Nanginig at natulala na lang bigla si Amanda ng pasubsob na bumagsak sa kanyang harapan ang duguan at wala ng buhay na katawan ng tauhan ni Anselmo.
Parang kanina lang halos masuka siya at pilit tiniis ang nakakadiri at walang habas na paghalik nito sa kanya habang tinangka nitong siya ay halayin.
Hindi rin naiwasan ang pagtalsik ng dugo nito sa kanyang mukha, kaya muli malakas siyang napatili sa sobrang gulat at takot.
Awtomatikong nasundan rin niya ng tingin ang bumaril sa lalaki....
"G-Gavin?" Bahagya na lang narinig ang tunog ng kanyang boses.
Due in mixed of fears and shocked, she become fainted and lost of consciousness.
"Oh' shit! Ang hina naman pala ng loob ng babaing ito. Ang lakas ng loob na pumarito at magbalak na maghiganti, eh' himatayin naman pala... Hindi na naisip na, ano ba ang magagawa ng kuting sa isang Leon?" Bubulong bulong na wika ni Gavin.
Habang maingat na binubuhat palayo si Amanda sa kasamang lalaki. Gamit ang panyo mabilis niyang pinunasan ang mukha nito. Habang patuloy pa ring bumubulong
"Pambihira naman oo, habang nagpapakasarap sa pagsisid ang kumag na 'yun! Heto ako at binigyan pa ng problema sa babaing ito! Haysst, buwisit ka talaga Tor..." Napatigil siyang bigla ng makarinig siya ng mga kaluskos sa paligid.
Tila may paparating, kaya't saglit muna niyang bitiwan si Amanda at isinandal sa isang puno. Mabilis rin niyang hinila ang bangkay ng kasama at itinago.
Babalikan niya sana ulit si Amanda ngunit huli na....
Nakita na ito ng mga taong dumating, kaya't saglit na lang siyang nagkubli. Ngunit alerto niyang muling inihanda ang hawak na baril at naghanda sa pagkilos...
Ngunit muli rin siyang natigilan...
Dahil kilala niya ang mga taong dumating lalo na ang matandang lalaki. Kaya't nakahinga siya ng maluwag at nawala na rin ang pag-aalala para sa dalaga.
"A-Amanda Anak, mahabaging Diyos anong nangyari sa batang ito?!"
"Mang Kanor Sino ho siya, kilala n'yo ho ba siya?"
"Oo mamaya ka na magtanong, halika tulungan mo ako iuwi natin siya sa bahay."
"Hindi ho kaya nakagat siya ng ahas kaya siya nawalan ng malay?"
"Ha' h'wag naman sana, mabuti pa siguro sa Ospital na sa Bayan natin siya dalhin." Naisip rin ni Nicanor baka nga tama ito?
Lalo pa itong binalot ng kaba ng mapansin nito ang bahagyang bahid ng dugo sa damit ng dalaga.
"Mabuti pa nga ho?"
Binuhat si Amanda ni Lito at nagmadali na silang maglakad patungo sa pinag-iwanan nila ng Jeep.
Nang marating nila ito mabilis na isinakay nila si Amanda sa Jeep. Nang makasakay na rin sila agad na silang umalis sa lugar na iyon, upang dalhin ang dalaga sa Ospital sa Bayan.
Pagkaalis ng mga ito saka lang lumabas sa pinagkukublihan si Gavin.
Hindi pa ito ang tamang panahon para makita siya ng ibang tao.
Hindi na rin siya nag-aksaya pa ng oras, agad na kinapa ang cellphone sa bulsa at tumawag.
"May ipagagawa ako kailangan n'yo siyang sundan. Oo bilisan n'yo na! Papunta sila ngayon sa Ospital sa Bayan. Siguraduhin n'yong ligtas silang makakarating doon. Gusto ko rin malaman ang kalagayan niya. Oo bantayan n'yo silang mabuti maliwanag? Okay sige na ako na ang bahala dito!"
Lumipas pa ang ilang sandali ng muli na naman siyang makarinig ng kaluskos. Saglit muna siyang nagkubli at nakiramdam...
"Boss, nandito na ako nasaan ka, Boss Gav narito ka ba?"
Unti-unting lumabas si Gavin sa pinagkukublihan. Tila nakahinga naman ng maluwag ang lalaking tumawag dito.
"Nandito ako! Bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay?"
"Pasensya na Boss lalo pang nagkagulo sa Hacienda noong umalis kayo. S'yempre nakisali na 'yun anak ni Mang Pedring. Dahil ba naman sa nangyari sa kanilang Ama. Kahit naman siguro ako 'yun, magwawala rin ako at gugustuhin ko ring patayin ang hayup na 'yun!"
"Sagad na talaga sa buto ang kasamaan ng demonyong iyon ang dami na niyang atraso sa mga tao. Magbabayad rin siyang demonyo siya, konting panahon na lang matatapos na rin ang kasamaan niya!"
"Tama ka Boss matatapos rin ang kasamaan niya at malapit na!"
"Pero ngayon kailangan muna nating idispatsa ito!" Sabay turo niya sa katawan ng kasamahang tauhan ni Anselmo.
"Hmmp, ha' mabuti naman inuna mo na ang isang ito! Ang tagal ko rin nagtiis sa bugok na ito Boss. Ubod ng tsismoso at sipsip ng hudas na'to. Grabe Boss Gav para mo na rin ako inalisan ng isang tinik sa lalamunan nito. Thank you!" Mahabang litanya nito.
"Lumagpas na siya sa limitasyon niya kaya kailangan ko na siyang tapusin. Malas niya nagkamali lang naman siya ng kamay na hinawakan. Hindi siya maaaring makasira sa mission natin. Dahil sa kahiligan niya sa babae dapat lang 'yan sa kanya! Bukod pa sa hindi niya p'wedeng galawin si Amanda."
"Korek! Lagot tayo kay Big Boss kapag may nangyaring masama kay Madam."
"Sira ulong 'yun sinabayan pa ang mission natin! Kung kailan naman matatapos na."
"Hayaan mo na Boss alam mo naman ang ang taong in love hahamakin ang lahat masunod lamang ito. Ang mahalaga happy siya ngayon. Maghanap ka na rin kasi ng mamahalin. Para naman ma-experience mo na rin kung gaano kasarap ang magmahal ah' at para mabawasan na rin 'yang kasungitan mo Boss! Para ka kasing nirereglang babae kung magsungit eh'."
"Eh' kung ipa-experience ko rin kaya sa'yo itong bala ng baril ko ha'?" Sabay tutok ni Gavin ng baril sa lalaki. "Ang sarap n'yo bang pag-untuging dalawa, nakakainis problema ko pa tuloy ngayon ang babaing iyon."
"Eh' kung siya na lang kaya ang ligawan n'yo Boss bagay kayo maganda at gwapo. Para naman magka-girlfriend ka na at saka jackpot ka du'n Boss. Ang puti at ang kinis."
"Gago ka ba umayos ka ha' hindi kami talo at p'wede ba ayusin mo pagsasalita mo sa kanya, kung ayaw mong malintikan sa'kin naiintindihan mo?!"
"Boss, peace tayo hehehe I love you, Boss!" Nakangising wika nito habang nakataas ang kamay.
"Tumigil ka na nga, i-dispose mo na 'yan!"
"Heto na nga Boss nanginginig pa!" Pabirong wika pa nito habang nakangisi pa rin. "Pero Boss curious lang bakit naman dahil ba Anak siya ni Anselmo?" Hirit pa nitong tanong.
Saglit pa muna itong nagsuot ng g'wantes bago hinawakan at hinila ang bangkay ng kasama nila.
"P'wede ba h'wag ka nang tanong ng tanong basta hindi kami talo, tapos!"
"Hindi ka naman siguro bakla hano Boss at saka wala ka naman sigurong gusto sa'kin?!"
"Aba't tarantado ka talaga!"
Hindi na talaga ito nakapagpigil pinutukan na nito si Kit...
Buti na lang mabilis itong nakailag sa tama ng bala.
"Boss, naman grabe 'to muntik na ko du'n ah'? Hindi ka na talaga mabiro." Nakangising wika nito ng mahimasmasan halatang kinabahan.
Hindi naman talaga niya ito balak patamaan nainis lang talaga siya sa sinabi nito. Hindi siya bakla marami lang talaga itong hindi pa alam tungkol sa kanya.
Kabisado naman nito ang ugali niya at kasungitan. Kaya naman madalas talaga siya nitong biruin. Matagal na rin naman silang magkakasama at magkakaibigan.
"Pambihira kung alam ko lang na pahihirapan ako nito hanggang huli. Ako na lang sana ang tumira dito para kahit paano nakaganti ako!" Himutok pa nito at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa.
"E'di gumanti ka barilin mo na, kailangan na nating bumalik ng Hacienda. P'wede mo nang iwan 'yan dito."
"Sigurado ka ba talaga Boss, dito na lang ito?" Binitiwan na nga nito ang katawan ng kasamahan malapit na sila sa mismong ilog.
"Oo d'yan na lang siya sigurado namang malalaman din nila ang tungkol sa pagkamatay niya. Isa siya sa pinagkakatiwalaan na tao ni Gido. Kaya sigurado akong hahanapin nila ang gagong 'yan! Pero hindi nila dapat malaman na ako ang pumatay sa kanya."
"Kaya nga dapat ma-idispose ko ito, mauna ka na Boss tatawag ako ng back-ups!"
"Hindi p'wede inutusan ko silang sundan at bantayan sila Amanda. Saka siguradong hinahanap na rin tayo ngayon sa Hacienda."
"Kaya nga Boss mauna ka na ako na ang bahala dito."
"Hindi Kit, hindi ko hahayaan na mapahamak ka! Ikaw na ang maunang bumalik ng Hacienda. Alam mo na siguro kung ano ang gagawin mo?!"
"Pero Boss hindi kita p'wedeng iwan dito gabi na!"
"Ano ka ba Kit, alam mong dito ako lumaki kaya kabisado ko ang lugar na ito. Kaya wala kang dapat ipag-alala, sige na barilin mo na'ko!"
"Anong sabi mo Boss?" Tila nagkaringgan pa ito at hindi makapaniwala sa narinig.
"Hindi mo ba ako narinig? Barilin mo ako, dito..." Turo nito sa kaliwang braso. "Pagtalikod ko barilin mo na'ko dalian mo na!"
"Pero Boss, sigurado ka ba talaga, kailangan ko pang gawin 'yun?
"H'wag ka nang epal, alam mo naman kung ano ang gusto kong mangyari? Isipin mo na lang na makakaganti ka na rin sa'kin sa tuwing sinisipa at binabatukan kita!"
"Pero Boss medyo madilim na ikaw rin, baka mapuruhan kita?" Tila alanganin nitong tanong
"Ikaw pa alam kong hindi ka marunong sumentro, Gago!" Ngingiti ngiti namang sagot ni Gavin.
"Boss pinapahiya mo naman yata ako ah'? Sige na nga sabi mo eh'!" Saka nito ikinasa na ang baril na hawak at deretsong pinaputok!
Deretsong tumama ito sa kaliwang balikat ng biglang nagulat na si Gavin.
"Put***ina! Talaga yatang gusto mo na akong patayin ah'?"
Napangiwing wika nito halatang nasaktan ito at iniinda ang sakit. Habang hawak hawak nito ang nasugatang braso na inaagasan na ng dugo.
"Sabi ko naman sa'yo, saka gusto ko lang namang malaman mo na hindi ako mahina sa putukan!" Sinundan pa nito ng malutong na pagtawa ang sinabi.
"Oo na sige na, umalis ka na bago pa ako maubusan ng dugo dito buwisit ka! Iwan mo na'ko okay na ako dito!"
"Sige bahala ka na dito, Boss mag-ingat ka!"
"Ah' Kit, mag-ingat ka rin umaasa ako na makikita pa kita ng buhay, maliwanag?!"
Nakatalikod na ito nang muli itong lumingon sa kanya. Sabay taas ng kamay at idinikit sa gilid ng kanang noo at sumaludo pa sa kanya.
"Basta siguraduhin mo lang na babalik ka rin ng buhay Boss at hindi namumutla ha'?" Tango lang ang isinagot niya dito at tuloy-tuloy na itong umalis.
May tiwala siya kay Kit alam niyang alam na nito ang dapat gawin.
Sandaling panahon na lang naman at magagawa na nila ang kanilang plano.
Naantala lang ito sa pagdating ni Amanda hindi ito dapat makasira sa mga plano nila.
Kaya dapat na makagawa na siya agad ng paraan kung paano nila ito pababalikin ng Maynila.
Dahil hindi pa ito ang tamang panahon para makaharap ito ni Anselmo.
Hindi sila sigurado sa magiging damdamin nito sa oras na malaman na nito ang totoo.
Ang tunay na relasyon nito kay Anselmo.
Dahil hindi niya gugustuhin na pati ito ay makalaban na rin niya sa oras na pumanig ito sa tunay nitong Ama!
______
"Mang Kanor sino ho ba talaga ang babaing iyan?" Curious na tanong ni Lito.
Tukoy naman nito kay Amanda na kasalukuyan nang sinusuri naman ng Doctor.
Napabuntong hininga naman si Nicanor bago nakasagot. Hindi niya alam kung tama ba na sabihin na niya dito ang totoo.
Ngunit dahil kailangan pa rin niyang protektahan ang dalaga. Dahil mas mahalaga pa rin ang kapakanan nito.
Kung kaya't...
"Ah' pamangkin ko siya anak ng pinsan ko na taga Cebu. Galing na siya doon at dinalaw ang dati nilang bahay. Naisip niya lang na magbakasyon muna dito bago siya bumalik ng Maynila."
"Ah' bakit ho ngayon ko lang siya nakita?" Tanong pa ni Lito.
"Noong isang araw lang kasi siya dumating. Hindi siya gaanong lumalabas pero madalas siya tumatambay dito sa ilog."
"Ah' kung ganu'n siya ho ang dahilan kung bakit gusto n'yo talagang pumunta ng ilog. Marahil siya rin ang hinahanap n'yo kanina pa, kaya't parang hindi rin kayo mapakali? Pero bakit hindi n'yo sinabi sa'kin agad sana tinulungan ko na lang kayo na hanapin siya?"
Marahil nahalata nito ang mga kilos niya kanina kaya't hindi na niya maikakaila pa...
"Ah' pasensya na medyo umiiwas kasi siya sa iba. Hindi niya gusto na may makaalam na narito siya kaya't wala pa ako..."
Hindi na nito nagawa pang ituloy ang sasabihin ng lumabas na ang Doctor.
"Sino sa inyo ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong nito. "Ikaw ba ang asawa niya?" Tukoy nito kay lito na nagulat pa sa tanong.
"Ho, ako ho?" Gulat na sagot nito.
"Ah' hindi ho Doc!" Maagap na sagot naman ni Nicanor. "A-ako ho ang kamag-anak ng pasyente."
"Ah' ganu'n po ba? Pasensya na akala ko ho siya ang asawa."
"A-ano po ba ang lagay niya okay lang ba siya Doctor?" Bakas ang pag-aalalang tanong nito sa babaing Doctor na tumingin kay Amanda.
"Wala po kayong dapat ipag-alala Tatay medyo na-stress lang po siguro siya at napagod. Kaya siya nahimatay, okay naman po ang vital signs niya wala naman pong problema. Maliban lang po sa medyo bumaba ang kanyang BP normal lang naman po talaga 'yun sa kalagayan niya ngayon. Kailangan lang po talaga niyang magtake ng vitamins para sa kanila ni baby. Reresetahan ko na rin siya ng gamot na pampakapit para sigurado na magiging okay ang pagbubuntis niya."
"A-ano ho bu-buntis ho siya?" Gulat na tanong ni Nicanor
"Hindi n'yo pa ba alam, hindi niya ho ba sinabi sa inyo? Kung hindi ako nagkakamali more or less 2 months na siyang buntis. Para makasiguro kailangan pa niya ng panibagong test or she need to undergo an ultrasound first."
"Pasensya na Doctora sa palagay ko ngayon pa lang din niya malalaman na buntis siya!"
"Ah' ganu'n ba kaya pala hindi siya nag-iingat. Dapat niyang ingatang mabuti ang sarili niya sa gan'yang panahon delikado ang pagbubuntis ng isang babae. Kung ayaw niyang magkaroon ng miscarriage."
"Hayaan n'yo pagsasabihan ko ang batang iyon. Maaari na rin ba namin siyang maiuwi ngayon Doctora?"
"Opo maya-maya lang baka magkamalay na siya kunin n'yo na lang ang reseta ng gamot niya sa nurse station mamaya. Sige na may pupuntahan pa akong ibang pasyente."
"Salamat po Doc!"
"Wala pong anuman."
Pag-alis ng Doctor deretso na silang pumasok sa loob ng kwartong pinagdalhan kay Amanda.
Kaya't hindi na nila napansin ang tao na kanina pa nagmamanman sa mga kilos at galaw nila.
Malinaw na narinig rin nito ang sinabi sa kanila ng Doctor na talagang kanina pa rin nito hinihintay.
Hinintay lang nito na makapasok sila sa loob saka ito lumabas sa pinagkukublihan. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at saka pumindot ng numero.
"Hello, Boss Gav?" Saglit itong huminto upang pakiramdaman ang kausap. " Boss! Okay na siya wala nang problema. Kaya lang dapat na talaga siyang bumalik ng Maynila." Wika nito kay Gavin nang masigurong ito nga ang kausap sa kabilang linya.
Kasalukuyan naman na nasa Barracks si Gavin ng mga sandaling iyon at nagpapahinga. Nasa mabuting kalagayan na rin ito at nalapatan na nang lunas ang tinamo nitong sugat kanina.
Maingat itong tumayo kahit pa medyo nakakaramdam ng pagkirot ng sugat.
Saglit muna itong luminga sa paligid bago nito sinagot ang tawag sa cellphone.
"Oh' Anton, ano na ang balita? Mabuti naman kung ganu'n! Oo, ha' bakit? Oo sige alam n'yo kung ano ang dapat n'yong gawin! Sige na baka may pumasok!" Pinatay na nito ang tawag dahil higit itong dapat maging maingat ngayon.
Lalo na at mainit ang ulo ni Anselmo ngayon dahil sa nangyaring kaguluhan kanina.
Hindi niya alam kung nasaan si Kit ngayon pero may nakarating sa kanyang balita na binugbog ito ni Gido.
Dahil sa pagkawala nito sa oras ng kaguluhan kanina at iyon ay dahil sa pagsunod sa kanya. Pero ang malaman niya na buhay pa rin ito at humihinga ay sapat na sa ngayon sa kabila ng kalagayan nila.
Dahil hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili sa oras na may masamang nangyari sa kaibigan. At lalong hindi niya mapapatawad ang hayup na Gido na iyon. Namumuro na ito sa kanya, malapit na niya itong balatan ng buhay!
_____
Amandaaa!
Amanda...
Amanda Anak, naririnig mo ba ako?
Mga boses ito na tila mga bulong na hindi niya matukoy, kung ito ba ay nasa malapit lang o nasa malayo?
"Huh' ang Papang? Hindi ako maaaring magkamali boses 'yun ng Papang ko!" Bulong naman niya sa kanyang sarili.
Ang isang dalagita na biglang na lang napatayo nang marinig nito ang tinig na iyon. Habang nakaupo ito sa isang malaking bato sa gilid ng ilog.
Awtomatikong umikot rin ang tingin nito sa paligid na tila ba may hinahanap. Matapos nitong marinig ang boses na iyon na kilalang kilala nito.
Hanggang sa tumigil ang paningin nito sa hindi kalayuan sa kakahuyan. Sa lugar na tila maliit na gubat at hindi nalalayo sa ilog.
Bigla itong napangiti pagkakita nito sa taong hinahanap ng mga mata kani-kanina lang...
Masayang nakangiti naman ang taong ito sa kanya. Habang ito ay kumakaway at tila ba niyaya rin nito ang dalagita na pumasok sila sa gubat.
Hindi naman nagdalawang isip pa ang dalagita at patakbo pa itong lumapit sa kinaroroonan ng lalaki. She followed it without hesitation, instead full of excitement.
Ngunit bago pa ito nakalapit sa lalaki, nakatalikod na ito at tuloy tuloy na pumasok sa gubat.
"Papang sandali, hintayin mo ako, Papang!" Sigaw pa ng dalagita.
Ngunit nagpatuloy lang ito at tila ba sadya pang nagpapahabol sa kanya...
Saglit lang itong hihinto, ngingiti at muli nitong kakawayan ang dalagita. Napapahagikgik naman ang dalagita na puno ng buhay at kasiyahan.
Patuloy lang niya itong sinundan hanggang sa makarating sila sa kaloob-looban ng gubat. Ngunit bigla rin siyang natigilan....
Para kasing pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Tama hindi siya maaaring magkamali. Ito 'yun at alam niya kung saan papunta ang gubat na ito?
Hindi, hindi p'wede...
Ang kanyang Papang kailangan niya itong mapigilan agad. Hindi ito maaaring makarating sa dulo.
Ngunit paglingon niya dito palayo na ito ng palayo. Kaya binilisan din niya ang pagtakbo upang makalapit dito.
Ngunit tuloy tuloy pa rin itong lumalayo....
Palayo pa ito ng palayo! Malapit na ito sa dulo ng...
BANGIN!
"Papang, h'wag d'yan Papaaang!"
Sinikap niya itong tawagin ngunit patuloy lang ito sa pagtakbo na tila ba hindi siya nito naririnig.
Napupuno na siya ng takot at kaba tila ba mauulit na naman ang sandaling iyon? Ngunit sa pagkakataong ito hindi siya ang nakatakdang mahulog kun'di ang kanyang Papang.
Hindi! Muli na naman ba itong mawawala sa kanya?
Hindi, hindi siya papayag!
"Papang, h'wag mo akong iiwan Papang!" Muli niyang sigaw.
Ngunit tuloy tuloy pa rin ito kaya't mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Dahil hindi siya papayag na muli itong mawala.
Ngunit kahit ano pang bilis ang gawin niya hindi pa rin niya ito naabutan. Dahil bago pa siya nakalapit dito tuloy tuloy na itong nahulog. Kitang kita ng dalawa niyang mata kung paano ito tumilapon sa bangin!
Wala na siyang nagawa kun'di ang sumigaw ng ubod ng lakas.
*PAPAAAAANG!"
Kasunod nito bigla siyang napapikit.
Ilang saglit rin ang lumipas na hindi niya magawang idilat ang kanyang mga mata.
Hanggang sa muli siyang nakarinig ng tinig...
"Amanda Anak, tulungan mo ako ayoko pang mamatay!" Tinig ng labis na nakikiusap ang boses nito. Kaya't bigla siyang napadilat at muli hinagilap ng mga mata ang pinagmumulan ng tinig na iyon.
Awtomatikong dumako ang kanyang mga mata sa gilid ng bangin. Sa una ay malabo ang kanyang tingin hanggang sa unti unti itong luminaw.
Mga kamay na pilit kumakapit ang unang nabungaran ng kanyang mga mata. Bigla na lang siyang nabuhayan ng loob at nagkaroon ng pag-asa.
Ang kanyang Papang ito agad ang pumasok sa kanyang isip. Agad sana niya itong lalapitan upang ito ay tulungan.
Ngunit saglit siyang nagbantulot at natigilan ng palapit na siya sa dulo ng bangin. Bigla kasi siyang nakaramdam ng matinding takot.
Takot na hindi na yata mawawala sa kanyang dibdib sa tuwing malalagay siya ganitong sitwasyon.
Ngunit kailangan niyang iligtas ang kanyang Papang. Saglit muna siyang pumikit at tila naglaro na naman sa kanyang balintataw ang itsura ng kanyang Ama.
Kasabay ng pag-eecho ng tinig nito sa kanyang tainga na paulit ulit na humihingi ng tulong. Agad siyang dumilat at muli binalikan niya ito ng tingin.
Kitang kita niya ang mga kamay nito na pilit pa ring kumakapit...
Mabilis na siyang nagpasya dahil buhay ito ng kanyang Ama. Kahit pa ang buhay niya ibibigay niya huwag lang itong mapahamak.
Kung hindi niya ito nagawang iligtas noon gagawin na niya ngayon. Bigla siyang nabuhayan ng loob at tila nagkaroon ng determinasyon.
Agad niyang hinawakan ito sa mga kamay at pilit iniangat. Tila kaybilis rin ng sumunod na mga pangyayari. Tila magaan lang at mabilis niya itong naiangat.
Nang sa tingin niya ay ligtas na ito, agad na niya itong niyakap ng mahigpit...
"Papang..." Wika niya kasabay ng paghagulgol.
Nanatili naman itong walang kibo. Kaya't unti-unti siyang nag-angat ng mukha upang mapagmasdan ito...
Isang nakakagulat na katotohanan ang biglang bumulaga sa kanyang mga mata....
"A-ANSELMO?!"
"AKO NGA, BAKIT ANG AKALA MO BA MAILILIGTAS MO PA ANG IYONG AMA? HINDI NA, DAHIL PATAY NA SIYA PINATAY KO NA!"
Sinundan nito ng malakas na pagtawa, na halos bumingi na sa kanya...
HAYUP! DEMONYO KA, ANG SAMA SAMA MO PAPATAYIIIN KITA... PAPATAYIIIN KITAAAA!
"Amanda Anak, huminahon ka! Ano bang nangyayari sa'yo?"
Pagyuyug sa kanyang balikat ang biglang gumising sa kanya sa isang napakasamang bangungot na iyon.
Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata....
"Tatay Kanor!" Napaiyak na lang siya sabay yakap dito.
Nang masiguro niyang totoong ito ang nasa kanyang harapan.
"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka, nanaginip ka ba? Makakasama sa'yo ang ginagawa mo, lalo na d'yan sa dinadala mo!"
"Ano hong sabi n'yo?" Walang gana niyang tanong nang hindi agad naintindihan ang sinabi ni Nicanor.
"Ang sabi ko makakasama sa'yo ang ginagawa mo. Lalo na d'yan sa batang dinadala mo. Dapat na alagaan mo ang sarili mo dahil hindi ka na nag-iisa ngayon."
"Tatay Kanor ano po bang sinasabi n'yo? Hindi po ako...."
Bigla na lang siyang natigilan ng maisip ang sinasabi nito. Tila ba nahihirapan pang i-absorbed ng kanyang utak ang katotohanan.
"Bu-buntis ho a-ako?"
*****
By: LadyGem25