Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 52 - Bad Move

Chapter 52 - Bad Move

Chapter 52: Bad Move

Reed's Point of View 

  Umalis na ako roon matapos niyang magtugtog, ayokong mahuli niya akong naninilip dahil baka kung ano ang isipin niya't masapak nanaman ako. Nato-trauma na ako sa kamao niya sa totoo lang. 

  "Hi, Reed!" bati ng lower level na nginitian ko lang bilang pagbati pabalik. Nakapamulsa lang akong bumabalik ngayon sa classroom, hindi pa rin natatanggal sa utak ko 'yong narinig ko kanina at ang mga alaalang biglang lumitaw sa utak ko. I want to tell her that I'm the kid who gave her the handkerchief and the kid who…

  Sa isa pang pagkakataon, lumitaw sa utak ko 'yung litrato kung saan nakaupo sa pagkakabagsak si Haley sa lupa habang malawak na nakalahad ang mga braso't kamay ko para ipagtanggol siya sa isang bagay.

Yumuko ako't napakunot ang noo, "Should I really dig up the past?" tanong sa sarili. 'Di lang din kasi ako mapakali. How come that she forgot about me? Hindi ba 'ko naging importante sa kanya at madali na lang niya akong kinalimutan?

Liliko na sana ako sa kaliwa nang may mabunggo ako. Sa lakas ng impact pareho pa kaming medyo tumalsik habang bumagsak naman ang dala-dala niya. "S-sorry, bro!" hinging paumanhin ko habang tumawa lang siya ng pilit at dali-daling pinulot ang mga gamit. Hindi niya nga ako hinayaang tulungan siya dahil ang bilis niyang makuha lahat ng mga iyon.

Dali-dali ring siyang umalis. Hinayaan ko na nga lang siya at tatalikod na rin sana nang marinig ko ang pagtawag niya kay Haley, "Haley!" mabilis ko naman siyang nilingon dahil doon.  Samantalang kabababa lang ni Haley mula sa hagdan at lumingon doon sa nerd na iyon, teka sino ba 'to?  

Mabilis naman akong bumaling para 'di makita ni Haley. 

"Tingin ko tadhana na ang nagdala sa 'ting dalawa rito." rinig kong sabi dahil nag e-echo rin ang mga boses nila. Pakiramdam ko naman ay lumabas ang ugat ko sa sintido dahil sa aking narinig. Ang sakit sa tainga! Ano'ng sinabi niya? Tadhana?!  

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Haley kaya sumilip ako ng kaunti, humalukipkip siya. "Ang sabihin mo, sinundan mo lang ako rito." walang ganang sambit ni Haley. 

Humawak si nerd sa buhok niya't natawa, "H-hindi naman!" sagot niya na para bang kinikilig pa. Kumunot na ang noo ko dahil doon, bakit hinahayaan ni Haley na landiin siya ng lalaking ito? Paano na lang kung hindi maganda balak nito sa kanya?

Lumapit na nga ako sa kanila, "Hoy!" maangas na tawag ko kay Haley kaya pareho silang napatingin sa akin. Inis kong tiningnan 'tong nerd na ito. Si Haley ka ba?! T*ngina naman nito, oh.

Ibinaling ko ulit ang tingin kay Haley, "Kaya ba pumasok ka ng maaga para makipaglandian lang sa lalaking 'to?" turo ko ro'n sa lalaking makapal ang glasses.

Bakit ba niya 'to kinakausap? Ang dami namang pimples 'tapos parang hindi naliligo! Ang gulo ng buhok! 'Yong damit parang hindi man lang nag-effort na plantsahin. 

Nagsalubong ang kilay ni Haley, "What?" hindi makapaniwalang reaksiyon niya, "Hoy, Reed. Ayusin mo 'yang pinagsasasabi mo, ah?" medyo babala na 'yong pananalita niya pero hindi ko lang pinansin at nginisihan ko lang siya.

"Ba't kailangan mo pang i-deny? Tuwang tuwa ka ngang nakikipag-usap dito, oh?" nguso ko sa nerd na 'to na medyo nagpataas sa kaliwang kilay ni Haley.

Lumapit naman sa akin 'yong lalaking ito, nakangiti siya pero mahahalata mo ang sobrang inis nito, kinikimkim lang niya, "P're, hindi naman sa sinisira ko 'yong paniniwala mo pero kung ayan kaagad ang iniisip mo sa kanya, masyado ng mababaw ang perspective mo sa buhay."

Humarap ako sa kanya't taas noo siyang tiningnan, binigyan ko rin siya ng mapang insultong tingin, "Talaga ba? Eh, in the first place, why are you talking to her? Hindi mo ba alam na hindi maganda sa skwelahan na 'to ang maging PDA?"

Mas ngumiti pa siya kaysa kanina, imbes na siya ang mainsulto mukhang ako pa yata ang naiinis sa ngiti niya, "PDA? So, simple talking is a PDA? I didn't know that." kibit-balikat niyang wika.  

Hinawakan ni Haley ang pulso no'ng lalaking ito.

"Jude, let's go..." aya nito habang nakayuko.

Si Haley naman ang tiningnan ko. Sa totoo lang, medyo na-bwisit ako sa nakikita ko ngayon. Bakit imbes na ako ang hilahin niya, itong lalaking ito pa ang parang kinakampihan niya? Gaano na ba sila katagal magkakilala?

Umismid ako, "Galing, ba't hindi mo na lang sabihin na kayo na ng pangit na 'to?" sambit ko tapos natawa, "Ah! Alam ko na, kasi ayaw mong mapahiya?" tanong ko at napahawak na sa noo, "Hindi ako makapaniwala na pumapatol ka sa ganitong klaseng ta--" sa isang iglap, kinuha ng Jude na ito ang kwelyo ko.

Nakangiti pa rin siya pero 'yong paraan ng pagtingin niya sa mga mata ko ay tila parang papatayin ako. "Gusto mo ba si Haley?" isang katanungan na hindi ko magawang masagot kaagad.

Binawi ko lang noong mag-iba na ang itsura niya. Inalis ko ang kamay niya sa damit ko, "Ako? Magkakagusto sa kanya? Managanip na lang siya 'no? Ang swerte naman niya masyado kung gano'n nga? Saka hindi ko siya type, mas maganda pa nga si Tiffany sa kanya, eh."

Sinabi ko 'yon pero hindi ko alam, nasaktan ko na pala siya. Hindi ko inisip 'yong nararamdaman niya. 

Mapait na ngumiti si Haley at hinila na nga si Jude, "Let's go." paanas na yaya ni Haley.

Nanlaki naman ang mata ko at hinabol siya.

"Hal--" hahawakan ko sana ang kamay niya pero marahas nitong tinabig ang aking kamay. Napaawang-bibig ako habang gulat na gulat na nakatingin sa babaeng nanatiling nakatalikod sa akin.

Nakahinto lang kami sa gitna nang bigyan niya ako ng napakasamang tingin matapos niya akong lingunin, "F*ck off." malalim at malamig na wika niya bago siya maglakad kasama ang lalaking iyon.

Nanatili lang ang kamay ko sa ere habang malakas na tumitibok ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan.

Mabigat ito at parang tinusok ng libo-libong karayom. Nakatitig lang ako sa papalayong imahe niya, "Haley?"