Chapter 16: Special
Haley's Point of View
Nakasimangot lang akong nakasunod kay Harvey ngayon, nagtataka kung bakit siya ang sinusundan ko. 'Di ba, ako ang dapat na sundan n'ya? Ako iyong may kailangan sa mall, eh-- Ah, palusot ko nga lang pala iyon pero kahit na!
"Hoy, saan ka ba pupunta?" hindi siya sumagot at tuloy-tuloy lang sa paglalakad, inunahan ko naman ito at ]huminto sa harapan niya. Humarang ako sa dinadaanan niya.
Dahan-dahan n'yang ibinababa ang tingin n'ya papunta sa akin, medyo nakakainsulto 'yong ginawa n'ya, ah? Nasa'n 'yong ladder diyan? Aakyat ako para sapakin mukha nito.
"Kanina pa kita kinakausap, ah? Bastusan lang?" binigyan lang niya ako ng walang emosyong tingin at nilagpasan ako. Is he giving me a cold shoulder...?
Nilingon ko ulit siya, "Hoy! Saglit lang!" actually hindi siya sumama sa akin para samahan ako, sumama lang siya para samahan ko siya sa mga gusto niyang bilhin.
Well, if that's the case, bakit ako pa 'yong SUMAMA sa kanya, 'di ba?! Puro mga walang kwenta lang naman ang binili niya like Headphone na malaginto talaga ang prize, Skin Protector ng PS VITA niya at panibagong bala (games) , libro na horror ang genre at kung anu-ano pa! Augh! Ginagastos niya 'yong pera niya sa mga walang kwentang bagay.
Sa ngayon nandito naman kami sa appliances dahil bibili naman daw siya ng computer mouse, tumalikod ako at napa-crossed arms, "I can't believe you" naiinis kong sambit.
Naramdaman ko naman ang kanyang pagbaling ng tingin. "What? I can't hear you"
Umirap ako. "Nothing!" sagot ko at naglakad na paalis doon. Lalayo muna ako dahil baka mamaya mapatay ko siya sa sobrang inis.
"Hey, where are you going?" tanong niya habang hindi umaalis sa pwesto niya, bahala siya riyan basta ako pupunta muna ako sa dapat kong puntahan, baka nakakalimutan niyang may bibilhin din ako
Pero ano nga ba'ng pwede kong bilhin—Ah! Oo nga!
Pumunta 'agad ako sa Precious Page para bumili ng libro ng mga kilala kong author. Hindi ko pa talaga nababasa ang mga kukunin kong libro pero dahil sa mukhang maganda naman ang plot ay kukunin ko na rin para subukan.
Naglakad na nga ako papunta doon, kaso napahinto rin nang makita ko ang isa kong kakilala sa hindi kalayuan.
Tumalikod ako at bumalik kung nasaan si Harvey, "Babalik muna ako" sabi ko sa aking sarili.
Ayokong makita ako ni Rose at John. Mahiya pa sa akin kung makita ko pa silang nagde-date, eh.
***
KASAMA KO NA si Harvey, at sa ngayon ay naglalakad na kami para pumunta sa parking lot dahil uuwi na raw kami. "Ang dami mong pinamili, kailangan mo ba lahat 'yan?" tanong ko sa kanya. "Eh, halos mga luho mo lang naman 'yan."
Lumingon s'ya sa akin habang suot suot ang napaka angas n'yang mukha. Dagukan ko 'tong animal na 'to, eh. "Hindi ko bibilhin 'tong mga ito kung hindi ko kailangan." May point naman siya but that is not what I meant.
Bumuntong-hininga na lang ako at tumingin sa harap, "Say, ganyan ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.
Pumaharap na s'ya ng tingin, "What are you talking about?" he asked.
"Wala kang pakialam sa mga taong nasa paligid mo, bossy ka 'tapos hindi ka madaling makasundo. 'Di maayos 'yong ugali mo alam mo ba 'yon?" nakasimangot kong tanong kaya narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, "Don't sigh me!"
He looked at me irritatedly, "Look, wala akong pakielam kung ano 'yong gusto mong mangyari pero kung hindi mo makayanan ang ugali ko, nandiyan lang ang exit." medyo nasaktan ko yata siya sa sinabi ko.
Yumuko ako at nakaramdam ng konsensiya. Bunganga mo kasi, Haley! Ayaw mong itikum.
"Ha--"
"Hoy." tawag niya kaya ako naman itong napaangat ang ulo para tingnan siya. Hindi siya nakatingin sa akin at malayo lang ang tingin. "May kapatid ka ba?" tanong niya na nagpalaki sa mata ko.
'Di kaagad ako nakapagsalita at tila parang may bumabara sa lalamunan ko. Ang sakit.
"Nevermind" lumingon siya sa akin 'tapos tinuro ang Ice Cream, "May Ice Cream, gusto mo?"
Eh?
Tiningnan ko iyong tinuturo ni Harvey, "Ah, oo." sagot ko.
"Bili ka."
May pumitik sa sintido ko at kusa na lang gumalaw ang katawan ko't sinipa ang pwet-an niya, "That hurts!" sigaw niya na nagpapukaw sa atensiyon ng mga tao sa mall.
***
NAKAHALUKIPKIP AKO habang simangot na nakaiwas ng tingin si Harvey. Babalik na talaga kami sa parking lot dahil anong oras na rin baka hinahananap na kami ng tao sa bahay.
Bumaba kami ng escalator, may pinag-uusapan kami ng kaunti ni Harvey noong mapatingin siya sa isang store.
Sinundan ko naman iyon ng tingin at kunot-noo itong tiningnan. Pagkababa namin ng escalator ay pinahawak na muna niya sa 'kin 'yong pinamili niya at mabilis na pumasok sa store na puno ng PINK thing sa loob.
Inangat ko ang mga paper bags 'tapos taas kilay na ibinalik ang tingin sa store.
Hindi naman siya nagtagal sa loob dahil lumabas naman na siya 'agad at may dala-dalang isa pang paper bag.
Inangat ko ang tingin kay Harvey na nakahinto na sa tapat ko. Kinuha niya sa kamay ko ang pinamili niya't naglakad na muli.
Nakatulala lang ako sa harapan nang ibaling ko kay Harvey ang tingin. Nakaawang-bibig ako, "I see..."
But,
Patakbo akong tumabi sa kanya, "Para kanino 'yan?" tanong ko pero wala itong imik at parang walang naririnig, "Hey, I'm asking you, don't tell me ayan 'yong mga interest mo sa buhay?" At sa wakas ay nagawa na niya akong pansinin. Nilingon niya ako na may masamang tingin.
I grinned, "Oh~? So, tama nga itong iniisip ko na bakla ka?" pang-aasar ko. Kita ko ang unting panliliit ng tingin ng mata niya, pero hindi ko lang iyon pinansin at tuloy-tuloy lang sa pang-aasar sa kanya. "Okay lang 'yan, atleast may little secret na tayong dalawa, promise hindi ko 'yan ipagsasab—" nauna na siyang maglakad at hindi man lang pinatapos ang sinasabi ko. "Hoy! Hintayin mo ako!" pagpapahintay ko. Sa haba kasi ng hita, madali na lang siyang makalayo sa akin.
"Kung alam ko lang na maingay ka pala, hindi na kita isinama dito" lumingon ako sa ibang side 'tapos palihim na humagikhik.
***
PAGKAUWI, mabilis na umakyat si Harvey para bumalik sa kwarto niya, sinundan ko naman ito para ayaing kumain, "Hindi ka ba kakain?" tanong ko rito. S'yempre alam ko pa rin namang mag-aya.
NAKAKAHIYA naman sa kanya, eh. Nakikitira na nga lang ako, ang bastos ko pa.
"Pakialam mo?" pagsusungit niya habang hindi nakaharap sa akin at tuloy-tuloy sa pag-akyat. Okay, I'm at my limit. Aasarin ko pa siya para fair kaming dalawa, hindi pwedeng ako lang 'yong napipikon.
"Are you mad that I called you bakla?" hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik, umakyat ako para puntahan s'ya. Huminto ako sa kanyang harapan kaya siya naman itong napanganga. Nagulat sa biglaan kong pagbungad sa harapan niya. "Bakit? Hindi ba totoong bakla ka?" pang-aasar ko kaya nag-iba na ang itsura niya.
"Ako? Bakla?" seryoso niyang tanong habang nakasuot ng walang ganang tingin.
"You heard me, right? Gay! As in bakl—" hinila niya ako papunta sa kwarto niya, at nagulat noong itulak niya ako sa kama, ini-angat ko ang ulo ko "Ano ba'ng problema m—" Pumatong siya sa akin at saka hinawakan ang magkabilaan kong pulso, at dahil sa ginawa niya, nanlaki ang mata ko. Ngunit 'agad din siyang sinamaan ng tingin, "Anong ginagawa mo?! Umalis ka nga riyan! Sisigaw ako ng manyak kung hindi mo pa ako pinakawala--!" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napatigil ako sa pagsigaw ko
"Sige, subukan mo, hindi ako magdadalawang isip na rape-in ka dito" ako ba niloloko mo?! Re-rape-in mo ako sa sarili mong tinitirhan?
Kumawala ako, pero dahil sa sobrang higpit ng hawak niya ay hindi ko na nagawa, "Will you stop it? Hindi mo kayang gawin 'yan lalo na kung mahal na mahal mo 'yong taong iyon" this time, siya naman ang nanlaki ang mata, kaya napangisi ako at malakas na itinulak siya dahilan para bumagsak siya sa sahig. "Hah! Got you" sabay patong naman sa kanya at pinitik s'ya sa noo. Sa sobrang puti ng taong ito, mabilis na bumakat ang pula sa kanyang noo. "Tandaan mo, walang effect 'yang ginagawa mo sa akin, tanging kay Kei lang" kita ko ang pagpula ng mukha niya kaya natawa ako at umalis sa pagkakapatong sa kanya.
"Paano naman mangyayari 'yan?" pagde-deny pa niya habang umuupo sa pagkakahiga, nakayuko rin siya ngayon. "Stupid"
Tumayo ako at nagpameywang, "You see..." panimula ko at tiningnan ang Pink paperbag na nasa sahig katabi ang iba pa niyang pinami, "You were happily carrying that Pink paperbag and I knew right away na para 'yan sa kanya." nag react ang magkabilaan niyang balikat kaya hinarap ko na ang tingin sa kanya na may ngiti sa aking labi. "I could see that she's special to you."
Mas yumuko pa siya kaya hindi ko na nakikita ang ginagawa niyang reaksiyon. Ang tanging sigurado lang ako ay hiyang hiya ito sa nalaman ko.
Well, it's kind'a obvious. The way he looked and talked to her. Hindi siya 'yong tipong lalaki na madalas ngumiti sa ibang tao but if it's with Kei. Nagiging ibang tao siya.
Sa ilang araw ba namang magkasama kaming lima, hindi ko pa kaya 'yon napapansin?
Naglakad na ako palabas ng kwarto, pero bago tuluyang lumabas ay nilingon ko si Harvey na hindi pa rin inaalis ang pagkakayuko. "Kaso ano kaya ang iisipin ni Kei 'pag nalaman niyang re-rape-in mo 'ko?" inis naman itong napalingon sa akin.
"SHUT UP!" malakas nas sigaw niya, "Don't you DARE!" turo niya sa akin na inirapan ko lang saka tinawanan bago isinara ang kanyang pinto.