kung ano ang nilalaman ng utak o puso niya. 

Ang galing... 

"Why is it so sad when you're playing a piano?" naalala kong tanong sa batang iyon. Huminto siya sa pagtugtog at humarap sa akin. Bibig hanggang paibaba ng katawan lang niya ang aking nakikita. "Even though I don't see any sadness in you."

Animo'y nakatingin lang siya sa akin no'n nang magsuot siya ng ngiti na hindi naman ganoon lalawak. "We all have sad feelings somewhere inside our hearts

but it's always bottled up that's why, you don't see any loneliness in me."

   Doon, nagpakita na ang mukha ni Haley. She's wearing a smile yet a lonely one.  

"Am I… Happy?"

  Mas bumuka ang bibig ko kaysa kanina, hindi makapaniwalang nakatingin kay Haley na patuloy pa rin sa pagtugtog, ito rin ang tugtog na ginagawa niya noon kapag nasa bahay nila ako. "Ikaw nga talaga 'yong batang iyon, hindi si Lara…"