Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang tumakbo? Habang takip ng dalawang kamay ang magkabila niyang tenga.
Dere-deretso siyang pumasok ng bahay at pumanhik sa itaas. Iniwan niya si Maru' sa labas ng bahay. Dahil wala siyang gustong gawin kun'di ang makalayo dito.
Hindi na niya gustong marinig pa ang sasabihin nito. Husto na binging bingi na s'ya kanina pa. Hindi na niya gustong makarinig ng kahit anong salita pa kahit kanino.
Ang tanging nais niya pumasok sa kanyang kwarto at magkulong gusto na niya magpahinga.
Pagdating niya sa may puno ng hagdan saglit siyang huminto para ikalma ang sarili.
Handa na sana siyang magpatuloy at dumeretso sa kanyang kwarto ng makita niya si Joseph na nakasandal sa ding ding sa madilim na bahagi ng hallway na para bang mayroong hinihintay.
Nakaamoy rin siya ng usok ng sigarilyo na nagmumula sa gawi nito.
Hindi siya maaaring magkamali, kaya awtomatikong hinagilap ito ng kanyang mga mata.
Hanggang sa dumako ang kanyang paningin sa kamay nito na may hawak na stick na sigarilyo, ngunit bigla rin nitong pinatay.
Ngayon lang niya nalaman na marunong din pala itong manigarilyo. Pero hindi naman 'yun mahalaga nagulat lang siya.
"Ah' gusto ko lang sanang ma-relax hindi ako makatulog. Pero okay na ko nakita na kasi kita." Alanganing ang ngiting paliwanag nito.
"Okay lang kung hindi naman madalas. Bakit pala bigla kang nawala kanina?" Bigla niyang naalalang itanong.
"Ah' sila Joshua kasi medyo makulit nasa lumang bahay kami kanina medyo uminom lang ng konti. Pasensya na kung hindi na ako nakabalik."
"Okay lang 'yun, parang hindi naman ako sana'y sa inyong magpipinsan." Sabi niya at nginitian pa ito.
"Talaga bang sanay ka na? Dapat ba akong magpasalamat?" Sabi nito sa makahulugang salita.
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang niyang tanong.
"Ah' wala h'wag mo na lang akong pansinin medyo nahihilo na yata ako. Gusto mo na bang magpahinga sige na okay lang ako dito." Sabi na lang nito.
Pakiramdam niya may gusto pa itong sabihin pero hindi masabi sa kanya.
"May sasabihin ka pa ba?" Walang gana niyang tanong ngunit kahit paano gusto niyang iparamdam dito na binibigyan niya ito ng pansin.
"Sige na magpahinga ka na bukas na lang..." Tila nag-aalangan pa ito kung hahalikan ba siya o hindi.
Kaya siya na ang kusang lumapit dito kahit pa nakakaramdam din siya ng pagkaasiwa.
"Good night!"
"Good night..."
Tatalikod na sana siya nang bigla na lang siya nitong hilahin at yakapin.
"I'm sorry kung nahihirapan ka! Hindi ba talaga p'wedeng ako na lang ulit. Alam kong siya ang mahal mo pero ako pa rin ang pinili mo. Salamat dahil hindi mo ako binigo!" Saglit pa itong humarap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
Bago pa muling nagpatuloy.
"H'wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para bumalik tayo sa dati. Basta h'wag mo lang akong iiwan ha? Ikaw lang ang meron ako, nais kong ikaw lang ang makasama ko. Pangako ko sa'yo gagawin ko ang lahat para mapasaya ka ulit, masaya naman tayo noon hindi ba?" Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin.
Basta ang alam niya tulad niya nasasaktan din ito. Pero mas higit itong masasaktan kung patuloy siyang magkukunwari.
"Pero noon 'yun iba na ngayon, hindi ko alam kung paano? Pero nangyari na... Kung alam mo na hindi kita mahal. Bakit mo pa ako inalok ng kasal?" Wika niya sa malungkot na tono.
Dahil sa mga sinabi nito tila batid na nga nito ang totoo kaya wala na pala s'yang dapat itago.
Medyo nakakagulat lang...
"Gaya ng nasabi ko ikaw lang ang meron ako at gusto ko rin na bumuo tayo ng pamilya na magkasama. Aalagaan kita kasama ng magiging mga anak natin." Bakit hindi ang inaasahan niyang sagot ang isinagot nito? Bigla niyang naisip.
Hindi ba dapat lang na isagot sa kanya nito na mahal siya nito kaya siya pakakasalan? Bakit iba sagot nito at parang pakiramdam niya hindi siya nito mahal.
"Hindi mo rin ako mahal tama ba? Sagutin mo nga ako hindi ka rin sigurado kung mahal mo nga ako hindi ba?" Matiim niya itong pinagmasdan at hindi rin niya natiis na hindi iyon itanong dito.
"Ano bang sinasabi mo? Mahal kita! Kaya nga gusto kitang pakasalan, saka gusto rin kitang makasama." Paliwanag nito pero bakit hindi niya maramdaman ang katotohanan sa sinasabi nito ngayon.
Tumingin siya sa mga mata nito ngunit tila naging mailap ito sa kanya...
"A-ano bang ginagawa mo binabasa mo ba ang isip ko? Kung ginagawa mo 'yan para iwasan ako p'wes bahala ka!"
"Gusto ko lang malaman ang totoong nararamdaman mo. Sana maging tapat ka sa'kin!" Puno ng prustrasyon niyang saad.
"Tapat? Kinukwestiyon mo ba ang katapatan ko at ikaw kailan ka pa naging tapat sa'kin ha?"
Wika nito sa mataas na tono, halata na rin sa tono nito na nagsisimula ng mainis. Hindi niya alam kung dahil sa alak na nainom nito kanina kaya hyper ito ngayon at marahas magsalita.
"Bukas na lang tayo mag-usap pareho tayong wala sa kondisyon kaya kung maaari magpahinga na lang muna tayo." Wika niya na may halo ng pakiusap. Pagod na rin kasi siya.
Subalit hindi pa rin ito tumigil...
"Ang sabihin mo ang totoo, gusto mo lang gumawa ng dahilan para hiwalayan ako. P'wede naman hindi mo na lang sana tinanggap ang alok kong kasal. Pero hindi mo ginawa, p'wes magtiis ka!"
"Ano?" Biglang nagpanting ang tenga niya dahil sa narinig.
She did not expect those words to come out of his mouth. Kagaya rin nang hindi niya inaasahan na magiging magaspang ang ugali nito ngayon.
Ang masakit alam niyang dahil iyon sa kanya. Hangga't maaari ayaw niyang patulan ito. Kaya minabuti niyang umalis na lang at talikuran na ito.
Subalit muli siya nitong hinabol at niyakap mula sa likuran. Pilit siyang kumakawala pero hindi siya nito hinayaang makalayo.
"I'm sorry, I'm sorry! Hindi ko naman talaga gustong sabihin 'yun, ayoko lang talagang mawala ka sa'kin."
"Joseph, bitiwan mo'ko! Saka na lang tayo mag-usap kapag matino na 'yang utak mo!"
Pilit siyang kumawala dito at hindi na ito hinayaang makalapit pa, tuloy-tuloy siyang pumasok sa kanyang kwarto at isinara ang pinto.
__
Naiwan si Joseph na natitigilan at nagsisi sa ginawa. Hindi naman talaga niya gustong sabihin iyon. Pero nakakaramdam na siya ng inis sa dalaga mula pa kanina.
Alam na alam naman niyang napipilitan lang ito. Napilitan lang din itong tanggapin siya pero itinuloy pa rin niya ang pagpropose. Dahil na rin sa pambubuyo ng mga pinsan nila.
Inaasahan ng mga ito na magiging sila ni Angela hanggang sa huli. Dahil 'yun naman talaga ang mga plano niya.
Hindi naman niya inakala na may magbabago sa kanila na hindi na magiging kanya ang buong atensyon nito.
Hindi niya maamin sa mga pinsan at maging sa kanyang sarili na bigo siya at ayaw rin niyang isipin ng mga ito na mahina siya at walang kwenta.
Dahil hindi niya nagawang mapagtagumpayan ang babaing halos limang taon din niyang inasahan at hinintay.
Hindi siya nanligaw ng iba o tumingin pa sa ibang babae. Dahil gusto niyang patunayan dito ang kanyang katapatan.
Kahit pa nga hindi pa opisyal ang kanilang relasyon.
Pero ano pa ba ang kulang hindi ba alam naman ng lahat na nagkakaunawaan na sila at umaasa ang lahat ng nakapaligid sa kanila na sila pa rin hanggang sa huli pero hindi pala...
Dahil sa pagdating ni Joaquin bigla na lang nagbago ang lahat.
Nakuha nito ang buong atensyon ni Angela sa maikling panahon lang...
Ngayon kinukwestiyon na ni Angela hindi lang ang katapatan niya, kun'di pati na rin ang damdamin niya dito.
'Napaka-swerte mo naman talaga Joaquin. Pero sisiguraduhin kong mahihirapan kang kunin sa'kin si Angela. Dahil sa ginawa mong pagsira sa mga plano ko hindi ko rin siya ibibigay sa'yo!' Bulong niya sa sarili bago pa man siya nagpasyang pumasok sa sarili niyang kwarto.
___
Kanina pa nakatingin lang si Angela sa kanyang cellphone na kanina pa rin tumutunog.
Kanina pang nagmadali siyang makapasok naririnig na niya itong walang hinto sa pagtunog. Kaya napilitan siyang hawakan ito at i-silent mode upang hindi makalikha ng ingay na maaaring makagising kay VJ.
Hinayaan lang niya ito na patuloy na nagba-vibrate sa ibabaw ng side table at ara siyang tanga na pinagmamasdan lang ito.
Alam niyang si Joaquin ang tumatawag pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan?
Kaya hindi rin niya alam kung paano ito kakausapin ngayon. Pagkatapos ng nangyari kanina kahit pa hindi siya sigurado kung alam na nito ang nangyari ayaw pa rin niyang magbakasakali.
Kailangan muna siyang mag-ipon ng lakas bago ito harapin. Hindi pa niya kayang makipag-usap dito ngayon.
Kaya hinayaan na lang niya ito at sinikap na lang niyang makatulog at makapagpahinga.
Hanggang sa kusa rin itong huminto at pilit pa niyang inignora ito sa kanyang isip.
Kasabay ng pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata. Ilang saglit lang ang lumipas tuluyan na rin siyang nakatulog. Dahil na rin sa pagud na isip at katawan agad na rin siyang nahimbing.
___
"Boss... Tama na 'yan! Baka tulog na sila bukas na lang natin tawagan." Pakiusap na ni Russell kay Joaquin.
Dahil wala pa rin itong tigil sa pagtawag kay Angela sa cellphone nito.
Tila wala itong kapaguran sa pagdial sa cellphone at kahit pa ng number sa bahay ngunit wala ring sumasagot.
"Tulog na o baka nagpapakasaya na sila ngayon?" Gigil at galit na ang boses nito.
Kanina pa naman ito nagwawala, kahit paano napakalma na naman niya ito. Dahil kung hindi baka marami na silang sirang gamit dito sa suite na okupado nila.
Mabuti na nga lang at ito mismo ang may ari ng Hotel. Dahil kung hindi baka magbayad pa sila o di kaya ay magkaproblema.
Pero ang cellphone naman nito ang napagtuunan nito ng pansin.
Gusto man niyang maawa sa binatang amo wala rin naman siyang magawa.
Dahil maging siya ay nagtataka rin kung bakit bigla na lang nagkaroon ng Engagement Party sa bahay ng mga ito sa Batangas.
Parang pinaghandaan ang lahat at tinapat pa na narito sila at wala sa Pilipinas. Halos naroon din ang lahat mga kaibigan, kaanak at halos buong angkan ng mga Alquiza maliban lang yata sa kanila.
Ayaw lang niyang dagdagan pa ang sama ng loob ng kanyang amo. Pero sa tingin niya itinaon talaga sa Graduation party ang Engagement.
Dahil parang alam din ni Sir Liandro ang tungkol dito kaya hindi na siya nagulat at parang inaasahan na nang lahat ng naroon na mangyayari iyon.
Kaya nga ganoon na lang ito kadali, na halos ang lahat ay nakapaghanda pa ng speech para sa dalawang nagmamahalan daw?
Kahit naman siya mabibigla at masasaktan kung alam mo na ang nobya mo ay na-engaged sa iba o may ibang nagproposed ng kasal dito ng lingid sa iyong kaalaman at ang higit na masakit tinanggap ni Angela ang proposal na iyon.
Mas pinili pa rin ni Russell na pakalmahin na lang muna ito. Para mas makapag-isip ito ng tama.
Kailangan din nito ng pahinga, maghapon at hanggang gabi itong nagpakasubsob sa trabaho ngayong araw.
Dahil sa kagustuhan nito na matapos sila agad at makabalik na agad ng Pilipinas.
Wala talaga itong sinasayang na oras pagdating sa trabaho. Halos hindi na ito matulog at kumain. Masiguro lang nito na matatapos sila on time.
Pagkatapos ito pa ang mangyayari, siguradong pagud na pagod na ito...
"Boss, pagod ka na sige na magpahinga na tayo! Promise ako na mismo ang co-contact kay Ma'am Angela bukas para makapagkausap kayo."
"Hindi! Ang gusto ko bumalik na tayo ng Pilipinas." Tiyak at may diin nitong saad.
"Pero Boss, hindi pa tayo tapos dito..." Wika ni Russell na may halong pagkataranta.
Paano na lang kung maisipan nga nito na bumalik na nga ng Pilipinas? "Patay na naman ako nito." Hindi naiwasang bulong ni Russell sa sarili.
"Wala akong pakialam kahit hindi pa tayo tapos. Basta gusto ko nang bumalik ng Pilipinas." Wika pa rin nito.
Pero alam niyang hindi maayos ngayon ang takbo ng utak nito at baka p'wede pa rin magbago kapag nakapagpahinga na ito.
"Okay sige oo na, pero p'wede bang bukas na natin pag-usapan 'yan Boss! Magpahinga muna tayo ngayon okay, halika na!"
Pinilit na niya itong tumayo mula sa sahig na kinauupuan nito mula pa kanina at iginiya niya hanggang sa kamang hinihigan nito.
Napaka-miserable nitong tingnan sa ayos nito kanina. Tulad pa rin ng dati, muli na naman bang mauulit dito ang nangyari noon?
"Sige na iwan mo na ako, okay na ako!" Maya-maya ay wika nito.
"Sigurado ka Boss okay ka na ba talaga?" Paniniguro pa niya.
"Sige na lumabas ka na! Pakisara mo na lang ang pinto." Malakas at tila nawawalan na naman ng pasensya nitong bigkas.
"Sige Boss matulog ka na ha!"
Tumalikod lang ito at nagtakip ng unan sa ulo at hindi na nagsalita pa. Ngunit bago pa niya tuluyang isinara ang pinto nahuli pa niya ang pagyugyug ng balikat nito.
Napailing na lang si Russell, alam niyang umiiyak na naman ito.
Masayang masaya pa naman ito nitong mga huling araw. Masaya pa naman nitong ikinuwento sa kanya na opisyal ng nobya nito si Ma'am Angela. Kahit pa lingid sa kaalaman ng ama at kapatid.
Balak na nga nitong ayain ang babae na lihim nang magpakasal kapag nakabalik na sila ng Pilipinas.
Iyon sana ang plano nito kapag hindi pa rin nagkalakas ng loob si Angela na magtapat sa Papa nito at kapatid.
Ngunit mukhang naunahan na sila ni Joseph kaya maaaring hindi na ito mangyari pa...
Bakit ba ganu'n na lang ang kapalaran nito pagdating sa babae? Ang pangarap nitong bumuo ng isang masayang pamilya ay hindi na mangyari.
Napahinga na lang siya ng malalim at muling napailing. Hanggang sa nagpasya na rin siyang pumasok sa sarili niyang kwarto upang magpahinga na rin...
___
Masakit na masakit ang ulo ni Angela kinabukasang paggising niya...
Hindi niya alam kung bakit pero ngayon lang nangyari ito sa kanya. Paggising pa lang niya ng umaga sobrang sakit na nang kanyang ulo. Pero naisip din niya baka dahil lang ito sa kanyang pag-iyak ng nagdaang gabi.
Pero kailangan pa rin niyang pumasok ng maaga. Bukod pa sa ayaw rin niyang makaharap muna ang mag-ama. Si Liandro at lalo na si Joseph.
Pagkatapos ng mga nangyari kagabi ayaw muna niyang makausap ang mga ito.
Kaya mas minabuti niyang bumangon na habang maaga pa. Tulog pa rin si VJ nang mga oras na iyon pero hindi na niya ito ginising pa, wala naman na itong pasok sa eskwela kaya okay lang na matulog pa ito.
Minadali niya paggayak sa sarili para makaalis na siya agad. Saka baka sa shop na lang din siya mag-almusal.
Kaya't kahit nararamdaman pa rin niya ang pananakit ng ulo pinilit pa rin niyang kumilos. Kahit paano naman na-relax siya pagkatapos niyang maligo.
Iinom na lang siya ng gamot pagdating niya sa a shop, hindi lang talaga siya makainom ng gamot ng walang laman ang tiyan. Kagabi pa kasi siya walang maayos na kain.
Pagkatapos niyang halikan si VJ lumabas na siya ng kanyang kwarto. Sinamantala na niya na nasa Library si Liandro saka siya sumalisi ng alis nagpaalam na lang siya kay Nanay Sol.
Nagulat man ito sa pagmamadali niyang makaalis, hindi na rin siya nagpapigil pa at tuloy tuloy rin siyang umalis.
_
Pagdating niya sa shop saka lang siya nakahinga ng maluwag. Kaya nagulat pa sina Alyana at Diane ng abutan na siya ng mga ito sa shop.
Ang plano niyang mag-almusal at pag-inom ng gamot ay nawala na sa isip niya. Nalibang na kasi siya sa pagbibake at paggawa ng mga cookies.
Nawala na rin kasi ang sakit kaya hinayaan na lang niya ito. Kahit ng maglunch-break na parang wala naman siyang ganang kumain. Hindi niya alam kung dahil sa mga naaamoy niya sa shop kaya parang busog na siya.
Hanggang sa matapos ang buong maghapon ngunit hindi pa oras ng uwian. Medyo nakakaramdam na naman siya ng pananakit ng ulo.
Kaya kahit hindi pa naman sila magsasara ng shop nauna na siyang nagpaalam sa mga kasama.
Maliwanag pa sa labas ng shop dahil mag-aalas sais pa lang naman ng hapon. Karaniwan nang alas siyete o alas otso kung magsara sila ng shop kahit bago pa lang sila.
Pero hindi na niya kaya pang hintayin ang oras na iyon.
Sobrang sakit na naman ng kanyang ulo, naisip niya baka talagang kulang lang siya sa tulog at pahinga.
"Uuwi muna ako p'wede bang kayo na lang muna ang bahala dito? Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko!" Saglit siyang nagpaalam sa mga kasama.
"Ha' bakit, okay ka lang ba?" Nag-aalala wika ni Alyana.
"Ang aga mo kasing pumasok kanina Ate baka kulang ka pa sa tulog?" Wika naman ni Diane.
"Okay lang ako ipapahinga ko lang ito para siguradong makapasok ako bukas." Aniya.
"Ano ka ba? Parang namumutla ka nga, may sundo ka ba gusto mo ihatid muna kita? Ang aga mo kasing pumasok parang hindi ka napagod sa Party kagabi ah'?" Suhestyon pa ni Alyana na nag-aalala.
"Hindi na nagpasundo na ako kay Kuya Oscar." Ang bago nilang driver at pamangkin ni Nanay Sol.
"Ah' ganu'n ba okay sige hihintayin mo na lang?" Tanong ulit nito.
"Oo sandali lang naman 'yun!" Aniya.
Maya-maya nga isang staff ang nagsabing...
"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas." Sabi nito.
"Baka si Kuya Oscar na 'yun? Ah' sige paano mauuna na ako sa inyo, bukas na lang ulit ha! Mga Master Chef mauna na ako, kayo muna bahala dito." Nagbiro pa siya sa mga Chef at nagpaalam na rin sa mga ito.
"No problem Madam, ingat po kayo!" Iisang paalam ng mga ito.
"Ihahatid na kita sa labas sandali lang..." Wika ulit ni Alyana. Tatanggalin sana nito ang suot na g'wantes pero pinigilan na niya.
"H'wag na okay na ko, kaya ko nang mag-isa dito lang naman." Awat niya dito. Nagmamasa kasi ito ng gagawing ensemada para bukas.
Ito kasi ang master na nito masarap ito gumawa ng tinapay or any kinds of bread. Habang si Diane naman ay expert sa mga beverages or drinks.
Kasalukuyan din nitong inaayos ang mga iseserve nilang inumin para bukas. Ganu'n din ang iba pang mga Chef na naroon may iba't-ibang partisipasyon upang mapadali ang pagseserve ng pagkain. Kasama na rin dito ang mga order online at take out.
Siya naman ang bahala sa mga cakes order. Dahil nagawa na naman niya ang mga orders para bukas for packaging na lang at for delivery. Kaya wala na s'yang dapat alalahanin.
Tuloy-tuloy na s'yang lumabas matapos na kunin ang kanyang gamit. Deretso s'ya sa parking sa harap ng shop sa pag-aakalang si Oscar ang dumating.
Ngunit pagdating n'ya sa parking bigla s'yang natigilan. Pagkakita niya sa bulto ng lalaking nasa harap na niya ngayon...
Saglit na napaawang ang kanyang labi. Nakasandal ito sa sasakyan at nakatingin sa kanya na tila sadya s'yang hinihintay.
Hindi man niya mabasa ang nasa isip nito ngayon.
Ngunit mababakas sa mukha nito ang lungkot, pagkahapo at ang galit!
Bigla rin ang pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib at pagkalito ng isip.
Bago pa niya nagawang bigkasin ang pangalan nito...
"JOAQUIN!"
*****
By: LadyGem25