Tatlong araw ang nakalipas mula ng pumayag siyang pumunta sila ng London.
Narito na sila ngayon ilang minuto na lang lalapag na ang sinasakyan nilang eroplano sa Vacinity Airport ng London.
Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami ng Bansa dito pa talaga nipiling makipagkita ng kung sino mang Amo ni Lyndon.
Hindi naman sa ayaw niya sa bansang ito. Actually isa ngang malaking pribilehiyo para sa kanya ang makarating sa isang sikat na lugar na tulad nito.
Kaya nga hindi niya masisisi si Lyndon kung bakit super excited itong makarating dito.
Marahil ito rin ang kanyang mararamdaman kung nasa normal lang silang sitwasyon.
Ganu'n pa man nararamdaman pa rin niya ang saya sa unang pagkakataon na makakarating siya ng London.
Sigurado siya hindi lang basta simpleng tao ang Amo nito. Para mag-imbita ito sa ganitong lugar.
Dahil sigurado rin siya na hindi birong pera ang inilabas nito sa pag-ayos pa lang ng travel papers nila. Idagdag pa ang gagastusin nila sa pananatili nila dito sa mga susunod na araw.
Pero hanggang kailan nga ba sila mananatili dito? Isang malaking katanungan ito sa kanyang isip.
_
Paglapag ng eroplano, sadyang nagpatiuna si Lyndon sa kanya sa pagbaba ng makarating na sila sa Airport.
"WELCOME TO LONDON MADAM." Pabirong turan pa nito sa kanya.
Sabay lahad ng kamay nito para i-welcome siya pagbaba. Mabuti na lang wala na sila sa Pilipinas.
Marahil kung nasa Pilipinas pa sila pinagtatawanan na sila ng makakakita.
Mabuti na lang din at dinededma lang sila ng mga tao doon kahit na may ibang napapatingin na sa kanila.
"YES! Narito na tayo sa wakas!"
Masayang-masayang sigaw pa nito. Mula pa kanina halos ito lang naman ang nagsasalita sa buo nilang biyahe, hanggang sa makababa sila.
Panay lang naman ang tango niya kahit hindi naman niya naiintindihan ang ibang sinasabi nito.
_
"Hay naku Madam, kung alam ko lang na ikaw pala ang magdadala sa akin dito sa London. Sana pala noon pa kita inalagaan.
'H'wag kang mag-alala ibibigay ko na talaga sa'yo ang loyalty ko. Kalilimutan ko na si Boss, kahit si Bossing pa ang nagpapasweldo sa'kin. Promise cross my heart!"
Pinagsalikop pa nito ang dalawa nitong daliri at nakangiting pang humarap sa kanya.
Ngunit may biglang nagsalita...
"Anong sabi mo, pakiulit nga?!" Medyo may kalakasan nitong saad, sapat para marinig nilang dalawa.
Gulat at saglit niyang napigil ang paghinga dahilan para hindi siya agad nakapagsalita.
Bigla namang napabiling si Lyndon sa narinig at gulat na gulat rin...
"Ay! Kabayong nabundat, Bossing i-ikaw pala 'yan?!" Ang kaninang magkasalikop nitong mga daliri ay biglang napaghiwalay.
In a sign of peace, dahan-dahan at tuluyan na itong humarap sa Amo.....
At nang mahamig niya ang sarili.
"Huh' i-ikaw?"
Gulat niyang bulalas ng makilala niya ang lalaking nagsalita.
Hindi ito kalayuan sa kanilang kinatatayuan.
"Yes! My Dear, may inaasahan ka bang iba?!"
Sagot at tanong ng lalaki habang nakasandal sa isang magarang sasakyan at nakaharap sa kanila.
Tila ba naka-plaster na ang isang masaya nitong ngiti sa labi.
Matiim niya itong pinagmasdan, habang sa isip.....
Yes it's true, she is expecting someone else. And never ever the man in front of her now.
Partly she was thinking Joseph secretly doing those things behind her or maybe someone, richy guy that she never know it's exist.
P'wede rin namang isang matandang mayaman na may gusto sa kanya at maaaring kaya siya dito dinala ay para itago siya sa asawa nito.
And in expensive way ha'? Dahil hindi biro ang magtravel dito sa London.
Gusto niyang matawa sa mga naisip niya habang nagbibiyahe sila kanina. Dahil sa totoo lang hindi talaga pumasok sa isip niya na ito ang makakaharap niya ngayon.
NO!
"NOT DUSTIN RUFFERT TORRES!"
Kailan lang inihatid pa siya nito sa Cebu. Pero hindi man lang niya nahalata na may iba itong motibo sa kanya.
Pero teka saan nga ba niya ito unang nakilala?
Unang pumasok sa isip niya ang isang pangyayari noon sa isang mall sa Maynila.
Naroon sila para bumili ng mga gagamitin niya sa Culinary school.
Nasa unang semester pa lang siya noon sa kursong HRM. Kasama niya ang itinuturing na pamilya. Ang kanyang Papa, si Joseph at maging si VJ ay kasama nila noon.
Hindi sinasadyang nabunggo s'ya nito sa Hallway ng mall.
Nagmamadali kasi ito na tila may humahabol o tinatakasan. Pero napansin niya na saglit itong natulala ng makita siya.
Kung hindi siya nagkakamali maaaring mas matanda ito sa kanya ng kung ilang taon.
Ngunit tila isa rin itong istudyante ng mga panahong iyon base sa suot nitong uniporme.
Hindi niya ito pinansin, pero sa pagkaalala niya tinawag siya nito sa pangalang Amanda. Dahil hindi naman niya ito kilala, kaya binalewala lang niya iyon.
Ang sumunod na pagkakataon naman ay nang muntik ng ma-snatch ang kanyang bag at cellphone.
Palihim lang siyang sumama sa mga kaklase na pumunta ng Divisoria at lingid iyon sa kaalaman ni Liandro.
Kaya inilihim niya ito kasama na ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanya ay hindi niya ipinaalam pa sa pamilya.
Kahit pa muntik na rin malagay ang buhay niya noon sa peligro.
Ngunit ang totoo hindi siya nito pinabayaan.
That time, nalaman rin niya ang husay nito sa martial arts. Dahil walang hirap nitong nahabol ang snatcher at naisalya.
Marami pang sumunod na mga pagkakataon na hindi sinasadya na nagkikita sila. Lahat yata ng mga kalokohan niya noon.
Marahil alam na nito, minsan na rin niya itong nakita sa school nila sa Batangas sa Resort at sa mga field trip at event na mga napuntahan na niya.
Maging sa mga social gatherings at okasyon, may time na nakikita niya rin ito. Maging sa mga social media accounts niya kilala s'ya nito.
Nagagawa siya nitong i-chat o kaya ay tawagan kapag gusto nito. Hindi naging issue sa kanya iyon dahil sa isang bagay.
Pero hindi kaya talaga sinasadya ang lahat ng iyon? Parang gusto na tuloy niya itong pagdudahan.
Pero sa mga pagkakataong iyon nanatiling lihim lang ang lahat.
Dahil may isang kakilala niya ang nakapagsabi ng ilegal nitong ginagawa.
Kaya naman hindi niya hinayaan ang sarili na maging close dito.
Kaya iniwasan talaga niya na makilala ito ng kanyang pamilya. Kahit may utang na loob pa siya sa lalaki, dahil sa pangit niyang impresyon dito. Dahil talagang ayaw na niyang malaman ng pamilya niya na kilala niya ito.
Pero hindi niya alam kung bakit ito pa rin ang una niyang naisip takbuhan noong gusto niyang lumayo at hanapin ang tunay niyang pamilya.
Kahit pa sa isip niya noon hindi pa niya ito lubos na kilala. Pero nagawa pa rin niyang magtiwala dito.
Ngunit ngayong nakaharap niya ito ulit. Bakit parang may isang bagay pa siyang naaalala?
Isang bagay na matagal ring nawaglit sa isip. Bahagyang ipinilig pa niya ang kanyang ulo at saka saglit na pumikit.
Bakit ngayon lang ito pumasok sa kanyang isip at tila ngayon lang ito nagkaroon mukha sa isip niya?
At sa muli niyang pagdilat saka lang niya nakumpirma.
Tama! Siya nga 'yun, hindi ako maaaring magkamali.....
Bahagya pa siyang humakbang palapit dito at masusi niyang pinagmasdan ang mukha nito.
"Tama!"
Saad pa niya ulit kahit para na siyang sira!
Muli siyang humakbang at tuloy tuloy nang lumapit sa nakangiti pa ring lalaki...
"Hey! Relax sweetheart, don't be so rush. Dahan-dahan lang baka kung mapaano si baby!"
Sinalubong na siya nito at saka maingat na inalalayan. Bigla kasi itong nag-alala.
Hindi naman niya pinansin ang sinabi nito nagpatuloy lang siya...
"Ikaw 'yun hindi ba, tama ako ikaw nga 'yun?!" Paniniguro pa niya.
Bigla nakaramdam siya ng sigla at saya. Dahil pakiramdam niya bigla na lang siyang nagkaroon ng kakampi. Pakiramdam niya hindi na siya nag-iisa ngayon.
"Sino ba ang tinutukoy mo, ako ba?" Nalilito at alanganin nitong tanong at napakamot pa ito sa ulo. Pero nakangiti pa rin...
"Oo ikaw nga 'yun, kilala na kita naalala na kita! Bakit ba ngayon ko lang naisip? Ikaw nga, ikaw si Kuya Dust hindi ba?!"
Nagulat pa ito at naramdaman rin niya ang biglang paghugot nito ng malalim na paghinga. Dahil walang pag-aalinlangan niya itong niyakap.
Lingid sa kanyang kamalayan, saglit na napaawang ang labi nito dahil sa kanyang ginawa.
Tumingala ito upang pigilan ang nagbabantang emosyon. Sinikap pa nitong hamigin ang sarili bago ito muling nakapagsalita.
"Na-naaalala mo na ako, pero hindi ba magkakilala naman talaga tayo?" Tanong pa nito.
Ngunit kung alam lang niya kung gaano ito kasaya ngayon. Lalo na at tinawag pa niya itong Kuya Dust.
"Hindi ang ibig kong sabihin! Oo naaalala na kita, dahil ikaw 'yung batang nagligtas sa amin ni Amara noon hindi ba?
'Kaya nakalabas kami sa Hacienda at ikaw rin 'yung batang laging nagtatanggol sa akin sa school.
'Kahit pa hindi naman talaga tayo close." Aniya.
"Pero ayaw mo pa rin sa'kin at lagi mo akong sinusupladahan." Tugon nito.
"Kasi naman sunod ka ng sunod sa'kin kaya naiinis ako. Binibiro tuloy ako ng mga kaklase ko ng dahil sa'yo!"
"Inggit lang sila dahil may instant bodyguard ka kaya!"
"Hmp! Pero hindi mo naman dapat iyon ginagawa. Dahil hindi naman tayo magkakilala talaga."
"Hindi magkakilala? Kanina lang tinawag mo na akong Kuya ah' at sabi mo natatandaan mo na ako."
"Dahil naalala ko nga pala, ang sabi mo sa akin noon. Tawagin kitang Kuya kung ayaw kong mapitik sa noo! Tapos noong high school ako at nasa Cebu na tayo ang sabi mo pa tawagin kitang Kuya para hindi tayo mapagkamalan na magJowa."
"Magaling ka na nga! So hindi ka na matatakot sumama sa'kin ngayon?"
Saglit pa siyang napabuntong hininga at saka niya ito nginitian.
Inakbayan naman siya nito at naramdaman pa niyang hinalikan nito ang kanyang buhok.
Hindi niya maipaliwanag sa sarili ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ngunit wala naman siyang maramdamang malisya sa ginawa nitong iyon.
Noon pa man para na silang magkapatid. Kahit hindi sila ganu'n ka close nito.
Hindi man sila madalas na nag-uusap, ngunit lagi lang itong nasa paligid niya. Kaya hindi niya masabi na close sila, pero hindi rin naman ito nawawala sa paningin niya noon.
Siguro maihahalintulad niya ito sa isang alikabok na, kahit pa kinaiinisan niya at kahit ano pang pagpag ang gawin niya.
Bumabalik at bumabalik pa rin, Dahil kasama na ito ng hangin.
Ang naalala pa niya isa lang itong palaboy noon. Laging marungis at gusgusin, ni hindi nga ito marunong maligo.
Pero tinulungan ito ng kanilang Papang. Kaya marahil mabait ito sa kanila kahit kaaway ito ng halos lahat ng kabataan sa Barrio sa kanilang lugar.
Palaaway kasi ito at basagulero, hindi ito pumapayag na maapi ng kahit na sino. Pero ngayon ibang-iba na talaga ito.
Ngunit sa pagkakaalam niya hindi naman ito ganap na ulila may Nanay pa ito pero nasaan na kaya?
"Hey, sobrang gwapo ko na ba talaga kaya natulala ka na? Hindi mo na ako sinagot..."
Natigil ang pagmumuni-muni niya ng magsalita ito ulit.
"Hmmp! Yan lang yata ang alam kong hindi nagbago sa'yo ah' ang pagiging hambog mo!" Sabay irap at bitaw niya dito.
"At least naman mas gwapo ako du'n sa..... ah' nevermind!" Biglang bawi rin naman nito.
Kahit alam niya ang ibig nitong sabihin, minabuti na lang niyang h'wag na lang itong pansinin.
Nang bigla niyang naalala.....
"Sandali, bakit nga pala hindi ka sa akin nagpakilala noong una pa lang tayong magkita?" Natigil itong bigla sa tangka sana nitong pag-akbay ulit sa kanya.
"Magkakilala ba tayo, close ba tayo hindi naman 'di ba? Tinawag nga kita pero inisnab mo lang ako!" Kunwaring may kalakip na tampo pa sa salita nito.
"Dahil hindi naman talaga kita kilala nu'n, pero naalala ko tinawag mo akong Amanda. Ang akala ko noon nagkamali ka lang..."
"Pero ngayon alam mo na ba na hindi ako nagkamali?"
Huminga muna siya ng malalim bago muling tumugon.
"Alam ko rin na noon pa man, alam mo na rin ang lahat ng tungkol sa akin hindi ba? Pero hindi mo pa rin sinabi, kahit pa nang nalaman mo na babalik ako ng Cebu."
Hinawakan muna nito ang kanyang mga kamay, bago pa ito tumugon...
"Alam kong marami tayong dapat pag-usapan pero hindi ito ang tamang lugar. Mabuti pa halika na umalis na tayo dito."
Hinagilap nang mga mata nito si Lyndon ng makita sinenyasan na itong sumunod.
"Pambihira akala ko hindi na kayo matatapos ah'?" Reklamo pa nito. Habang kanda-hirap sa paghila ng kanilang bagahe.
Saglit na iniwan siya ni Dustin at tinulungan na nito si Lyndon sa pagdala ng bagahe nila upang ipasok sa sasakyan.
"Pambihira, hindi ba ang sabi ko h'wag na kayong magdala ng maraming gamit dito na lang kayo bumili."
"Boss, wala naman kasi kaming pag-iiwanan ng mga gamit na 'yan sa Manila. Saka konti pa nga ito dahil iniwan na namin 'yun iba."
"Hmmm, mga babae talaga!"
"Nagrereklamo ka yata Boss?"
"So what, may angal ka?"
"S'yempre naman wala, Boss kita eh'..."
"Akala ko gusto mo na talagang magresign!"
Matapos mailagay ang lahat ng gamit sa loob niyaya na sila nito.
"Tayo na, bago pa ako may iwanan dito. Doon ka na sa likod Lyn, si Amanda na sa harap."
Medyo naninibago pa siya na may tumatawag sa kanya sa tunay niyang pangalan.
Pero masaya siya na marinig itong muli at sa taong alam niyang naging bahagi ng buhay niya noon.
Bukod pa sa naalala niya ang kanyang Papang sa katauhan nito.
"Ayaw mo na talaga akong katabi ha Bossing, marami pa naman akong gustong ikwento!" Hirit pa ulit ni Lyndon.
"Hindi bale na hindi na ako interesado!"
"Sige bahala ka!"
Matapos nitong alalayan siyang makasakay lumigid na ito sa driver seat at pinatakbo na ang sasakyan.
Ngunit makalipas lang ang ilang minuto muli siya nitong nilingon.
"Hey, sweetheart bakit ang tahimik mo yata okay ka lang ba?" Tanong nito at deretso na ulit tumingin sa daan.
"Okay naman ako h'wag mo na lang akong pansinin. Saka bakit ba sweetheart na naman ang tawag mo sa'kin. Mapagkamalan na naman tayong magjowa nito."
"So, ayaw mo ba?"
"Hmmp, okay na sa'kin ang maging Kuya kita payag na'ko dun!" Gusto rin naman niyang maging magaan ang pagsasama nila.
Dahil noon pa naman tanggap naman niya ito. Kaya lang kasi, ang akala niya noon anak ito ng Papang niya sa Nanay nito. Pero hindi naman pala kaya nainis siya dito noong una.
Pero naalala pa niya ang sabi ng kanyang Papang. Kailangan daw maging mabuti siya kay Dustin.
Dahil baka dumating daw ang panahon na ito pa ang mag-alaga sa kanila. Kaya ngayon lang niya na-realized na tama ang kanyang Papang.
Dahil ngayon lang rin niya nalaman na lihim pala siya nitong pinoprotektahan.
"Mukhang ang saya mo ngayon Bossing ah'?" Narinig niyang saad ni Lyndon kaya napukaw nito ang muling paglipad ng kanyang isip.
"S'yempre katabi ko ngayon ang younger sister ko kaya masaya ako." Saglit itong tumingin ulit sa kanya at ngumiti.
Bagama't naiilang pa rin siya pero may bahagi sa puso niya ang natutuwa na itinuturing siya nitong kapatid.
Dahil kailangan talaga niya ng kakampi ngayon, karamay at nang makakasama. Dahil hindi niya kayang mag-isa.
Ngunit ang isiping makakasama niya ito ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob. Kahit pa hindi naman talaga niya ito kapatid.
"Boss, bakit nga pala hindi mo kasama si Geli?" Tumingin muna ito ulit sa kanya bago sumagot.
"Nagpaiwan na sa bahay gusto niyang magluto. She was already expecting both of you to come.
'Kaya nag-insist siya na maiwan na lang para maipagluto tayo ng hapunan."
"Wow! Siguradong mapapasarap ang kain ko nito. Sana naman nagluto siya ng Paella, please! Bigla akong nagutom ah'."
"Malapit na tayo..." Medyo mabilis kasi ang pagdadrive nito pero maingat naman.
Kaya napabilis rin ang pagdating nila sa patutunguan. Malaking bagay rin na walang trapic.
Makaraan lang ang Ilang sandali dahan-dahan nang huminto ang kanilang sinasakyan.
Senyales na nakarating na sila.
Umikot ulit si Dustin sa gawi ng passenger seat kung saan siya nakaupo. Pinagbuksan siya nito at maingat na inalalayan palabas ng sasakyan.
"Grabe ka talaga Bossing, si Madam lang talaga ang gusto mong pagbuksan ha'!" Reklamo ulit ni Lyndon ng makalabas ito.
"Bakit buntis ka ba? Hayaan mo na hindi ka naman buntis. Kapag buntis ka na aalalayan din kita."
"Hmp, ewan ko sa'yo! Halika na nga Madam ako na lang aalalay sa'yo."
Lumapit na nga ito sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Hindi na rin siya naiilang sa paghawak nito ngayon. Dahil kilala na niya ito kumpara noong una.
"Bakit mo ba ako tinatawag na Madam? Akala ko nagbibiro ka lang kaya hinahayaan lang kita. Pero p'wede ba h'wag mo na akong tawaging Madam?"
"Eh' ano pala ang itatawag ko sa'yo, na papasa kay Boss!" Sadyang inilakas pa nito ang salita sapat para iparinig kay Dustin.
"Tawagin mo na lang akong Ate okay. Dahil sa tingin ko naman mas matanda ako sa'yo." Tugon niya.
"Okay Ate, pumasok na tayo sa loob." Sinimulan na nga s'ya nitong akayin.
"Why I have this feeling na gusto mong takasan ang pagbubuhat?"
"Ako ba Boss, hindi sabi ko nga parang gusto kitang tulungan eh' akala ko lang kaya mo na?"
"Tutulungan ko na kayo!" Bumalik siya upang lapitan sana si Dustin. Pero tumanggi ito.
"Sige na dumeretso na kayo sa loob kaya ko na ito. Nagbibiro lang naman ako, Lyn samahan mo na siya sa loob."
"Sabi ko na maswerte ka sa akin, ang bait sa'kin ni Boss ngayon!"
Kanina pa niya napapansin na very close ang dalawang kasama. Pero hindi na lang siya nag-usisa pa, hindi rin naman kasi niya ugaling makialam.
____
Simple pero maganda ang bahay, walang sariling bakuran ang nakikita niyang mga bahay dito. Pero napapaligiran ito ng puno at mga halaman.
Mula sa hinintuan nila kanina may limang metro pa ang layo sa mismong kabahayan.
Pero nakakarelax ang paligid, ang ganda ng atmosphere. Kung sakaling iimbitahan siya dito ni Dustin ng isa hanggang dalawang Linggo hindi siya tatanggi.
Dahil sa tingin niya kailangan muna talaga niya ang bakasyon. At hindi na masama kung dito niya gagawin iyon.
"Ang ganda naman dito Boss ang sarap ng simoy ng hangin. Ate siguradong mag-eenjoy tayo dito."
"Kaya nga dito ko kayo pinapunta dahil sigurado akong malilibang kayo dito."
"Okay lang ba talaga kami dito, hindi ba kami makakaistorbo sa honeymoon n'yo?"
"Okay na kami sa 3 weeks na walang istorbo. Saka kaya nga kita sinama eh' at saka the more the merrier naman hindi ba. Kaya okay lang..." Ngumiti pa ulit ito sa kanya.
"Honeymoon? You mean kakasal mo lang...!" Baling na tanong niya kay Dustin ng magsink-in na sa kanyang utak ang kahulugan ng sinabi ni Lyndon.
"Yup! Kaya nga hindi na kita nasamahan noon sa Cebu. Dahil kinailangan naming magbiyahe ng mga sumunod na araw.
'Okay lang naman ipostpone ang Honeymoon. Ang kaso 2 days after ng umalis ka kakasal pa lang kami.
'Actually gusto ko nga sana naroon ka sa kasal ko. Kaya lang nakita ko 'yung eagerness mo na makabalik sa atin. Sorry kung pinabayaan kita ha'?
'But I'm so glad that you come back already now and nothing happened anything to you.
'Dahil talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa'yo doon." Sinserong saad naman ni Dustin.
"Tama, ikaw nga ang may gawa ng lahat ng iyon! Sabihin mo kilala mo rin ba si Gavin?" Hindi na niya naiwasang itanong ng maalala. Ilang araw na rin kasi itong gumugulo sa kanyang isip.
"Sinong Gavin?" Tugon nito kasabay ng pagsulyap nito kay Lyndon.
"Hindi ako sigurado kung tauhan siya ni Anselmo. Pero naroon siya sa Hacienda doon ko siya nakita.
'Ang buong akala ko nitong huli, iniisip ko na may kaugnayan siya sa inyo." Dahil sa naging tugon ni Dustin bigla siyang nalito. Pero naisip pa rin niyang itanong.
"No, hindi ko siya kilala! Lyn kilala mo ba 'yun?" Baling na tanong pa nito kay Lyndon.
"Ha' ah' hindi rin Boss!" Tugon naman ni Lyn.
"Pero hindi ba 'yung Anton kilala n'yo siya?"
"Anton? Ah' yes of course, kilala ko siya! Isa siyang hired military personnel. Inupahan ko siya para sumundo sa'yo kasama si Lyn.
'Pasensya ka na kung napag-alala kita, gusto ko lang namang makasiguro na ligtas kayong makakabalik ng Manila.
'Saka alam ko naman ang purpose mo ng pagbalik sa atin. Alam ko rin na kaya ka nasa Ospital that time.
'Dahil nasisiguro ko na may ginawa kang hindi maganda at hindi dapat, right?"
"Pero paano mo nalaman na nasa Ospital ako at saka kung nasaan ako that time?"
"Of course, I have my own way to do that, sweetheart. But I'm sorry if I can't tell you now.
'So no more questions na. Okay? Buti pa pumasok tayo sa loob."
Iginiya na nga sila nito papasok sa loob kaya wala na siyang nagawa kun'di sumunod na lang dito. Kahit pa batid niya na may inililihim pa rin ito sa kanya.
Naisip rin niya na may tamang panahon pa naman para siya mag-usisa ulit at sa ngayon hahayaan na lang muna niya ito.
Pagpasok nila sa loob ang isang babaing nasa kwarenta ang idad ang nagbukas sa kanila ng pinto.
"Ay! Kuya narito na pala kayo, Ate narito na sila Kuya."
"Pasok! Siya nga pala si Ate Liway siya ang makakasama n'yo dito."
"Makakasama?"
"Narito na pala kayo, kumusta?" Nakangiting pagbati sa kanila ng isa pang babae.
Kahit simple lang ang ayos nito at nakasuot pa ng apron. Lutang na lutang pa rin ang ganda nito kahit walang bahid man lang ng make up.
"Ayyy! Beshy, na-miss kita lalo ka yatang gumanda ah'. Mukhang magaling ngang mag-alaga ang isang muron!" Biglang bulalas ni Lyn ng makita ang babae.
Masayang sinalubong nito ng yakap ang babae na ginantihan rin nito ng yakap.
"Ano ngang sabi mo pakiulit nga?!"
Nagulat pa siya kay Dustin ng magsalita ito at bigla siyang akbayan. Medyo nakaramdam tuloy siya ng pagkailang.
Lalo na at may hinuha na siya na maaaring ito 'yung babaing pinakasalan nito.
"Siya ba si Amanda, kumusta ka na?" Saad nito na nakangiti.
"Oh' hindi ba ang ganda niya?" Bulong naman ni Lyn sa babae.
"Yes babe, siya si Amanda."
Iniyakap pa nito ang braso sa kanya na tila balewala lang dito na halos nakayakap na ito sa kanya saka muling nagpatuloy.
"Sweetheart siya naman ang darling ko siya si Angellie!"
Nakangiting lumapit sa kanya si Angellie at saka siya niyakap nito. Kaya bahagya pa siyang nagulat.
"Masaya akong makilala ka, matagal ka nang ikinukwento sa akin ni Dustin. Totoo nga palang ang ganda ganda mo!" Wala man lang siyang nakitang insekuridad o pananaghili sa mga mata nito.
Balewala lang ba dito ang closeness ni Dustin sa kanya?
"S'yempre naman, younger sister ko yata 'yan! Kanino pa ba siya magmamana?" Sabay kindat pa nito sa kanila.
"Hay! Ang sarap talaga dito no, Beshie medyo mahangin lang..."
Natawa na lang sila sa sinabi ni Lyn.
"Dapat lang na masiyahan ka dahil matatagalan pa kayo dito."
"Kami Boss, you mean kami lang talaga?"
"Yes? Dahil kailangan na kaming umuwi after two weeks from now!" Tugon dito ni Dustin.
"Okay lang naman sa amin kahit two weeks lang din kami dito. Kung tutuusin matagal na ngang bakasyon 'yun ah'? Lalo na sa ganitong Lugar marami na tiyak kaming mapupuntahan. Kaya okay na sa'kin ang two weeks." Saad naman niya.
"Hey, halika maupo muna tayo dito. Mag-usap muna tayo?"
Iginiya at inakay siya ni Dustin na maupo sa isang sofa sa salas ng bahay.
"Mabuti pa nga siguro mag-usap muna kayo habang inihahanda namin ang dinner natin. Okay lang ba Am?"
"Sige, okay lang..."
"Halika na Lyn!"
"Okay!"
"A-ano bang pag-uusapan natin?"
"Ang tungkol sa'yo alam ko na ang nangyari sa pagbalik mo ng Batangas. Nasabi na sa akin ni Lyn ang nangyari. Kung naroon lang ako siguradong nakatikim sa'kin ang walanghiyang lalaking 'yun!"
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.
"Hindi naman niya kasalanan dahil kasalanan ko rin, iniwan ko sila."
"Kaya ba nakipagbalikan siya agad sa dati niyang nobya? Anong ibig sabihin nu'n, ayaw niyang mabakante ganu'n?"
"Baka narealized niya na mahal pa rin niya si Liscel? Saka tama lang siguro 'yun kasi may anak sila. Kailangan ni VJ ang buong pamilya."
"At ikaw paano ka, ganu'n na lang ba 'yun? Pagkatapos ka niyang buntisin, sana hindi ka niya pinakialaman.
'Ang akala ko pa naman matino siyang lalaki, kaya hinayaan kita sa kanya. Dahil akala ko rin siya na ang poprotekta sa'yo.
'Iyon pala sasaktan ka lang niya, wala siyang kwentang lalaki!"
"Okay lang ako, kaya ko naman ang sarili ko. Kaya p'wede ba hayaan mo na lang siya, ayoko na siyang pag-usapan!" Medyo tumaas na ang kanyang boses.
"Okay I'm sorry, h'wag kang mag-alala hindi naman kita pababayaan. Narito lang kami lagi sa tabi mo hindi ka namin pababayaan ni Angel." Naging mahinahon na ito ng magsalita ulit.
"Bakit nga ba inaabala mo ang sarili mo para sa'kin? Hindi mo naman talaga ako kaano-ano. Hindi ba unfair 'yun sa asawa mo? Kakasal n'yo lang dapat siya lang ang inaasikaso mo ngayon."
"H'wag kang mag-alala Amanda, naiintindihan ko naman kung bakit niya ito ginagawa. Alam ko kung gaano ka kahalaga sa kanya kaya mahalaga ka rin sa akin.
'Saka h'wag mo ngang isipin na abala ka. Ano ka ba kailangan mo ngayon ang karamay kaya narito kami para damayan ka."
Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Nararamdaman niya ang sinseridad sa mga mata nito.
Kaya naman biglang napalagay ang loob niya dito. Dahil sa tingin niya magkakasundo talaga sila.
"Nakita mo na, gan'yan ako kagaling pumili ng asawa. Kaya naman mahal na mahal ko 'yan! Actually mahal ko kayo pareho, kaya nga pakiramdam ko malapit na akong maging santo?
'Kasi dalawa na kayong Angel sa buhay ko." Saad pa nito habang nakaakbay sa kanilang dalawa ni Angellie.
___
"Hmmm, kanino nga pala bahay ito?" Curious na niyang tanong.
"Kanino pa e 'di sa atin kabibili ko lang nito last week. Kaya nga wala kang dapat ipag-alala sa pag-stay dito.
'Kung gusto mo dito muna kayo hanggang sa makapanganak ka, mas makakabuti 'yun sa'yo at sa magiging Anak mo?
'Mas makakapag-isip ka ng mga plano at mga dapat mong gawin kapag nakapanganak ka na."
"Pero hahanapin ko pa si Amara at saka..." Hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya.
"Ako na ang bahalang maghanap kay Amara. Kapag nakabalita ako sa kanya sasabihin ko agad sa'yo. Pangako ko sa'yo hahanapin ko siya." Seryoso nitong tugon.
"Talaga, hahanapin mo siya?"
"Oo pangako, gagawin ko ang lahat para makita siya." Pangako nito.
"Salamat hindi ko alam kung paano kita mababayaran? Pero nagpapasalamat pa rin ako na narito ka!" Aniya.
"Hindi mo naman ako kailangang bayaran. Just stay with me and be my sister, okay?
'And I promise you I'll do my best to be your brother not only now, but still forever.
'Let say I am the dust in the wind that is hard to removed.
'Kaya masanay ka na narito ako palagi sa paligid mo. Kahit pa alikabok lang ako sa paningin mo."
"Wow! Grabe Bossing talagang maalikabok ka pa rin!" Sabay sabay silang nagtawanan sa sinabi ni Lyn. Lalo na nang mamula pa sa hiya si Dust.
Hanggang sa mapuno na lang ng tawanan ang mga sandaling iyon.
Sa palagay niya magkakasundo nga sila. Akala lang niya mag-isa na lang siya ngayon.
Pero ang totoo marami pa siyang p'wedeng makasama. Kahit pa nga nananatiling estranghero pa rin sila sa isa't-isa.
Siguro dapat matutunan na lang niyang ihanda ang sarili sa lahat ng mga susunod, na mangyayari pa sa kanyang buhay.
*****
By: LadyGem25
(03-09-21)