_
"Papa, magpapakasal na po ako!"
Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa.
Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon.
Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal.
"Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!"
Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo.
"Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito.
"Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?!
'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa ka ulit. Kaya lang..."
"Kaya lang ayaw mo sa single Mom, right? Don't you remember that I am a single Dad too Dad!"
"Hindi naman sa ganu'n hijo ang sa akin lang sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi ko man lang nalaman na may iba ka na pa lang pinopormahan. Bakit parang ang bilis naman yata?"
"Papa, gusto ko na po talagang magpakasal at sana this time matuloy na talaga. Dahil hindi ko na hahayaang may humadlang pa! Gusto ko nang makasal kami as soon as possible, Papa."
"Para bang sa sinabi mo Anak hindi ka na talaga mapipigilan pa, hindi ba parang sobra ka naman yatang nagmamadali anak?" May hinahon pa ring tanong nito. Ngunit halata na tinitimpi ang pagtutol.
"May balak ka pa bang pigilan ako Papa?"
"Kung nakapagdesisyon ka na ano pa nga ba ang magagawa ko? Matanda ka na Anak, siguro naman alam mo na kung ano ang ginagawa mo?
'Pero kung ginagawa mo lang ito para makalimot sa nakaraan. Sana lang hindi mo pagsisisihan ang naging desisyon mong ito Anak at sana nga nakalimutan mo na siya? Para naman hindi ka maging unfair sa magiging asawa mo!" May pagpapayong saad pa nito.
"Huwag kang mag-alala Papa, sinisiguro ko na hindi ako magiging unfair sa kanya." Nakangiti niyang saad na tila may naglalarong kalokohan sa isip.
"Kumusta naman ang pakitungo ni VJ sa kanya, okay lang ba sila, I mean kung okay lang ba sa Anak mo na mag-asawa ka ulit?"
"Okay na okay lang po Papa, ang apo n'yo pa nga ang tumulong sa akin na kumbinsihin siya. Mahal na mahal kaya siya ng Apo n'yo!"
Narinig pa niya ang paghugot nito ng paghinga. Bago ito muling nagsalita.
"Ganu'n ba, mabuti naman kung nagkakasundo sila wala naman pa lang magiging problema.
'Ah... Talaga bang nakalimutan mo na siya Anak?" Mahinang bulong pa nito.
"Sino po Papa?" Nagkunwari pa siyang hindi alam. Kahit pa batid naman niya kung sino ang tinutukoy nito?
"Ah' wala Anak, kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Kung ganu'n pala na nakapagpasya ka na...
'Kailan naman ang kasal?"
"Hey! Masaya ba talaga kayo para sa akin Dad?"
"Oo naman Anak, kung saan ka magiging masaya, masaya na rin ako." Tugon nito.
"Okay, alam ko na kung saan kayo magiging masaya? Video call tayo Dad para makita n'yo ang mga Apo n'yo at s'yempre ang mamanugangin n'yo."
"Mabuti pa nga, sige na open mo na ang cam mo!"
"Okay! Lipat lang ako sa kabilang kwarto naroon kasi ang mga bata naglalaro pa sila. Pero sigurado akong matutuwa kayong makita sila Dad." Ngunit tila ba wala itong interes sa sinabi niya.
"Okay nami-miss ko na nga si VJ Anak kaya gusto ko na ring umuwi."
"Uwi na kayo Papa... Hey kiddo's look who's in the phone? Lolo Lian is here!" Bungad naman niya agad sa mga bata pagpasok niya sa kabilang kwarto.
"Huh' si Lolo? Lolo nandito ako!"
Tuwang-tuwa bulalas ni VJ ng malaman na nasa linya ang kanyang Lolo. Kinuha pa nito kay Joaquin ang cellphone at ito na ang nakipag-usap kay Liandro.
"VJ Apo ko, kumusta ka na na-miss mo ba ako Anak?"
"S'yempre naman po kailan ka po ba uuwi Lolo? Miss na rin kita at saka Lolo gusto mo ba makita mga kapatid ko?"
"Malapit na Apo naiinip ka na ba Anak? Gusto ko lang masiguro na okay lang dito ang Daddy Joseph at Tita Amara mo at s'yempre ang magiging bagong baby natin."
"Sabagay po, alam ko naman na inaalagaan n'yo rin sila lalo na ang magiging baby nila Tita Amara at Tito Joseph. Nami-miss ko lang po talaga kayo Lo!
'Pero alam n'yo po hindi na ako gaanong nasa-sad kasi po may kasama na kami ni Daddy. Saka narito rin po si Lola Sol."
"Hmmm, talaga? Sabi nga ng Dad mo may kasama na kayo diyan."
"Opo Lolo, gusto n'yo po ba silang makita at makilala?"
"Sure! Sige nga ipakilala mo sila sa'kin mukhang nakakasundo mo na nga sila hijo."
"S'yempre naman po mga kapatid ko sila eh'... Quiyel, Quian look Lolo is here..."
Itinapat nito ang hawak nitong cellphone sa kambal.
"Say, hello to Lolo here look!"
"Olo eyow!" Nakangiting saad ni Quiyel habang kinakaway pa ang maliit na kamay.
"Hey, sandali s-sila ang A-anak ng magiging stepmom mo pero bakit?! Ah' hijo p'wede mo bang ibalik ulit sa Daddy mo ang phone?" May kalituhang saad ni Liandro.
"Bumaba po si Papa eh' baka po tinawag si Mamà?" Tugon naman ni VJ.
"Mama, you already called her Mama too?!"
"Opo si Mama ko po, Lolo!"
"Paano mo siya nakasundo ng ganu'n kabilis hijo at saka paano silang nagkaanak ng Papa mo?"
"Nalaman na lang po namin na may Anak na si Mama na may kapatid na pala ako. Magkasundo na ulit sila ni Daddy kaya nga po magpapakasal na sila."
"Pati ba naman ikaw Anak gusto mo na ring mag-asawa ng iba ang Daddy mo, paano na ang Mama Angela mo paano kapag bumalik na siya?"
Biglang natawa si VJ sa narinig na sinabi ni Liandro. Nang maunawaan ang kalituhan sa mukha ng kanyang abwelo.
"Hayyst! Si Lolo ang hina ng signal... Hindi po ba sinabi sa inyo ni Papa na bumalik na si Mama?" Natatawang saad ni VJ na may halo na ring pagbibiro.
"B-bumalik na ang Mama mo?"
"Opo kaya nga po magpapakasal na sila ni Papa eh'!"
"Ang ibig mo bang sabihin ang Mama Angela mo talaga ang pakakasalan ng Papa mo?"
"Opo sino po ba ang iniisip n'yong pakakasalan ni Papa? Hindi ba sabi ni Papa noon pa man na hindi siya magpapakasal sa iba. Dahil kay Mama Angela lang siya magpapakasal."
"Pambihira talaga 'yang Papa mo, akala ko nga ibang babae ang pakakasalan. Sabihin mo nga kakausapin ko siya ulit!"
"Papa, kakausapin ka daw ulit ni Lolo. Hala! Lagot ka Papa galit sa iyo si Lolo." Saad ni nang makita si Joaquin sa bungad ng pinto.
Ngunit tumawa lang ito sa sinabi ni VJ kasunod na rin nito si Amanda.
"Hello Papa, ano pong masasabi n'yo sa mga Apo n'yo manang mana lang sa Daddy nila hindi ba?"
Sabay kindat nito kay Angela na tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap ng mag-ama.
"Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan, ang akala ko nga mag-aasawa ka na nang iba!"
"Alam ko naman na kahit hindi n'yo sabihin nalungkot kayo sa sinabi ko. Aminin n'yo ayaw n'yo rin na iba ang pakakasalan ko?"
"Dahil alam ko kung saan ka magiging masaya! Nalungkot ako dahil ang akala ko sumuko ka na sa paghihintay?"
"Narinig mo ba 'yun sweetheart alam nilang lahat na ikaw lang ang hinihintay ko!"
"Nariyan ba si Angela hijo?" Gulat na tanong ni Liandro.
"Yes Papa gusto n'yo po ba siyang makausap?" Tanong ni Joaquin na ginagap ang kamay ni Angela. "Saglit lang po Papa 'yung laptop na ang gagamitin ko para naman makapag-usap kayo ng maayos."
"Sige nga hijo!" Matapos nitong i-open ang laptop...
"Gusto kang makausap ni Papa sige na usap muna kayo!" Muli pinisil lang nito ang kanyang kamay saka siya iginiya paharap sa computer.
Nanatili naman ito kasama ng mga bata.
"Hello po Papa!" Pagharap pa lang ni Angela kay Liandro hindi na nito nagawang pigilan ang emosyon.
Kaharap niya ngayon ang isang taong nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya. Ang taong itinuring na niyang Ama.
"Hija kumusta ka na?" Puno ito ng simpatya at halata rin na pilit pinipigilan ang emosyon.
Bagkus nagpamalas pa ito ng isang masayang ngiti.
"Okay lang naman po ako Papa, kayo po kumusta na?" Sinikap pa rin niyang harapin ito nang mabuti.
Kahit pa nakakaramdam siya ng bahagyang guilt at hiya sa nagawa niyang patalikod dito noon ng bigla na lang niyang iwan ang mga ito.
"Okay lang ako hija, ang tagal mo kasing nawala kaya na-miss ka namin. Bakit ba ngayon ka lang nagpakita?" Lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi nitong iyon.
"Patawad po Papa kung nagawa kong umalis ng walang paalam. Basta na lang ako umalis at hindi ko man lang nagawang isipin ang mga...." Tuloy-tuloy niyang salita ng bigla siya nitong patigilin.
"Ssshhh, huwag mo nang isipin iyon hija. Dahil tapos na iyon! Naiintindihan ko naman kung bakit ka biglang umalis. Alam ko rin na maaaring masyado naging magulo ang isip mo.
'Sayang nga lang at hindi ko rin nagawang tulungan ka sa mga pagkakataong iyon! Patawad rin hija kung bakit naging marahas ako sa inyo ni Joaquin noon at hindi ko kayo agad naunawaan.
'Ako rin ang nagtulak sa'yo para maging malayo ka sa akin. Dahil pinilit kita sa isang bagay na, inakala kong makakabuti para sa lahat. Huli na nang ma-realized ko na nagkamali ako! Ang totoo nahihiya ako sa iyo hija. Dahil doon naging mahirap para sa inyong dalawa ni Joaquin ang sitwasyon."
"Hindi po Papa, para sa isang Ama alam kong gagawin nito ang lahat ng alam niyang makakabuti para sa kanyang mga Anak!
'Dahil ganu'n rin ang Papang ko sa amin noon, noong nabubuhay pa siya. Kaya lang..." Nang bigla na lang niyang naalala.
"H-hindi po pala niya ako tunay na Anak, si Amara lang po ang totoong Anak niya. Alam n'yo na po ba ang tungkol doon?
'Ang kinilala kong Ama ang nawawala pa lang kapatid ni Dr. Darren at Tito ni Dorina. Siya rin po ang Ama ni Amara at siya rin po ang kinikilala kong Ama."
Tuloy-tuloy lang sa pagpatak ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Habang sinasabi niya ang masakit na katotohanang iyon na hanggang ngayon. Nagbibigay pa rin ng masakit na pakiramdam at kurot sa kanyang puso na hindi na yata mawawala pa kahit kailan.
"Ah' hija huwag ka nang malungkot hindi na mahalaga kung ano ang totoo sa puntong iyan. Naalala mo pa ba ang sinabi ko noon?
'Kung minsan hindi na mahalaga kung kadugo mo ang isang tao. Ang mahalaga kung sino siya sa buhay mo. Dahil ang mahalaga kung paano siya kinikilala ng puso mo Anak.
'Kagaya rin ng pagmamahal na iniukol mo sa amin. Lalo na sa Apo ko, kay VJ noon at hanggang ngayon. Alam kong mahal mo ang Apo ko kahit pa alam mo na hindi mo siya tunay na Anak.
'Kaya batid ko na ganu'n rin ang pagmamahal sa iyo ng inyong Papang. Sigurado ako na iyon rin ang nasa isip ng Tito Darren mo at kung nabubuhay pa si Darius. Sigurado akong magagalit 'yun sa'yo kapag nalaman niya na iyan ang nasa isip mo Anak.
'Kaya huwag na huwag mong iisipin na hindi ka niya anak, Anak ka niya at maaaring iyan ang nasa isip niya hanggang sa huli. Kaya huwag ka na lang mag-alala ha'!"
"Papa, hindi po ba talaga kayo galit sa'kin?"
"Ano ka ba hija, bakit naman ako magagalit sa'yo? Ang totoo nag-aalala ako sa'yo Anak. Alam kong maaaring nahirapan ka.
'Lalo akong nanghihinayang sa mga panahong lumipas. Hindi ako makapaniwala, ngayong iniisip ko na mag-isa mong itinaguyod ang mga Apo ko. Bakit kasi ngayon ka lang nagpakita sa amin Anak.
'Sigurado akong nahirapan ka nang husto. Lalo na at dalawa pa pala sila at kambal pa! Lalo tuloy akong nasasabik na makauwi na."
"Dapat lang na umuwi na kayo Papa, dahil nami-miss na po talaga namin kayo. Saka marami pa po tayong dapat pag-usapan. Sigurado po baka kulangin ang isang araw, kaya mas maganda kung narito na kayo." Tila gumaan naman ang loob niya ngayong alam niya na hindi galit sa kanya ang kanilang Papa.
"Oh' s'ya sige na nga uuwi na ako magpapaalam na ako sa dalawa dito. Bigla rin akong nasabik na makita ang mga Apo ko. Ngayon na hindi lang pala si VJ ang na-miss ko may dalawa pa pala na mukhang makulit diyan. Saka mukhang kamukhang-kamukha rin ng Lolo." Masayang saad nito na sinabayan pa ng pagtawa.
"Dad, huwag mong solohin ah' ako ang Ama!" Si Joaquin na, nasa likod na pala ni Angela.
"Oh' eh' bakit kanino ka ba naghiram ng mukha?" Tanong nito na ikinatuwa ni Angela.
"Daddy talaga umuwi na nga lang kayo para mapatunayan n'yo na ako ang kamukha!"
"Oo sige na, uuwi na talaga ako at baka sobrang magmadali kayo. Gusto kong nariyan ako sa araw ng kasal n'yo."
"Dapat lang na umuwi ka na Dad, dahil kapag hindi ka pa umuwi magpapakasal talaga kami kahit wala ka!" Kunwaring may banta na saad ni Joaquin.
"Pambihira ka talagang bata ka, hindi ka ba talaga makahintay?"
"Talagang hindi na, tatlong taon na kaya akong naghihintay dito. Nakita n'yo naman nakalakihan na ako ng mga Anak ko. Hindi ko man lang sila nasuutan ng diapers."
"Bakit marunong ka bang magsuot ng diapers Anak?" Biro pa ni Liandro sa Anak.
"Hindi pa nga Dad pero matutunan ko rin sana 'yun! Kaya lang hindi na kasi sila nagdadiapers nagsasabi na sila ng wiwi eh!"
"Ah' ganu'n ba? Ang swerte mo naman pala samantalang ako lagi mo akong iniihian noong maliit ka pa! Buti na lang hindi nagmana sa'yo ang mga Anak mo. Kahit nga malaki ka na madalas naiihi ka pa sa higaan!"
"Hala! Totoo po ba 'yun Dad?" Natatawang tanong ni Angela.
"Dad, hindi totoo 'yan ah'!" Protesta naman ni Joaquin.
"Anong hindi, totoo 'yun!" Natatawang tugon nito.
"Hayyst baka nga maniwala sa inyo si Angela Papa!"
"Hmmm, nahihiya ka pa eh' totoo naman!" Muli itong tumawa na sinabayan pa ng tawa ni Angela.
"Papa!" Sigaw ni Joaquin na halatang napipikon na.
Lalo namang napalakas ang pagtawa ni Liandro ng dahil sa reaksyon ni Joaquin.
Subalit bigla itong napahinto at nagulat sa biglang pagsulpot ni Joseph. Kaya naman awtomatiko ring nag-flash ito sa screen ng laptop sa harap nila.
"Joseph?!" Gulat na bulalas ni Angela.
"Hey, Angela is that really you? Amara come here honey, Angela is here!" Tuwang-tuwa baling rin nito kay Amara.
"A-ate Amanda?!"
"A-amara?"
"Ako nga Ate..." Hindi na nito ang ang pag-iyak ng mga sandaling iyon ng nito si Amanda.
Napahawak pa ito sa screen ng laptop na tila ba magagawa nitong haplusin ang mukha ng kapatid.
Ganu'n rin naman si Amanda ng mga oras na iyon. Hindi rin nito napigilan ang sarili sa mabilis na pag-iyak. Kung p'wede nga lang niyang pasukin ang screen ng laptop upang sugurin ng yakap si Amara ginawa na sana niya.
"Ate... I'm sorry!" Umiiyak na saad nito.
"Ano ka ba kalimutan na natin 'yun... Kumusta ka na? Miss na miss na kita!" Umiiyak ring tugon niya.
Hindi naging hadlang ang milya milyang pagitan nila para hindi nila maramdaman ang sobrang pananabik sa isa't-isa. Ngayong magkaharap na sila pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan nilang magkapatid.
Marami man nangyari masama, mabuti, masakit man o masaya. Hindi pa rin mababago nito ang lahat ng nag-uugnay sa kanilang dalawa. Bilang isang pamilya na binuo nila ng kanilang Ama at Ina.
"Miss na miss na rin kita Ate kung p'wede lang tumawid na ako diyan." Saad ni Amara.
Katabi pa rin nito si Joseph na agad na hinawakan at pinisil ang kamay ni Amara.
Pakikisimpatya nito sa labis na emosyon na nararamdaman ni Amara ngayon.
"Naiintindihan naman kita, sabi nila hirap ka daw ngayon sa pagbubuntis mo. Pasensya ka na kapatid ko, lagi na lang akong wala sa tabi mo kapag kailangan mo ng tulong." Aniya.
"Okay lang Ate, kahit naman laging magkalayo tayo. Ang mahalaga alam natin sa puso natin, lagi tayong nariyan para sa isa't-isa. Hindi ba sabi ng Papang, ang palagi nating tatandaan..."
"Malayo man tayo sa isa't-isa basta lagi nating tandaan sa puso natin ang pagmamahal laging naroon lang at hindi na mawawala pa. Kahit kailan!"
Magkasabay na bigkas nila sa isa't-isa na buong-buo pa rin sa kanilang alaala.
"Ate mahal na mahal kita!"
"Mahal na mahal din kita bunso! Hindi ka na ba talaga galit sa akin? Dahil napabayaan kita, wala akong kwenta, hindi na kita binalikan. Hindi kita naalagaan."
"Alam ko na ang lahat Ate, kaya huwag ka nang mag-alala naiintindihan na kita. Hindi ba dapat nga ako ang humingi ng tawad sa iyo. Dahil marami akong nagawang mali na hindi ko dapat ginawa sa'yo Ate!" Saad nito at muling pinahiran nito ang dumaloy na luha sa mga mata.
"Tapos na iyon at naiintindihan ko rin naman kung bakit mo 'yun nagawa. Alam ko rin na alam mo na ang tungkol sa akin noon pa hindi ba?"
"Ate... Pero h-hindi ako galit sa iyo maniwala ka walang nagbago kahit pa nalaman ko ang totoo. Mahal na mahal pa rin kita Ate at hindi magbabago 'yun!
'Gaano man kalaki ang galit ko kay Anselmo. Hindi pa rin mababago nu'n ang pagtingin ko sa'yo bilang kapatid. Ikaw pa rin ang Ate ko dahil iba ka sa kanya.
'Patawarin mo sana ako kung binulag ako ng galit ko noon. Kaya naisip ko na gamitin ka sa paghihiganti ko kay Anselmo. Pero hindi ko 'yun sinasadya Ate maniwala ka."
"Alam ko naman 'yun, kalimutan na lang natin ang lahat ng iyon. Tapos na iyon, hindi na natin mababago pa ang mga nangyari na. Gaya na lang ng katotohanan sa aking pagkatao. Hindi ko man ginusto ito pero iyon pa rin ang totoo. Kahit masakit tanggapin iyon pa rin ang katotohanan."
"Ate... Walang magbabago ha' ako pa rin ito at ikaw pa rin ang Ate ko. Pareho pa rin tayong Anak ng Papang at Mamang tandaan mo. Hindi iyon magbabago kahit kailan ha'!" Tinanguan niya ito habang patuloy sa pagdaloy ang luha sa kanyang mga mata.
"Tama ka mananatiling isa pa rin tayong pamilya kahit pa malayo tayo sa isa't-isa. Dahil pamilya pa rin tayo kahit may kanya kanya na tayong buhay ngayon. Gusto ko nga sanang narito ka sa kasal namin ni Joaquin. Pero ayoko namang may mangyari pa sa'yo o malagay kayo sa peligro ng baby mo. Kailan ka ba manganganak?"
"Ano ka ba Ate huwag mo namang sabihin na hihintayin mo pa akong manganak. Bago pa kayo magpakasal ni Joaquin. Baka naman magalit sa'kin ang asawa mo niyan?" Saad ni Amara sabay baling kay Joaquin na nasa tabi pa rin niya tulad ni Joseph sa tabi naman ni Amara.
"Hindi naman at saka kung iyon ang hihilingin ng Ate mo may magagawa ba ako. Ang mahalaga pakakasalan na niya ako!"
"Hmmm Bro! Alam kong matagal mo nang hinihintay si Angela kaya sigurado akong hindi mo gusto ang ideyang iyon. Dapat lang naman na magpakasal na kayo agad, hindi ba hon?" Saad ni Joseph na nakisali na rin sa pag-uusap nila.
"Tama Ate, magpakasal na kayo agad. P'wede pa rin naman naming masaksihan ang kasal n'yo thru video call. But promise me na, pagkatapos ng kasal n'yo pupunta naman kayo dito.
'P'wede namang dito na lang kayo maghoneymoon sagot pa namin ang gastos. Matutuwa pa si VJ at si Kisha kapag nalaman nu'n na pupunta dito ang Kuya VJ niya."
"Si Kisha, kumusta na nga pala siya?"
"K-kilala mo na ang Anak ko Ate?" Gulat na tanong ni Amara.
"Hindi ko pa siya nakikita pero nalaman ko na may Anak ka noong hinahanap kita." Aniya.
"Pasensya na Ate kung nahirapan ka na hanapin ako."
"Hindi kita nakita kaya bumalik ako ng Cebu at Iloilo. Ang akala ko baka bumalik ka na doon at kasama mo ang Mamang. Pero nalaman ko na wala na rin siya!"
"Ate... Wala na ang Mamang matagal na, ilang buwan lang ang lumipas mula ng umalis ka iniwan rin niya akong mag-isa!"
"Amara...
'Siguro sobra kang nahirapan noon at wala ako sa tabi mo at wala ako nang mawala ang Mamang. Siguradong nahirapan ka noong mga oras na iyon.
'Patawarin mo sana ako bunso, hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo sa iyo, sa Mamang at higit sa lahat kay Papang."
"Ate hindi kita sinisisi, hindi ako galit sa'yo dahil alam ko naman na hindi mo ginustong mawala. Dahil alam ko kung hindi sa mga nangyari sa'yo.
'Alam kong babalik ka, babalikan mo kami gaya ng ginawa mo! Nangyari na ang lahat ng iyon at alam kong pareho lang naman tayong nahirapan. Ang mahalaga ngayon may pagkakataon pa tayong makabawi sa isa't-isa.
'Kalimutan na natin ang mga masasakit na nangyari sa ating nakaraan. Kalimutan na lang natin si Anselmo at sabay tayong bumuo ng mga bagong alaala sa hinaharap.
'Kasama ng ating mga pamilya at tayo bilang isang pamilya. Hayaan na natin na ang batas ang s'yang umusig sa kanya.
'Maaari ba iyon Ate?"
"Oo naman bunso, 'yun rin ang gusto ko. Ayoko nang maging magulo pa ang buhay natin ng dahil sa kanya. Ang sabi ni Dust mahihirapan na siyang bumalik ng Pilipinas. Dahil sa oras na bumalik siya sa kulungan ang bagsak niya."
"Si Kuya Dustin nakakasama mo pa rin ba siya?"
"Oo bunso, dahil tulad mo bahagi rin siya ng buhay ko. Kaya pala gusto ng Papang na kilalanin natin siya bilang kapatid. Dahil totoo pa lang kapatid ko siya!"
"Anong ibig mong sabihin totoong kapatid natin siya?"
Huminga muna siya ng malalim bago pa nakasagot...
"Tulad ko Anak rin siya ni Anselmo, tunay na magkapatid kami. Ang pagkakaiba lang matagal na niyang alam na kapatid niya ako, samantalang ako kung kailan ko lang nalaman ang totoo.
'Inilihim nila iyon sa akin, sa atin, pero ginusto nang Papang na mapalapit pa rin siya sa atin. Subalit hiniling ng Papang na ilihim niya ang totoo sa'kin."
"Kaya pala ganu'n siya noon pa man, ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Mahal na mahal ka ni Kuya Dustin Ate. Kung alam mo lang ang lahat ng ginawa niya para sa'yo noon.
'Para lang mailayo ka niya kay Anselmo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ginawa niya ang lahat para sa iyo Ate, kahit manganib pa ang buhay niya."
*****
By: LadyGem25
10-06-21