Chereads / Married to the Clever Queen / Chapter 7 - Chapter Six

Chapter 7 - Chapter Six

Napamaang si Abby. "A-anong kasal?"

Joke ba 'yon? Kanina lang ay gusto sya nitong sesentehin dahil akala nito ay pinlano nya ang lahat ng yun, pagkatapos ngayon..? Ah, joker nga ang Amo.

"You heard me right, Abegail."

Naguluhan sya. "May gusto ka sa akin?"

Hindi sumagot ang lalake, amused na nakatitig lang sa kanya.

"Eh bakit mo ko pakakasalan?" tanong nya.

"You need my money and I need you for my son. We need each other."

Ganun lang ba kasimple ang lahat? "Paano kung hindi ako pumayag na pakasal sa'yo?"

"Which I doubt. But to answer that, mawawalan ka ng trabaho at ni singkong duling wala kang matatanggap mula sa akin maliban sa tatlong araw mong sweldo."

"Unfair naman yata yan, Sir. Wala nga ho akong kinalaman sa nangyari bakit nyo ako sesesantehin?"

"No one blackmails a De Marco, Abegail. And why hesitate? You were very clever minutes ago. At ikaw na rin ang nagsabing kailangan mo ng pera, hindi ba?"

"Oo nga pero.." pinigil nya ang sarili. Paano ang katawan nya? Isusuko nya ba ang bataan dito? Kasama ba ang virginity nya sa bargain kung sakali?

Sarcastic ang ngiti ni Daniel. "I don't bed unattractive girls, so you don't have to worry." Ang sabi nito na parang nabasa ang nasa isip nya.

"I need a faithful wife and a loving mother to my son, Abegail. Kaya putulin mo ang anumang ugnayan mo sa lover mo and you focus on my son."

"Um-oo na ba ako?" Bakit ganito ang lalakeng ito? Bakit parang sigurado itong hindi nya ito tatanggihan? Pero tatanggi nga ba sya ngayong grasya na ang lumalapit sa kanya ng kusa?

"Just answer me now if you want to be my wife or not. Pwede kong i offer sa iba kung tatanggi ka."

"Sino ang o offer-an mo? Si Paula? Iyong babaeng parang laging nakikipagdigma? Naku, puputi agad ang buhok mo kapag yon ang napangasawa mo, sinasabi ko sa'yo."

"So? Is that a yes or a no?"

"Ang pangit mo magpropose pero sige, Yes." Kunwa'y napipilitan nyang sabi. Mamaya na sya mag iisip. Masyadong maganda ang offer ni Daniel, sino ba sya para tumanggi?

Lumulutang pa rin si Abegail. Hindi nya alam kung paanong ang inakala nyang imposibleng mangyaring mabilisang preparasyon ng kasal ay naisaayos sa loob ng humigit kumulang isang linggo.

One point five million. Ikakasal pa sya sa lalakeng laman lang dati ng ilusyon nya. Hindi pa rin sya makapaniwala. Kung tutuusin dapat matuwa sya. Matatapos ang lahat ng problema nya sa pera oras na ma encash nya ang tseke ni Daniel.

Maligaya naman sya. Isipin nya pa lang na ikakasal sya sa binata eh sapat na para matuwa sya. Pero paano naman yong mga problemang kaakibat ng pagpapakasal nya sa lalake?

Kagaya na lang ng paano ang set up nila eh hindi naman sya mahal ni Daniel? Kaya nga ba nilang pareho na magsama sa iisang bubong at magtabi sa iisang kama gabi gabi nang walang pag ibig na involve?

Nalalabuan sya sa mga rules ni Daniel. Ang malinaw lang sa kanya ay magsasama sila bilang totong mag asawa. Walang expiry ang kasal nilang dalawa. Magsasama sila hanggang kaya nilang makasama ang isa't isa. Para kay Lian. Mahigpit ding ipinagbawal nito ang pakikipag usap o pakikipagkita nya kay Morgan habang hindi pa sila ikinakasal.

Ang isa pang pino problema nya ay kung paano nya sasabihin sa Nanang at Tatang nya na ikakasal na sya sa susunod na araw? Matapos ang isang linggo, hindi nya pa rin magawang ibalita sa mga magulang ang tungkol sa kasal. Obviously ay hindi dapat ng mga ito malaman na binayaran sya ni Daniel para pakasal dito.

Pero paano nya i explain sa mga ito ang tungkol sa madaliang kasal? Ang alam nga mga ito ay wala pa syang nagiging boyfriend. Natuwa si Lian nang malamang ikakasal sya sa Papa nito. Kagaya ng mabilis ding pagtanggap nina Andrea at Travis. Iniisip ng mag asawa na may nangyari sa kanila ni Daniel kaya gusto nitong panagutan sya ng anak nito.

"Daniel.." tawag nya sa lalake na nakaupo sa harap ng nangingintab na desk sa loob ng sarili nitong kwarto. Hinubad nito ang suot na eyeglasses matapos syang sulyapan.

"What is it?"

Dahan dahan syang humakbang papasok sa loob. Huminto sya sa tapat ng malaking kama. Nagtagal doon ang mga mata nya. Ilang tili kaya ang gagawin nya sa mismong honeymoon nila ng lalake? Naku, andami nya pa namang kiliti.

Nahinto lang ang kahalayan sa isip nya nang tumikhim si Daniel. May ngiting naglalaro sa bahagyang nakatikom nitong mga labi. Nababasa na naman ba nito ang nasa isip nya?

"I..B-busy ka ba?" Wait. Nautal ba sya? Nakagat nya ang sariling dila. Heto na naman sya.

"Spill it out." Pormal na utos nito kahit parang nakita nyang kumislap ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.

"Samahan mo ako sa bahay mamaya kung hindi ka busy."

Kumunot ang noo ni Daniel. "Why, ipapasundo ko na lang ang Nanay at Tatay mo sa driver."

"Old fashioned ang mga magulang ko, Daniel. Mamanhikan ka naman kahit papaano. Kahit ikaw lang wag na natin isama sina Maam Andrea at Sir Travis para hindi na sila maabala. Bili lang tayo ng ice cream tapos sabihin mo sa mga magulang ko na mahal na mahal mo ako at ikakasal na tayo sa susunod na araw."

"You haven't tell them yet?" kumunot uli ang noo nito.

Nagkamot sya ng kilay. "Bumubwelo lang ako. Si Nanang kasi.. kabilin bilinan nya na huwag muna ako mag aasawa. Ano na lang iisipin nun sa akin kung .. kung malaman nyang wala pa ngang kalahating buwan ikakasal na ako, sa amo ko pa?"

"So, ako ang uutusan mong magsabi?"

"Aba syempre. Ikaw ang ipa front ko. Buwan buwan nagki chemo ang Nanay ko pero kaya pa nun magbasag ng pinggan pag hindi nya nagustuhan ang lalabas sa bibig ko. Pero huwag kang mag alala." Bawi nya. "Tingin ko naman, mahihiya 'yon sayo. Pareho kasi kami ng weakness, gwapo."

"Ang alam kong weakness mo, pera."

"Grabe ka naman. So, ano. Sasamahan mo ba ako o hindi?"

"Magbibihis lang ako."

"Okay." Aniya. Na naupo sa gilid ng kama at iginala ang mga mata sa loob ng maluwang na silid.

"Abegail." Tawag sa kanya ng binata. Nilingon nya ito. Mataman itong nakatingin sa kanya.

"Bakit?" Tanong nya kahit nakakatunaw ang titig ng walanghiya. Kailangan nyang magpretend na wala itong epekto sa kanya.

"I think it would be great if I'll buy the wedding dress Mama's chosen for you."

Natigilan sya. Seryoso ang mukha ni Daniel at hindi nya maiwasang kiligin. Civil wedding. Iyon ang kasal na napagkasunduan nila ni Daniel sa kabila ng pagtutol ni Andrea. The latter wanted the wedding to be grand, maging wedding of the year, talk of the town kumbaga.

Pero paano nya naman hihilingin ang engrandeng kasal kay Daniel? Unang una, kulang sa preparasyon. Madalian kasi ang gustong kasal ng binata. Pangalawa, hindi naman sila nagmamahalan.

"Wag na. Baka ibawas mo sa tsekeng ibabayad mo sakin ang presyo ng gown. Sayang." Nakangiting biro nya pero agad na nagseryoso na naman ang binata.

"Hindi ko sinabing ikaw ang magbabayad."

Pinilit nyang lagyan ng buhay ang pagkakangiti. Ang pikon naman ng mapapangasawa nya. Seryoso masyado. "Eh di, go. Free naman pala e. 24 ang waistline ko baka makalimutan mo."

Hindi sumagot ang lalake. Nanatiling nakamata sa kanya bago mahinang nagsalita pero sapat para marinig nya. "How could I ever forget?"

Napamaang sya sa lalake. "Ha?"

"Give me ten minutes."

Kumunot ang noo nya. Sinundan nya ng tingin ang lalakeng dumeretso sa bathroom. Mayamaya lang ay narinig nya na ang lagaslas ng shower mula roon.

"Mahabaging Diyos, saan ba ako nagkamali, Abegail! " Umiiyak na litanya ng Nanang nya nang magkaharap sila sa maliit nilang sala kinahapunan.

"Nang.."

"Huwag mo akong ma 'Nang - 'Nang, Abegail! Tama nga ang hinala kong makikipagtanan ka lang at hindi ka magtatrabaho dyan sa lalakeng 'yan!"

Bumuntong hininga si Abby. Gagabihin sila tiyak bago kumalma ang Nanang nya. Kagaya pa rin ito ng dati, bungangera kahit naoperahan na at lahat. Pero sanay na naman sya. Hindi naman ito nagda drama ng ganun kung walang dahilan para magdrama. Kahit sinong magulang naman siguro magdaramdam lalo at ang mga ito ang kahuli hulihang nakaalam na ikakasal na sya.

"Huwag mong sabihing buntis ka kaya nagmamadali kayong magpakasal?" pinanlakihan sya ng mga mata ng sariling Ina.

"Nang!"

Kahit papaano ay nagpasalamat syang katabi nyang nakaupo sa pandalawahang monoblock sofa si Daniel. Kung hindi ay makikita nito ang paggapang ng lahat ng dugo nya sa mukha sa kahihiyan. Kaharap nila ang Nanang at Tatang nya na parehong pinaglilipat lipat ang tingin sa kanila ni Daniel.

Kanina pa nakikinig lang si Daniel. Hindi nya alam kung amusement ang kanina pa nya nakikita sa mga mata nito o asar. Pero nakangiti ito nang lingunin sya nito at gagapin ang palad nya.

Gusto nya namang mamilipit sa kilig. Para syang ice cream na unti unting natutunaw sa ngiti nito sa kanya. Kahit hindi totoo, pwede naman nyang samantalahin ang pagkakataong kagaya nito. Yung mangingitian sya ni Daniel, madikitan sya nito at mahawakan nito ang mga kamay nya. Daig nya pa ang nakajackpot sa loterya.

"Pasensya na po kayo kung hindi namin kayo nasabihan agad. Ilang buwan ko na nga pong kinukulit si Abegail na ipakilala na ako sainyo para mapag usapan ang kasal pero ayaw nya ho eh."

Nakagat nya ang pang ibabang labi nang lingunin sya ng Nanang at Tatang nya. "Bakit mo naman kailangang itago ang boyfriend mo sa amin, 'nak?" Ang Tatang nya. As usual, mas kalmado ito kaysa sa Nanang nya.

"Abegail, totoo bang matagal na kayong magsyota ng lalakeng ito?" Sabat ng Nanang nya. Mukhang hindi pa rin kumbinsido.

Lumunok sya. Sinulyapan si Daniel na nakangiting nakatitig sa kanya.

"Eh, oho.. Nang."

Padami na ng padami ang kasinungalingan nya sa mga magulang. Nagi guilty sya. Pero kaya nya naman iyon ginagawa para kahit papaano maiahon nya ang pamilya nya sa hirap. Hindi naman siguro kasalanang magsinungaling sya kung para naman sa ikabubuti ng buhay nila. Isa pa'y masaya naman sya sa nangyayari. Natupad ang pantasya nya kay Daniel.

"Huwag po kayong mag aalala. Ingatan ko po ang anak ninyo, Mrs Macapagong."

Nagpunas ng luha ang Nanang nya. "Hindi mahirap maniwalang mahal ka ng anak ko kaya ka nya pakakasalan, Mister. Pero ni minsan hindi ko pa nakitang malungkot iyang panganay namin. Lahat halos ng hirap sa paghahanap buhay kinaya nya para sa amin. Pero buhay may asawa? Ni hindi nga marunong maglaba ng panty nya 'yan?" Napailing ito. Sinulyapan sya.

Nagpipigil din syang maiyak nang marinig ang paggaralgal ng tinig ng Ina. Nilingon sya ni Daniel. Naramdaman nya ang pagpisil nito sa kamay nyang hawak nito.

"Ayoko pa syang mag asawa dahil baka hindi pa sya handa.. Ayokong makitang umiiyak ang anak ko. Walang Inang matutuwa na makitang nasasaktan ang anak nila."

Ibinalik ni Daniel ang tingin sa Nanang nya pagkatapos

"I love your daughter and I will never hurt her, I promise. Hindi nya kailangang matutong maglaba dahil maghahanap ako ng tao na maglalaba para sa kanya. Hindi ko sya papahirapan, Aling Remedios at pinapangako ko po na hindi sya iiyak sa piling ko." Sinserong ani Daniel. Bakit ganun, kahit alam nyang hindi naman totoo ang lumalabas sa bibig nito, pakiramdam nya masayang masaya pa rin sya?

"Awww... sweet.."si Fatima.

"Nang, tama na 'yan. Ayaw nyo nun, mag aasawa na ang ate? Magkakaapo na kayo at dadami na yong mag aalaga at magmamahal sa inyo?" Si Julian yon na kanina pa nakikinig.

"Oo nga. Natutunaw na rin ang ice cream, Nang." Nanghihinayang na paalala ni Fatima.

"Eh bakit hindi mo muna kasi nilagay sa freezer?" Singhal ng Nanang nya na suminghot.

"Nang, wala nga tayong ref, freezer pa kaya." Natatawang ani Julian.

Napangiti sya. Ref ang isa sa mga unang bibilhin nya para sa mga magulang maliban sa nakalistang washing machine sa utak nya.

Malalim ang hugot nya ng buntong hininga nang maramdaman nya ang pagpulupot ng isang braso ni Daniel sa baywang nya. Sumandal naman sya sa malapad nitong balikat. At bakit hindi, pagkakataon nya ng tsumansing.

Nasa langit na nga sya. Sana pala palaging nasa paligid ang Nanang at Tatang nya, nagiging sweet ang lalake sa kanya.

"Dito na kaya tayo tumira?" Tiningala nya ang lalakeng nakayuko pala sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya nang marealize na halos magpang abot na pala ang mga nguso nila.

"Malapit na ang kasal, mga ate at kuya. Ipagpaliban nyo na muna yan." Kantyaw ni Fatima sa kanila. Mabilis naman syang umalis sa pagkakasandal kay Daniel. Tinulungan nya ang una na kumuha ng baso para paglagyan ng ice cream.

"Ang galing ate. Anong gayuma ang ginamit mo kay Sir Daniel? Swerte mo te."

Ngumisi sya. "Natural, maganda ako eh."

"Nung nakaraang linggo lang ini stalk mo sya, ngayon ikakasal ka na sa kanya.."

"Hindi ko sya ini stalk. Sya kamo ang stalker ko."

"Ganda mo nga 'teh."

=========================================

Hi Guys!

Available na po sa mga PPC outlets at National Bookstores nationwide ang "Married to the Clever Queen"

Hope you could still grab a copy po. Thank you so much in advance! :)

La Tigresa