Pagkagaling nila sa isang Salon sa loob ng Alabang Town Center.
Deretso na rin silang namasyal sa mga Shopping Malls. Maayos na ngayon ang kanyang buhok.
Medyo pinaiksian niya ito para mahabol na rin ang hindi pantay niyang buhok. Pina-leyered niya ito ng maiksi kaya hindi mo na mahahalata na na-harassed ang kanyang buhok.
Kung mayroon mang nanghihinayang sa mahaba niyang buhok iyon ay si Joaquin.
Nagawa pa siya nitong biruin paglabas nila ng Salon.
"Paano ba 'yan, parang mas gwapo ka na yata sa'kin ngayon? Kapag nakatalikod tayong dalawa malamang hulaan pa nila kung sino sa atin si Adan at si Eva?" Natawa na lang siya sa tinuran nito.
"Anong magagawa ko mas gusto mo ba 'yung magmukha akong aning-aning?"
"Hindi naman, pero dapat hindi na lang iyan ang isinuot mo sabi ko naman magbestida ka!" Tukoy nito sa Jeans at shirts niyang suot.
"Kung ganu'n nahihiya kang kasama ako?!" Tanong niya.
"Ano ka ba, hindi ah'?"
"Ma... Pa, nag-aaway ba kayo?!"
"Hindi!" Nagkasabay pa nilang tugon kay VJ.
"A-away ayo?" Si Quian na inulit lang ang tanong ni VJ.
"Wak away ama 'yun!" Tugon naman ni Quiyel.
"Hindi mga Anak hindi kami nag-aaway. Love ko kaya si Mama, hindi ba Mama kiss mo nga ako!" Nakangiting baling naman nito sa kanya.
"Oh' Mamà kiss mo na daw si Papa hindi na siya galit." Saad ulit ni VJ na ngumiti pa ng nakakaloko sabay kindat sa Ama.
"Ano eh' kung pag-untugin ko kaya kayo?!" Tugon niya.
Humagikgik naman ng tawa si VJ.
"A-ma kiss Papa!" Sagot ulit ni Quian.
"Kiss Papa, anu'n oh'!" Sabay halik nito sa pisngi ni Joaquin.
Buhat buhat kasi ito ni Joaquin sa magkabilang bisig. Habang akay naman niya si VJ.
"Oh' Mama kiss mo na kasi si Papa sige na!"
"Pambihira talong-talo pala ako sa inyo kapag nagkampihan na kayo!"
"Kaya talo ka talaga, kaya kiss mo na ako Mamà para hindi na ako magalit sige na!"
"Ki-kiss na si Mama!" Buyo ulit ni VJ habang pumapalakpak naman ang kambal.
"Hmmm, sige na nga!" Kaya wala na siyang nagawa kun'di halikan nga ito sa pisngi.
Ngunit bigla itong humarap kaya sa labi niya ito nahalikan.
Tuwang-tuwa pumalakpak pa ang kambal maging si VJ.
"Ato yin kiss A-mama!" Halos sabay pang saad ng kambal.
Kaya naman hinalikan rin niya ang mga ito maging si VJ.
Tuwang-tuwa naman ang tatlong bata habang pumapalakpak.
"Yeheyyy, bati na sila!"
"Bati di na away?!"
"Ye-ey bati!"
"I love you, Mama!" Saad pa sa kanya ni Joaquin.
"Hmmm, I love you too Papa!"
"Sabi na eh' love ka talaga ni Mamà Papa!"
"Ab-yu!hihihi..."
"Ab-yu, Mama!"
Natawa naman ng malakas si Joaquin sa pagsasalita ng kambal.
"I love you, I love you din Kuya!"
"Ab-yu uya!"
"Abyu, a-papa!"
"Grabe kayo pinagtitinginan na tuloy tayo para na tayong mga sira!" Natatawang saad ni Amanda.
"Hayaan mo nga sila Hon, inggit lang sila."
"Tayo na wala na tayong mabibili niyan!"
"Okay let's go buddies!"
"Okay!"
Ang totoo napakasaya niya ng mga sandaling iyon. Lihim pa niyang hiling na sana nga huwag nang matapos ang mga oras na iyon.
___
Kinabukasan kasalukuyan ulit silang nag-aalmusal ng may dumating na mga pulis sa bahay nila Joaquin.
Hindi muna ito pinapasok ng guard at pinaghintay muna ito sa labas ng gate.
Pasimpleng pumasok ang guard sa loob ng kabahayan. Deretso ito sa kusina at lumapit kay Joaquin at binulungan ito.
"Sir, may mga pulis po sa labas!" Pasimpleng bulong nito kay Joaquin.
"Ah' okay sige susunod na ako!" Tumayo na si Joaquin at saglit na pinahiran ang bibig bago muling nagsalita.
"Continue your food to eat, lalabas lang ako sandali. Honey listen to me, diyan ka lang muna ha'? Huwag ka munang lalabas hangga't hindi ako bumabalik, okay!" Bilin ni Joaquin.
"Sino ba 'yun dumating, may problema ba?" Tanong ni Amanda na bigla na lang kinabahan.
"Just follow what I said it to you! Sandali lang, babalik rin ako agad. Just stay where you are, okay?" Mahigpit na bilin nito sa napakaseryosong anyo.
Kaya naman alam ni Amanda na may problema. Lalo lang tuloy nabuhay ang kaba sa kanyang dibdib.
Ngunit sinunod pa rin niya ang bilin ni Joaquin na manatili lang sa kusina at hintayin itong bumalik. Bukod pa sa nag-aalala rin siya na mabahala ang mga bata.
___
Habang sa labas...
"Boss, ano ho ba ang atin?" Tanong ni Joaquin pagharap sa mga pulis. Tatlong pulis ang pumasok sa loob ng bakuran at kaharap niya ngayon.
"Ah' magandang araw po Mr. Alquiza, pasensya na po sa abala. Naparito po kami para sana imbitahin kayo sa presinto at saka ganu'n rin sana ang nobya ninyo si Miss Amanda Ramirez.
'Narito po ba siya ngayon sa bahay n'yo? Meron lang po sana kaming konting katanungan tungkol po sa nangyari kay Ms. Chloe Martin 'yun pong sikat na modelo na natagpuang patay noong isang araw."
"Ah' Sir, hindi ko po alam kung bakit kailangan ninyo kaming kuwestiyunin? Gayung wala naman kaming kinalalaman sa nangyari. Pero sige po bilang pagsunod sa batas, handa naman kaming makipagtulungan sa inyo ano mang oras.
'Pero maaari bang ako muna ang sumama sa inyo? Kasama kasi ngayon ng misis ko ang mga Anak namin. Hangga't maaari ayoko sanang maguluhan sila.
'Tatawagan ko lang muna sandali ang Abogado namin, sasama na ako sa inyo pagkatapos."
"Ah' eh Mr. Alquiza wala bang p'wedeng tumingin sa mga bata kailangan rin po kasing kasama si Ms. Ramirez."
"Ah' sandali lang kokontakin ko lang muna ang Abogado ko."
"Baka po p'wedeng tawagan n'yo na lang habang nasa biyahe tayo Sir, nasaan po ba si Ms. Ramirez? Para makaalis na po tayo agad!"
Napahugot na lang ng malalim na paghinga si Joaquin. Pilit rin nitong pinakakalma ang sarili. Dahil alam niyang higit niyang kailangan na maging mahinahon sa mga sandaling iyon.
Ngunit tila wala na siyang magagawa pa kun'di ang isama si Angela. Dahil sa tingin niya hindi talaga papayag ang mga ito na hindi kasama ang babae.
Ah' kung p'wede lang na saluhin na lang niya ang lahat. Bakit ba kailangang pagdaanan pa nila ito? Wala naman talaga silang kasalanan.
They don't deserve this, cause they didn't do anything wrong.
Hindi naman sila ang pumatay o gumawa ng kahit ano mang may kinalalaman sa nangyari. Kay Chloe man o kahit kanino at patutunayan niya 'yun sa lahat?!
Kahit alam naman niya na mangyayari ito. Dahil may mga nag-imbestiga na rin sa ARC kahapon. Nasabi na ito sa kanya ni Dustin ngunit parang hindi pa rin siya handa.
Pero gagawin niya ang lahat para hindi mag-alala si Angela.
"Ah' Sir maaari bang hintayin n'yo na lang kami dito tatawagin ko lang ang misis ko. Huwag kayong mag-alala sasama kami ng maayos. Ayoko lang mag-alala ang mga Anak namin, nakikiusap po ako!"
"Pasensya na po Mr. Alquiza pero may sinusunod po kaming protocol. Kaya huwag ho sana kayong magalit kung kailangan pa namin kayong sundan.
'Sumusunod lang po kami sa utos may mga karapatan naman po kayong ipagtanggol ang inyong sarili at saka huwag ho kayong mag-alala kailangan n'yo lang po talagang magbigay ng pahayag!"
Huminga lang muna ulit siya ng malalim. Bago lumakad at muling pumasok sa kabahayan. Ngunit sa pagkakataong iyon kasunod na niya ang mga pulis.
Agad napatayo si Angela ng muli siyang makitang bumalik. Ngunit napuno agad ito ng kaba ng makita na may kasunod siyang mga pulis.
"Joaquin! A-anong?" Agad itong lumapit sa kanya at bumulong.
"Don't make a panic sweetheart, everything will be alright Okay? You need to be strong now, Hon! Kailangan lang nating sumama sa kanila ngayon. But don't worry okay. Baka makahalata ang mga bata." Hinawakan siya nito sa kanyang kamay at bahagyang pinisil.
"Ah' Didang kayo muna ang bahala sa mga bata aalis lang kami sandali. Babalik rin kami agad.
'VJ Anak be a good boy ha' and take care of your two brothers, okay?"
"Yes, Daddy pero saan po ba kayo pupunta?"
"Diyan lang Anak babalik rin kami agad. Just stay there with your brothers, okay!"
"O-opo Daddy basta babalik kayo agad ha'?"
"Yes of course buddy!"
"Mommy?"
Muling pinisil ni Joaquin ang kanyang kamay upang kalmahin siya. Bagamat alam rin niyang nararamdaman nito ang kanyang tensyon.
Ngunit kailangan niyang lakasan ang kanyang loob. Para hindi mabahala ang kanyang mga Anak.
"Anak, alagaan mo muna ang mga kapatid mo ha' babalik rin kami agad ni Daddy mo!
'Ate Liway tawagan n'yo ulit si Lyn para may makasama kayo dito." Pigil ang emosyong bilin niya.
"Opo Ate!"
Pagkatapos niyang humalik sa mga Anak tuloy tuloy na silang umalis kasama ng mga pulis.
"Yaya Didang ano po ang nangyayari, bakit po sila may kasamang pulis?"
"May itatanong lang sa kanila huwag kayong mag-alala babalik rin sila agad."
__
Habang si Joaquin sinisimulan na ring tawagan ang kanyang Abogado.
"Yes Attorney ngayon na! Sumunod na kayo agad sa amin sa police station, hihintayin ko na lang kayo doon."
___
"Hello, Dustin! Kailangan mong umuwi ngayon na, si Amanda at Joaquin. Dinala na sila sa police station para daw kunan ng pahayag." Saad ni Gellie habang kausap nito si Dustin sa cellphone.
"Ano kailan pa, bakit hindi n'yo ako agad tinawagan ang mga bata nasaan?!" Tugon ni Dust sa kabilang linya. Napuno agad ito ng pag-aalala.
"Naiwan sa bahay nila Joaquin papunta na ulit doon si Lyn para tingnan ang mga bata kaya ako na ang tumawag sa'yo! Ano ba talaga ang nangyayari, bakit kailangan nilang masangkot sa nangyari kay Chloe?"
"Miss understanding lang iyon, maaaring nakarating na sa mga pulis ang nangyaring pag-aaway nila noong isang araw. Marahil iyon ang tinitingnan nilang anggulo sa ngayon. Dahil wala pa silang matukoy na suspect!"
"Kung ganu'n ano ang mangyayari kung hindi nila matukoy ang totoong suspect?
'Ibig bang sabihin nu'n sila pa lang ang nakikitang suspect ng mga pulis?"
"Hindi maaaring mangyari 'yan, dahil wala silang kasalanan! Sige na ibababa ko na ito sa bahay na ulit tayo mag-usap uuwi na kami!"
"Okay sige hihintayin ko na lang kayo dito."
"Okay!" Pinatay na nito ang linya.
__
"Gavin halika na, umuwi muna tayo!"
"Ha' bakit akala ko ba?!"
"Si Amanda at Joaquin dinala na nila sa presinto katatawag lang sa'kin ni Gellie."
"Ha' ano paanong... A-ang mga bata kanino naiwan?!"
"Papunta na doon si Lyn para tingnan ang mga bata. Halika na umalis na tayo tatawagan ko lang muna si Anton ihanda mo na 'yun sasakyan."
"Okay sige!"
Tuloy tuloy na itong lumabas ng Ruffert Resto Bar upang kunin na ang sasakyan sa parking.
Habang lumalakad palabas si Dustin kinokontak naman nito si Anton.
__
"Hello Antonio nasaan kayo ngayon?"
"Narito pa rin kami Boss sa Hotel pero pabalik na..."
"Bilisan n'yo na, nasa presinto na ngayon si Joaquin at Amanda. Maaaring sinisimulan na silang imbestigahan ngayon! Ano na bang ginagawa n'yo ha'?!"
"Boss, relax lang maaayos rin ang lahat."
"Put***ina! Anong magrelax ang sinasabi mo at paanong maaayos eh' wala pa nga tayong nagagawa at nahahanap na ebidensiya na magtuturo sa totoong kriminal?!
'Nasa presinto na sila ngayon at sila ang tinutukoy na suspect. Kahit pa wala naman talaga silang ginawa at sila pa lang ang tinuturong may motibo.
'Umuusad na ang oras at kapag wala pa rin lumabas na suspect maaari sila ang mai-detained.
'Kapag nangyari 'yun sasamain kayo sa'kin! Huwag na huwag kayong babalik dito hangga't hindi kayo nakakakita ng kahit anong ebidensiya, maliwanag?! "
"Boss, huwag ka nang mag-alala hindi talaga mangyayari iyon. Dahil may hawak na kaming ebidensiya at siguradong tapos na ang kaso!"
"A-anong ibig mong sabihin, anong ebidensiya?"
"Boss, may hawak kami ngayong video na magpapatunay at kung saan nakuhanan ang totoong nangyari at kung sino talaga ang suspect?"
"Huh' talaga totoo bang sinasabi mo sigurado kayo, nasaan at paanong nangyari nakuha n'yo na ba ang video?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Oo Boss ayos na, huwag ka nang mag-alala wala na rin tayong problema. Mapapatunayan na kung sino talaga ang may gawa.
'Bahala na rin silang maghabol ngayon. Ang mahalaga hindi tayo madawit sa kaso lalo na sila Ma'am Amanda Boss."
"Dapat lang dahil wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari! Salamat, maraming salamat talaga sa inyo. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nasangkot si Amanda.
'Lalo na at nagsimula na silang mag-imbestiga sa ARC kahapon ng dahil sa nangyari noong isang araw.
'Mabuti na lang si Joaquin ang unang nakausap ko at hindi si Amanda. Sinabihan ko na nga lang na libangin muna niya ang mag-iina at ako na muna ang bahala.
'Maaaring nalaman na nila ang nangyaring gulo sa opisina. Dahil sa ginawa nilang pag-iimbestiga sa ARC kahapon."
"Nakahinga nga rin kami Boss, pero huwag ka sa amin lang magpasalamat kun'di kay Elias. Mabuti na lang madiskarte talaga ang bata nating iyon!"
"Sabihin mo kay Elias mag-uusap kami makipagkita siya sa akin kapag okay na ang lahat ha'?
'Dahil gusto kong personal siyang pasalamatan. Sige na alam kong marami pa kayong gagawin at bilisan n'yo na. Siguradong nag-aalala na ang Ma'am Amanda n'yo!
'Maraming salamat din sa inyo, kapag okay na bumalik na agad kayo dito."
"Areglado Boss basta ikaw nanginginig pa!" Sagot ulit nito sa kabilang linya.
"Ikaw talaga Anton, sige na pagbutihin mo at may bonus ka sa'kin!"
"Ayun, talaga ang hinihintay ko Boss ayos!hahaha..."
"B'wisit!" Napailing na lang siya at natawa sa sinabi nito. Alam naman niyang nagbibiro lang si Anton.
Kabisado na niya ang mga tao niya alam niyang hindi lang ito nagtatrabaho sa kanya ng dahil sa pera.
Kung hindi sa sinumpaan nila sa isa't-isa at pangako ng bawat isa at malaki rin ang tiwala niya sa mga ito.
Ngayon maluwag nang makakahinga si Dustin. Dahil may nakuha na silang solusyon sa problema.
Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nasisiguro na maging maayos ang lahat.
Para sa kabutihan ni Amanda ng pinakamamahal niyang kapatid gagawin niya talaga ang lahat.
Baka kahit pa ang akuin ang lahat gagawin niya. Huwag lang itong mahirapan. Dahil wala naman talaga itong kasalanan.
Siya ang ugat ng lahat, aminado naman siya sa bagay na iyon. Parang gusto na rin tuloy niyang pagsisisihan ang ginawa.
Pero mali ba talagang magsiwalat ng katotohanan?
Mali bang gamitin niya ang pagkakataong iyon para matulungan rin ang iba.
Kahit pa nga may pansarili rin siyang interes. Hindi rin naman talaga niya ginustong may mamatay.
Hindi na niya sakop ang isip ng iba kung iyon man ang mas pinili nilang gawin.
Naging daan lang naman siya upang magbayad ang may kasalanan!
_____
Paglabas niya nasa harap na ng main entrance ang sasakyan ni Gavin.
Deretso na siyang sumakay sa passenger seat. Pag-upo pa lang niya inulan na agad siya ng mga tanong ni Gavin.
"Ano ang nangyari, nakausap mo ba si Anton, anong sabi may balita na daw ba?" Halata namang nag-aalala rin ito sa klase ng pagtatanong.
"Okay na!" Tugon ni Dust na bahagya pang ngumiti.
"Anong okay na, kanina lang hindi maipinta ang mukha mo. Bakit ngayon ahhh...
'Ang ibig bang sabihin niyan nakahanap na sila ng ebidensiya?" Naguguluhan pa ring tanong nito.
"Oo may nakuha na daw silang ebidensiya at sa tingin ko malaki ang maitutulong nito sa kaso."
"Wow talaga mabuti naman kung ganu'n at least magiging maayos rin ang lahat."
"Sana nga? Pero hangga't hindi pa nakakauwi 'yun dalawa at ma-cleared sila ayoko munang magpakakampante. Tatawagan ko si Attorney pagbalik natin sa bahay."
"Hindi na siguro kailangan naroon na rin ang Abogado nila Joaquin.
'Ano ba sa tingin mo hahayaan ni Joaquin na ma-detained sila lalo na si Amanda?
'Kung nag-aalala ka sobra pa sa pag-aalala 'yun taong iyon. He called me earlier, before I picked you up!"
"Alam ko naman 'yun gusto ko lang makasiguro."
"Sabi mo may ebidensiya na, so nothing to worry about?"
Napabuntong hininga na lang si Dustin. Hindi na nga siguro siya dapat na mag-alala.
Dahil magiging maayos rin ang lahat?
"So, dapat siguro sa bahay na lang nila Joaquin tayo dumeretso at du'n na lang maghintay at para na rin makita natin ang mga bata.
'Yun kasi ang kabilin bilinan ni Joaquin, pinababalik niya ako sa bahay nila. Para bantayan ang mga bata nauna na doon si Lyn."
"Sige pero daanan muna natin si Gellie sa bahay. Hinihintay rin niya tayo doon malapit lang naman."
"Okay sige mabuti pa nga!"
Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan papunta sa tiyak na direksyon.
____
Pag-uwi nila Joaquin at Amanda sa bahay, tila ba nagkaroon ng munting pagtitipon.
Naroon na kasi ang lahat at naghihintay sa kanilang pagdating. Si Dustin, si Gellie, maging si Gavin at si Lyn.
Nagulat man ang dalawa sa nadatnan, masaya naman sila na sinalubong ang lahat.
Parang nagkaroon tuloy ng isang salo-salo sa bahay nila Joaquin.
Nagpahanda pa nang maraming pagkain si Dust na nagmula sa Resto Bar nito. Kaya iba't-ibang klase ng seafoods ang nakahain sa mesa.
Nag-order pa ito ng Pizza na hiling naman ng mga bata...
Kumpleto kasi sila, naroon na rin sila Anton at Lester maging ang mga tao nito lalo na si Elias.
Naroon rin sila Russell at Lucille maging si Dessa.
Kaya naman tila ba nagkaroon ng biglaang selebrasyon.
Tuwang-tuwa ang mga bata walang kamalay malay ang mga ito na kanina lang punong puno sila ng pangamba na baka hindi na sila makabalik pa...
Maraming oras man ang ginugol nila sa paghihintay sa istasyon ng pulis upang maisaayos ang lahat sa huli napatunayan rin nila ang totoong nangyari.
Iyon ay dahil sa tulong ng mga taong nasa harap nila ngayon.
Napayakap na lang si Amanda kay Dust pagkakita niya sa lalaki.
"Kuya!" Wala siyang nasabi naunahan siya ng kanyang emosyon. Napasubsob na lang siya sa balikat nito.
"Hush! Darling sabi ko naman sa'yo, kahit kailan hindi ko hahayaang mapahamak ka!"
Tapik naman sa balikat ang salubong ni Joaquin kay Dust maging kay Gavin.
"Salamat Bro!"
"Mabuti pa kumain na lang tayo maayos na ang lahat sigurado ring gutom kayo kain na!"
"Papa, binili kami ni Tito Dust ng pizza ang sarap oh'!"
"Talaga, sige kain lang ng kain Anak ang mga kapatid mo?"
"Ayun oh' busy rin sa pagkain, mukhang gustong gusto rin ang pizza Daddy!" Tugon nito na sinabayan ng masayang pagtawa.
"Good!"
Hanggang sa masaya na ngang kumain ang lahat na tila ba walang pinagdaanang problema.
Ilang sandali pa ang lumipas napansin na lang ni Amanda na biglang nawala si Joaquin. Inikot niya ng tingin ang paligid ngunit wala talaga ito.
"Saan naman kaya nagpunta 'yun?!" Nasa akto na sana siya upang hanapin ito.
Ngunit nakita niyang pababa na ito ng hagdanan habang tila ba umiikot rin ang tingin.
Subalit ng humangga ang paningin nito sa kanyang direksyon at magtama ang kanilang tingin sa isa't-isa.
Agad itong napangiti na parang nasobrahan sa asukal.
Kaya naman ginantihan rin niya ito ng mala arnibal na ngiti.
Kahit sa pakiramdam niya para silang teenager na nagkatinginan sa loob ng campus at nagkataon pa na pareho nilang crush ang isa't-isa.
Akala niya lalapit na agad ito sa kanya, ngunit hindi nito ginawa.
Sa halip....
"May, I had pay your attention please?" Saad nito sa malakas na tinig kaya nakuha nga nito ang atensyon ng lahat. Kahit pa wala itong gamit na mikropono.
"Maaari bang makinig muna kayong lahat? May gusto lang sana akong sabihin. Nais ko rin sanang kunin ang pagkakataong ito una upang pasalamatan kayong lahat.
'At higit sa lahat para sa isang bagay na dapat matagal ko nang ginawa. Kaya naman ayoko nang maghintay ng bukas kung p'wede ko namang gawin ngayon.
'Ang totoo natakot rin ako kanina kahit na alam ko na kaya naman naming patunayan ang totoo.
'Kanina na-realized ko rin kung gaano talaga kahalaga ang bawat sandali sa buhay natin.
'Kaya naman ayoko na ring mag-aksaya pa ng oras. Nais kong kunin ang sandaling ito para sabihin sa inyong lahat.
'Lalo na sa babaing patuloy na nagpapatibok ng puso ko.
'Kung ano ba talaga ang tunay na layunin ko at plano sa hinaharap.
'Para sa nag-iisang babaing patuloy ko minamahal at s'yempre kasama rin ng aming mga Anak." Saglit muna siyang huminto upang mag-alis ng bara sa lalamunan.
Bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. Habang nakikinig naman ang lahat.
"Honey, alam kong hindi ako naging perpekto at marami rin akong naging pagkukulang sa'yo lalo na sa ating mga Anak.
'Pero magmula ngayon gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa inyo.
'Saka ayoko ring mabugbog ng Kuya mo kapag nalaman niyang ibinabahay na kita."
"Buti naman alam mo, pasalamat ka at hindi pa kita napapansin!" Biglang tugon ni Dust.
"Weh' hindi nga halos gusto mo na ngang ipamigay! Hindi naman masyadong halata na botong boto ka dito no?" Biglang sagot naman ni Gavin.
"Tumigil ka nga baka ikaw ang unang samain sa'kin!" Tugon ulit ni Dust.
"Sandali nga, hindi ba ako ang nag-iispeech dito?" Pabirong tanong ni Joaquin.
"Sabihin mo na kasing I love you para happy ending na. Ang tagal naman kasi ng speech mo Bro naiinip na kami sa'yo no!"
"Hmmm, tumahimik ka nga kontrabida ka talaga kahit kailan." Salita naman ni Lyn.
Nagtawanan tuloy ang lahat...
Hindi na pinansin ito ni Joaquin sa halip deretsong lumapit na ito kay Amanda.
"Sweetheart, whatever who you are, Angela, Amanda o Alondra ka man? Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.
'Sa oras na ito isa lang naman talaga ang gusto kong sabihin at itanong...
'WILL YOU MARRY ME?!" Sabay luhod ni Joaquin habang hawak nito ang isang sing-sing.
"WOW!" Halos iisang komento ng lahat.
Kasunod ng paghihintay ng kanyang sagot.
"Yes! Magpapakasal na ang Mommy at Daddy natin." Biglang sigaw ni VJ na hindi na napigilan ang reaksyon.
"ANO PA BA ANG DAPAT KONG ISAGOT S'YEMPRE NAMAN "YES" AGAD!
'MAHIRAP NA BAKA MAGBAGO PA ANG ISIP MO?!"
*****
By: LadyGem25
(08-04-21)