Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 17 - Who will you save?

Chapter 17 - Who will you save?

Chapter 17: Who will you save? 

Haley's Point of View 

Lumabas na ako ng banyo habang nagpupunas ng basa kong buhok, naligo kasi ako dahil napawisan ako sa pagtulong kina manang magluto, hindi ko alam na mainit pala roon? O baka dahil sa nasanay lang ako na malamig kaya init na init ako?

Umupo ako sa edge ng kama. Patuloy ko pa ring pinupunasan ang buhok ko nang mag-ingay ang pusa ko sa may bandang study table ko. May tinitingnan siya sa labas kaya ako naman itong napakunot-noo na tumayo para lapitan siya. 

May nakikita nanaman siguro itong insekto sa labas. Hinimas-himas ko ang malambot nitong balahibo, "Nahuli kitang kumain ng insekto last time, seryoso... Hindi maganda 'yon sa'yo" inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako.

"Meow" lumingon ulit s'ya sa labas. 

Tinaasan ko siya ng kilay, "Where are you looking at—" nakita ko si Reed kaya napatigil ako bigla, nasa tindahan siya ngayon at may binibili. 

Sa hindi malamang dahilan ay umupo ako sa swindle chair ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. 

"Hmm..." sabay taas ng dalawang kilay matapos kong sumalong-baba. Napaawang-bibig na lang din ako nang tumagilid siya kung saan nakikita ko na mayroon itong hawak na stick of cigarettes. 

He lighted the fire and put the stick on his mouth. Pinagmasdan ko lang siya noong mapansin ko na nga. 

Siya 'yong lalaking makikita mo sa skwelahan na akala mo happy-go-lucky lang sa buhay pero kung titingnan mo 'yong paraan ng pagtingin ng mga mata niya kapag mag-isa lang siya. 

Mababakas kung ano 'yong totoong Reed na hindi madalas makita ng iba. 

E.U Students are only interested to his looks. Not to who he really is. 

I kind'a understand now kung ba't silang apat lang din ang madalas magkasama. Napapaisip tuloy ako, nagsisi ba sila na magaganda ang lahi nila? 

Naglabas ako ng hininga, "Are you even alright, Reed?" isang tanong na kahit kailan ay hindi niya mare-reach. Ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya nang magulat ako dahil sa biglaan niyang pag-angat ng tingin sa gawi ko upang ako'y magtago, kaso ang tanga tanga ko naman para maapakan 'yong bola ng pusa ko.

Kaya ang nangyari, bumagsak ako sa sahig, "A...Ray!" sh*t, mababalian na ba ako ng buto? Ang sakit talaga!

May nagbukas ng pinto, "What happene--"

"Get out!" sigaw ko nang makaupo ako kasabay ang pagbato ko ng bola ni Chummy sa mukha ni  Harvey kaya siya naman itong napaupo kasi pagka-atras niya ay natalisod siya. 

Tumayo na ako tapos sinarado kaagad ang pinto, "Hoy!" rinig kong sigaw niya sa labas kaya ako naman itong napabuntong-hininga at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. 

Nakita kaya niya ako?

"Meow ~!" ipinatong ni Chummy 'yong paw niya sa paanan ko pagkahinto niya sa tapat ko. "Why are you so concern about him?" nakasimangot kong tanong pero ipinakita lang niya sa 'kin ang belly niya.

Kinabukasan...

Sabay na kaming lumabas ni Harvey at Kei pagkatapos naming kumain, at ramdam ko pa rin 'yong sakit ng likod ko dahil sa pagkadulas ko kagabi. 

Eh, sinong tanga? 

"Okay ka lang, Haley?" nag-aalalang tanong ni Kei habang nakasilip sa mukha ko, hindi pa nakuntento dahil sinundot niya ang tagiliran ko kaya bigla rin akong napatalon.  

"H-hey, stop it." suway ko pero inulit lang din niya ang tanong niya kaya ako naman itong napahawak sa mukha ko, "I'm fine." sagot ko at idiniretsyo lang ang tingin. 

"Good morning guys!" bati ni Jasper na ngayon ay papalapit na sa amin.

Nagsuot na 'agad ako ng pokerface. "Ah, It's him again" balewala kong tugon. 

Narinig ko ang kaunting pagtawa ni Kei, "Morning!" bati naman ni Rain habang kumakaway sa amin palapit. Ay, oo nga pala? Kasama na pala namin siya simula ngayon. 

Ibinaba ko ang tingin sa cross niyang necklace. Kumikinang-kinang ito kaya napapatitig pa 'ko. Ang astig tingnan. 

"Hey." simpleng bati ni Reed na binati lang pabalik ng mga kasama ko kaya ko naman itong napalingon sa kanya. 'Di pa rin makapaniwala na naninigarilyo pa rin siya, wala kasi sa itsura niya, eh. 

Ibinaba ko ang tingin sa kanyang mga labi. Mapula naman ang labi niya? Ano ba 'to? 

Gumagamit ba siya ng lip tint or something? 

'Di ko naman napansin na nakatitig na ako roon kaya ibinaba na ni Reed ang ulo niya upang silipin ako, "What are you at?" tanong niya na nagpalaki sa mata ko kasabay ang mabilisang paglipat ng tingin. Gaga ka! Kung anu-ano kasi iniisip mo! 

"W-wala! Sa iba ako nakatingin at hindi sa lip-- Este sayo" nag crossed arms ako, "Don't get the wrong idea, you idiot" pagtataray ko pa. 

Nagsalubong ang kilay niya, "Huh? Wala naman akong sinasabing sa akin ka nakatingin." pagtataka n'ya 'tapos natawa na mahahalata mong nang-aasar, "Ah! Nakatingin ka kasi sa 'kin, 'di mo pa amin--" sinipa ko na 'agad 'yong tuhod niya bago pa man niya matapos ang sasabihin niya at para manahimik na siya. 

Nilingon ko 'yong iba ko pang kasama, "Hindi na muna ako sasabay sa inyo kaya mauuna na ako, bye!" ngiting paalam ko't tumakbo na paalis. Sinundan lang ako ng tingin ng mga 'yon. Damn that Reed Evans! 

Kei's Point of View 

Napa-pout na lang ako noong umalis si Haley kaagad, "Hindi man lang akong hinintay" nagpameywang si Jasper at umiling.

Nag pogi sign pa siya, "I know what you feel, little lady pero kahit na gusto mong sumama sa kanya, hindi ka rin niya hihintayin" tiningnan ko naman si Jasper at sinimangutan.

"H'wag mo nga akong igaya sa 'yo" nagtakip siya sa mukha at nag-iyak iyakan.

Hinawakan niya ang sarili niyang dibdib, "Hindi ba niya ako gusto?"

"Tama na nga 'yang pag chi-chit chat at tara na lang, baka ma-late pa tayo" anyaya ni Harvey saka tiningnan si Reed na nakatuwad pa rin sa simento't hawak ang tuhod. Kung hindi kasi niya inasar, hindi sana 'yan mangyayari sa kanya.

Humagikhik ako. Nakakatawang isipin na may mga bagay akong nakikita sa mga kaibigan ko na wala sa kanila noon. Nagiging makulay ang araw namin ngayong dumating si Haley. 

Hindi siya nag-aalanganing ipakita kung ano ang totoo niyang kulay at kung sino talaga siya. 

Siguro kung mayroon lang siyang weak point? Siguro 'yong pagiging dishonest lang niya sa sariling feelings. 

But I know she'll get to overcome that soon. Hindi lang ngayon. 

"Napansin ko lang? Nawala pala si Rain?" sambit ni Jasper kaya ako naman itong nagpalinga-linga. Wala nga akong mahagilap na Rain Evans.

Tumayo si Reed na makikita mo pa rin na sakit na sakit sa tuhod niya, "S-sumunod yata kay Haley." anito at napapadyak na lang sa simento kasabay ang panggigigil nitong sigaw. "That woman! Humanda talaga siya sa 'kin!" 

"Humandang ma-inlove sa 'yo?" simpleng panunukso ko na nagpamula sa mukha niya kaya pareho namin siyang tinukso tukso ni Jasper. Sinundot sundot ko pa 'yong tagiliran niya kaya naaasar naman itong napapatingin sa akin habang natatawa tawa naman ako. 

Haley's Point of View 

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko at walang ganang tiningnan 'yong taong sumusunod sa akin, "Why did you keep on following me?" Tanong ko kay Rain na nasa likod ko ngayon. 

Simula noong makalayas ako sa harapan ng magkakaibigan na 'yon, nakabuntot na siya sa 'kin. 

Sumabay siya sa aking maglakad, "Code 1220" banggit niya sa number na nagpataas sa kilay ko.  

"What's with the code?" naguguluhan kong sambit kaya siya naman itong ngumisi at nagkibit-balikat.

"Nothing, don't mind me...  I'm just making sure that I'm not mistaken you for someone" hindi ko siya pinansin at tumingin na lamang sa harapan. Mistaken by someone, huh? 

May nabasa ako sa isang greek mythology. In this universe. There will always be this one non-biologically related look-alike or double of a living person.  

You are not blood related yet magkamukhang magkamukha kayo. 

Nasabi na hindi mo siya madaling makikita sa mundo dahil once na magkatagpo kayo ay mawawala ang isa sa existence ninyo sa timeline na kinalalagyan n'yo. 

The explanation is hindi pwedeng magsama ang parehong existence para hindi magkaroon ng paradox-- something incomprehensible for human brain. Kumbaga sa magnet, if both of you are positive at pinagdikit kayong dalawa. Both positives will have a force to repel which is the same to human being. 

'Pag nawala ang isa sa copy mo, magkakaroon ng chaos ang other universe. 

Forgetting the existence  of the other you. 

May isa namang tinatawag sa Doppelganger kung saan pinaniniwalaan ito bilang isang paranormal phenomenon na makikita minsan as "harbinger". Bad luck nga raw ito kasi kapag nakita mo ang sarili mong repleksiyon ay mamamatay ka sooner or later. 

Hahh... Iisipin ko pa lang, kinikilabutan na ako. Ba't ko ba kasi binabalikan 'yong mga nababasa ko sa libro? Ito kasi minsan ang mahirap, eh. Once na mabasa mo ang isang bagay, parang nadadala mo na rin sa realidad.

"Ate Haley." tawag ni Rain kaya ako naman itong napatingin sa kanya gamit lamang ang peripheral eye view ko, "If you will have the chance to save someone and bring back to life, who will it be and why?" simple lang naman ang tanong niya pero sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko ay naghahalo nanaman ang emosyon sa dibdib ko. I can't even let out a single word.  

Nakita ko ang kaunting pagngisi ni Rain pero hindi ko lang pinansin at yumuko lamang.

Mayamaya pa'y iniba na niya ang topic, "Alam mo ang isasagot ko? Si Miriam Defensor Santiago. 

She's the most savage and awesome president we never had. It'll be great kung may talented and intelligent tayong president like her na nabubuhay sa mundong , right?" tanong pa niya na nagpatitig pa sa akin lalo sa kanya. I see... 

Hinarap ko na ang tingin, "I don't know." sagot ko lang. 

Kumapit naman bigla si Rain sa braso ko kaya ako naman itong napalingon sa kanya, "Geez, ang ikli mong sumagot, ano? Wala kang pinagkaiba sa taong iyon." mas kumunot ang noo ko. What is she talking about? "I mean, kuya Harvey. You're his gender bender version." she said as she pouted. 

"Are you even joking me?" I asked in disbelief but she only clung even more onto me. 

"No, basta ang alam ko mas gusto kita" ngiti pa nitong sabi. Naramdam ko ang pag-init ng mukha ko, mukhang nagba-blush ako sa sinabi ng batang ito

"U-uhm... Sorry, pero hindi ako lesbian" sambit ko habang iwinawagayway ang isang kamay tapat ng dibdib ko.

Humalakhak ito at mas yumakap pa roon sa braso ko, "That's not what I meant when I said I like you. You're actually pretty funny, I just can't believe it." nakaka insulto 'yon, ah?

Umiwas ako ng tingin. "Shut up." reklamo ko at nilingon ulit siya, "Pero saan banda mo naman ako nagustuhan?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong ginagawa pero nagustuhan n'ya ako. 

Matamis siyang ngumiti at lumapit sa tainga ko para bulungan,  "Sa lahat, pati katawan mo" lumayo  ako sa kanya habang mas lalong namumula ang aking mga pisnge. Seriously?! Wala rin pala siyang pinagkaiba sa kuya Reed niya! 

"Manyak! Pareho kayo ng kapatid mo!" tumawa nang tumawa si Rain.  Namumula na nga s'ya sa tuwa na, eh. Napahilamos ako. Niloloko na yata ako ng batang 'to, eh. 

"Sorry sorry, hindi na nga ako magjo-joke, eh" paghingi n'ya ng pasensya at tumabi sa akin.

Inilayo ko ang ulo ko sa kanya,  "Just what do you want from me?" 

"Gusto lang kitang maka-close" inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, ni hindi man lang siya kumurap sa ginawa ko. 

"Kung gusto mo akong maka-close, huwag na huwag kang magbibiro ng ga'nong klaseng bagay sa akin" sabay pitik sa noo niya dahilan para mapahawak siya roon, "Naiintindihan mo?"

Nag salute siya, "Okay!" at kumapit nanaman siya sa braso ko. What a bother...

"Alam mo baliktad na baliktad ka sa kinukwento ni kuya Reed sa akin" panimula niya. Muling umakyat ang dugo sa mukha ko. Ano naman ang kinu-kwento ng Reed na iyon sa akin? Bakit kailangan pa niya akong banggitin sa kapatid niya? 

"W-what was he telling you?" tanong ko, tumingala siya para tingnan ako.

Nginitian niya ako, "Mukha ka raw'ng tsonggo" sagot niya na nagpapitik ng kung ano sa sintido ko. Ah, I see. Tsonggo, huh?

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. 'Yong lalaking iyon, naghahanap talaga siya ng away eh 'no? Humanda talaga siya sa akin pag nakita ko siya.

Tawagin ba naman akong tsonggo sa kapatid niya? Though I can make it real if it means sasabunutan ko 'yong buhok niya hanggang sa mawala lahat. 

"Anyway, mabait naman si kuya Reed. It's just that he's only embarassed to express what he really feels so he ended up teasing you when we're having a talk." ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng school blazer ko. "I know you will like him soon." 

Ibinaling ko ang tingin sa kung saan, "It's not that I don't like him or anything." paanas lang ang pagkakasabi ko kaya natural na lang siguro kung hindi iyon maririnig ni Rain. 

"What did you say?" pagpapaulit ni Rain kaya patakbo akong naglakad. 

"Nothing!" sagot ko sa hiya. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko sa kanya! Wala ng sense. 

***

SA LOOB ng campus matapos mauna ni Rain dahil sa may kukunin pa raw siya sa kabilang building, ay pumunt na lang ako sa classroom namin dahil anong oras na rin. Baka ma-late pa ako. 

Naglalakad na ako papunta sa building nang tumunog ang phone ko na galing sa bulsa ng skirt ko kaya kaagad-agad ko namang kinuha iyon para sagutin ang kung sino mang tumatawag sa akin. 

I answered the phone without seeing the caller on the screen, "Hell--" sasagot pa lang ako pero may sumagot ng kung sino sa kabilang linya. Sabay-sabay silang apat magsalita-- Oo, ang Trinity4 kuno nga.  

Nagkakagulo sila sa kabilang linya at mukhang nag-aagawan ng phone kaya wala akong naiintindihan sa kung ano ang sinasabi nila kaya binbaan ko na lamang ang mga ito. 

Imbes na mainis ay napangiti na lamang ako. 

"Did she just smiled?" 

"M-mukha naman pala siyang okay.

"Pero 'di ba kasama na siya ng Trinity4? Edi dapat maging Trinity5 na sila, 'di ba?" 

"Seryoso ba kayo?"

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hinayaan na lang sila sa pinag-uusapan nila hanggang sa makapasok na ako sa building namin. Bumuntong-hininga ako. 

Sa buong year na ito, nakakailang buntong-hininga na kaya ako? Tss, bakit ba kasi ganito ang tao ngayon? Kung hindi ka sisiraan, pag-uusapan ka naman mapa-good way pa iyan or bad. 

Huminto ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko nang may maalala ako. "I forgot my lunchbox." sambit ko at napailing ng isa. "Sh*t. Nagtitipid ako, eh." 

"Haley" familiar ang boses na iyon kaya automatic na napalingon 'agad ako sa taong iyon na may pagsuot ng usual simangot-face ko. Pero imbes na gawin ko iyon ay natuwa pa ako nang iangat niya ang lunchbox ko, "Naiwanan mo" abot niya no'n sa akin na hinablot ko naman 'agad. 

"Geh." sabay layas sa harapan niya pero hinawakan niya 'agad ang braso ko. "Ano?" maangas kong tanong. 

Hindi naman ito makapaniwalang tiningnan ako, "Ikaw na nga itong nanipa ng tuhod ko kanina, at ako na nga ang nagdala ng lunchbox mo pero ginaganyan mo pa 'ko. Hindi ka talaga marunong magpa-salamat, ano?" 

Binigyan ko naman siya nang mapang-asar na tawa, "Why do I need to?" pang-aasar ko. "Say please muna?" nguso kong sambit para pikunin siya. Ngumingiti naman na siya pero makikita mo 'yong ugat doon sa temple niya. 

"You're not cute at all." nagpipigil nitong inis. Nakarating naman na ang tatlo at nilapitan kaagad kami, kaya aalis na sana ako pero bigla akong iginiya ni Jasper sa kung saan habang akbay akbay ako.

"Tara! Ditch tayo!" si Jasper habang taas taas ang isang kamay. 

Hawak hawak ko naman ang braso ni Jasper at pilit itong inaalis sa pagkakaakbay sa akin, "Hoy! Bitawan mo nga 'ko! Ang baho ng kilikili mo!" 

"Baka kasi hiningi mo 'yong mabaho." pang-aasar ni Harvey habang nakasunod sa amin kaya ako naman itong inis na nilingon siya. 

"Will you shut up?!" pagpapatahimik ko sa kanya kaya ibinaling niya ang tingin sa hindi kalayuan na isinabay naman ni Kei sa pagkapit sa isa ko namang braso. 

"Haley, banyo tayo. Samahan mo 'ko..." panlalambing naman ng bruhang ito kaya siya  naman ang nilingon ko kung saan marka rin sa mukha ko ang inis. Ano ka?! Bata?! 

"Isa ka pa! May klase pa tayo kaya bakit-- Hoy! Jasper!" punyeta 'tong mga ito!

***

MATAPOS ANG pangungulit ng apat na iyon ay na sa classroom na ako.  Wala raw si miss Kim kaya naghintay kami ng ilang minuto bago sumunod ang MAPEH--si sir Santos ang teacher namin do'n.

Noon, gustong-gusto ko talaga ang subject na 'yon pero dahil feeling major ang gurong iyon at over kung maging strict, nawawalan ako ng gana.

"Bilisan n'yo naman ang kilos! Magbihis na kayo ng mga P.E uniform ninyo!" at gaya nga ng sabi niya ay mga nagsibihis na kami, "Move!" pagmamadali pa niya, bineletan ko lang siya ng palihim.

"Haley" tawag ng isa kong kaklase na si Mirriam, "Sabay na tayong magbihis" medyo nahihiya pa siyang i-approach ako noong una pero nagawa pa rin niya akong kausapin.

Tiningnan ko siya, "Bakit sa akin ka makikisabay? Hindi ba magagalit 'yang mga kasama mo? " at tiningnan ko ng walang gana 'yong papalapit na si Tiffany at ang alipores niyang si Trixie. Mga nakahalukipkip din ang mga ito at taas-taas ang mga kilay. 

"Hoy Mirriam, ano ba'ng sinasabi mo? Bakit sa kanya ka makikisabay? Eh, ang landi niyan. Gusto mo bang mahawa sa kanya?" now now, ano namang connect ng pagsabay niyang magbihis sa pagiging malandi kuno ko? This idiot. Malabo na talaga ang mundo. Ayaw na sa akin ni Earth. 

Humarap naman si Mirriam sa kanya, "Oy, ano ba, wala naman siyang ginagawang masama, tigilan niyo na 'yan" tiningnan ko si Mirriam, bakit niya ako pinagtatanggol? Wala naman sa akin 'yong sinabi ni Tiffany, eh.

Hay naku, mula talaga ng mapasama ako kina Kei, dumadami na 'yong haters ko.

Hahh...

Sisikat na nga lang ako, sa mga taong ayaw pa sa akin, ano ba'ng problema nila?

Umismid si Tiffany, "Hindi mo nga alam kung may ginawa na siyang kababalaghan kay Reed, eh." matalim ko siyang tiningnan dahilan para manlaki ang mga mata nito.

"B*tch, if I were going to do something to him, maybe I can also do that to you? Tell me, you know how to die?" babala ko sa kanya na ginamitan ko ng malalim na boses dahil sa galit na nararamdaman. Ang ayoko sa lahat ay 'yong nababastos ako. How can they say this to me without even evidence?

Nakita ko ang kaunting pag-atras ni Trixie habang lumunok naman si  Tiffany. Si Mirriam naman,  palipat lipat lang ang tingin sa amin. Humakbang pa ako ng isa para mas mapalapit kay Tiffany. Nanginginig ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "You haven't even seen my bad side yet, you hypocrite bitch. Mag-ingat ingat ka sa sinasabi mo, baka mamaya ikaw pa ang madale dahil diyan sa mga binibitawan mo." 

Pareho silang 'di nakapagsalita pero nagawa rin akong itulak ni Tiffany sabay layas ng classroom, si Mirriam naman ay humingi lamang ng pasensiya bago sumunod sa mga kaibigan niya. 

Napailing na lamang ako't kinuha ang gamit ko para pumunta sa changing room sa ibaba. 

***

NATAPOS NA kaming magbihis kaya dumiretsyo na kami sa Field dahil sprinting nanaman daw ang gagawin namin ngayon. At kung dati hindi napapasama si Kei sa mga ganitong activity, ngayon kasama na siya.

Lumapit si Reed kay sir Santos at may sasabihin sana nang pinigilan siya ni Kei at umiling. Napakunot ang noo ko. Ano meron?

Pinapwesto na kami ni Sir Santos dahil kami ang unang tatakbo ngayong oras, "Take care of me, Haley" nilingon ko si Kei na nakapwesto na. 

Sinimangutan ko siya, "Anong take care of me ka riyan?" taka kong sabi. 

"Whoooaa hoho! Tingnan niyo si Keiley, oh?"

"Sheeet"

Nakangisi ang mga lalaking pinagmamasdan ang katawan ni Kei lalo na ang mga watermelon boobs niya. Sa sobrang inis ko, binigyan ko ng nakamamatay na tingin ang mga manyak na lalaking iyon. 

You guys are more dangerous than Reed Evans. 

"We heard you,  jerks! Erghh! Tandaan niyo, hahanapin ko talaga kayo mamaya!" babala ko kaya mabilis na tumakbo paalis ang tatlong lalaki, section 3-F ang mga iyon sa pagkakatanda ko.

"Thank you." ngiting pagpapa-salamat ng katabi kong si Kei. Hindi na ako sumagot at pumaharap na lamang ng tingin. Damn it! 

"10 laps girls!

Ready!

Get set!

Go!" sabay pito ni sir Santos kaya tumakbo na kami.

Sa ngayon, ako ang nangunguna sa pagtakbo pero nauunahan din ako ni Tiffany.

"What's wrong? Natatakot ka bang matalo, Haley?" tanong niya at palihim akong binangga para hindi makita ng iba. Mapang-asar itong tumawa, "Oops, sorry..." Hindi ko siya pinansin at mas binilisan ko lang ang pagtakbo.

"As if I let you!" binilisan niya ang takbo kaysa kanina, "Stop!" utos niya sa akin.

Nilingon ko ito. "Don't think I'm taking orders from you" aniya habang nakataas ang dalawang kilay.  Namula siya sa inis. Tama 'yan, mainis ka.  Gusto ko 'yang mukhang 'yan. 

Mga ilang minuto pa ang nakalipas, narinig ko ang pagsigaw ni Reed sa pangalan ni Kei. "Kei!"

Huminto ako sa pagtakbo at nilingon kung nasaan sila Reed. "Kei..."

'Yong dapat na pagbangga ni Tiffany sa akin ay nabigo. Dahil nabangga niya ang hangin dahilan para ma-out of balance siya at masubsob ang mukha sa lupa. Umiwas kasi ako sa kanya. "Aaaawww! 'Yong face ko!" Siguro kung ibang tao ako, tinawanan ko na siya.

Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at tiningnan na lang si Kei. Sobrang hingal na hingal siya habang nakahawak sa dibdib niya.

Hingal na hingal. 

Namumutla. 

Hawak ang dibdib. 

Humarap ako sa pinanggalingan niya, "May asthma siya?"