Chereads / Married to the Clever Queen / Chapter 13 - Chapter Twelve

Chapter 13 - Chapter Twelve

"Malandi kang babae ka! Gold digger! Mang aagaw!" Nanggagalaiting sigaw ni Paula habang sinasabunutan si Abby.

Pakiramdam niya mabubunot nito lahat ng buhok sa anit niya sa panggigigil. Kaliwat kanan din ang ginagawa nitong pagsampal sa kanya. Kung hindi niya maagap na nasasalag ang sampal, siguradong tatalunin ng pamumula ng pisngi niya ang hinog na kamatis sa farm ng Del Monte Corp sa Amerika.

Mabilis na nakalapit si Daniel. Nagawa nitong paghiwalayin sila. Pilit nitong ginagawang pananggalang ang sarili para hindi siya abutin ng sipa, kalmot at hablot ni Paula.

Si Morgan na saglit na naestatwa ay nagawang hulihin ang baywang ni Paula para ilayo sa kanya.

"Ito ang sinasabi ko sa'yo, Daniel! Harap harapan kang pinependeho ng asawa mo! Nakita mo na, tama ako! Pinlano nila itong dalawa! Binalaan ka na ni Reina! Binalaan kita! Magkikita at magkikita sila dito!"

Shocked pa rin si Abby kagaya ng mga tao sa paligid nila pero rumerehistro sa isip niya ang lahat ng mga sinasabi ni Paula. Tiningnan nya ang asawang namumula ang mukha sa galit... sa kanya? Nagtatagisan ang mga bagang ni Daniel habang pinaglipat lipat ang tingin sa kanila ng babaeng nagwawala.

Hindi nya alam kung paanong nalaman ni Paula ang address ng bahay nila o kung kailan pa sa bayan nila ang babae. Pero kung kilala nito si Reina, malamang ay ang huli ang nagbigay dito ng lokasyon nila.

"Daniel.." anas ni Abby.

"Umalis ka na, Paula." Utos ni Daniel sa mariing tinig. Hindi sya nililingon.

Mukhang natauhan si Paula sa nakitang galit sa mukha ni Daniel.

"D-Daniel. Niloloko ka lang ng babaeng 'yan.."

Lalong naiyak si Abby. Gusto niyang mag explain kay Daniel pero walang boses na lumalabas sa bibig niya.

"D-Daniel please.. hindi ka pa rin ba naniniwala? Nasa harap mo na mismo ang katibayan!" pumiyok ang boses ni Paula. Hindi makapaniwalang balewala sa lalaki ang sinasabi nito. "Hindi ako makapaniwalang nabilog niya na ang ulo mo ng babaeng 'yan! Pinlano niya ang lahat para maagaw ka nya sa akin!"

"I was never yours, Paula. Wala siyang inaagaw sa'yo." Nakatiim ang mga bagang na sabi ni Daniel.

"Oh my God, Daniel! Hindi ka nababagay sa babaeng kagaya ng babaeng 'yan!" Pumiksi si Paula sa hawak ni Morgan. Luhaang nagtatatakbo ito palabas ng bakuran nila.

Sumakay ang babae sa nakaparadang kotse nito sa di kalayuan at pinaharurot iyon paalis.

Walang patid sa pag agos ang luha ni Abby. Hindi dahil masakit ang anit nya o ang kalmot ni Paula sa kanyang leeg kundi dahil natatakot syang pinaniwalaan ni Daniel ang mga sinabi ng babae. Kailan nagkita sina Daniel at Reina? Ibig bang sabihin alam ni Daniel na uuwi din si Morgan sa Sto Domingo at hinuhuli lang siya ng asawa?

"Are you alright? Are you hurt?" Nag aalalang tanong ni Daniel, pero may bahid ng galit sa mga mata nito habang sinisipat ang kanyang mukha. "Damn woman. Ang haba ng mga kuko." galit na sabi nito. "May kalmot ka sa leeg at nagdudugo."

Ito man ay may mga bakas din ng kalmot sa leeg at braso. Tinalo pa ni Paula si Catwoman sa tulis ng mga kuko.

"Daniel.."

Napamura ito nang makitang umiiyak na sya. Ang mga kamag anak nila na nasa paligid ay kanya kanyang alisan para bigyan sila ng privacy.

"Please don't cry.." nakikiusap na sabi nito saka siya kinabig palapit sa dibdib nito.

Lalong napaiyak si Abby. Nagkita sina Reina at Daniel at hindi niya alam ang pinag usapan ng dalawa. Bakit hindi iyon sinabi ng asawa sa kanya?

"Linisin natin 'yan at baka ma impeksyon."

"Hindi ka galit sa akin?" Garalgal ang boses na tanong niya. "Hindi totoong magkikita kami dito ni Morgan. Hindi ko alam na pupunta siya. Wala kaming relasyon, maniwala ka."

"Totoo ang sinasabi niya, Mr De Marco, magkaibigan lang kami.." sabi ni Morgan. "Ako na mismo ang humihingi ng pasensya.. kung mayroon mang kinalaman si Reina sa nangyari."

Hindi sumagot si Daniel.

"Daniel please maniwala ka sa'min.."

"Alam ko."

"Alam mo?"

Napansin ni Abby na tumalikod naΒ  si Morgan at iniwan sila. Naramdaman siguro nito na kailangan na nila ng privacy.

"I did some research nang araw na makipagkita sa akin si Reina at balaan ako ni Paula. Na interview ko na rin ang mga pinsan at kapatid mo. Sinabi nilang matagal na kayong magkaibigan. Na nanligaw si Morgan sa'yo nang tumuntong na kayo ng College at sa Maynila na nag aaral. Pero binasted mo siya, dalawang beses sa loob ng dalawang taon."

"Kami lang ang nag iisang kakilala ni Morgan sa Maynila, Daniel. Kaya kahit siguro dalawang beses ko syang binasted madalas pa rin sya sa bahay namin. Hanggang sa ibalita nya na ikakasal na siya anak ng Boss niya. Hanggang ngayon pagkatapos ng mahigit dalawang taong pagsasama nila sa iisang bubong, hindi pa rin sila nagkakaanak. Hindi magbubuntis kahit kailan si Reina, Daniel. Kaya siguro ganoon na lang ang insecurity niya. Palagi siyang nakabantay kay Morgan, palaging nagdududa at nagseselos. Siguro nasabi ni Morgan sa kanya na dati siyang nanligaw sa akin, kasi kung hindi, bakit galit na galit sya sa akin?"

"Morgan still loves you, can't you see?" sabi ni Daniel "Yon ang dahilan kung bakit bumabalik at bumabalik pa rin si Morgan sa bahay nimyo kahit binasted mo na siya. Hindi dahil wala siyang pamilya sa Maynila, kundi dahil mahal ka pa niya."

Hindi siya nakasagot. Ganoon nga kaya? Kaya ba ikinukumpara siya ng kaibigan sa asawa at hiniling pa sa harap niya na sana ay siya na lang si Reina?

"Bakit pumayag kang tumuloy tayo rito kahit sinabi pala sa'yo nina Paula at Reina na uuwi din si Morgan? Kailan kayo nagkausap?" tanong niya.

"No'ng pumunta kayo ni Lian sa opisina, kakaalis alis lang ni Reina. Tinawagan din ako ni Paula para balaan ako tungkol sa'yo. Nagtatalo ang isip at puso ko kung kanino ako maniniwala. Sa kanila o sa pinaparamdam mo sa akin.. Pumayag akong pumunta tayo rito because I want to make you happy, Abby. Kahit kainin ako ng buhay dahil sa selos kay Morgan for as long as it will make you happy, okay lang."

"Totoong mahal mo ako?" Nagpunas siya ng luha.

Ngumiti si Daniel. "I keep telling myself I will never fall in love with you, Abby. Pero tuwing nagigising ako sa umaga at katabi kita, I can't help but look forward for more and more years with you. I know in my heart I have fallen in love with you, hindi ko lang matanggap noong una sa sarili ko pero espesyal para sa akin ang bawat umaga makita lang kita sa tabi ko. Something I have never felt in any woman before."

"Kahit kay Faith?"

"Yes. Not even with her." Sinserong sagot nito.

Nangilid ang mga luha niya. "Mahal kita, Daniel. Kung itatanong mo kung kailan pa, matagal na. Matagal na matagal na."

"I believe you, Abby. ."

Yumakap siya sa asawa nang may maalala.

"Sandali lang." Pumasok sya sa bahay nila at kinuha ang bag nya na nakalagay sa cabinet.

Nagtatakang sumunod sa kanya si Daniel.

"Ano 'to?" Tanong nito nang iabot niya rito ang isang nakatuping papel.

"Deposit slip. Nasa account mo iyong isang milyon. Dineposito ko nung araw na magpunta kami ni Lian sa opisina mo."

"But why?"

"Dahil hindi ko naman kailangan. Sapat na sa akin yong nabayaran ko na 'yong utang ko sa loan at matapos 'yong chemo ni Nanang. Wala naman na akong mahihiling pa, Daniel. Sobra sobra na ang blessings na dumating sa akin simula nang dunating ka sa buhay ko. Kayo pa lang ni Lian, sobra sobra na."

Mahigpit siyang niyakap ni Daniel.

Pagkatapos ay mariin siyang hinalikan sa mga labi. Sinapo nito ang mukha niya at pinagdikit ang mga noo nila.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, Abby."

"Dahil ibinalik ko sa'yo ang pera?" Biro niya.

Natawa ito. Niyakap sya uli bago tumitig sa kanyang mga mata. "Will you marry me again and promise to stay with me and love me forever, Abby?"

"Hindi ako makapaniwalang itinatanong mo yan sa 'kin." Naiiyak na naman si Abby. Overwhelmed pa rin sa mga naririnig mula sa asawang noong una ay inakala niyang sagot lang sa problema niya sa pera.

"Syempre oo. Kahit ilang beses akong mangako sa harap ng Dyos at sa harap ng maraming tao, hindi ako mapapagod."

"I have a confession to make then." Anito na nagpakunot ngΒ  kanyang noo. "The day na nagtitili ka dahil nagising kang magkatabi tayo.." ngumiwi ito..

Nanlaki ang mga mata nya. Nagkahinala.

"Pinikot mo 'ko?"

Tumawa si Daniel. "Silly. I was also drunk then at madilim pa kaya hindi ko talaga napansin na may nakahiga sa kama. Nang magising ako mag uumaga na, nakayakap ako sayo at nakahiga ka sa dibdib ko sleeping peacefully. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o iisipin but I stared at you for a while. Habang tinititigan kita, nai imagine ko ang sarili kong kasama kang tumatanda..."

"Awww..Sweet.." narinig nilang sabay sabay na sabi ng mga kamag anak nilang nakikiusyuso, nakikishare ng kilig.

"Gigisingin sana kita pero bigla kang kumilos. Nagpanic ako. Tumalikod agad ako sayo. Nagtititili ka kaya nagpanggap na lang akong bagong gising at galit."

Naghuhugis puso ang mga mata ni Abby sa confession ng asawa.

"Hindi mo talaga ako gustong i-fire no'n no? Kaya inalok mo 'ko ng kasal! Sabi ko na nga ba!"

"Yes. Tuwing pumupunta ako sa DM University noon, umaasa akong makita ka. I look forward to seeing you again, kaysa masundo at maihatid sa bahay nila si Faith. Noon pa lang, alam kong attracted na ako sa'yo, Kahit hindi mo kabisado ang kanta ni Cristina Aguillera, bilib na bilib ako sayo." Bahagya itong tumawa. "And then after six years, nagkita tayo ulit. Maliban sa gusto ka ni Lian, mysterious ka para sa akin. Nang alukin kita ng kasal, I thought there was no feelings involve, yet. Sabi ko para lang talaga sa anak ko. Ang sabi ko sa sarili ko walang mawawala sa akin, hanggang magising na lang ako isang araw na gusto kitang yakapin, halikan.. ariin na totoong akin.."

"Oh Daniel..."

Hindi na nagreklamo pa si Abby nang lapitan siya ng asawa at kabigin para gawaran ng makapugtong hiningang halik sa mga labi.

"Thank you for making me smile and for for teaching me to fall in love again. I love you, Abegail. Very much." Ang sabi nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.

And they kissed again and again and again kahit hanggang marinig na nila ang malutong na Hesusmaryusep ng Nanang nya at ang malakas at halos sabay na 'eherm' ng Tatang niya at ng Papa ni Daniel.

END

β™₯

Available na po sa mga PPC outlets at National Bookstores nationwide ang "Married to the Clever Queen"

Pwede rin pong um-order on line sa www.preciousshop.com.ph

Hope you could grab a copy po. Thank you so much in advance! :)