Chapter 7: Bad Day
Kei's Point of View
7:45 PM na at nandito na ako sa party nina Mr. Alexander Smith at naghihintay sa table namin. Sina Reed at Jasper naman ay nandoon lang sa may kainan. Wala pa ngang oras ng kainan ay lumalamon na.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang mga taong dumadaan sa harapan ko. Iniisip ko kung pupunta pa ba si Harvey ngayon. Anong oras na rin kasi kaya mukhang hindi na pupunta. Hay naku! Kung sino pa 'yong anak, siya pa 'yong hindi pupunta.
Nakarating na sina Jasper sa table namin dala-dala ang pagkain nila tapos umupo na sa aking tabi, "Bad mood?" tanong ni Reed.
Sumubo si Jasper ng pagkain niya, "Kanina ka pa hindi nag sasalita d'yan" obserba naman ni Jasper sa akin.
Tipid akong umiling, "Just because I am not talking doesn't mean I'm in a bad mood." paliwanag ko habang nilalaro laro ang aking mga daliri. Hindi lang ako kumportable na wala si Harvey rito kaya para nananahimik lang ako.
"Alam mo... Kumain ka na lang, mukhang nagugutom ka lang" ngiting wika ni Reed kasabay ang pag-akbay ni Jasper sa kanya.
"Oo nga, hindi ka pa naman nabubusog" tumingala ako at sinimangutan siya,
"What's that suppose to mean?" Hindi ko naman kasalanan kung palagi akong gutom. Pero hindi naman ako nai-stress sa buhay ko, sadyang marami lang sigurong bulate sa bituka ko. 'Di pa ako nagpupurga.
"5 minutes before the start of the celebration" rinig naming sabi ng Emcee at inilagay ulit 'yong mic sa dapat paglagyan.
Tiningnan ko si Jasper, "Hindi na pupunta si Harvey 'no?" paninigurado ko pero nag kibit-balikat lang siya senyales ng kanyang pag-sagot, "Hindi ko alam, kadalasan naman kapag hindi pupunta 'yon, magte-text, eh"
"Baka walang load?" teorya ni Reed.
"Ang yaman 'non, walang load?" sabi ko naman.
"Tinatamad magpa-load" sabi pa ni Jasper.
"Forget it, samahan n'yo na lang akong kumain" pagpapasama ko at hinila na 'yong dalawa patayo para pumunta sa may kainan.
"Kailan ka ba hindi nagutom? Magpa-purga ka na kaya?" biro ni Reed na siniko ko naman. Nakarating na kami sa kainan kaya kumuha na ako ng kung anu-anong pagkain na makikita ko, halos mapuno na nga 'yong pagkain sa plato ko sa sobrang dami, eh.
Yeah, bad manners. 'Kala mo mauubusan.
Matapos naming makakuha ng pagkain ay bumalik na kami sa pwesto namin. Desserts lang ang kinuha ng dalawa dahil may pagkain na sila sa table.
"Ang takaw mo Kei... Tataba ka niyan" pang-aasar ni Jasper pero tuloy-tuloy lang ako sa pagkain ko.
"Hindi nga tumataba 'yan, eh!" natawa naman ako sa naging itsura ni Reed, kasi kapag kain siya nang kain, tumataba kaagad siya. Kaya palagi rin talaga siyang nag ba-basketball para ma-balance niya 'yong katawan niya.
Kumakain ako nang maalala ko 'yong sinabi ni tito Alexander about sa business partner niya, ayun daw 'yong may-ari ng naluging kumpanya kaya bumagsak ito, Rouge yata yung family name nila-- Rouge...
Wait... Rouge...? Hindi naman si ano 'yon 'di ba?
"Ladies and Gentlemen! Before we start the main celebration, let's listen first to the song of the daughter of Rachelle Rouge and the son of Alexander Smith, let me introduce you... Harvey Smith!" pagpapakilala ng emcee at lumabas na si Harvey kasabay ng masigabong palakpakan ng mga tao sa paligid, ga'non din kami nina Reed at Jasper.
Nakasuot siya ng Black Americana tapos nakaayos din ang kanyang buhok. Ang gwapo lang niyang tingnan.
"What? He came..." walang ganang sabi ni Jasper sabay inum ng drinks niya.
"At sinabi ba ng emcee na kakanta si Harvey?" hindi makapaniwalang tanong pa nito nang maibaba ang kanyang iniinum.
"Pustahan tayo, sasabog tainga natin sa boses niya" sumang-ayon si Jasper sa sinabi ni Reed.
Hindi nila alam na magaling kumanta si Harvey. Hindi lang niya pinaparinig sa dalawa dahil sa nahihiya siya. Pero ba't sa 'kin?
Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa stage. Kinakabahan na baka ang sinasabi ni tito Alexander na Rouge ay 'yong taong 'yon. "And next! Haley Miles Rouge!" nagpalakpakan ulit ang mga tao sa paligid habang kaming tatlo? Ayun, nakanganga. Gulat na gulat sa nalaman namin.
Totoo nga rin talaga ang kasabihan na dumadating ang tao dahil mayroong dahilan. Dumating si Haley dahil may purpose. Hindi ko alam kung ano 'yon pero tama lang talaga ang desisyon ko na isama siya sa circle.
"What the f*ck?" pagmumura ni Reed nang hindi tinatanggal ang tingin sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Si Haley na nakasuot ngayon ng Red Cocktail Dress, nakalugay siya at medyo kinulutan ang buhok. Wavy kasi ang buhok niya kaya halata ang pagkakulot ng kanyang buhok. Ang ganda rin niya...
Umalis na 'yong Emcee habang nagsimula naman ang pagtugtog. Inilagay na ni Haley 'yong Mic malapit sa bibig niya at kumanta.
"You, by the light is the greatest find...
In a world, full of wrong you're the thing that's right... Finally made it through to the lonely to the other side"
Napahimas ako bigla sa braso ko, kinikilabutan kasi ako dahil sa paraan ng kanyang pagkanta. Hindi lang siya maganda ngayong gabi, kundi pati rin ang kanyang boses ay talagang napaka ganda. Ang lamig, ang gandang pakinggan.
Tiningnan ko si Harvey na ngayon ay nagsisimula na ring kumanta.
"You set it again, my heart's in motion.
Every word feels like a shooting star, I'm at the edge of my emotions watching the shadows burning in the dark,
And I'm inlove, and I'm terrified... For the first time and and the last time in my only life..."
Nakangiti lang akong pinapanood sina Harvey noong marinig ko ang pag-uusap ng dalawa ko pang kaibigan sa likod. Nagde-debate sila tungkol sa pagkanta ni Harvey kaya natawa na lang ako.
"And this could be good it's already better than that...
And nothing's worse than knowing you're holding back I could be all that you need if you need,
if you let me try..."
Pagka-kanta nila 'non ay parehas silang humarap sa isa't isa, at bago pa man magsimula ang chorus, lumapit sila sa isa't isa.
"You set it again, my heart's in motion..
Every word feels like a shooting star, I'm at the edge of my emotions watching the shadows burning in the dark..."
Humarap na si Haley sa amin ganoon din ang ginawa ni Harvey.
"And I'm inlove...
And I'm terrified... For the first time and the last time in my only...
I said it 'cause I mean it... I only mean 'cause it's true Do don't you doubt what I've been dreaming 'cause it fills me up and holds me close whenever I'm without you...
You set it again my heart's in motion every word feels like a shooting star...
Watching the shadows burning in the dark... And I'm inlove, I'm terrified...
For the first time and the last time in my only...
Life...
Life...
Life...
In my only... Life... " Natapos na ang kanta kaya dali-dali rin silang umalis sa stage.
Tumayo ako kaya napatingin ang dalawa sa akin. "People, let's go"
Haley's Point of View
Bumalik na kami sa likod ng stage, halos masuka na talaga ako ng dahil sa kanta. Kung bakit kasi sa lahat pa ng kakantahin ay ayun pa 'yong napili nila. Eh, ang corny corny naman 'non!
Kung alam ko lang talaga na mangyayari 'to ay hindi na ako magtatangkang pumunta o dumalo sa lugar na 'to.
Flash Back:
Kagagaling ko lang sa bahay 'non at magpapahinga nang tawagin ako ni mama, "Anak kong maganda, magbihis ka... May pupuntahan tayo" Nilapag ko ang bag ko sa may tabi at tiningnan si mama na may pagtataka sa aking mukha.
"Huh? Where? Kayo na lang ni papa" pagod kaya ako!
"Hindi pwede anak dahil importante ito, magpahinga ka na lang muna tapos maligo ka't magbihis. Mag formal dress ka rin anak, huh?" wika niya at umakyat habang nagsusuklay ng buhok.
Pumunta ako sa may hagdan para mahabol siya at tinanong kung saan nga ba kami pupunta. Nakakapagtaka naman kasi na pati ako kasama tapos kailangan ko pang mag formal dress. Saan kaya kami pupunta?
Huminto s'ya sa pag-akyat at nilingon ako, "Basta" tugon niya tapos umakyat na nga.
Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kundi ang magpahinga na nga muna gaya ng sinabi niya, at matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay naligo at nagbihis na nga ako.
Inayos ko lang 'yong damit ko nang kaunti at tumingin sa salamin, "Okay, ready" at kahit na takang-taka pa rin ako kung bakit kailangan kong magsuot ng eleganteng damit, bumaba na lang ako habang dala-dala 'yong heels ko na hindi naman ga'non kataasan, tapos nang makababa ako ay napataas na lamang ang kaliwa kong kilay.
"Okay, really... What's going on?" nakasuot din kasi sila ng eleganteng damit.
Nilapitan ako ni mama habang may suot na ngiti sa labi niya, "Sige na nga, sasabihin ko na." lumapit pa siya sa akin. "Ganito kasi, anak. Magiging business partner ko ang kaisa-isang Alexander Smith! 'Yong number 1 owner ng isang sikat na hotel company sa bansa? Makikipag tulungan tayo sa kanila" paliwanag niya sa tanong ko. Mukha nga siyang tuwang tuwa, eh? Pero ako? Imbes na matuwa, nainis na lang ako bigla.
"Ma, sila 'yong dahilan kung bakit bumagsak ang kompanya natin, kaya bakit tayo makikipag tulungan sa kanila? Hindi ko maintindihan, dapat tayo pa rin 'yong nangunguna" hinawakan ni mama ang magkabilaan kong balikat at medyo nagbent para mapantayan ako.
"Don't say that, not all the time palagi tayong nangunguna, sometimes kailangan din nating nasa bottom para mas lalo tayong ma-motivate at mapagbigyan naman ang iba, but who knows? Baka may makuha pa tayong mas better keysa riyan 'di ba?" Hindi ako kumibo at nakatingin lang sa kanya, iniisip ang kanyang sinabi. Mayamaya pa'y napangiti na lamang ako dahil sa maganda niyang saloobin.
"Geez, that's why I idolize you, ma.." ngiting wika ko.
"Anak, wala akong pera, ah?" Pabiro ko siyang sinimangutan,
"Kailan ba ako nanghingi ng pera sa inyo?" Tapos tumawa siya at niyakap ako.
"Araw-araw" tugon niya kaya humiwalay ako sa kanya.
"Huweh?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"Ang sweet niyong mag nanay, ako rin pa-hug!" Pero siya talaga 'yong yumakap.
OMG, ang sikip! Tapos ang init init pa! But I blushed when kissed in front of me! Goodness, adult!
"Yuck! 'Wag kayo dito mag ganyanan!" Humiwalay sila sa akin habang natatawa, kasabay 'non ang pag doorbell ng kung sino dahilan para pumunta na si papa at mama sa pinto, it looks like the family Smith is here.
"Wow... Is she your daughter?" manghang wika ni sir Alexander nang makalabas ako. Katulad ng magulang ko ay nakasuot din sila ng mga formal dress and suit.
At kung titingnan, ang babata pa ng mga mukha nila. Gwapo't magaganda...
"Yes, she's my daughter, Haley." Sabay akbay ni mama sa akin. Tiningnan ko ang mag-asawang Smith, "Nice to meet you... Sir. Ma'am." I said politely then nods.
"Hello Haley, I'm Cory and he's Alexander Smith, it's nice to meet you, too." Pagpapakilala ni Mrs. Cory sa kanyang sarili at sa kanyang asawa. Ang ganda naman niya, ilang taon na kaya siya?
"And please, don't be so formal, just call me auntie or tita na lang" seryoso? Umiwas ako ng tingin, "Okay po, tita" hiya ko pang sagot kaya nginitian niya ako.
"Nasaan na pala 'yong anak mo?" hanap ni tita Cory sa asawa niya at naglililingon lingon.
Kasama nila 'yong anak nila? Why? Wait—They're not scheming about something I don't like, right? Katulad ng madalas kong nababasa sa Wattpad na Arrange Marriage? Augh! No, it can't be.
Hindi ako itatakwil ng mga magulang ko para sa isang walang kwentang lalaki.
He hummed, "Nandiyan lang si-- Ay, ayun naman pala, oh? Nandoon" turo ni tito sa hindi kalayuan kaya pati ako, napatingin din doon.
"Son, come here! I will introduce you to them!" tawag at utos ni tita sa anak niya. Nasaan ba kasi? May anak ba sila na hindi namin nakikita?
Umalis na siya sa pwesto niya kanina at binuksan ang gate para makapasok dito, nakayuko at nakatingin lang siya sa lupa noong i-angat niya ang kanyang ulo. Hindi ko talaga inaasahan ang nakikita ko ngayon.
Pareho kaming napaawang-bibig. Natahimik ng sandali.
"What?! YOU?" gulat na reaksiyon ko habang napahampas naman siya sa mukha niya.
He hung his head hopelessly and sighed, "I knew it..." He said. Seriously, I can't believe this! Siya 'yong lalaking anak ng Smith?!
"Oh? You guys already knew each other?" tanong ni tita Cory habang inilapit naman ni mama ang kanyang bibig sa aking tainga para bulungan ako.
"Anak, huwag ganyan" saway niya sa akin,
"But ma--!" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil sumabat si tita Cory, "Wait, anong oras na, we have to go. Baka ma-late tayo." pinasunod na niya kami sa sasakyan nila.
***
BUONG BIYAHE akong nakabusangot dahil sa nalaman ko, lalo na't magkatabi lang kami ng loko ngayon. I'm not comfortable at all, it's annoying.
"Ang ingay mo naman, if you have a problem, then stay away from me" tiningnan ko siya nang masama.
"Idiot, Paano ako makakalayo kung hanggang dalawahan lang 'tong upuan? Sige nga?" inis na reklamo ko sa kanya.
Dahan-dahan niya akong binigyan ng walang ganang tingin, "It's not my problem anymore" P*tahamnida.
"Problem your ass" inis na sabi ko sabay apak ng pagkalakas-lakas sa paa niya. Matulis pa naman 'yong takong ko.
Mabilis s'yang lumayo sa akin habang nakataas ang kanyang paa, chine-check niya 'yong sapatos niya na tila akala mo'y sinira ko na ito. Wow...
"What are you doing you, idiot? Nadumihan 'yong sapatos ko!" daing niya habang pinupunasan 'yong sapatos niya na natapakan ko, "It's not my problem anymore..." pagbabalik ko sa salita na sinabi niya kanina at ngising ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
***
BACKSTAGE...
"Anong ginagawa ko dito, ma?" tanong ko kay mama na papalapit na sa akin, "Kayo ni Harvey ang kakanta bago magsimula 'yong celebration, hindi ko ba nasabi sa 'yo?" napanganga ako sa sinabi ni mama. Walang nagsabi nito sa akin kanina.
"Why do I have to sin—"
"Alright Ladies and Gentlemen... Before we start the main celebration, let's listen first to the song of the daughter of Rachelle Rouge and the son of Alexander Smith. Let me introduce you... Harvey Smith!" rinig kong pagpapakilala ng emcee at lumabas naman ang walang nagawang si Harvey.
Matapos ang ilang masigabong palakpakan ay ako naman ang sinunod na tinawag ng Emcee.
"Sige na anak, pumunta ka na doon" utos ni mama, at dahil sa masunurin akong bata, lumabas na nga ako kahit pa na labag iyon sa loob ko.
"Ang dami namang tao dito..." bulong ko sa aking sarili, sumagot pa nga 'yung impaktong si Harvey kahit na hindi ko kinakausap. Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Ibinaling ko na lang ang tingin sa tatlong tao na nasa harapan ko ngayon.
Sa bagay magka-kaibigan nga pala sila kaya natural lang na narito ang mga ito.
End of Flash Back:
Umiinum ako ng maligamgam na tubig, hindi naman kasi pwede sa akin ang malamig dahil pwedeng magasgasan itong lalamunan ko or worse, baka mapaos pa ako.
"Hey, ugly" Nabilaukan ako dahil sa tinawag niya sa akin, tapos dahan-dahan ko siyang tiningnan ng masama habang nakalagay ang nakatalikod kong palad sa aking bibig. "Did you just call me ugly?" I asked.
Nag crossed arms ito, "Hindi ka muna raw pwedeng umuwi after party, they want to talk to us."
pakielam ko sa inyo? Basta uuwi na ako pagkatapos lang ng ilang sandali.
"Yow" napatingin kami sa lalaking bumati. Sumalubong sa amin ang magka-kaibigan na sina Keiley kasama 'yong pervert at noong chicboy.
Bumuntong-hininga ako ng wala sa oras at tipid na napailing, "What a bad day..."