Chereads / Married to the Clever Queen / Chapter 10 - Chapter Nine

Chapter 10 - Chapter Nine

"Nabalitaan kong ikinasal ka na.." Sabi ni Morgan.

Hindi sinasadyang nagkasabay sila sa elevator ng building kung saan naroroon ang opisina ng One Fold Capital. Kagagaling niya lang sa Collection Department para isettle ang loan niya.

Niyaya siya ng lalaki na magkape sa isang coffee shop hindi kalayuan sa Building.

"Mag iisang linggo na rin. Pasensya ka na hindi kita inimbita pa. Naiintindihan mo naman kung bakit, hindi ba?"

Tumango si Morgan.

"So, kumusta ang buhay may asawa?" Tanong nito sa pinasiglang tinig.

"Hindi pa rin ako makapaniwala." Natatawang sagot niya. "Masaya. Mabait si Daniel at napakamaalalahanin."

Tama bang magsinungaling siya sa kaibigan? Pero alangan namang sabihin nyang masungit, at suplado ang napangasawa niya? Kahit naman kasi ganon si Daniel ay maligaya siya sa pagpapakasal nila.

"Eh ikaw, kumusta kayo ni Reina?"

Nagkibit balikat ito. "Kagaya pa rin ng dati."

Nagpatango tango si Abegail. Hinarap niya na ang pagkain. Halatang hindi gustong pahabain ng kaibigan ang topic tungkol sa asawa nito.

Sa labas ay may isang babaeng nakatitig sa kanila mula sa glass wall window ng cafeteria. Nakangisi si Paula habang kinukuha nito ang cellphone sa shoulder bag. Kilala nito ang kausap niya at alam na nito kung sino ang kakausapin para ipamukha kay Daniel na hindi si Abegail  ang babaeng nararapat para sa lalaki.

"Saan ka nanggaling?"

Bungad ni Daniel sa kanya pagpasok na pagpasok niya sa loob ng kabahayan pag uwi nya ng gabing iyon. Dumaan siya sa inuupahan nilang bahay sa Pasay para bisitahin ang mga magulang.

Nakahulukipkip ito habang nakatingala naman dito si Lian. Hinalikan niya sa noo ang bata at inakay papunta sa kwarto nito. Sumunod si Daniel sa pag akyat nila ng hagdan.

"Bakit, hinihintay mo ba ako?" Tanong niya.

"Of course. I am your husband and I'm worried about you. Dis oras na ng gabi nasa kalsada ka pa."

Ngumuso siya, palihim na umismid.

"Plastic." bulong niya.

Eh nariyan kasi si Lian kaya ito worried kuno sa kanya.

"What did you say?" salubong ang kilay na tanong ni Daniel.

"She said plastic, Dad."

Nanlaki ang mga mata ni Abby. "Lian!"

"So did you meet Morgan there?" May talim na tanong ng lalaki sa kanya. Sinadya nitong hinaan ng kaunti ang boses para hindi marinig ni Lian.

"Nagseselos ka?"

"Don't fight, please." Si Lian sa nag aalalang tinig.

Ibinaba niya sa kama ang bata at niyakap ng mahigpit.

"Hindi po." Masuyong aniya na pinisil pa ang pisngi ng bata. "Sleep ka na ha? Para sabay sabay tayo mag breakfast ni Daddy bukas. Late na o."

"We waited for you. Don't come home late again. Daddy's angry because he's worried about you."

Nilingon niya si Daniel na nasa hamba ng pinto at nakamasid sa kanila. Blangko ang ekspresyon nito sa mukha. Iyon ba ang worried?

"Kung ano ano ang sinasabi mo, naririnig ka pa ng bata." Angil ni Daniel sa kanya nang makalabas sila ng silid ni Lian.

Sa wakas ay nakatulog na din ang bata matapos ang dalawang bed time stories at ang pamatay na kantang paborito nitong kantahin niya. Give love on Christmas day, kahit matagal pa naman ang pasko.

"Bakit kasi andami mong tanong? Nagtanong ba ako kung ano ang pinag usapan n'yo ng amazona mong girlfriend kahapon? Hindi 'di ba?"

Nagseselos pa rin siya sa ginawang pakikipag usap ni Daniel kay Paula. Oo, walang dudang F na F niya na nga ang pagiging Mrs Daniel De Marco. Eh bakit naman kasi hindi? Eh asawa siya ng lalaki. Alangan namang siya lang ang faithful at ito ay hindi?

Malay niya ba kung may relasyon pa ang dalawa? Eh hindi siya mahilig magshare ng pag aari niya. Lalo na kung si Daniel.

Pero ang tanong, kanya ba si Daniel? Gusto nyang magpapadyak sa realisasyong iyon. Kagabi ay sinadya nyang iharang ang dalawang unan sa gitna nilang dalawa. Magdamag siyang nagtiis na huwag abutin at lapitan ang asawa. Ang nakakainis, sarili niya lang ang pinahirapan niya.

"Now look who's jealous." Ngisi ni Daniel.

"Mukha mo." iritableng aniya, binirahan ng talikod. Kung hindi ba naman isa't kalahating manhid tong asawa niya?

Naiiling na sumunod si Daniel sa kanya. Dumeretso si Abegail sa bathroom at naghilamos.

Sino ba namang asawang babae ang makakampante kung patawag tawag pa rin ang ex girlfriend sa kanilang Mister? Unang tingin pa lang niya kay Paula, alam niyang ito ang klase ng babaeng hindi agad agad susukuan si Daniel.

Sigurado siyang gagawa ng paraan ang babae para maakit nito uli ang lalaki. Eh kaakit akit pa naman ang halimaw sa banga paanong hindi sya mag aalala at magngingitngit?

Wala si Daniel sa loob ng kwarto nila nang lumabas si Abby banyo.

Sumimangot siya.

'Worried your face. Dinadamay pa ang anak sa paghihintay kuno sa kanya? Ang laking plastic.' Nakaingos na anas niya.

Pumwesto siya sa isang dulo ng kama at naghanda para matulog nang may maalala. Nowhere in sight ang teddy niya.

Tinanggal niya ang comforter. Sinilip niya na ang ilalim ng kama at hinalughog na ang built in cabinets sa loob pero hindi niya pa rin ito makita. Bago siya pumasok sa bathroom kanina ay nakita nya pa sa ibabaw ng kama ang teddy bear.

"You can't find it here. Itinapon ko na kanina habang nagbibihis ka." Ani Daniel na kapapasok lang ng kwarto.

Nakahubad baro ang lalaki at nakahanda na rin para matulog.

"Ano'ng itinapon mo?" Tanong niya. Distracted sa nakabalandrang katawan ng asawa.

"Your filthy teddy."

"Ha? Anong filthy ka dyan? Hindi ako makakatulog ng wala 'yon, Daniel. Saan mo ba itinapon? Bakit mo itinapon?"

"Simple. I don't want to see you with that thing again. Hug or cuddle me instead. I am your husband not your teddy in the first place."

Napanganga si Abegail. Ano daw? Anong nakain ni Daniel? Parang namamalikmatang sinundan niya ng tingin ang paghiga nito sa kama.

"S-seryoso?" Dudang tanong niya. "Baka naman bali bali na ang mga buto ko paggising ko bukas?"

"You talk a lot, wife." Naiiling na anito. Tinapik pa ang unan sa tabi, inviting her to join him in bed.

"Hindi mo naman ako gagapangin hindi ba?"

Ngumisi si Daniel. That kind of smirk that could turn every women's world upside down.

"I am more worried about you molesting me, Abby. But no. I won't touch you. Maybe not tonight."

Oh. Natunaw na yata ng tuluyan ang tampururot niya. Parang tulog na mantikilya na isinalang sa mainit na mainit na kawali.

Eh kung sabihin nya kayang go sya sa molesting part? Kapag ganito kagwapo at kabango ang lalaking momolestya sa kanya sino ba siya para hindi pumayag?

Not tonight daw. Kahit tonight hindi siya magpapakipot. Pinigil ni Abby ang paghagikhik. Tama ang Nanang niya. Kerengkeng nga siya.

Pigil ni Abby ang singhap nang abutin ni Daniel ang kamay niya at marahan siyang hatakin. Lumanding siya sa tabi nito. Kung hindi lang nakakahiya, gugustuhin niyang mangisay kasabay ng walang hintong tili dahil sa kilig.

"I did not call her. I haven't talk to her since we got married."

"Ha?"

"Paula."

Hindi siya agad nakaimik.

"Eh bakit nagmamadali kang pumasok sa bahay nang sabihin sa'yo ni Tere na tumawag si Paula?"

"Because I was confused. I should've not kissed you that way. Akala ko magagalit ka sa 'kin."

Maryusep. Bakit naman sya magagalit? Magagalit siya kung hindi sya momolestyahin ng lalaki.

Mahabang katahimikan ang sumunod.

"Daniel.."

"Hmmn?""

"Bakit ka nga ba nakahubad noon? Alam mo na.. nung birthday ko.."

"I sleep naked."

"Eh bakit lagi kang naka pyjama simula nang ikasal tayo?"

"I don't want to scare you."

"Scare? Okay lang ako 'no?"

Natawa si Daniel. "You're thinking green again."

"Tao lang ako, mahalay, marupok. Masisisi mo ba ako?"

Hindi sumagot si Daniel. May ngiting nakaguhit sa mga labi nito.

"Abby.."

"Yes?" Kinikilig na tugon niya. Ang sarap lang pakinggan ang paraan ng pagkakabanggit ni Daniel sa palayaw nya. Hindi na buong Abegail for the fist time. Pero teka, mag uumpisa na ba ang molesting part para maihanda niya ang sarili niya?

"Nakipagkita ka ba kay Morgan?"

Disappointed siya sa narinig. Akala pa naman niya magpapaalam ito nahahalikan siya.

Gusto niyang mapailing nang marealize ang iniisip. Siya lang yata ang babaeng hindi na nga momolestyahin, nalungkot pa.

"Nagseselos ka ba sa kanya?"

"I just want to know." Defensive na tugon nito.

"Eh nagseselos ka nga." Giit niya. "Amin na kasi, tayo tayo lang eh."

Napailing si Daniel. "You're crazy, really."

Kung totoong may heaven, sigurado si Abegail nakatapak sya doon sa nakalipas na tatlong araw. Daniel was extra sweet, mas thoughtful at mas palangiti. Sa umaga ay nagigising siyang yakap nito, hinahalikan siya sa mga labi at noo..

He would join her in bed at nagigising siyang nakapaloob sa mga bisig nito. Heaven hindi ba? Lagpas sa haba ng SONA ng Pangulo ng Pilipinas ang buhok niya. Kakabugin pati ang walang hanggang traffic sa EDSA.

"Daniel, 'yong bouquet of red roses, ipapadeliver ko ba sa DM University?" Tanong Eli sa kanya na bumungad sa pinto ng opisina niya.

"Dito sa office mo ipadeliver, Eli. Thanks."

"Birthday ba ni Andrea? Katatapos lang ng wedding anniversary nila hindi ba?"

"Those flowers are for my wife, Eli." Nakangiting tugon niya.

Napangiti din ang may edad ng sekretarya. May isang dekada na rin itong nagtatrabaho sa DM Textile. Nang humalili sya sa pwesto ng Papa niya ay pinili niyang huwag ng palitan ang sekretarya. Kapamilya na rin ang turing nila kay Eli. Masipag at mapagkakatiwalaan ang babae.

"Akala ko, hindi na kita makikitang ganyan kaligaya, hijo."

Kunwari ay kumunot ang noo ni Daniel.

"What are you talking about?"

"You're in love. Abegail's a charmer. Palangiti at mukha namang matinong babae. In fact, unang tingin pa lang alam ko kung gaano sya kaligaya sa pagpapakasal ninyo."

Pinigil ni Daniel ang pagbuntong hininga. She was happy because of his money. Pero iyon nga ba talaga ang dahilan? Sa lumipas na ilang linggo, napansin niya ang lifestyle ni Abby.

Hindi ito bumili ng mga bagong damit at gamit mula sa perang ibinayad niya dito. Ibinigay. Pagtatama at giit niya sa isip. Hindi niya alam kung bakit mabigat sa dibdib niya kapag naaalala niyang pinakasalan lang siya ni Abby dahil sa pera.

Alam ni Daniel na tuloy tuloy ang chemotherapy ng Nanang nito. Nabanggit na rin ni Abby na bayad na ito sa lending na pag aari ni Morgan at ng asawa ng huli. Hindi rin tinanggihan ni Abby ang suhestyon niya na ilipat sa condo unit niya ang pamilya nito.

Masaya siyang makitang masaya si Abegail. Napangiti siya ng hindi sinasadya nang maalala ang hitsura nito nang kusa niya itong yakapin at halikan kanina pag alis niya ng bahay.

"Oh my, I better leave you now. You're daydreaming."

Natawa si Daniel. Wala sa loob na dinama niya ang wedding bond na nakasuksok sa palasingsingan niya habang naiiling na tinungo naman ni Eli ang pinto ng opisina at iniwan siya.

Alam ni Daniel, malala na siya.

Available na po sa mga PPC outlets at National Bookstores nationwide ang "Married to the Clever Queen"

Available din po ito sa phr ebookstore para sa mga kababayan nating nasa ibang bansa.

Hope you could grab a copy po. Thank you so much in advance! :)

La Tigresa