Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 103 - C-102: THE WRONG THOUGHT

Chapter 103 - C-102: THE WRONG THOUGHT

Tuluyan na silang nakalimot ng dahil sa labis na pananabik sa isa't-isa. Dahil wala na rin silang pakialam pa sa paligid.

Hindi na nila alintana kung ano na ang nangyayari kay Dust ng mga oras na iyon. Kahit halos natutuliro na ito sa kahahanap kay Amanda.

Dahil pareho na silang nalulunod sa kaligayahan na pareho nilang nararamdaman. Ngunit dahil sa hindi komportableng sitwasyon.

Aksidenteng nahawakan ni Amanda ang manibela at nadiinan ang buzzer button.

Saglit lang ngunit lumikha pa rin ito ng ingay.

"Aw, shit!"

Sabay pa silang natigilan at napatingin sa isa't-isa, maya maya sabay din silang natawa.

Habang pareho pa silang humihingal...

Nang unti-unting mahimasmasan si Amanda saka lang niya naalala ang kanilang sitwasyon.

Awtomatikong napabalik siya ng upo sa passenger seat. Dahil halos nakakalong na kasi siya kay Joaquin.

"Hey, okay ka lang ba?" Si Joaquin ng maramdaman nitong bigla siyang lumayo.

"Hindi natin ito dapat ginagawa at kailangan ko na ring umalis! Baka hinahanap na ako ni Dust?"

"Sandali nga! Bakit ka ba nagmamadi, hindi pa naman tayo nakakapag-usap ah'?"

"Paano ba tayo makakapag-usap eh' bigla mo akong hinalikan?" Tugon ni Amanda.

"Ah' kasi na-miss lang naman kita. Don't tell me na hindi mo nagustuhan. Gusto mo bang ulitin ko pa from the start?"

Napigil niya ang paghinga ng muli nga itong dumukwang sa kanyang harapan.

"Joaquin!" Bigla siyang naalarma at tinangka pa niyang itulak ito.

Ngunit hindi naman ito nagpatinag.

Hindi rin naman nito itinuloy ang paghalik sa kanya sa halip ay tumawa lang ito. Bago pa man  sumayad ulit ang labi nito sa kanyang bibig.

Bigla siyang napadilat ng marinig niya itong tumawa. Hindi kasi niya namalayan na napapikit na naman pala siya.

Bakit ba nawawala siya sa sarili pagdating sa lalaking ito.

"Now tell me, kung hindi mo talaga nagustuhan ang halik ko?"

"Okay fine! Gusto ko ang halik mo, gustong gusto nahihibang pa nga ako sa'yo eh'!

'Ngayon sabihin mo, masaya ka na ba sa narinig mo, okay na ba ang sagot ko?!" Mataray na tugon niya na hindi na napigilan pa ang pag-alsa ng boses.

"Angela..."

"Hindi ako si Angela, hindi na ako si Angela. Tandaan mo 'yan, Amanda ang totoong pangalan ko narinig mo ba?"

"Kung ganu'n totoo pa lang bumalik na nga ang alaala mo, kailan pa. Kaya ba iniwan mo na lang kami at hindi na binalikan? At wala ka na ring naalala kun'di ang alikabok na iyon!"

Huminga muna siya ng malalim bago muling sumagot.

"Ano pa ba ang halaga ng paliwanag ko?

'Dahil kahit ano pa ang sabihin ko ngayon. Hindi na rin naman p'wedeng maging tayo ulit, hindi ba?

'Dahil kahit ano pa man ang namagitan sa atin noon ay matagal na ring natapos!" Muli niyang tugon dito.

"Dahil tinapos mo at iniwan mo kami! Kung hindi mo lang sana kami iniwan, hindi sana iyon matatapos.

'Hindi tayo matatapos...

'Alam mo bang naghintay ako sa'yo?!"

"Naghintay? P'wede ba Joaquin, sandali lang naman ako nawala.

'Pero ikaw, hindi ka na....

'Oh my God? Si Dustin papunta na siya dito!"

Bigla siyang nataranta ng makita niya si Dustin na papalapit na sa kanilang kinaroroonan. Hindi rin niya maintindihan ang sarili.

Pero ang pakiramdam niya daig pa niya ang asawa na mahuhuli. Habang kasama ang kalaguyo, kahit pa hindi naman talaga ganu'n!

Pero ano nga ba pinagkaiba nila ngayon, hindi ba ganu'n nga? Ang pagkakaiba lang  siya ang totoong kabit at hindi si Joaquin.

"Pabayaan mo nga siya, hindi naman niya tayo makikita. Kaya hayaan mo lang siya!"

Binalewala lang nito ang sinabi niya at kampante pa rin.

"Alam mo ba ang sinasabi mo? Kung okay lang sa'yo, puwes sa akin hindi! Dahil siguradong hinahanap na niya ako ngayon. Kaya kailangan ko nang lumabas ngayon na."

Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse pero nakalock iyon.

"Gan'yan ba talaga siya kahalaga sa iyo ha' at ayaw mo siyang maghintay kahit na sandali lang hindi pa naman tayo tapos mag-usap ah'?

'Samantalang ako ang tagal kong naghintay sa'yo pero hindi mo naman ako binalikan."

Ngunit imbes na sagutin ito.

"Please naman Joaquin, ayokong magalit sa'kin si Dustin. Hindi kami p'wedeng mag-away, kaya nakikiusap na ako sa'yo.

Pakiusap, buksan mo na ang lock siguradong nag-aalala na siya sa akin!"

Dahil sa sobrang pagkataranta ni Amanda hindi na niya nakikita ang kirot na bumalatay sa mukha ni Joaquin ng mga oras na iyon.

Sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Tila hinihiwa nito ang dibdib ni Joaquin.

Puno ito ng panibugho at inggit kay Dustin ng mga sa sandaling iyon.

Lalo namang nataranta si Amanda nang tuluyan ng makalapit si Dust sa sasakyan.

"Tang*** Alquiza lumabas ka d'yan, alam kong nariyan ka sa loob.

'Palabasin mo si Amanda kung ayaw mong magkagulo pa tayo dito, Alam kong naririnig mo ako, hayup ka labas!" Gigil at galit na kinalampag pa nito ang sasakyan.

Tila sigurado naman ito sa sarili na naroon sila sa loob. Kahit pa tinted naman ang sasakyan at hindi nakikita ang sino mang nasa loob nito.

"Sige na, Joaquin nakikiusap ako please. Kailangan ko nang lumabas, ayokong magalit si Dust palabasin mo na ako please!"

"Gan'yan mo ba talaga siya kamahal?"

"Joaquin ano ka ba? Saka na tayo mag-usap, huwag mo na sanang hayaang magalit nang husto si Dustin.

'Sige na please..."

Halos kalampagin na kasi ni Dust ang sasakyan. Tila nawawalan na rin ito ng pasensya.

"Amanda lumabas ka na d'yan alam kong nariyan ka sa loob!"

"Joaquin!"

"Tang*** bakit ba laging ako na lang ang second choice mo! Hindi ba p'wedeng ako naman ang piliin mo?" Muling naulit na naman ang linyang iyon sa isip niya. 

"Please!"

Saglit na humugot muna ito ng malalim na paghinga. At sa huli sumuko rin ito kasabay rin ng pagpindot nito sa unlock button.

"Salamat, huwag ka nang lumabas please ako na lang..."

Nagmadali nang lumabas si Amanda sa sasakyan. Hindi na tuloy niya napansin ang idinulot niyang sama ng loob kay Joaquin nang dahil sa mas pinili niya ang umalis sa tabi nito.

"Damn!" Sabay pukpok ng kamay nito sa manibela.

Pilit rin nitong pinipigilan ang pag-alpas ng emosyon.

Ngunit halata pa rin ang hindi maitatagong pamumula ng mga mata nito.

Hanggang sa lumipas ang isang saglit sa huli nagdesisyon pa rin itong lumabas.

___

Paglabas ni Amanda nakita pa niyang panay ang kalabog at sipa ni Dustin sa sasakyan.

Pilit nitong pinalalabas ang sino mang nasa loob.

"Dustin!" Tawag niya, napalingon naman ito. Kaya nabaling na sa kanya ang atensyon.

Nilapitan naman niya ito agad upang pakalmahin at ilayo na sa sasakyan ni Joaquin.

"Anong ginawa niya sa'yo ha' at bakit ka ba umalis ng hindi nagpapaalam? Pinag-alala mo ako ah' ang akala ko tuloy may masamang nangyari na sa'yo!" 

"Sorry na, wala namang masamang nangyari sa'kin. Kaya sige na, huwag ka nang magalit bumalik na lang tayo sa loob."

Niyakap niya ito para hindi na ito mag-alala pa.

Alam niyang sobra itong nag-aalala kapag bigla na lang siyang nawawala sa paningin nito.

Magmula ng bumalik sila ng Pilipinas. Palagi na siyang inaalala nito at lagi rin siyang mino-monitor nito kahit saan siya magpunta.

Kaya niyakap na lang niya ito para kahit paano mawala ang nararamdaman nitong tensyon.

Pagkakataon na inabutan pa ni Joaquin paglabas nito. Walang kamalay malay si Amanda na parang dinudurog ang puso ni Joaquin ng mga sandaling iyon.

Dahil wala siyang nasa isip kun'di ang paglayuin ang dalawang lalaki mahalaga sa kanya.

Dahil hindi niya hahayaan na mag-away ang mga ito.

Dahil pareho rin niyang kilala ang dalawa kaya sigurado siyang parehong hindi magpapadaig ito sa isa't-isa.

Ngunit sadya yatang hindi na maiiwasan pa ang nakatakda nang mangyari.

"Oh' Torres, sobra ka naman yatang nag-alala. Para hiniram ko lang naman siya sandali at sa pagkakaalam ko mahilig ka rin namang manghiram ng asawa ng iba hindi ba?"

"Eh' Gago ka pala talaga! Anong pinagsasabi mo ha'?" Bumaling ito at sinugod si Joaquin.

Kahit pa sinikap ni Amanda na habulin ito. Hindi niya nagawa, napaka-bilis ng pangyayari.

Nagawa na agad nitong undayan ng suntok si Joaquin na naging sanhi ng pagputok ng labi nito.

Ngunit hindi naman ito nagpatalo, gumanti rin ito ng suntok. Kahit pa naiwasan ang pagsentro ng kamao ni Joaquin sa mukha ni Dust.

Hindi pa rin naiwasan na masapol nito ang kilay ni Dustin.

"Dustiiin!" Napahiyaw na si Amanda.

Sobrang nag-aalala na ito, lalo na nang makita nito ang parehong duguang mukha ng dalawang lalaki.

"Ano ba kayo tama na, tumigil na kayo nagkakasakitan na kayo, tama na!"

Ngunit nagpapambuno pa rin ang dalawa.

"Gago ka rin, bakit ikaw, akala mo kung sinong kang matino?!

'Akala mo siguro hindi ko alam na niloloko mo lang si Angela!"

Napangisi lang si Dustin sa sinabi ni Joaquin. Habang pareho lang na nagsusukatan ang mga ito ng lakas.

"Hindi ko alam kung mahina ka lang o sadyang tanga ka? Huwag ka nang umasa na hahayaan ko si Amanda na mapunta pa sa'yo gago!"

Pasalya itong itinulak ni Dust na ikinatama ng likod nito sa gilid ng sasakyan.

"Tang***!" Gumanti naman ito ng sipa na tumama sa sikmura ni Dust.   

"Puwes, hindi ko rin hahayaan na patuloy mo siyang gaguhin!"

"Agh, siraulo ka!"

Gumanti naman ito ng turning  kick ngunit mabilis naman itong nailagan ni Joaquin na lalo pang kinainis ni Dust.

Dahil pareho nang mainit ang ulo ng bawat isa at parehong ayaw magpatalo.

Kaya humanda na naman ang mga ito upang muling sugurin ang isa't-isa.

"Ano ba tama na, tumigil na kayo sabiii!"

Malakas ang loob na sinubukan nang pumagitan ni Amanda sa dalawang lalaki.

Hindi na niya alintana kahit siya pa ang matamaan ng mga ito.

Ngunit naramdaman na lang niya na tila umikot siya pabalik at palayo sa dalawang lalaki, na gusto na yatang magpatayan ng mga sandaling iyon. 

"A-anong?"

"Hey, grabe ka naman princess. Bakit ka ba gumitna du'n wala pa naman akong narinig na bell ah'?

'Saka alalahanin mo rin hindi ka Referee, Round Girl ka!

'Round Girl, okay?"

"Ano bang pinagsasabi mo, sino ka bang buwisit k..

'Ga-Gavin?"

"Hello babe! Bakit mo ba sila aawatin? Hayaan mo nga silang magpatayan.

'Huwag kang mag-alala, kapag natsugi sila pareho ako na ang bahala sa'yo!"

Sadyang inilakas pa nito ang boses, sapat para marinig ng dalawa na tuloy pa rin sa pagpapalitan ng suntok.

"Mas matutuwa pa ako kung aawatin mo na lang sila please Gavin!"

Puno na siya ng pag-aalala sa dalawa samantalang ang kausap niya ay kampante pa rin.

"Pambihira ka naman ngayon pa nga lang umiinit ang laban at saka ngayon pa lang nga ako ginaganahang manood. Hayaan mo nga sila!"

"Kung ayaw mo ako na lang...!"

Ngunit hinila ulit siya nito pabalik.

"Ano ba Gavin?!"

"Hep, sandali nga! Ayusin nga muna natin itong damit mo. Pansin ko halos makita na ang mayaman mong dibdib ah'."

Napasinghap siya sa sinabi nito awtomatikong napatingin siya sa kanyang harapan. Pagkatapos ibinalik rin ang tingin sa lalaki.

Nagulat pa siya ng inayos nga nito ang harapan ng damit niya na medyo lumuwag na at ngayon lang niya naalala.

Hindi na nga pala niya nagawang ayusin ang sarili kanina bago pa lumabas ng sasakyan ni Joaquin.

Dahil sobrang nataranta na siya kanina. Kaya hindi na niya nagawa pang pagtuunan nang pansin ang kanyang sarili.

"Grabe, parang ang seksi mo yata ngayon ah'. Kaya naman pala, parang alam ko na kung bakit nagalit si Boss?

'Sabihin mo ano, naka-iskor ba 'yung isa?" Pabirong bulong pa nito.

Ngunit imbes na matuwa siya sa birong iyon, lalo lang siyang nainis.

Hindi na siya nag-isip pa, tinangka niya itong tuhurin sa pagitan ng hita.

Ngunit mabilis itong nakaiwas at nasalo ang kanyang tuhod.

"Ate hindi para sa'kin 'yan, ireserve mo na lang 'yan sa iba p'wede?"

"Ah' ganu'n ba? Pero ito para lang sa'yo buwisit ka! Marami kang kasalanan sa'kin." Sinapak lang naman niya ito sa mukha.

"Ouch! Pambihira ka naman ah', may date ako mamaya. Anong ginawa mo? Bakit ang lakas mo namang sumuntok."

Protesta nito habang salo salo ang nasaktang panga.

"Tang*** ka Gavin anong pinaggagawa mo iuwi mo na si Amanda!"

"Ano, bakit mo siya hahayaang sumama sa lalaking 'yan?"

"Wala ka nang pakialam!"

"Pano ba 'yan sabi ni Big Boss iuwi na kita. Dahil masunurin naman ako kaya halika na uwi na tayo!"

"Hindi a-ayoko, awatin mo muna sila please Gavin!"

"Hayaan mo na sila, sigurado akong hindi ka mawawalan ng lovelife okay. Dahil alam kong hindi siya papatayin ni Dust.

"Hayaan mo na lang na mabalian siya ng buto para magtanda.

'Halika na!" Halos buhatin na siya nito palayo.

Kahit ano pang pagwawala niya hindi na siya nito binitiwan.

"Ano ba, Dustin ayokong sumama sa kanya. Tumigil ka na tigilan mo na siya!"

"Sandali, anong ginagawa n'yo, saan n'yo siya dadalhin?"

"Oppps, saan ka pupunta hindi pa tayo tapos gago ka!"

"Hayup ka, Torres bakit kailangan mo s'yang ipaubaya sa mga tauhan mo?!"

"Dahil mas may tiwala ako sa kanila kaysa sa iyong walanghiya ka! Saglit lang akong nawala sumalisi ka nang hayup ka!"

"Kung niloloko mo lang siya, bakit hindi mo na lang siya ipaubaya sa akin?"

"Gago ka ba? Kapag nalaman kong karapat-dapat ka na. Saka mo na lang sabihin sa'kin 'yan! Baka sakaling pag-isipan ko pa?

'Kaya umayos ka ha'!" Sabay tulak ulit dito ni Dustin.

Kaya sumadsad na naman ang likuran nito sa sasakyan. Ngunit nang makabawe ito muli nitong tinadyakan ang nakatalikod na sanang si Dustin.

Tinamaan ang kaliwa nitong pang-upo.

"Put***ina!" Napaigik ito at muntik pang mapaluhod. Kung hindi lang ito maagap na nakakuha ng balanse.

Kaya naman ng makabawi na ito muli itong bumiling, kasunod nang pagsipa nito sa tagiliran ni Joaquin. Na naging dahilan naman ng pagsadsad ni Joaquin sa sahig.

Kahit pa nasaktan muli itong bumangon upang sugurin ulit si Dust....

Subalit dalawang kalibre kwarenta'y singko ang biglang sumalubong sa kanyang mukha na siyang ikinatigil niya.

_____

Habang si Amanda naman ay hindi na binitiwan pa ni Gavin. Hanggang sa makarating sila sa sasakyang dala na nito.

Tuluyan na siyang inilayo nito sa dalawang lalaking nag-aaway pa rin ng iwan nila.

Pilit siya nitong isinakay sa sasakyan nito. Kaya wala na siyang nagawa, malakas ito at wala siyang kalaban laban.

"Ang sama sama talaga ng ugali mo buwisit ka! Saka sandali nga, ang akala ko ba hindi kayo magkakilala ni Dust?"

"Sinong nagsabi?" Sinimulan na nitong buhayin ang makina ng sasakyan.

"Hindi ko alam kung sino sa inyong dalawa ni Dustin ang sinungaling? Niloloko n'yo ako, sinasabi ko na nga ba na may kaugnayan kayong dalawa."

"Seatbelt mo!" Ito na rin mismo ang nagkabit ng seatbelt sa kanya.

"Bakit kayo nagsinungaling sa akin ha'?"

"Hindi ako nagsinungaling sa'yo ah' saka pinoprotektahan ka lang naman ng Kuya mo laban kay Anselmo."

"Hindi ko siya Kuya, dahil nagpapanggap lang naman siyang kuya ko. Pero kahit kailan hindi ko kapatid ang sinungaling na iyon!

'Nakakainis siya! Kapag may nangyaring masama kay Joaquin hindi ko siya mapapatawad."

"Whoa grabe, ibig bang sabihin n'yan kung si Dust ang masaktan okay lang sa'yo?!" Muli siyang natigilan dahil sa tanong na iyon.

Nahigit naman niya ang paghinga ng simulan na nitong paandarin ang sasakyan.

Muntik pa siyang malaglag sa kanyang inuupuan kung hindi lang siya nakasuot ng seatbelt.

Dahil sa sobrang bilis ng takbo nila daig pa ang nakikipagkarera.

Kaya naman hindi kataka-taka na agad rin silang nakarating ng bahay. Dere-deretso lang ang Ferrari nito sa loob ng bakuran.

Tila kabisado na rin ito ng mga guards. Dahil bumusina lang ito ng isang beses agad na itong pinagbuksan ng gate.

Ang pagkakaalam niya hindi basta nakakapasok ang sino man sa loob ng bahay ni Dust.

Ang ibig sabihin lang nito dati na itong labas masok sa bahay na ito.

Kung ganu'n pala matagal nang nagsisinungaling ang mga ito sa kanya...

Pero bakit kailangang ikaila pa nila sa'kin na magkakilala sila, may itinatago ba sila sa akin?

*****

By: LadyGem25

(04-29-21)