Chereads / Married to the Clever Queen / Chapter 12 - Chapter Eleven

Chapter 12 - Chapter Eleven

Nasa poolside si Abby kasama si Lian nang maging bisita nila si Paula kinabukasan.

Kagaya noong unang beses, humawak agad sa kamay niya si Lian nang makita ang babae.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Napakaswerte mo." Sarkastikong bungad nito.. "Mula sa pagiging yaya, ikaw na ngayon ang tumatayong Ina ng batang 'yan." Ang sabi na tiningnan ng masama si Lian.

Naroon ang babae para mang insulto, iyon ang malinaw na dahilan na nakikita ni Abegail sa pagbisita nito.

"Natatawa ako sa sarili ko kapag naaalala kong napagkamalan kitang girlfriend ni Daniel. Hindi papatulan ng kagaya niya ang ng isang yagit na kagaya mo."

Ngumisi si Abby.

"Dahan dahan ka naman sa panlalait. Kung yagit lang din naman, overqualified ako 'no. Isa pa 'wag mo nang isipin si Daniel. Pumatol na siya sa akin, magdadalawang buwan na nga eh."

Tumaas ang kilay ni Paula. "Hindi ako naniniwalang mahal ka nya. Pinakasalan ka lang nya dahil ikaw ang gusto ng anak nya. Akala mo ba hindi ko malalaman ang totoo?"

Napanood siguro ni Paula ang kumakalat na video sa social media. Iyon ang eksena nilang tatlo ni Reina at Morgan sa  restaurant. Nakuhanan din ng netizen ang saglit na paghinto niya sa harap ng kinauupuan noon ni Daniel.

Bumuo ng istorya ang mga nakapanood ng video. Whirlwind romance daw ang nangyari sa kanila ni Daniel. Isinalba sya ng prince charming nya sa pagkakautang nya at kagaya ng karamihan sa mga love stories, ikinasal silang dalawa.

Pero hindi pa ending, kasi kaharap niya pa hanggang ngayon ang kontrabida at hindi pa siya nakakasampal kahit isa.

Maliban doon, hindi na nito kailangang sabihin na nakapag usap na ito at si Reina.

Nagpakawala kunwari si Abby ng bored na buntong hininga.

"Kahit isang buong araw mong ipamukha sa akin na hindi ako mahal ng asawa ko, hindi ako maniniwala sa 'yo. Sinabi ni Daniel na mahal niya ako, 'yon lang ang paniniwalaan ko."

"Kilala ko si Daniel, Abegail. Kahit sarili nyang damdamin kakalimutan nya mapagbigyan lang ang gusto ng batang 'yan!" Dinuro nito si Lian.

Tinabig niya ang kamay ng babae.

"Huwag mo ngang idinadamay ang bata!"

"Masyado kang mapapel. Kilala ko ang mga kagaya mo, Abegail. Mukhang pera, sinungaling, mang aagaw. Peperahan mo lang si Daniel kagaya ng ginawa mo kay Morgan!"

Sa inis ay itinulak niya si Paula. Napatili ito. Tuloy tuloy ang pagbagsak sa pool. Nagkakakawag ito roon habang paulit ulit siyang minumura.

Napasugod sina Tere at Manang Guia.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Manang Guia.

"Wala ho. Nahulog lang sa pool ang amazona. Wag n'yo hong tulungan, kaya niya yan."

Inakay na ni Abby si Lian palayo sa pool. Oo na, hindi pa sinasabi ni Daniel na mahal na siya nito pero kailangan bang ma-hit siya below the belt? Para na ring ipinamukha sa kanya ni Paulael ang totoong dahilan kung bakit sya pinakasalan ni Daniel. Kahit saang banda tingnan, pinerahan niya ang lalaking mahal bago sila mapakasal. At bumibigat ang dibdib nya tuwing naaalala nyang doon sila nag umpisa.

"Bad yung ginawa ko, Lian. Huwag mong gayahin." Sabi nya sa bata habang papasok sila sa bahay.

Pero kung pwede niya lang ulitin iyon kay Paula, gagawin nya. Ilulublob niya pa ang babae ng bonggang bongga, 'youlng tipong lagot na lagot na ang hininga, makabawi man lang sya.

"Galit ka ba?" Tanong ni Abby kay Daniel habang nanonood ito ng Tv sa loob ng kwarto nila.

"May dapat ba akong ikagalit?"

"Hinulog ko sa pool 'yong babaeng puro lips. Alam mo na, baka lang nasaktan ka.. mahal mo 'yon 'di ba?"

Natawa ng sandali si Daniel sa deskripsyon niya kay Paula.

"Kung mahal ko 'yon, 'di ba dapat mas convenient kung sya ang pinakasalan ko imbes na ikaw?"

"Hindi mo rin naman ako mahal nang pakasalan mo ako ah." Humaba ang nguso niya. "Pinakasalan mo ako para kay Lian."

"At first yes." Sagot nito.

"Ha?"

Ngumiti ito, gusto namang magsommersault ng puso ni Abby. Tumayo si Daniel sa pagkakaupo at tinungo ang pinto ng banyo.

"Umaamin ka na ba na may gusto ko na sa 'kin?" Habol niya.

Lumingon ito sa kanya.

"I can't remember denying it to you, Abby." Ang sagot nito bago pumasok sa loob ng banyo.

Literal yatang tumambling na ang puso nya sa isinagot nito sa kanya. Kinatok niya ang pinto ng banyo. Hindi siya mapapakali hanggang hindi nililinaw ng asawa ang sinabi.

"Daniel! Ulitin mo! Ano 'yong sinabi mo?"

Tawa lang ang isinagot nito sa kanya mula sa loob.

"Daniel! Gigibain ko itong pinto!" Katok uli.

"I said I love you." Malakas na sabi ni Daniel.

Abot hanggang tainga ang ngiti ni Abby. Patalon niyang ibinagsak ang sarili sa kama at saka paulit ulit na nagpagulong gulong habang impit na nagtitili. Mahal sya ni Daniel!

Saka bumukas ng pinto at iniluwa si Daniel na nakapagpalit na ng pajama.Nakahalukipkip ito, aliw na aliw sa kanya. Caught in the act ang pag aacrobatic nya. Nahinto sya sa ginagawa, pahiyang pahiya.

"If only I knew that those three words will make you this happy, matagal ko na sanang sinabi."

Tinakbo ni Abby ang lalaki at mahigpit na niyakap sa gulat nito.

"Mahal kita, Daniel. Sobra sobra. Sabi ng Tatang ko kasing laki lang ng kamao ko ang puso ko. Okay lang, ikaw lang naman kasi ang pipilitin kong pagkasyahin dito."

♥ ♥

Araw ng Byernes. Sinulyapan ni Abby si Daniel na nakaupo sa tabi niya. Kahapon sila dumating sa Bicol sakay ng pang umagang flight mula Maynila patungong Legazpi. Ngayon ay sakay naman sila ng nirentahang Van mula sa bahay nila sa Sto Domingo patungo sa Cagsawa Ruins.

Kasama sa Van ang mga magulang ni Daniel na parehong unang beses pa lang nakarating sa Albay. Kasama din nila ang dalawa kapatid ni Abby at tatlong pamangkin. Hindi na sumama pa sina Dario at Remedios.

"Quit staring." baling ni Daniel sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya.

"Kung saan saan na kasi napupunta ang isip mo eh katabi mo lang ako." Biro niya.

Inalalayan siya ni Daniel sa pag ibis sa sasakyan nang marating nila ang Cagsawa Ruins. Nagkukumahog sa pagbaba ang tatlong pamangkin nya. Hindi nalalayo ang edad ng mga ito kay Lian.

"Nagpapakita na rin sya sa wakas." Aniya na itinuro sa asawa ang Mayon Volcano na bahagya na lang natatabunan ng mga ulap.

"Hindi ko alam na ganito kaganda ang Mayon, Abby."

"Kagaya ng hindi mo inaasahan kung gaano ako kaganda, hindi ba?" Nakangising sabi niya.

Nilingon siya nito. "You are beautiful." Sinserong sabi nito.

Lalong lumapad ang ngisi nya. "Mala diyosa." sabi niya sabay kindat. "Walang duda."

Natawa si Daniel. Pareho silang napilitang lumapit sa mga kasamang nasa harap ng Ruins nang magyaya ang mga ito ng picture taking.

"Hindi ko alam na kumakain ka ng ganitong klaseng ice cream." Nakangiting sabi ni Abby kay Daniel. Natutuwa siyang pagmasdan na maganang kumakain ng chili flavored ice cream si Daniel.

"My first." Anito na akmang susubuan sya ng ice cream.

Puwede bang mamilipit habang gumugulong sa kilig? Ilang araw na siyang busog sa atensyon ni Daniel pero hindi pa rin sya nakaka get over.

"You like it?" Tanong nito.

"Kapag ibang lalaki ang mag aalok, malamang ay hindi."

"May ice cream ka sa bibig."

"Ha?"

"Here, let me wipe it."

Awtomatikong inilapit nya ang mukha sa asawa. Pero ganun na lang ang pagkagulat nya nang bigyan siya nito ng mabilis na halik sa mga labi.

"I've been dying to do that since yesterday." Nangingislap ang mga matang sabi nito.

"Bakit di mo agad sinabi? May privacy naman sa likod bahay namin. Kahit ilang kiss, kahit paulit ulit, okay lang sa akin."

Totoo iyon. Kagaya ni Daniel, na miss niya rin ang mga ganoong lambingang. Sa bahay kasi na minana ng Tatang nya sila tumuloy pagdating nila sa Bicol kahapon. Dahil dalawa lang ang kwarto sa bahay na iyon, mas pinili nila ni Daniel na ibigay sa Nanang nya ang kwarto at matulog sila sa sala kasama si Lian at ang dalawang maligalig niyang kapatid.

Ang isa pang kwarto ay inukopa ng mga magulang ni Daniel na inaalala nyang hindi makakatulog dahil sa init. Pero taliwas sa inaasahan nya ay nakatulog ang mag asawa, mas mahimbing pa kaysa sa tulog niya.

Naging instant ka-close ni Daniel ang mga pinsan niyang lalaki. Kagabi nga ay nagyaya ng inuman sina Ringgo at Max na pinagbigyan naman ng asawa. Hindi sya mapakali nang gabi na ay nakikipag inuman pa sa bahay ng pinsan niya si Daniel. Nakampante lang siya nang marinig nya ang boses nito habang inaalalayan ni Max. Nalasing si Daniel.

Nagulat pa siya nang yakapin siya ng mahigpit ng asawa pagkakita sa kanya. Nakayakap ito sa kanya hanggang magising siya kinabukasan. Nang umagang iyon ay good mood pa rin si Daniel, extra sweet at mas showy sa panaka nakang paghalik sa kanyang noo, sa pisngi, sa tuktok ng ulo niya.. sa pagsasabing mahal sya nito. Quotang quota siya sa kilig ng araw na 'yon.

"Thank you, Daniel." Nakangiting aniya na umabresee sa asawa.

Napapansin niyang panay ang sulyap ng mga babaeng napapadaan sa harap nila. Kinikilig habang nakatingin kay Daniel.

Nilingon siya nito. "For the kiss?"

"Thank you dahil pumayag kang magbakasyon dito kasama ako at ang pamilya ko. Kahit hindi maganda, malaki at komportable ang bahay namin kumpara sa bahay mo sa QC."

"I love you. Kung saan ka masaya, kung saan mo gusto, nandoon din ako."

Tuluyan siyang sumandal sa balikat ni Daniel. Sana wala ng hanggan ang kaligayahan nya, kahit halos wala na siyang paglagyan niyon.

Nagdesisyon na silang umuwi nang matapos magsawa sa pag iikot, pamimili ng souvenir, food tripping at picture taking. Hapon na rin at nag uumpisa ng kumulimlim. Siguradong uulan na naman. Parating umuulan nitong nagdaang dalawang araw.

Kabababa lang ni Abby sa sasakyan nang makita niya si Morgan. Kausap nito ang pinsan niyang si Ringo. Nag iwas ng mga mata si Morgan kay Daniel at sa kanya lang tumingin. Mukhang maaliwalas ang mukha ng kaibigan ngayon.

"Morgan." Bati niya. "Hindi ko alam na umuwi ka rin."

"Nauna lang ako sainyo ng ilang araw. Pabalik na rin ako sa Maynila mamayang gabi. Nakasalubong ko kasi si Ringgo, nabanggit niyang nandito kayo kaya pumunta na rin ako para bumisita."

"Ah. Mag isa ka lang? Hindi mo kasama ang Misis mo?"

"Niyaya ko syang sumama pero hindi ko napilit. Baka sa susunod na pag uwi ko dito sa'tin kasama ko na sya."

Tumikhim si Daniel.

"Ay oo nga pala. Daniel si Morgan. Morgan si Daniel, ang asawa ko." Sa wakas ay naalala ni Abby na ipakilala ang dalawa.

Ngumiti si Daniel nang tanggapin ang pakikipagkamay ni Morgan. Si Morgan ay halatang naiilang pang tumingin kay Daniel.

"Pumasok kaya kayo sa loob. Papapakin kayo ng lamok dyan." Si Mang Dario na sumungaw sa pinto ng bahay.

"Magpapaalam ba rin ako, 'Tang. Dumaan lang talaga ako para makita ko kayo." Paalam ni Morgan.

Naunang tinungo ni Daniel ang balkonahe pero hindi tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Pinagmamasdan lang sila ni Morgan. Kung ano ang naglalaro sa isip ay hindi niya alam.

Bumaling sa kanya ang kababata. Dama nyang naiilang ito sa presensya ng asawa nya.

"Nakikita kong masaya ka na." sabi nito.

"Mahal ko si Daniel, Morgan."

"Mahal ka ba niya?"

"Sabi niya."

Bumuntong hininga ito. Pinasigla ang mukha at boses. "I wish you all the best then."

Ngumiti siya. "Bigyan mo ng chance si Reina. Nagseselos siya sa'kin dahil mahal na mahal ka nya."

"I know." he laughed. "Masyado lang din kasi akong umasa na pagdating ng panahon ay magiging tayo pa rin kaya hindi ko makita ang mga kabutihan nya. Kahit dalawang beses mo aking binasted noon, asang asa pa rin ako. Buti na lang, nag asawa ka na. Nahinto na ang ilusyon ko sa 'yo."

Natawa siya. "Sira."

"Nagkausap na kami ni Reina bago ako bumyahe, Abby. Niyaya ko syang magbakasyon sa Paris sa susunod na linggo. We'll start all over again.. to somehow rekindle an old flame." Ngumiti ito.

"Ipagdarasal kong maging maligaya na kayo, Morgan."

"Salamat. Magpapaalam na rin ako, Abby. Mag iimpake pa ako."

Bago pa nakasagot si Abby ay nakita niya ang mabilis na paglapit ng isang babae. Hinablot agad nito ang buhok niya sa pagkabigla ng lahat ng naroroon. Napatili siya. Si Paula!

To be continued..

Available na po sa mga PPC outlets at National Bookstores nationwide ang "Married to the Clever Queen"

Pwede rin pong um-order on line sa www.preciousshop.com.ph

Hope you could grab a copy po. Thank you so much in advance! :)

La Tigresa