Dalawang sasakyan ang matuling naghahabulan sa kalsada, na tila ba sa kanila lang ang daan.
Parehong ayaw magpatalo at tila wala nang pakialam saan man sila makarating.
Dahil hindi hahayaan ng nasa unahang sasakyan na maabutan sila ng sumusunod na kotse.
Kaya't wala itong tigil sa mabilis na pagpapatakbo. Hindi pa niya kabisado ang daan at kung saan na ba sila nakarating?
Ngunit dahil sa tulong ng Waze Google maps kontrolado nito ang daan at kung saan sila dapat tumungo.
Nasa unahan sila at lulan ng isang SUV habang sinusundan naman sila ng isang mid-size car.
Kung bakit ayaw pa rin silang tigilan ng pagsunod ay hindi nila maintindihan?
Hanggang sa magkatapat ang dalawang sasakyan...
Bigla na lang naglabas ng baril ang isa sa sakay ng kotse na nasa bandang likuran at itinutok ito sa bandang kaliwa ng sinusundan nitong SUV.
"Yuko!" Mabilis na kinabig ng driver ng SUV payuko ang kasama nitong babae ng mapansin na tila ito natulala.
"Itigil mo 'yan! Ang sabi ni Boss kailangan buhay nating makuha ang babae. Kaya bakit mo sila babarilin?"
"Tanga! Hindi ko sila babarilin, tatakutin ko lang hindi ko naman patatamaan."
"Sinong tanga eh' gago ka pala!"
"Ano ba? Magsitigil nga kayo! Ngayon pa ba kayo magtatalo? Nasa gitna tayo ng karera mga gung-gong!"
Biglang bulalas ng driver sa dalawang kasama nito. Kaya saglit na nawala ang focus nito sa pagdadrive. Dahil na rin sa ingay ng mga kasama nito.
Dahilan upang magkaroon ng pagkakataon ang sakay ng SUV na samantalahin ito upang lansihin sila.
Nang umabot ito sa intersection bigla na lang itong lumiko at mas pinabibilis pa ang takbo ng sasakyan.
Kahit pa halos lumangitngit ang gulong nito sa rough road na daan.
Nagpasikot-sikot pa ito at hindi na muling binigyan pa nang pagkakataon na makasunod sa kanila ang mga humahabol na goons.
Kasabay ng pag-alimbukay ng mga alikabok sa kalsada hindi na sila muli pang nasundan.
"Patay tayo kay Boss nito mga buwisit talaga kayo!"
"Nalintikan na nawala na sila!"
"Lagot na!"
____
"Pasensya na Boss hindi na namin sila naabutan. Bigla na lang kasi silang nawala." Paliwanag ng isa nitong tauhan.
"Mga tanga, mga walang kwenta! Ano't napaka-simple lang naman ng ipinagagawa ko sa inyo hindi n'yo pa nagawa? Natakasan pa kayo mga bobo!" Galit na galit at malakas na sigaw nito sa mga tauhan na puro pasa at sugat na ang tinamo sa katawan.
Halos maglumuhod na rin ang mga ito sa harap ng amo.
Tatlong malalaki ang katawang lalaki ang nasa harap ng kanilang amo ngayon at tila maamong tupa sa paghingi ng tawad sa harap ng amo.
Dahil sa kapalpakan na nagawa ng mga ito. Daig pa ng mga ito ngayon ang mga daga na nasukol ng isang malaking pusa.
"Eh' Boss hindi naman namin alam na mahusay pa lang magdrive 'yun kasama n'yang lalaki eh'. Daig pa namin ang pinakain ng alikabok sa kalye."
Ang sabi pa ng isa sa tauhan nito.
"Oo nga Boss, akala namin mas matatrap namin sila sa ilang na lugar. Iyon pala mas nakatulong pa 'yun para tuluyan kaming malanse." Dugtong naman ng isa.
"Tama sila Boss, magaling talaga 'yun lalaki naisahan kami mas magaling pa s'ya sa anak n'yong babae." Dagdag pa ng isa pa...
Kanya kanya ng katwiran ang mga taong inutusan nito upang sundan at kunin ang isang babaing pinapahanap nito sa mga tauhan.
"Aba't mga gago kayo, nagawa n'yo pa talagang ipagmalaki sa akin 'yan mga walanghiya, mga punyeta magsi-alis kayo sa harap ko. Bago ko pa kayo mapatay mga hayup kayo, layaass!" Sabi nito sa dumadagondong na boses. Kaya lalong nanginig sa takot ang mga tauhan nito.
Sinabayan pa ng pagkasa nito ng baril na inagaw nito sa katabing tauhan at saka ito galit na galit na nagpaputok.
Nagpulasan naman ang tatlong tauhan nito. Dahil sa takot na baka totohanin ng amo ang banta nito sa kanila.
"Boss, relax hindi sila ang kalaban, saka baka naunahan lang talaga sila. Sigurado naman na magtatanda na ang mga 'yan at natitiyak ko rin na hindi na sila gagawa ng kapalpakan sa susunod." Pagpapakalma ng isa sa pinaka kanang kamay nito.
"Siguraduhin mo lang na talagang hindi na sila papalpak pa sa susunod. Dahil malilintikan talaga sila sa akin!" Seryosong banta nito.
"Areglado Boss sisiguraduhin kong pagbubutihin na nila sa susunod!"
"Mabuti pero gusto kong alamin mo rin kung sino ang lalaking iyon at kung bakit kasama n'ya si Amara?"
"Okay Boss, aalamin ko agad!"
Nakatanggap kasi ito ng tawag sa cellphone nito kanina. Ang s'yang nagbigay dito ng tip kung saan niya makikita ang naturang babae.
Noong una hindi nito gustong maniwala. Dahil una hindi niya kilala ang caller pero dahil sa mga ipinadala nitong picture ni Amara nagkaroon s'ya ng interes na sundin ang instructions nito.
Kaya pinapuntahan niya agad sa mga tauhan ang sinabi nitong lugar.
"Kaya pala may kakayahan s'ya upang kalabanin ako. Dahil may tumutulong pala sa kanya. Pero nagkamali sila ng kinakalaban. Punyeta talagang babae 'yan!"
Mababakas sa mukha nito ang matinding galit ng mga oras na iyon.
"Baka naman nahanap na niya ang angkan ng kanyang ama, Boss!"
"Wala akong pakialam kahit magsama-sama pa sila ng buong angkan nila! Pero hinding-hindi ako papayag na makuha nila sa akin ang mga pag-aari ko!"
"Boss, narito po si Atty. Galvez."
Biglang singit sa usapan nila ng isa sa mga tauhan nito na nakabantay sa labas.
"Ah' sige papasukin mo!"
Nagtataka man dahil sa biglaang pagsulpot ng Abogado nito kahit pa gabing gabi na.
Naisip na lang nito na baka importante ang sadya ito.
__
"Kumusta na Attorney bakit yata naparito ka gabi na ah' siguro naman may maganda ka nang ibabalita sa akin ngayon?"
Bigla napayuko ang abogado hindi pa man ito nagsasalita parang nahuhulaan na niya na hindi maganda ang dala nitong balita.
Base sa lungkot na, nakabalatay sa mukha nito.
Bigla ang pagtalim ng mga mata niya sa kaharap niyang abogado. Dahil nararamdaman niya ang hindi magandang ibabalita ng nito.
"Attorney?"
"ANSELMO!"
Saglit muna itong huminga nang malalim bago ito nagsalita. Tila kasi, hindi nito mabigkas ang mga salitang nais nitong sabihin.
"Pasensya na nagpunta ako dito kahit gabi na, hindi na kasi ito maaaring ipagpabukas pa nais ko lang munang ipaalam sa iyo ang mga pangyayari sa kaso para alam mo na! Babalik din kasi ako sa Sta Barbara bukas din ng umaga kaya nagpunta na ako dito ngayon." Paliwanag ng abogado dahil sa biglaan nitong pagpunta kahit pa gabing gabi na at hindi ipinaghintay ng bukas.
"Walang problema Attorney, ano ba ang atin?" Mapagkunwaring saad nito sa abogado.
"Hindi ko alam kung paano ko ba ito sisimulang ipaliwanag sa'yo. Ngunit ikinalulungkot kong sabihin, masyadong malakas ang isinumite nilang ebidensya na nagpapatunay na sila lang ang dapat na kilalanin bilang tagapagmana. Ang lahat ng naiwang mga ari-arian nila Doña Caridad Ga-an at ng asawa nitong si Don. Alfonso Ga-an ay matagal na pa lang naisalin sa pangalan ni Annabelle at sa oras rin na mag-asawa na s'ya. Awtomatiko rin itong maisalin sa pangalan nilang mag-asawa at sa kanilang magiging mga anak. Iyon written statement o huling habilin ng mag-asawang Ga-an at isinulat ito sa mismong mga kamay ni Doña Caridad Ga-an. Kung kaya't isa rin ito sa pinaka matibay na ebidensya na panlaban nila"
"Ano ngayon ang ibig mong sabihin Attorney at bakit hindi mo pa ako deretsahin?" Muli tanong ni Anselmo sa abogado.
"May mga katibayan sila para patotohanan ang lahat!" Nag-aalangang saad ng abogado.
"So anong problema du'n hindi mo ba ito maaaring gawan ng paraan? Wala na ang mag-asawa pareho na silang inuuod sa lupa." Mapangutya pa nitong saad.
"Pero nariyan pa ang kanilang mga anak si Amara at maging si Amanda."
"Wala akong pakialam kahit na nariyan pa ang kanilang mga anak. Bakit hindi na lang natin palabasin na maaaring patay na rin sila o di kaya ay maaari din namang palabasin na lang natin na ang anak kong si Amanda na lang ang naiwang tagapagmana."
"Tama! Ang babaing iyon ay nagpapanggap lang na si Amara. Dahil sa manang makukuha n'ya at p'wede rin nating palabasin na may tumutulong sa kanya na may interest sa pera ng pamilya."
"Pero mismong si Amara ang kalaban natin Anselmo! Baka nakakalimutan mo?" Paalala pa ng abogado.
"Tama! P'wede kong kumbinsihin ang anak ko na tumayong testigo. Galit s'ya ngayon sa kanyang kapatid dahil iniwan lang naman at pinabayaan sila nito. Namatay nga si Annabelle na hindi man lang naalalang puntahan ng babaing iyon. Tapos ngayon narito s'ya para kunin ang sinasabi niyang mana. Punyetang babae 'yan sa akala ba n'ya ganu'n lang niya ito mababawi sa akin?" Tila hindi nito narinig ang sinabi ni Atty. Galvez o sadyang hindi pinakinggan.
"Sa tingin mo ba makukumbinsi mo talaga si Amanda na tumestigo laban sa kanyang kapatid?" Alanganing tanong na lang nito.
"Bakit naman hindi? Magandang pagkakataon ito para makaganti s'ya kay Amara at sigurado ako na gugustuhin niyang makaganti sa kapatid niyang nang-iwan sa kanila. Sa tingin mo ba Attorney maaari nating magamit iyon? Malaki ang maitutulong niya sa akin upang mapanatili pa rin sa pangalan ko ang lahat. Tama! Ako na ang bahalang kumausap sa anak ko, kukumbinsihin ko s'ya Attorney. Basta gawan mo ng paraan na mapalabas natin ang ganoong senaryo! Naiintindihan mo naman siguro ang nais kong mangyari hindi ba Attorney?!" Pangungumbinsi nito sa abogado.
"Parang may punto ka nga sa bagay na iyan. Pero kailangan na masiguro mo muna, na itatanggi talaga s'ya ni Amanda at ikakaila niya ito bilang kapatid o kahit kakilala man lang at sa puntong ito. Kapag napalabas natin na hindi sila magkakilala. Baka nga may tsansa pa tayong manalo." Pagbibigay pag-asa niya sa kaharap na kliyente.
"Dapat lang na ipanalo mo ito Attorney. Dahil hindi ako papayag na matalo at mabawi nila sa'kin ang mga pinaghirapan kong makuha. Dahil walang sino man sa angkan ni Darius ang maaaring makakuha ng mga ari-arian ko! Dadaan muna sila sa bangkay ko." Banta pa nito.
Napabuntong hininga na lamang ang matandang abogado. Kanina pa ito ginigitian ng pawis sa noo. Hindi ito komportable ngayon sa harap ni Anselmo.
Alam kasi nito na hindi ito nagbibiro. Maaaring isa rin ito sa malintikan kapag ito ay natalo.
Pagkatapos lang ng ilang mga instructions nito ukol sa detalye ng hawak nitong kaso ay dali-dali na itong nagpaalam at tuluyan ng umalis.
Hindi na nito sinabi pa sa kanyang kliyente na hindi ganu'n kadali ang nais nitong mangyari. Dahil maaaring makaisip rin ng paraan ang kalaban.
Dahil maraming mga bagay na p'wede nitong gawing patunayan. Ang mga katibayan sa pagiging lihitimo anak ng mag-asawang Darius at Annabelle at duda rin ito kung maitatatwa nga ito ng sariling kapatid.
Ngunit bilang isang abogado tungkulin nito na bigyan ng pa rin ng pag-asa ang mga kliyente.
Kahit pa tagilid ang kaso...
____
Nagising si Angela ng biglang mauntog sa sandalan ng upuan. Bigla kasing gumalaw si Joaquin, hindi niya inasahan na bigla itong magmemenor at mabilis na patatakbuhin ang sasakyan.
Daig pa niya ang hinampas sa mismong sandalan ng kanyang kinauupuan. Naalimpungatan s'ya ng gising at bigla rin ang pagsalakay ng kaba sa kanyang dibdib na sinabayan pa ng pananakit ng kanyang ulo.
Pakiramdam n'ya may hindi magandang nangyayari...
"Joaquin a-anong nangyayari?" Naguguluhan niyang tanong.
Saglit pa s'yang napapikit dahil biglang pagkirot ng kanyang ulo. Ngunit kaya pa rin naman niyang tiisin.
"Relax, sweetheart! Don't do anything cause of panic, just relax okay? May sumusunod sa atin sa likod h'wag kang magpapahalata." Malumanay at maingat ang bawat salita nito sa kabila ng kanyang pagkalito.
"Ha' sino nasaan?"
"Hey, relax don't look back!"
Maagap rin siya nitong inakbayan upang pigilang lumingon pa sa kanilang likuran...
"I said, don't look back!"
Hinawakan pa nito ang kanyang ulo para masigurong hindi s'ya lilingon at kinabig s'ya nito palapit.
Hindi n'ya alam kung anong nangyayari kaya sumunod na lang s'ya sa gusto nito.
"Honey, make sure your seat belt is secure, okay! Bibilisan ko pa... Okay hold on!"
Kahit nagsisimula na siyang kabahan pinilit niyang sundin na lang ito. Dahil alam n'yang pilit din nitong pinagagaan ang sitwasyon nila ngayon upang hindi s'ya matakot.
Pero hindi niya magawang pakalmahin ang sarili. Parang sasabog ang puso n'ya sa sobrang kaba. Nagsisimula na rin n'yang maramdaman ang panginginig ng kanyang tuhod.
Hindi na rin komportable ang kanyang pakiramdam. Ngunit ayaw n'yang maabala si Joaquin sa pagmamaneho nito.
May humahabol sa kanila na kailangan nilang takasan. Alam niyang hindi biro ang nangyayari ngayon. Hindi n'ya alam kung sino ang humahabol sa kanila o kung bakit may humahabol sa kanila?
Posible kayang carnaping O baka kidnapping? Tanong ng isip n'ya.
Hindi! Diyos ko po ano pong nangyayari? Nang sumagi sa isip niya ang mga posibilidad.
Hindi naman niya magawang mag-usisa, kaya sinarili na lang niya ang nararamdamang takot at pagkabalisa.
Kailangan niyang kumalma at magpakatatag kahit pa medyo nakakaramdam na rin s'ya ng pagkahilo.
Sinikap niyang ipanatag ang sarili, inayos niya ang kanyang pagkakaupo. Kahit labis pa rin ang kaniyang pagkaligalig.
Alam na kasi ng mga humahabol sa kanila na batid na nila ang paghabol ng mga ito.
Isang tinted na kotse ang nasa kanilang likuran. Kaya't hindi maaninag kung sino o ilang katao ba ang nasa loob nito.
Isang mabilis lang na paglingon ang nakaya niyang gawin. Kahit tinted din naman ang kanilang sinasakyan. Hindi pa rin n'ya naiwasang kabahan sa pagtingin dito.
Patuloy lang sa mabilis na pagpapatakbo si Joaquin at tutok ito sa daang tinatahak. Imbes na dumeretso na ito ng Maynila nagpasikot-sikot lang ito sa South.
Kahit hindi nito kabisado ang lugar hindi ito kakikitaan ng pag-aalala. Sanay ito sa kalsada kaya tuloy-tuloy lang ito sa mabilis na pagdadrive. Kahit pa walang tiyak na patutunguan.
Gumagamit ito ng GPS or Global Positioning System upang i-trace ang lugar kung nasaan na ba sila? Kaya't hindi ito nag-aalalang maligaw ng daan.
Ngunit hindi nito batid ang nangyayari kay Angela ng mga oras na iyon. Ang kaninang takot at pagkabalisa nito ay lalo pang nadagdagan.
Tila kasi pamilyar sa kanya ang lugar parang nakarating na s'ya sa lugar na ito. Hindi lang n'ya maalala kung kailan?
Habang pinagmamasdan niya ang paligid hindi talaga s'ya mapalagay. Kahit pa sa kabila ng mabilis na takbo ng sasakyan. Hindi s'ya maaaring magkamali.
Nakarating na s'ya sa lugar na iyon at nangyari na rin ang ganito ring sitwasyon. Kaya't lalo pang nadagdagan ang kanyang kaba at pagkaligalig sa isiping iyon.
Pilit n'yang kinalma ang sarili alam n'yang hindi makakatulong sa kanila ang pag-atake na naman ng kanyang anxiety.
Subalit kahit ano pa ang pigil n'ya sa sarili na h'wag matakot ay hindi niya napagtagumpayan.
Lalo na nang maabutan sila ng humahabol sa kanila at nang tapatan pa nito ang kanilang sinasakyan.
Kitang kita niya ng biglang bumukas ang bintana nito sa hulihan at maglabas ng baril ang isa sa sakay nito at itinutok sa kanila.
NO! Sa kanya nakatutok ang baril...
Dahil sa matinding pagkabigla hindi n'ya nagawang kumilos agad. Bahagya na lang n'yang naulinigan ang pagsigaw ni Joaquin.
"Yuko, yuko!"
"Shit I said bring down your head, damn it!" Malakas nitong sigaw.
Ngunit tila hindi na niya ito naririnig at nakatitig lang sa nakatutok na baril.
Tulala at wala nang pakialam sa paligid.
Hindi na nga niya naramdaman ang biglang pagkabig sa kanya ni Joaquin upang ito na mismo ang magyuko ng kanyang ulo.
Kulang na lang itago s'ya nito sa loob ng katawan para lang s'ya maprotektahan.
Habang patuloy pa rin ito sa mabilis na pagdadrive at nang makakita ito ng tiyempo bigla itong lumiko.
Mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Hanggang tuluyan na silang makalayo.
Habang sobrang abala naman ang isip niya sa mga alaalang nangyari sa kanya sa lugar na iyon.
Bigla itong sumalit sa kanyang utak ang hindi maipaliwanag na mga pangyayari at hindi na niya nagawa pang pigilan.
Ang mabilis na pagdaloy ng mga alaala sa kanyang nakaraan...
*****
By: LadyGem25