Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 18 - Recipe

Chapter 18 - Recipe

Chapter 18: Recipe

Reed's Point of View 

Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Kei habang bakas sa mukha ko ang pag-aalala.

Sa lahat ng tumatakbo, siya ang nahuhuli at makikita sa kanya na naghahabol na rin ito ng hininga. 

Isama mo pa na ang putla putla na ng kanyang mukha kaya makalipas lang ang ilang segundo ay bumagsak siya dahilan para makaramdam ako ng kaba. 

"Kei!" tawag ko sa bestfriend ko't pinuntahan siya, hawak niya ang kanyang dibdib at hirap na hirap makakuha ng hangin. Nakaupo siya nang iluhod ko ang dalawa kong tuhod pagkahinto sa kanyang harapan, "I told you not to force yourself! Look at you!? Ang tigas kasi ng ulo mo!" Inis na sermon ko, ngumiti siya ng pilit.

"I-I'm sorry..." tanging nasabi niya. Pilit kong kinakalma ang sarili ko para hindi siya masigawan dahil sa pag-aalala ko na nagawa ko naman. "Nasa'n na 'yong inhaler m--" naputol ang itatanong ko noong marinig ko ang paghampas hampas ng stick ni sir Santos sa lupa.

"Ano'ng karapatan mong huminto!? Tumakbo ka ulit! Takbo!" I looked at him with disbelief. Bumagsak na nga ang kaibigan ko but he's still insisting her to stand up?! 

Tumayo ako't hinarap ang titser namin na iyon, "Sir, hindi mo po ba nakikita 'yong sitwasyon? Hindi na po makahinga 'yong tao, may asthma po s'ya" Lumapit s'ya sa amin tapos nilingon ako nang makarating sa harap ko. Muli akong napatingin kay Kei noong unti-unti nang mangitim ang mga labi niya.

Pumunta ako sa tabi niya at hinimas-himas ang balikat niya, f*cksh*t!

"John, pakuha ng inhaler niya sa bag." utos ko sa kaklase ko na iyon na tinanguan naman niya 'tapos pinuntahan ang gamit ni Kei. 

"Eh, kaya mahina 'yong katawan niya kasi kulang siya sa exercise!" sigaw niya sa akin kaya muli nanaman akong napalingon sa kanya. What? 

"RUN!" sigaw pa niya kay Kei. 

"Keiley." abot ni John sa inhaler ni Kei na pinagpawisan talaga dahil sa pagmamadaling makarating  sa harapan niya. Mabilis namang kinuha 'yon ng bestfriend ko at ginamit. 

"Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko tumakbo ka!" sigaw pa ni sir Santos kaya hindi na ako nakapagpigil. 

Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya, "Sir! Alam mo ba 'yong sinasabi mo?!" inis niya akong nilingunan. Lukot na ang mukha niya, mukhang hindi na nagustuhan sa naging sagot ko sa kanya. 

"Hindi ka titser, wala kang alam sa mga ganitong bagay. Kailangan n'yang tumakbo para lumakas 'yong baga niya, aba!" aniya at nilingon si Kei. F*ck, are you kidding me? 

"Tumayo at tumakbo ka-- Gauff!" Nanlaki ang mata ko sa biglaang pagsipa ni Haley kay sir Santos sa likuran dahilan para matumba siya at masubsob ang mukha sa lupa.

Alam kong hindi lang ako ang nagulat sa ginawa niyang 'yon, dahil lahat kaming mga estudyante na narito sa field maski ang guro ay nagulat.

Pinagmasdan ko ng mabuti si Haley. Galit itong nakatingin sa lalaking nakadapa ngayon sa lupa at mahigpit na nakasarado ang kamao.

"You're joking me..." 

"Shete..."

Sinong mag-aakala na may estudyanteng makakagawa 'non sa guro?  Wala naman siguro,  hindi ba? 

Tumayo si sir Santos at hinarap si Haley, "P-paano mo nagagawa 'yan sa guro mo!?!" nakikita ang ugat sa sintido niya sa galit pero parang balewala lang iyon kay Haley at umismid pa. 

"Sinipa ka lang naman kaya ka nasubsob" pamimilosopo ni Haley.

Kumpara kanina ay mas naglukot pa ang mukha niya, "Ikaw'ng bata ka..." Haley crossed her arms and looked at him without any fear. Taas-noo niyang tiningnan ng diretsyo ang guro namin at buong tapang lang itong hinarap. 

Masama ang kutob ko dito. Parang may mangyayaring hindi namin inaasahan.

"Ah. May ibabalik nag rin pala akong tanong" aniya at mas lalong tinaliman ang tingin, "Paano mo nagagawa 'yan sa ESTUDYANTE mo?" pagbabalik tanong niya kaya umatras ng kaunti ang titser pero 'agad ding umabante ng isang hakbang. 

"W-wala kang galang! Ipapa-suspend kita! H-hindi pala! Ipapa-expell kita sa university na ito! Wala kang respeto! Ang bastos mo! Guro mo 'yong nasa harapan mo, pero ano'ng ginawa mo?!" tinaasan siya ng kilay ni Haley at saka niya itinabingi ng unti 'yong ulo niya. Wala itong pinagkaiba sa una naming pagkikita sa supermarket. 

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang likurang palad, hindi ko mapigilang mapangiti. Kainis. 

Nade-Deja vu ako. 

"Oh? Ipapa-expell mo ako? Kaya mo? Talaga?" Pang-aasar pa niya kaya 'yong expression noong na sa harapan niya, mas dumidilim dahil sa galit.

Diniretsyo na ni Haley ang pagkaka-ayos ng ulo niya at sumeryoso na ang ekspresiyon. "Humph, kung naging maunawain na teacher ka, siguro rerespetuhin kita dahil estudyante nga ako at matanda ka, kaso dahil sa ginagawa mo. Wala kaming karapatan na respetuhin ka dahil ikaw ang mas bastos dito, hindi mo iniisip 'yong kondisyon ng mga estudyante mo" kagat kagat na ng guro ang ibabang labi n'ya habang pinanggigigilan ang nakayukom na kamao, "I'm also wondering kung talaga nga bang deserving na maging teacher ka ng E.U?" nawalan ng pasensya si sir Santos at lumapit na kay Haley. I don't know what he's scheming but he is reaching for something. Like he's trying to grab Haley's Collar. 

Ngunit bago pa man makalapit ang kamay ng guro kay Haley ay kaagad ng hinawakan ni Haley ang sikmura't balikat nito. Nang magawa niya iyon, ibinuhat niya ang malaking katawan nito saka ito ibinagsak sa lupa.

Napanganga ang lahat sa nakita habang napatakip lang ako sa mata. Pinagpapawisan din ako ng malamig. P-pwede niyang gawin 'yan sa akin kapag pinikon ko siya. 

"What the hell!" galit na sigaw ni sir Santos kay Haley pagkatayo niya, pipigilan ko na sana si Haley sa pwede niyang gawin pero nagsalita pa ulit siya.

"You can't force someone to respect you, but you can refuse to be disrespected" inayos niya ang bangs na humarang sa mukha niya, "And don't you know?" Tanong ni Haley sabay turo kay Kei na gamit gamit pa rin ang inhaler, "Siya ang anak ng may-ari ng pinapasukan mo, itong university na ito, kaya paano mo nagagawa 'yon sa kanya...?

Huh? Sir?" Kita naman sa mukha niya ang takot. Natural lang na hindi n'ya alam dahil bago lang naman s'ya rito at wala talagang balak ilantad ni Kei ang totoo niyang identidad. Hinahayaan lang niya na sila ang makaalam.  

"K-Keiley? M-Montilla?" Turo niya kay Kei habang dahan-dahan niyang nililingon ito.

Hindi na napigilan ni Haley ang mapangisi, "Ngayon mo lang na-realize?" tanong niya at umismid, "Ah, right. New teacher, now it makes sense." she said as she shrugged. "Imbes na maganda ang tingin ng mga staffs sa  'yo especially 'yong mga magulang niya..." pagbaling niya ng tingin kay Kei na ibinalik din ang tingin kay sir Santos. "Ikaw na mismo ang sumira" nag-iba na ang itsura ni Haley pagkatapos niyang sabihin iyon.  

Si sir Santos naman ay takot na takot na nakatingin kay Haley. Kulang na nga lang ay maihi siya sa sariling pantalon.

Mga ilang segundo pa'y sumigaw na siya palayo sa lugar na ito at na nadadapa dapa pa. 

"Wow..."

"H-hindi ako makapaniwala"

"Ang astig!"

"Mabuhay si Haley!"

Binuhat nila si Haley dahil sa tuwa. "He--Wait! Put me down!" utos ni Haley ngunit hindi siya pinakinggan ng mga kaklase ko at hinagis hagis lang siya dahil sa tuwa.

Muli s'yang inihagis pero dahil sa medyo lumakas ito ay nag-iba ang direksiyon nito kaya babagsak na s'ya sa lupa. 

'Di ko iyon hinayaan dahil kaagad ko siyang sinalo. "Phew, muntik ka na roon... Buti na lang talaga at nasalo kita" titig na titig lang siya sa mukha ko habang nakapalupot ang kanyang mga kamay sa leeg ko. Her eyes are blinking while straightly looking at my eyes, blushing. 

"R-Reed..." nauutal na tawag nito sa akin.

"Yoh" bati ko naman habang suot-suot ang malapad na ngiti sa aking labi. Hindi na siya nagsalita pagkatapos 'non, pero habang tumatagal ay namumula na talaga ang mukha niya.

Hahh... Alam ko na 'yong susunod nito... 

"LET GO!" Malakas niyang sinapak ang mukha ko. Kung bakit naman kasi pinanganak siyang amazona, eh.

Haley's Point of View 

sa loob ng Infirmary ay binabantayan ko si Kei na ngayon ay kasalukuyang umiinum ng tubig.

Medyo okay naman na s'ya but still, hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. 

Ipinatong n'ya ang inhaler n'ya sa side table na nasa kanan niya at nginitian ako, "Don't worry,  I'm okay" she said, making me feel at ease. 

I looked away, "I'm not asking" tugon ko at muli s'yang tiningnan.

"Why didn't you tell me?" tanong ko sa kanya nang nakadikit ang parehong kilay. 

"What are you talking about?" pagmaang-maangan ni Kei. 

"Idiot, your asthma" sambit ko at bumuntong-hininga,  "Edi sana nasabihan ko kaagad 'yong teacher na iyon" wika ko at sumandal sa sandalan no'ng upuan. 'Di naman na siya kumibo pero nginitian niya ako. "Huwag na 'wag mo ng uulitin 'yon, Kei" pagsusumamo ko, "Hindi mo alam, baka sa susunod matuluyan ka na talaga" tumayo na ako. 

Nginitian niya ako, "I will. Thank you for your concern." nakakasilaw talaga 'tong ngiti niya. 

"I'm not concern or anything. Ayoko lang may makasagabal ka." aniya at layo ng tingin. 

This time, she gave me her sweetest smile. "Aww!" niyakap pa niya talaga ako kaya ako nanaman itong biglang nakaramdam ng hiya. Magrereklamo pa sana ako pero mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. 

"Lumayo ka nga! Amoy pawis ako!" at inilalayo ko siya sa akin noong may mag-urong ng kurtina. Pareho naming tiningnan iyon, nalamang si Reed at dikit-dikit ang cold compress sa pisnge niyang sinapak ko. 

I'm the kind of person who do things that will make me feel guilt at the end. So, as much as possible. Sinusubukan ko namang kumalma lalo na kung inaatake ako ng adrenaline rush ko, kaso hindi ko talaga mapigilan makagawa ng ikasasakit ng iba.  

Oh, well. 

Diniretso ko ang tingin sa harap at sumimangot, "Buti at hindi ka naman natanggalan ng ngipin, ano?" pang-aasar ko. 

Pabagsak naman siyang umupo sa upuan na nasa tabi ko at nilingon ako, "Alam mo, kaunti na lang iisipin kong 'di ka tao. Ano ba'ng problema mo sa 'kin at gusto mong sinasapak ako?" tanong niya. 

Tumingin ako sa kabilang side kung saan hindi ko siya makikita, "Shut the hell up." 

Natawa naman si Kei kaya sabay naman kaming napatingin ni Reed, magsasalita sana ako pero nang makita ko ang biglaang pagngiti ni Reed sa kanya ay napatikum na ako. 

He also patted her head while staring at her, it made me realise how important she is as Reed's bestfriend. I'm kind'a feel envious. 

MATAPOS NAMING MAG-USAP sa infirmary ay nagpaalam na kami ni Reed at lumabas para makapagpahinga pa si Kei.

Sinarado na ni Reed ang pinto kaya nauna na akong naglakad, "Sorry pala" hingin pasensiya niya kaya ako naman itong napatigil at kunot-noo na nagpa-side. 

"I wonder why you're apologizing?" naguguluhang tanong ko. 

May nagawa ba siyang kasalanan sa akin? Kasi sa pagkaka-alala ko, ako talaga ang may kasalanan dito.

Although the thing is, I can't say sorry. It's hard to apologize. 

"Basta sorry"

Wala lang akong imik at tinalikuran siya, tinawag niya ang pangalan ko. "I want to know you more." nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. "But before that, let me know  this one thing." lumingon na ako sa kanya. 

"Why are you putting up an emotional barrier between you and others around you?" napaawang-bibig naman ako sa pagkakataon na ito, "It's..." umiwas siya ng tingin, "It's like you have this 'I must glare and fight my way through life' aura. I want to know how you ended up like that." sambit niya dahilan para magsalubong ang kilay ko. Bakit parang sinasabi niyang 'di niya gusto kung sino ako ngayon? 

Saka ano ba ang alam niya at makapagsabi siya sa 'kin ng ganito, parang ang dami niyang alam?

"What do you know?" Humarap ulit ako sa kanya, "Just because this is how I act, doesn't mean there's something to do with the past." hindi siya kumibo at nakatingin lang sa akin, "And there are also things that I can't tell you."  

The past does not define you or your future. But, your history defines who we are and what we are which will be our identity as human being; uniqueness.  

Naglabas ako ng hangin sa ilong, "If you have nothing to say, mauuna na ako." tumalikod na nga ako at naunang naglakad. 

***

NATAPOS NA ang ilang period at lunch na namin, pero sinabi ko sa dalawa na may gagawin ako kaya hinayaan na lang nila akong maka-alis ng hindi kinukulit.

Lumabas ako ng classroom at mabilis na pumunta sa rooftop. Nang makarating ay napabuntong-hininga ako.

To be honest, wala talaga akong gagawin. Gusto ko lang talagang mapag-isang kumain ngayon for some unknown reason. Abnormal nga minsan 'yong mood ko dahil paiba-iba talaga. 

'Wag ka ng magsinungaling, naba-bother ka lang talaga sa sinabi ni Reed kanina. 

Napasimangot na lamang ako at umakyat papunta sa taas dahil mas masarap ang simoy ng hangin doon at makakapag-isip ka talaga ng mga bagay-bagay.

Sa pag-akyat ko, nakita ko si Rain na kumakaing mag-isa. "Rain" tawag ko kaya napatingin siya sa akin. May inalis din siya sa tainga niya at mabilis na ipinasok sa bulsa niya.  

Oh, may kausap siya? 

"I didn't notice you, kanina ka pa diyan ate Haley?" tanong niya nang makalapit ako sa kanya. 

Siyempre, tumabi na rin ako sa tabi niya. 

Umiling ako bilang sagot, "Naisturbo ba kita? May kausap ka yata." humagikhik ito 'tapos iwinagayway ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib niya. 

"No, wala naman. Pero ba't mag-isa ka lang? Nasa'n sila kuya?" tukoy niya kina Reed.

 

Ibinaling ko ang tingin sa hindi kalayuan 'tapos inilabas sa coat ko 'yong tinatago kong Koaded, "Na sa ibaba. 'Di ako sumama sa kanila dahil gusto kong mapag-isa." sagot ko sabay abot sa kanya 'yong isang Koaded. Dalawa naman ito kaya okay lang na ibigay ko ang extra. Hindi naman ako madamot. 

Ibinaba n'ya ang tingin para makita ang inaabot ko sa kanya. Pagkatapos ay inilipat ang tingin sa akin. "Pampa-wala ng badmood" aniya na kinuha naman niya.

"Thank you" binuksan ko na kaagad 'yong pagkain ko tapos kumuha na't sinubo.

Mmh... Ang sarap.

Subo lang ako nang subo hanggang sa bigla ko na lang narinig ang tawa ng batang nasa tabi ko.

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng walang ganang tignin, "What are you laughing at?" I asked her and raised my left eyebrow. 

"S-sorry ate... Ang cute mo lang kasing kumain, para kang bata" napasimangot naman ako, "Hey, you're messing with me?" 

"I know someone who's also like you, kind of aloof and don't always show her sweet side. I just kind'a miss her." she shrugged. Aloof? I'm not that cold, am I?

I nodded, "Your friend?" sambit ko. 

She smiled, "Well, you could say that." Hinayaan ko na lang siya at sumubo ulit ng isa.

"Hindi ka ba kakain ng kanin?" tanong ko habang nakatingin sa bisquit na nasa tabi niya.

"Same question, hindi ka ba kakain ng kanin?" pagbalik n'ya ng tanong sa akin.

Napatingin kami sa mga kinakain namin tapos natawa na lang, "I'm on a diet, you know?" himas ko sa braso ko. Tumataba kasi. 

Tumaas ang kaliwang kilay niya,  "What? Payat ka na kaya ate"

Chineck ko ang katawan ko, "Hindi, ah? Akala mo lang"

Nag indian seat siya, mukhang nangalay sa kaninang posisyon, "By the way, ate Haley"  may kinuha siya sa bulsa. Inabot niya ito sa akin pagkatapos. 

Kinuha ko naman 'yon tapos tiningnan tingnan, "What am I suppose to do with this?" at binaliktad ko pa iyon.

"Recipe ng favorite food ni kuya 'yan" sagot niya't tumayo. Naglakad siya pababa na sinundan ko lang ng tingin.

"Sasabihin ko sa 'yo next time kung bakit ko ibinigay 'yang recipe na 'yan, basta itago mo lang" bilin niya at matamis akong nginitian, "Thank you pala sa Koaded ate, may gagawin muna ako kaya iiwan na muna kita, bye-bye" bumaba na nga siya.

I raised my both eye brows and looked down at the paper she gave to me. Tinitigan ko lang iyon hanggang sa basahin ko ang nilalaman. 

Kare-Kare?