"Is Mr De Marco in?" Tanong ni Reina sa babaeng nakapwesto ang cubicle sa labas ng private office ng Presidente ng DM Textile.
"If you were referring for the younger De Marco, he's busy right now. May appointment ka po ba, Miss..?"
"Torrecampo." Pagsu-supply nito ng detalye. "I'm looking for Mr Daniel De Marco, of course. Wala akong appointment, I don't need one. Importante ang sadya ko sa boss mo. I am willing to wait until he becomes free." Masungit na dugtong nito.
Bahagyang tumikwas ang kilay ni Eli.
"I am very sorry Ms Torrecampo but as I said busy po si Daniel ngayon. You may.."
"Gaya ng sabi ko rin maghihintay ako hanggang matapos sya sa ginagawa niya. I can sit in the couch can't I?" Tanong nito na tinungo ang couch at hindi na hinintay ang sagot ni Eli.
"Yes, of course." Mahina namang ani Eli, halos sarili na lang ang nakarinig.
Siyang pagbukas ng pinto ng President's Office at iniluwa si Daniel. Napansin niya agad ang babaeng kampante na sanang nakaupo sa couch.
Kumunot ang noo niya. The raging woman from the restaurant, ang asawa ni Morgan.
"Mr De Marco..."
"Reina Torrecampo, right?"
"I'm not sure if we have met before but yes. I'm Reina." Inabot nito ang kamay sa kanya para sa handshake. Nadagdagan ang confidence dahil naalala ito ng kaharap.
"I am pleased to meet you, Ms Torrecampo."
"Reina na lang. May gusto akong ipakipag usap sa'yo kung hindi ka busy." Ang sabi na nang iinis na nilingon si Eli na nakamata lang.
Tiningnan ni Daniel ang oras sa suot niyang relos. "I can only give you ten minutes, Miss."
Pinapasok niya sa opisina niya ang babae na nag iwan pa ng irap sa sekretarya. Naiiling na nginitian niya si Eli. Pula ang suot na dress ng babae. Pula ang kulay ng mga labi at kuko. In her early thirties. Kumikislap ang suot na diamond earrings at singsing. Kung gaano kasimple ang asawa nya, ganun naman ka mamahalin ang kaharap niya.
Ipinilig niya ang ulo. Bakit niya ba ikinukumpara ang asawa kay Reina? Agh, ginagawa niya na yun umpisa nang alukin niya ng kasal si Abby para ma turn off siya dito at mawala na ang weird na pagkakagusto niya dito.
Unfortunately, the best si Abby sa paningin niya. Walang nakakatalo kay Abby kahit anong subok niya.
"Those photos in the internet and magazines didn't give you justice at all. Hindi ko inaasahang mas gwapo ka sa personal, Mr De Marco."
Hindi siya umimik. If the woman's trying to flirt with him, he can't tell. Pero kung pagbabasehan ang malagkit nitong tingin sa kanya kanina malamang, oo.
Tumikhim siya. "What can I do for you, Reina?"
May palagay siya kung ano ang sadya nito sa kanya. Pero mas gusto niyang manggaling muna sa bibig nito iyon bago siya magsalita.
Doon parang natauhan si Reina. Naalala ang sadya. Naka cross legs na naupo ito sa visitor's chair sa tapat ng desk niya.
"I've heard you married Abegail Macapagong almost two months ago."
Hindi siya sumagot.
"How long have you known your wife, Mr De Marco? Do you really even know her?" May halong sarkasmo na tanong nito.
"I won't marry her if I know nothing about her."
Sumeryoso ang mukha ni Reina. "Oh well, Mr De Marco you're wife is my husband's other woman and I want you to tell her to stop messing with Morgan o hindi ko siya titigilan."
Tumiim ang bagang niya.
"Childhood sweethearts sina Morgan at Abby, Mr De Marco. Alam ko ang tungkol sa matagal na nilang relasyon sa likod ko. Lagi silang nagkikita kahit noong ikinasal na si Morgan sa akin. That Abegail is immoral and a goddamn gold digger. Ginamit ni Abegail ang sarili niyang katawan para makapagloan.."
"You've insulted my wife more than enough Mrs Torrecampo. Please leave." putol ni Daniel sa tinig na may halong warning. Ang mga kamay na nakasuksok sa bulsa ng slacks ay mahigpit na nakakuyom.
Hindi niya alam kung ano ang unang iisipin o mararamdaman. Pero isa lang ang sigurado niya, naninikip ang dibdib niya sa naririnig na insulto ng babae sa asawa niya. Kung lalaki lang ang kaharap nya kanina nya pa ito nasapak.
"Hindi mo pa naririnig ang lahat, Mr De Marco. Walong minuto pa lang ang nagagamit ko. Mayroon pa akong dalawang minuto." Matalim ang tingin na ani Reina bago umahon sa kinauupuan.
"Nakipagkita sa asawa ko ang asawa mo nung isang araw. Maniwala ka man o hindi, malandi ang asawa mo."
"Hindi mo naman siguro ini expect na tatayo lang ako rito habang kinukutya mo ang asawa ko sa mismong harapan ko, hindi ba, Mrs Torrecampo?"
"Mr De Marco.."
"Leave at once."
Natigilan si Reina. Napansin na ang galit sa mukha niya. Lumunok ito bago tinungo ang pinto. Hawak na nito ang doorknob nang lumingon sa kanya.
"Nagpaalam si Morgan na uuwi sa Bicol ngayong weekend. Huwag kang magtataka kung magpapaalam din ang asawa mo. They will surely meet there. Just a friendly reminder, though. Siguraduhin mong worth it ang babaeng pinakasalan mo bago mo siya ipagtanggol..."
Mapait pang ngumiti ang babae. "Halos pareho lang tayo ng pinagdadaanan, Mr De Marco. Pareho tayong inaagawan. Parehong posibleng mawalan."
May ilang minuto nang nakakalabas sa opisina niya ang babae pero saka pa lang kumilos si Daniel. Ibinagsak niya ang sarili sa swivel chair. Mahal niya na si Abby, sigurado siya.
Kung hindi ay hindi sana ganun kasakit ang nararamdaman niya. He was jealous and hurt knowing Abby lied to him. Pero nagsinungaling nga ba ito talaga sa kanya?
Nang tanungin nya ang asawa kung nakipagkita ito kay Morgan, hindi naman sya direktang sinagot nito ng oo o hindi. She instead asked him if he was jealous with Morgan. Kaya hindi niya pwedeng sabihing nagsinungaling ito sa kanya.
May relasyon nga ba ito at si Morgan maliban sa pagiging magkaibigan? Magwawala ba at mag eeskandalo si Reina sa restaurant noon at susugod pa sa opisina niya ngayon kung wala itong pinaghuhugutan?
Pero hindi ba at dama niyang mahal siya ni Abby? Sa mga titig nito at ngiti sa kanya... sa maliliit nitong kilos na nagpapaligaya sa kanya. Tinulungan siya nitong mabuhay ulit.. maniwalang totoong may happy ever after kahit sa tulad nyang hindi gaanong naniniwala sa forever.
Dati ay umiikot lang ang mundo niya sa anak at sa trabaho niya. Pero nang dumating si Abby, excited siyang matulog sa gabi para mayakap niya ito at matitigan hanggang gusto niya.
He looks forward to every morning with her. Magisnan ito sa tabi niya at mahalikan ito..
Nang pakasalan niya si Abby, lahat naging madali para sa kanya. Sa isang bagay lang naman siya nahirapan.. Sa pagtikis sa damdamin niya.
Pagkatapos kung kailan niyakap niya na ang katotohanang mahal niya na ang asawa, dumating si Reina para magpatunay na walang babaeng kayang magiging faithful sa kanya.. Kagaya ni Faith.
Nakatakda na silang ikasal noon. Mahigit dalawang taon na rin naman silang mag on. Hanggang aminin nito sa kanya ang relasyon nito sa isa sa mga co teacher nito sa DM University. Dahil nagi guilty, lingid sa kaalaman ng nakararami ay kusang umatras sa kasal ang babae.
Gusto niya pa ring ituloy ang kasal alang alang sa batang nasa sinapupunan nito. Pero dahil lumalaki na ang tyan ni Faith, ipinagpaliban nila ang kasal hanggang sa makapanganak ito. Nang mawala si Faith hindi niya alam kung paano mag uumpisa ulit. Minahal nya ang babae. Kaya nga kahit alam niyang niloko siya nito, pinili pa rin niyang ituloy ang kasal.
Si Lian ang dahilan kung nakapagmove on sya agad. Nagawa nyang magpatawad. Ipinangako niya sa sariling hindi ito pababayaan. Faith and Abby. Pareho nyang minahal ang dalawa. Pero mas masakit di hamak kung mapapatunayan nyang niloloko siya ng asawa.
Napaungol siya. Nasapo ang sariling ulo. Syang pagtunog ng direct line niya. Wala sa loob nyang dinampot ang receiver. Si Paula ang nasa kabilang linya.
♥
"Hi, Eli." Maluwang ang ngiting bati ni Abby kay Eli na nagulat nang makita siya. Nakakapit sa suot niyang blusa si Lian.
"Abby, Lian!"
Humalik sa pisngi ni Eli ang bata.
"Paganda ka ng paganda." Anito sa kanya.
"Hindi ko pa inaabot ang suhol ko, binola mo na 'ko." Natatawang sabi niya. Ibinigay niya ang box ng doughnuts dito. "Hindi ka naman diabetic, hindi ba?"
"Aba'y hindi. Bata pa ang lola mo para magkasakit."
Natawa siya.
"Hala, pasok kayo sa loob habang inuunti unti ko itong doughnut."
"Hindi ba busy ang dragon?"
"Kahit nasa gitna ng meeting 'yon, I'm sure ititigil nya para sa inyo."
Maluwang siyang napangiti. Sinenyasan niya si Lian na huwag gumawa ng ingay bago sila pumasok sa opisina ng Daddy nito.
Naabutan nilang nakasandal sa swivel chair si Daniel. Nakapikit ang mga mata nito. He was wearing his glasses pero kataka takang hindi nakabawas iyon sa ka-machohan ng asawa.
"You forgot to knock, Eli."
"Lalabas pa ba kami para lang pumasok uli pagkatapos naming kumatok, Mr Daniel De Marco?"
Awtomatikong nadilat ng mga mata si Daniel.
"Abby?" Napatuwid ito sa pagkakaupo.
"May inaasahan ka pa bang iba?" Ngiti niya.
"Hi, Daddy." Si Lian na tinakbo ang ama.
"Hello, Brave." Hinalikan nito ang anak sa noo.
Akmang mauupo siya sa visitor's chair na nakapwesto sa tapat ng desk ni Daniel nang mapansin niya ang bouquet ng pulang rosas sa ibabaw ng desk nito.
"May umakyat ba ng ligaw sa'yo?"
Sinulyapan ni Daniel ang tinitingnan niya.
"That is actually..."
"For me?" Gagad niya, naka crossfingers na naman pati ang mga daliri niya sa paa.
Nang lingunin nya ang asawa ay ngumiti ito sa kanya.
"Yeah. For you."
Hindi niya pinigil ang maluwang na ngiti. Dinala niya sa ilong ang bulaklak. Nang mag angat siya ng tingin saka niya pa lang mapansin na matamang pa rin itong nakatitig sa kanya.
"Okay ka lang ba?"
"Yeah.. I was just thinking... don't I deserve a kiss for that?" Inginuso nito ang bouquet.
Nakangiti ang lalaki pero bakit parang hindi iyon umaabot sa mga mata nito? Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya.
Kinuha nito ang magkabila nyang kamay at iginiya siya patayo. Tumingkayad siya para humalik sa pisngi ni Daniel pero maagap na nahawakan ni Daniel ang baywang niya at binigyan siya ng mariing halik sa mga labi.
Napapikit siya kasabay ng pagkapit ng mga kamay niya sa leeg ng asawa. Ibinuka niya ang mga labi at sinalubong ang halik ni Daniel sa kanya. Hindi siya sigurado kung gaano katagal ang halik, ang alam niya lang ay eighty twenty ang chance na mamamatay sya sa kilig.
"I will buy you flowers every minute of everyday if I got to kiss you like this, Abby." Bulong nito nang maghiwalay ang mga labi nila.
Magkahinang pa rin ang mga mata nila habang nakayapos pa rin sa baywang niya si Daniel.
"Kung hahalikan mo ako everytime na papasok ako sa opisina mo, kahit buong araw akong labas-masok sa pinto, kakayanin 'ko."
Natawa na si Daniel. Kinantalan sya ng mabilis na halik sa noo. "What brought you here?"
"Maliban sa nami miss kita.. ahm, malapit na ang birthday ni Lian hindi ba?"
Kumunot ang noo ni Daniel. "Yes."
"Baka lang gusto mong sa probinsya namin icelebrate ang birthday nya for a change. Kasama sina Mama at Papa at ang pamilya ko sa weekend. Matagal na rin kaming hindi nakakauwi sa Bicol."
Hindi agad nakasagot si Daniel. Bahagyang natigilan. Umaalingawngaw ang tinig ni Reina sa magkabila niyang tainga, maging ang warning sa kanya ni Paula.
"Will that make you happy?"
"Oo. Pero kung may iba kang idea pwede naman kahit saan mo gusto as long as kasama ko kayo."
"No. It's okay. Ipapaayos ko kay Eli ang schedule ko."
"Yey!" Excited na bulalas niya. "Hindi na ako makapaghintay na ibalita kina Nanang."
'And Morgan...' sa isip ay dagdag ni Daniel. He managed to fake a smile. Hurt and jealous at the same time. Pero kung ang pag uwi sa Bicol at pakikipagkita ng asawa kay Morgan ang makakapagpaligaya dito, sino ba siya para ipagdamot iyon?
Sa totoo lang wala naman siyang karapatan kay Abegail. Sa papel lang sila mag asawa. He paid for her to marry him. Pero hindi nya naman pwedeng saklawan ang damdamin ng asawa. If he can make her fall in love with him in the process para makalimutan nito si Morgan, mas masaya.
Pero kung hindi? Hindi nya gustong sagutin ang huling tanong. Isipin pa lang nya, umaangal na ang buong sistema niya.
Sinulyapan niya ang asawang nakikipaghuntahan sa anak niya pagkatapos ay bumuntong hininga. Tiyak niyang malilinawan siya oras na umuwi sila sa probinsya nito sa Bicol.
♥ ♥
Available na po sa mga PPC outlets at National Bookstores nationwide ang "Married to the Clever Queen"
Available din po ito sa phr ebookstore para sa mga kababayan nating nasa ibang bansa.
Hope you could grab a copy po. Thank you so much in advance! :)
La Tigresa