"Sandaliii!" Ang malakas na sigaw ni Amanda na nagpatigil at muling nagpalingon kay Joaquin at Dustin.
Awtomatikong napahinto ang dalawang lalaki. Dahil sa lakas ng boses niya. Kasunod rin nang mabilis na pagtakip ng mga ito ng mga tenga.
"Shit!"
"Asar!"
Sabay pang himutok ng dalawa.
"Saan kayo pupunta?!" Aniya.
"May pipirisin lang akong garapata!" Pabirong saad ni Dust.
"Dapat maturuan ng leksyon ang gagong 'yun pagkatapos ng mga ginawa niya sa'yo! Siya naman ang hihimatayin sa'kin..." Halos hindi maipinta ang mukhang saad ni Joaquin.
"Tumigil nga kayo nag..." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng mapadako ang tingin niya sa likuran ng mga ito.
"Nakupo!" Bulalas niya.
"Hey Couz, dumating na pala kayo! Anong ginagawa n'yo dito sa labas?" Si Gavin na walang kamalay-malay.
"Ang walanghiya!" Saad ni Dustin at saka mabilis itong humarap.
"Mabuti na rin at nandito ka na walanghiya ka!" Marahas na nilingon ito ni Joaquin kasabay ng pagngangalit ng bagang.
Susugurin na sana ng dalawang lalaki si Gavin. Ngunit maagap na pumagitna sa mga ito si Amanda. Kahit halos maipit na siya ng mga ito.
"Tumigil nga kayo, ano ba?!"
"Hey! What happened here?" Gulat at naguguluhang saad ni Gavin. Hindi nito maisip kung ano ba ang nagawang mali.
Kung bakit tila may nakaamba yata sa kanyang dalawang galit na leon na nais siyang lapain?
"Ikaw anong ginawa mo kay Amanda noong nasa Iloilo siya ha'?!" Pag-aakusa ni Dustin.
"Bakit mo siya hinayaang bastusin ng iba ha' gago ka ba?!" Malakas namang sigaw dito ni Joaquin.
Habang nakapagitan pa rin sa mga ito si Amanda na lalo yatang lumiit ng mapagitnaan ng tatlong higante.
"A-ano?" Hindi pa rin maunawaan na tanong ni Gavin na puno rin ng pagkalito.
Saglit pa itong nag-isip at ng sa wakas maisip nito na nabanggit ni Dust ang Iloilo. Saka pa lang nito napag-isip isip ang isang senaryo.
Pambihira naman! Bulong nito sa sarili at naisuklay na lang nito ang mga daliri sa sarili nitong buhok.
Hindi nila alintana ang oras ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang hindi sila maririnig ng mga kapitbahay. Kahit pa mapalakas ang kanilang mga boses.
Dahil malalaki ang mga bahay sa Village na iyon kaya naman hindi nagkakarinigan.
Mabuti na lang rin at naipasok na ni Lester ang mga bata kanina pang abala sila sa pag-uusap ni Dustin.
Marahil ngayon ay nahihimbing na rin ang mga ito.
"Ano ba, tumigil nga kayo gabing gabi na Joaquin, Kuya!" Saad niya sa malakas at matatag na tono.
"Ows! So magkasundo na pala kayo, kaya naman pala nagawa mo na akong isumbong?" Saad nito sa pauyam na tanong.
"Kung ganu'n talaga nga pa lang ginawa mo 'yun walanghiya ka!" Bulyaw dito ni Dustin.
"Talaga pa lang walanghiya!" Si Joaquin na nahablot na si Gavin sa kewelyo ng damit nito.
Pilit nitong hinihila ang lalaki ngunit sinikap ni Amanda na pigilan ito.
"Ano ba Joaquin, Dustin tumigil na kayo!" Malakas niyang tinulak ang dalawang lalaki na parang hindi man lang natinag.
"Sandali nga muna, kung ang tinutukoy n'yo ay ang nangyari noon 3 years ago! Huli na kayo ang tagal na nu'n at ang lalaking iyon ay matagal na ring patay!
'Hindi ko alam kung anong sinabi sa inyo ng babaing ito. Dahil kung ano man ang ginawa at nangyari sa kanya noon matagal na ring pinagbayaran nang walanghiyang iyon!
'Kaya p'wede ba tigilan n'yo nga ako ginawa ko lang naman 'yun, para din sa kanya. Tapos ngayon ako pa ang masama?
'Aba kayo man ang lumugar sa'kin siguradong ganu'n rin ang gagawin n'yo! Lalo na kung sa baliw na babaing ito..." Turo pa nito kay Amanda.
Ngunit...
"Araay koo!" Bigla na lang itong napaigik dahil sa malakas na pagtadyak ni Amanda sa binti nito.
"Aw, Shit!" Nagtatarang pa ito habang sapo sapo ang binting nasaktan.
"Ang yabang mo bwisit ka!" Sigaw ni Amanda kay Gavin ng dahil sa inis.
"Sumbungera! Pasalamat ka kamag-anak kita nakuh..." Gigil na saad nito.
Wala itong pakialam kahit nga kaharap pa nito si Joaquin at Dustin na tila natulala na lang pareho.
Hindi man lang kakikitaan si Gavin ng pagkabahala. Alam kasi nito na wala itong ginawang mali.
Ang totoo labis rin nitong pinagsisihan ang nangyaring iyon. Ngunit sa tuwing maiisip nito na iyon lang ang tanging paraan upang mailigtas niya ang pinsan.
Kaya't hinding-hindi na rin niya pinagsisihan ang nagawa at handang gawin ito ulit kung kinakailangan.
Dahil para kay Gavin mas mahalaga pa rin na unahin niya ang buhay ni Amanda kaysa sa ano pa man?
"Dapat ka pa rin magpaliwanag sa ginawa mo! Buntis siya noon at magpasalamat ka dahil walang nangyari sa mga Anak ko." Pigil ang galit na tungayaw pa rin ni Joaquin.
"Pambihira ka naman, ikaw nga na Ama hindi alam na buntis siya ako pa kaya?!
'Ano bang malay ko nu'ng ginawa n'yo 'yun wala naman ako du'n!" Reklamo pa nito.
"Eh' sira ulo ka pala eh'." Sagot ni Joaquin na nagsisimula na namang mainis.
Habang si Dust ay pasimpleng nang iginiya si Amanda palayo at iniwan na nila ang dalawa na gusto pa yatang magpasimula ng gulo.
"Let's go sweetheart, hayaan mo na silang magpatayan." Pabirong saad nito na sinabayan pa ng pagtawa.
Ngayong alam naman niya na may magandang dahilan ito kung bakit ginawa nito iyon. Okay na sa kanya ang mahalaga walang nangyaring masama sa mag-iina.
"Ha'?" Alanganing tugon ni Amanda.
"Magpahinga ka na, ako na ang bahala sa kanila. Sige na, gabi na!" Dagdag na salita pa nito at iginiya na ito ng tuluyan papasok ng bahay.
Pagpasok nila nasalubong pa nila si Nanay Sol na galing sa kusina.
"Si Nanay Solidad nga pala isa siya sa nag-aalaga sa akin noong nasa Batangas ako. Isinama na namin siya dito.
'Nanay Sol, Kuya ko po si Dustin."
"Magandang Gabi po Nay, salamat po sa pag-aalaga n'yo sa kapatid ko. Ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon na pasalamatan kayo." Nakangiting saad ni Dust sa matanda.
"Naku huwag mong isipin 'yun para ko na silang mga Anak." Tugon nito.
"Nay p'wede n'yo po bang samahan na si Amanda sa itaas? Masyado na pong gabi kailangan n'yo nang magpahingang dalawa.
'Pasensya na po sa abala pati po kayo siguro hindi rin makatulog." Dugtong pa ni Dustin.
"Naku, sanay na ako sa inyong mga kabataan. Kaya h'wag mo akong alalahanin Anak, masaya ako na nalagpasan n'yo ang mga pagsubok mukhang maayos na kayo ngayon. Salamat naman!" Masayang pahayag ni Nanay Sol.
"Ah' opo okay naman na kami nitong isang alaga n'yo!" Masaya ring tugon ni Dustin at hinigpitan pa nito ang pagkakaakbay sa kanya sabay halik sa kanyang ulo.
"Nasaan nga pala si Joaquin?" Nagtatakang tanong ni Nanay Sol ng maalala ito.
"May pinapatay lang pong lamok sa labas." Nakangising saad ni Dust.
"Dustin!" Siniko pa ito ni Amanda.
Tinawanan lang siya Dustin sa naging reaksyon niya.
"Sige na po pahinga na rin po kayo at ako na bahala sa kanila.
'Sige na sis, pahinga ka na at saka uminom ka muna ng gatas bago ka matulog. Ako na ang bahala sa dalawang 'yun!"
"Mabuti pa ipagtitimpla na muna kita ng gatas mo hija sandali ha'. Ikaw naman Anak gusto mo ba ipagtimpla rin kita ng kape?" Tanong rin nito kay Dustin.
"Okay sige po Nay, uuwi na rin ako pag-inom ko ng kape."
"Oh' s'ya sige maiwan ko muna kayo!"
"Sige po!"
"Sure ka ba, baka nag-aaway na ang mga 'yun?" Hinintay muna niyang pumasok si Nanay Sol sa kusina bago niya itinuloy ang gusto niyang sabihin.
"Huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa kanila. Okay?"
"Okay sige na nga!"
Makalipas lang ang ilang minuto muling bumalik si Nanay Sol dala na nito ang isang tasang kape at gatas para naman sa kanya.
"Salamat po Nay, pumanhik na kayo ni Nanay sa itaas lalabas na ako." Saad nito matapos na iabot sa kanya ang baso ng gatas.
Pagkatapos kinuha naman nito ang tasa ng kape.
"Nay doon na rin po muna kayo matulog sa itaas kasama ng mga bata." Saad ni Amanda hindi pa kasi nila naihanda ang magiging kwarto nito.
"Oh' s'ya halika na, teka sandali at isoli ko muna itong tray." Pero pinigilan na ito ni Dustin.
"Ako na po ang bahala diyan Nay isosoli ko rin naman ito." Tukoy nito sa tasang hawak.
"Oh' sige ikaw na ang bahala hane?" Tugon nito.
"Opo wala pong problema, sige na Sis good night na!" Saad na nito sabay halik sa kanyang noo.
"Okay good night na rin! Umuwi ka na rin agad pagkatapos mong magkape. Okay" Sagot na lang niya.
Nagtuloy na sila sa pagpanhik ng bahay. Gabi na rin kasi at medyo nakakaramdam na siya ng antok.
Pagpanhik nila lumabas na rin si Dust dala ang kape nito.
____
Paglabas ni Dust nagulat pa siya nang hindi makita ang dalawa.
Luminga linga ito sa paligid at ng matagpuan ito ng mga mata nasa waiting shed na pala ang mga ito.
Magkaharap at mukhang seryoso ring nag-uusap. Bago pa niya marating ang kinaroroon ng mga ito. Nakita pa niya si Lester na mukhang kararating lang galing sa labas ng gate.
May dala pa itong beer in can na nakalagay sa plastic na iniaabot nito sa dalawa na prenteng nakaupo.
Fvck!
Mukha bang nagkakamabotehan na ang mga gago ah'... Bakit ba nakahingi pa ako ng kape?
Bulong nito sa sarili.
Nang malapit na ito kinambatan nito ang isang guard agad naman itong lumapit.
"O, para sa'yo ipinagtimpla na kita ng kape. Mukha kasing inaantok ka na, ubusin mo 'yan ha'!"
"Sir?" Nagtaka naman sa kanya ang guard at napakamot na lang ito sa ulo ngunit kinuha rin ang kape.
Deretso namang tumalikod na si Dustin at tuloy tuloy na lumapit sa kinaroroon nila Joaquin.
"Oh' narito na pala si Dust eh' umpisahan na!" Saad ni Gavin ng makitang palapit na si Dustin.
"Si Angela?" Tanong naman ni Joaquin.
Makikitang parehong may pasa ang dalawang lalaki. Si Joaquin na putok ang labi at si Gavin na pumutok naman ang kilay. Pero kung pagmamasdan naman ang mga ito.
Parang wala namang nangyari at walang naging problema dahil ngayon ay magkasundo na.
"Pinapanhik ko na sa itaas kasama si Nanay Sol."
"You think she's okay now?"
"I hope so, pero huwag ka nang mag-alala magiging okay rin 'yun." Tugon ni Dustin.
"Mabuti na lang nakumbinsi ko si Nanay Sol na sumama sa amin. Kahit paano may makakausap siya kung sakaling ayaw pa rin niya akong kausapin." Saad ni Joaquin na may bahagyang lungkot sa mga mata.
"Kakausapin ka rin nu'n at sure ako na hindi na rin siya galit sa'yo."
"Sana nga, salamat rin sa'yo Bro!"
"Huwag n'yo nang alalahanin pa ang babaing iyon mabuti pa uminom na lang tayo.
'Sigurado namang okay na 'yon! Ang lakas na ngang sumipa oh'. Hanggang ngayon masakit pa ang binti ko."
"Dapat lang 'yan sa'yo!" Mabilis na tugon ni Joaquin.
"Ang ingay mo kasi, kaya hindi kayo magkasundo pareho kasi kayo ng ugali." Saad naman ni Dustin.
"Woah, hindi rin!" Sabay tungga nito ng beer.
"Bakit ka nga pala narito at saka kailan ang balik mo ng Iloilo?" Si Dust na tumutungga na rin ng alak.
"Pambihira ayaw mo na ba talaga akong nakikita dito?" Kunwaring reklamo nito.
"Hindi naman sa ganu'n pero alam mo naman na hindi tayo p'wedeng magpakakampante. Habang malaya pa si Anselmo at maaaring nasa paligid lang..." Nasa tono ni Dust ang pag-aalala.
"Sigurado ako na wala pa siya dito sa Pilipinas. May ina-sign na akong mga tao para magbantay.
'Kaya malalaman ko kung nakabalik na siya at sigurado rin ako na nasa pangangalaga siya ngayon ng isa pa niyang Anak." Tugon ni Gavin.
"May Anak pa si Anselmo bukod sa in..." Hindi na naituloy pa ni Joaquin ang sasabihin ng sawatahin ito ni Dustin.
"Don't you ever say it again, kung ayaw mong dagdagan ko pa 'yang pasa sa mukha mo." Saad ni Dust ng may pagbabanta.
"I'm sorry!" Naiintindihan naman agad ito ni Joaquin.
"Hindi siya karapat-dapat maging Ama ng kahit sino? Dahil wala siyang kwentang tao." Dagdag na tugon pa ni Dust, mababakas rin sa mukha nito ang matinding galit.
"Gusto ko kayong tulungan pero hindi ko pa alam kung paano?" Dugtong na tugon rin ni Joaquin.
"Hihingin rin namin ang tulong mo kung kailangan sa ngayon mas mabuti kung magfocus ka na lang muna sa kasal n'yo ni Amanda at s'yempre siguraduhin mo rin na maprotektahan siya.
'Dahil iyon ang pinaka magandang magagawa mo sa amin ngayon. Dahil sigurado ako kapag nalaman ni Anselmo na si Amanda ang tunay niyang Anak at hindi si Amara.
'Tiyak na gagawin niya ang lahat para makalapit sa Asawa mo at makuha nila si Amanda sa atin." Seryoso namang tugon ni Gavin.
"Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon! Hinding hindi niya makukuha sa akin si Angela." Sagot ni Joaquin.
"Alam namin 'yun, kaya nga ipinagkakatiwala ko na siya sa'yo. Tama si Gavin malaking bagay sa amin na nariyan ka lalo na sa akin. Dahil alam ko na mapoprotektahan mo siya.
'Kaya ikaw na sana ang bahala sa kapatid ko Bro!" Saad ni Dust sa napakaseryoso ring anyo.
"Hindi n'yo na kailangang sabihin 'yan, dahil iyon talaga ang gagawin ko." Seryoso ring tugon ni Joaquin
"Salamat!"
"Kung alam n'yo pala kung nasaan ang taong iyon. Bakit hindi na lang kayo ang kusang sumunod sa kanya kung nasaan man siya?" Tanong ulit ni Joaquin.
"Ang alam lang namin nasa Europe ang kanyang Anak. Ngunit hindi namin alam kung saang parte ba ng Europe sila naroon ngayon?"
"Ano ba ang pangalan ng Anak niya? Susubukan ko kung may magagawa ako para hanapin siya sa Europe." Suhest'yon na ni Joaquin.
"Bradley Dominguez iyon lang ang alam naming pangalan ng Anak ni Anselmo." Sagot ulit ni Gavin.
"Okay sige tingnan ko kung ano ang magagawa ko?"
"Maaaring alam na rin niya na nasa Europe si Amara. Kaya dapat ring malaman niya ang tungkol doon." Si Dust.
"Ibibigay ko na lang sa'yo ang number niya. Balak ko rin silang tawagan para magkausap na rin silang magkapatid. Siguradong gusto rin ni Angela na makausap si Amara.
'Ang gusto ko sana personal kaming bumiyahe papuntang Europe kasama ang mga bata. Pero mukhang hindi pa p'wede dahil na rin sa sitwasyon?"
Parang normal lang silang nag-uusap ng mga mahalagang bagay habang panay rin ang tungga ng Alak.
"No huwag na lang muna kayong magbiyahe hangga't hindi tayo sigurado." Suhest'yon ni Dust.
"May isa pa nga pala akong gustong sabihin at itanong."
Saglit itong tila lumunok medyo tinatablan na kasi ito.
Marami-rami na rin kasi silang naiinom mula pa kanina. Si Lester naman ang taga kuha nila ng alak. Hindi na rin nila alintana pa ang palalim ng gabi.
"Ano 'yun?" Hindi na nakatiis na tanong ni Dustin. Nang hindi pa rin ito kumikibo at tila napipikit na.
"Nalaman ko hik, 'yung tumulong sa kanya sa pagtakas hik! I-isang babae na nasa 50 years old na pataas ang idad. Maaari ring matagal na niya itong kakilala o baka kaanak niya hindi ko pa alam.
'Pero may nakuha kaming litrato ng babae at inaalam ko pa kung ano ang kanyang pagkakilalan." Saad ni Gavin bago ito tuluyang nakatulog na tila nahapo.
"Eh' nasaan ang picture? Hoy!" Tanong ni Dust na tinapik-tapik pa nito si Gavin sa pisngi at sinusubukang gisingin.
"Pambihira naman ginawa pa akong unan!" Reklamo ni Lester na medyo malagihay na rin.
"Hahaha, ang hina pala ng bata mo Bro!" Tumatawang komento naman ni Joaquin.
Medyo tinatablan na rin ito hindi lang halata. Ngunit nagsisimula na pumungay ang mga mata.
"Hindi naman, lagi lang siyang nakikipag-unahan sa tulugan!" Saad ni Dustin na sinabayan ng malakas na pagtawa.
"Lasing na yata ito kanina pa Boss eh' malakas lang ang loob mag-aya!"
"Ah' kaya naman pala hindi siya makatama kanina?" Nakangising pabirong saad pa ni Joaquin.
"Ah' kaya pala nadaplisan ka lang no?" Tumingin pa si Dustin sa pumutok niyang labi saka ito ngumisi ng nakakaloko.
Sinabayan pa ng pigil na pagtawa ni Lester.
"Gago... Magsiuwi na nga kayo madaling araw na bitbitin n'yo na rin ang isang 'yan!" Pagtaboy na niya sa mga ito.
"Hahaha, pikon! Sige uuwi na kami alam ko na mang pabagsak ka na rin..."
"Ikaw yata ang lasing eh' gusto mo one in one pa tayo eh'....."
"Matulog na tayo mga bossing masakit na ang balikat ko sa isang ito!" Reklamo ni Lester upang awatin na rin sila.
"Buti pa nga saka nami-miss ko na rin ang asawa ko kaya umuwi na nga kayo!
'Oooppps bago ko nga pala makalimutan, kapag nakuha n'yo ang picture nu'ng babae. Bigyan n'yo rin ako ng kopya gusto kong makatulong hik!" Dagdag pa ni Joaquin.
"Okay Bro, batsi na kami!"
Tinulungan na rin nito si Lester na umalalay sa tulog pa ring si Gavin. Kahit medyo pahapay at alanganin na rin ang tindig ng dalawa.
"Oh' ingat sa pagtawid ha' baka masagasaan n'yo sila, hik!" Saad ni Joaquin saka ito tumawa.
Sinagot naman ito ng dirty finger ni Dustin ng hindi na nag-abala pang lumingon.
Malakas na tawa pa rin ang sagot ni Joaquin. Ngunit kinambatan nito ang mga guards para ihatid ang tatlo.
Ang isa naman ay tinawag niya para bilinan.
"Pagbalik ng mga kasama mo kayo na bahalang magligpit dito ha'? Papanhik na ako sa itaas!"
"Okay po Sir, kaya n'yo po bang pumanhik?" Tanong pa nang nag-aalalang guard.
"Oo naman, a-anong pala-gay mo sa'kin lashing? Sila la-ang ang lasing, hik!" Saka walang paalam itong tumalikod sa mabuway na paglalakad.
Napakamot tuloy sa ulo nito ang guard habang kabadong sinundan na lang siya ng tingin nito.
Sinundan siya nito ng tanaw hanggang sa makapanhik siya ng hagdanan. Kahit pa sa mabuway na paglalakad at saka pa lang ito nakahinga ng maluwag ng tuluyan na siyang makalagpas sa hagdan.
Bago pa ito muling lumabas at sinunod ang bilin ng amo.
____
Pagdating ni Joaquin sa itaas ng bahay saglit na sumilip lang siya sa kwarto ng mga bata. Bago siya tumuloy sa sarili nilang kuwarto.
Mahimbing nang natutulog si Amanda sa Masters bedroom.
Napahinga siya ng malalim habang pinagmamasdan ito. Parang bigla ring nawala ang kalasingan niya ng bumalik sa kanyang isip ang kasalukuyan nilang sitwasyon.
Kasabay ng hiling na sana hindi na talaga ito galit sa kanya at sana rin hindi maging dahilan ang mga nangyari sa mga plano nila sa hinaharap?
Dahil gusto na talaga niyang mabuo ang kanyang pamilya. Handa siyang gawin ang lahat para mangyari iyon. Babawi siya sa lahat ng pagkukulang niya.
Kailangang makasal na sila the sooner the better!
Saglit na naglinis muna siya ng katawan at nagtoothbrush. Bago pa niya tinabihan ang mabango niyang Asawa.
Paghiga niya niyakap niya ito agad mula sa likuran. Patalikod kasi ito sa kanya, ngunit naging magaan at maingat ang kanyang kilos upang hindi ito magising.
Kahit ang paghalik niya sa buhok nito ay maingat na maingat.
"Matulog ka lang mahal ko! Sana bukas okay na tayo? Pangako magiging maayos na ang lahat.
'Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko! I love you, my wife and my life!" Bulong ni Joaquin sa natutulog pa ring si Amanda.
Hanggang sa unti-unti na itong hilahin ng antok at tuluyang makatulog.
Si Amanda na tila naman naalimpungatan, pagdilat nito nasa tabi na niya si Joaquin at mahimbing na natutulog.
Pinilit niyang bumiling upang saglit na pagmasdan ito. Nahigit niya ang paghinga ng malanghap ang pinaghalong mabango at ang bahagyang amoy ng alak sa bibig nito.
Mukhang nakapaglinis pa ito ng katawan sa kabila ng kalasingan.
Nakapagpalit na kasi ito ng boxer short at walang pang-itaas.
Kanina nang silipin niya ang mga ito sa bintana. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan at mula sa malayo batid niya na umiinom ang mga ito.
"Anong oras kaya sila natapos?" Bulong pa niya sa sarili.
Nang bigla itong gumalaw na tila hinihila siya palapit.
"Angela..." Narinig pa niyang bulong nito ngunit nahihimbing pa rin.
Saglit siyang humugot ng hininga bago muli na siyang sumiksik sa tabi nito. Hinigpitan naman nito ang pagyakap sa kanya na tila ba ayaw siyang pakawalan.
"Joaquin, mahal na mahal kita mula ngayon ipapaubaya ko na sa'yo ang buong buhay ko."
Hanggang sa muli na rin siyang nabalik sa mahimbing na tulog.
____
"Papa...?!
'A-anong pong ginagawa n'yo dito?"
"Bakit hindi na ba ako gustong makita ng mahal kong Anak?!"
Nakangising tanong nito sa tila nagulat nitong Anak. Hindi kasi nito inaasahan na pupuntahan at makikita nito ang Ama sa lugar na iyon...
*****
By: LadyGem25
(08-30-21)