Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 65 - C-64: The Confrontation

Chapter 65 - C-64: The Confrontation

"Do you think, you can escape on what you did to her?"

Mariin at matatag ang boses nito na saglit na tila nag-echo pa sa kanyang pandinig.

Daig pa tuloy niya ang isang dagang nahuli ng isang napakalaking pusa sa tindi ng kanyang kaba.

Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng makakasalubong niya, bakit ito pa? Bulong ng kanyang isip na saglit na natigilan.

Ngunit agad rin naman s'yang nakabawi at muling nahamig ang sarili. Bahagya pa niyang itinaas ang mukha bago pa nagsalita.

Wala na s'yang pakialam kahit ano pa ang itsura niya ngayon.

"Why did you say that, I don't know what do you mean?" Kaila niya na nagkunwaring hindi alam ang ibig ipakahulugan ng binata.

"Oh' really, why you deny it, you think you can run away and escape to all of this? No, never! Kailangan panagutan mo ang ginawa mo." Wika nito sa mariin na salita.

Bahagya muna siyang tumawa bago pa niya ito sinagot ng walang pag-aalinlangan at deretsong nagsalita.

"But why should I run away if I have nothing to escape, do I have a sin?" Deretso at walang gatol niyang tanong sa matatag ring salita.

"Don't pretend that you are innocent, lady! Alam kong, alam mo kung anong tinutukoy ko?" Malakas na nitong sigaw na tila naiinis na.

"No! I don't know what are you talking about? At p'wede ba bitiwan mo nga ako!"

Pilit n'ya itong itinulak at pilit rin n'yang hinihila ang kanyang braso. Ngunit hindi man lang ito natinag.

"Hindi mo alam, hindi mo alam na ikaw ang dahilan kung bakit nalaglag si Angela sa pool? Bakit mo pa ikinakaila? Sana hindi ko nakita kung anong ginawa mo! Sa tingin mo ba palalagpasin ko itong ginawa mo?!"

Nararamdaman na niyang nagpipigil lang ito ng galit. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang braso. Sigurado na s'yang magkakapasa na ito.

Ngayon alam na n'ya kung gaano nito pinahahalagahan si Angela.

"Hmmm... Sa pagkakaalam ko hindi ka n'ya boyfriend para magalit ka sa'kin ng gan'yan. Saka ano ba magagawa ko kung ganu'n pala katanga ang babaing 'yun na hindi tumingin sa likuran n'ya! Kasalanan ko ba ang pagiging tanga n'ya?"

Saad niya na hindi kakikitaan ng pagkabahala sa bawat salita.

"Bakit ka gan'yan, hindi ka man lang ba nagsisisi sa ginawa mo wala ka man lang bang pakiramdam, manhid ka ba? Napaka insensitive mo naman balewala lang ba sa'yo na may nasasaktan kang iba ha?!"

"And look who's talking, it's really coming from you, ha?" Gagad niyang sagot.

"Kanino pa manggagaling ako lang naman ang nakakita ng ginawa mo. Kaya kung inaakala mo na basta na lang ako tatahimik at palalagpasin ang ginawa mo nagkakamali ka!"

Hindi nito alam na may iba pa s'yang pakahulugan sa kanyang sinabi

"Well let see? It's up to you, darling... Sabihin mo lang kung anong gusto mong sabihin. Bakit sa tingin mo ba? Hindi ko kayang lusutan ang bagay na 'yun! I did not intend to push her or even to touch her. How do I had to punish, if I did not anything wrong? And no one can accuse me right now... Because I'm really innocent!" Wika niya na may halong sarkasmo.

"You're pathetic! Paano mo nagagawa ang lahat ng ito sa tingin mo ba hindi ko kayang sabihin sa kanila ang ginawa mo?" Saad nito na may halong pagbabanta.

"Then say it! Sabihin mo kung anong alam, magsumbong ka hangga't gusto mo! Kapag lang naman nagsumbong ka, ako lang naman ang masisira. Eh' ako kaya kapag nagsumbong ano kayang mangyayari sa inyong dalawa? Hmmm..."

"What, ano bang pinagsasabi mo ha?" Nagtatakang tanong nito.

Muli s'yang tumawa ng malakas na lalo lang ikinainis nito.

"Now you are playing as an innocent too, ha?"

Binitiwan s'ya nito saglit para lang pala ilipat ang kamay sa kanyang balikat. Ngayon dalawang kamay na nito ang nakahawak sa kanyang balikat at bahagya pa s'ya nitong niyugyug na tila ginigising.

"Anong sinasabi mo, talaga bang sinasagad mo ang pasensya ko?!"

"Bitiwan mo nga ako! Ano bang ikinagagalit mo wala namang masamang nangyari sa kanya ah'. Bakit ba pinalalaki mo pa ang issue? P'wede namang kalimutan na lang natin ang lahat. Tutal buhay pa naman ang babaing iyon."

Deretso niyang saad na hindi man lang kakikitaan ng takot. Dahil alam naman n'yang hindi s'ya nito kayang saktan. Isang magandang character ng mga Alquiza na nalaman niya kay Madi.

"Fvck! Gan'yan ba talaga ang ugali mo walang halaga sa'yo kahit makasakit ka pa ng ibang tao. I don't know why Tita Madz like you or taking care of you. Did he know who really you are?" Saglit pa nitong hinilamos ang dalawang kamay sa mukha matapos s'yang bitiwan.

Dahil na rin sa sobrang inis nito sa kanya at pilit ring pinipigilan nito ang sarili upang hindi s'ya masaktan.

Bahagya s'yang nakaramdam ng kaba dahil naman sa pagbanggit nito sa pangalan ni Madi.

Ngunit hindi s'ya nagpahalata hindi n'ya ito hahayaan na magkaroon ng dahilan para usigin s'ya at magkaroon ng responsibilidad sa nangyari.

Kahit pa nga, s'ya talaga ang may kasalanan. Hindi naman kasi niya akalain na gagalingan ni Angela ang pagpapanggap na pati pala ang hindi paglangoy ay ka-career-in pa nito.

"Labas si Tita Madz dito kaya h'wag mo s'yang isali." Sabi niya sa matatag na tinig.

"So, ayaw mong malaman n'ya ha... Tama, ano kaya kung sabihin ko kay Tita Madz ang tunay mong ugali?" Painsulto pa itong ngumisi sa kanya nang makasilip ng paraan para s'ya pagbantaan.

"Sa tingin ko hindi mo 'yan gagawin? Baka kasi maging madaldal din ako at may masabi rin ako sa kanila na hindi n'yo magugustuhan." Nakipagsabayan na rin s'ya sa lalaki dahil hindi talaga s'ya magpapatalo.

"Ano ba talaga ang gusto mong palabasin, bakit hindi mo pa deretsahin?"

"Sabihin na lang natin na may alam ako na hindi pa nila alam at sigurado naman ako na hindi n'yo gugustuhin na mabigla silang lahat, hindi ba?"

"Ano ba talaga ang nalalaman mo, sinusubukan mo ba akong iblackmail?"

"I-blackmail?haha. Ikaw naman, how can I do that? I don't have any proof in my pocket, like pictures or anything. All I have to know is the truth, behind you and Angela thats it." Nakangisi pa niyang saad.

"Tsismosa ka na rin pala ngayon at gumagawa ng kwento! At ano naman ang nalalaman mo at ano bang tinutukoy mo?"

"Oh' no, I'm not a gossip writer at saka parang hindi rin yata kwentong fairytale lang 'yung nakita ko kanina, like Cinderella? Habang nagpaparty ang lahat may dalawang nagtatago sa dilim at gumagawa ng milag..."

"Stop it! Kung iniisip mo na hindi ka magbabayad sa ginawa mo. Dahil lang sa nakita mo kami nagkakamali ka!"

"Then do it! Para pare-pareho na tayong magkagulo! Wala namang mawawala sa akin. Dahil sanay naman ako nang nawawalan at walang inaasahan. E' ikaw, sanay ka na rin ba na mawala ang babaing mahal mo? Dahil sigurado ako na hindi naman ikaw ang pipiliin n'ya!"  

"Damn! Pasalamat ka naging babae ka dahil kung hindi kanina ko pa pinilipit 'yang leeg mo!"

"Hindi mo 'yan kayang gawin kasi alam mong tama ako! Dahil alam mo rin na hindi n'ya kayang ireject ang kapatid mo!"

Painsulto at walang preno pa rin niyang saad sa binata.

"Ano?"

Ngunit dahil sa sinabi niya biglang na lang itong napaisip at tila nabigla rin s'ya sa kanyang nasabi. Huli na para mabawi pa niya

Bakit nga ba niya nasabi iyon? Bigla rin n'yang naisip...

"Bakit ang dami mong alam ha, sino ka ba? Bakit kung magsalita ka parang kilalang kilala mo kami ah', tila sadya mo yata kaming sinusubaybayan ah'?"

Napaurong s'yang bigla at nakaramdam ng takot. Ngunit humakbang pa ito palapit sa kanya.

Paano kung mahalata s'ya nito at malaman nito ang totoo?

Hindi, hindi p'wede!

"Magsalita ka, sino ka?" Sinikap n'yang lumayo pa ulit. Subalit muli nitong nahawakan ang kanyang braso at hinila s'ya palapit upang muling tanungin.

"I said, who are you?!"

Malakas at tila kulog ang tunog ng boses nito sa kanyang pandinig. Hindi n'ya alam kung ano ba ang kanyang sasabihin upang kahit paano mapahinahon sana ito. Subalit tila nangangapa lang s'ya sa kawalan.

"Ano bang sinasabi mo? Bitiwan mo nga ako!" Protesta niya at pilit n'ya itong itinulak subalit mahigpit nitong hawak ang kanyang braso.

"Now your denying!" Sigaw ulit nito. Ramdam na rin n'ya ang galit nito ngayon.

"Sinabi ng bitiw..."

"Hey! What are you doing her?"

Sabay pa silang napalingon sa nagsalita...

"Tita Madz!" Sabay din nilang bigkas.

"What happened here, ano bang ginagawa mo hijo at bakit kayo nagtatalo?"

Tanong nito sabay tingin nito sa braso niya na mariing hawak pa rin ni Joaquin.

Kaya naman bigla na lang s'ya nitong nabitiwan.

"Ano bang ginagawa mo hijo nag-aaway ba kayong dalawa?"

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila na nagtataka.

"Hindi po Tita!"

"Hindi!"

Halos magkasabay rin nilang sagot.

Biglang nabuhayan ng loob si Mandy at tila rin nakahanap ito ng kakampi. Dagli ring nawala ang nararamdamang kaba sa kanyang dibdib.

Dahil sa pagdating na iyon ni Madi... 

Napailing na lang si Madz at ipinagkibit balikat na lang nito ang nasaksihan. Dahil wala rin naman itong nakuhang malinaw na sagot sa kanila.

Masyado na kasing malalim ang gabi at kailangan na rin nilang magsiuwi at ng makapagpahinga.

Baka pagod lang sila pare-pareho kaya hindi maganda ang mood naisip nito.

"Mabuti pa magsiuwi na tayo at ng makapagpahinga. Kanina pa tapos ang party pero narito pa kayo. Sige na!"

Lumingon sa kanya si Joaquin at matiim s'yang tiningnan. Saglit muna s'yang nakipagtitigan sa lalaki ngunit nauna rin s'yang nagbawi ng tingin at huminga ng malalim.

Hanggang sa nagpatiuna na s'yang lumakad at tinalikuran na ang binata. Pagod na rin s'ya kanina pa at ayaw na niyang makipagtalo pa.

Muli namang napailing si Madi at tumingin kay Joaquin. Agad rin namang nakaunawa ang binata.

"Sige na po Tita mauna na kayo susunod na lang ako, pauwi na rin ako!"

"Okay sige umuwi ka na rin agad at gabi na, ha?"

"Opo, sige na Tita salamat!"

"Ang bruha iniwan na ako, hoy hintayin mo ako!"

Nasundan na lang ito ng tanaw ni Joaquin matapos ang isang malalim na buntong hininga.

"May araw ka rin sa'kin, babae! Malalaman ko rin kung ano ang mga pinagsasabi mo!" Bulong pa nito sa sarili.

Matapos ang ilang sandali nagpasya na rin itong umuwi...

__

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ni Joaquin kanina, may problema ba kayong dalawa?"

Tanong ni Madi ng nakasakay na sila ng sasakyan at kasalukuyang tinatahak ng driver nito ang daan pauwi ng bahay na kanilang tutuluyan.

Napagpasyahan na lang niyang sumama na lang ditong umuwi. Ngunit hindi sa Maynila kun'di sa mismong bahay nito sa Batangas.

Madalang lang kasi itong umuwi dito sa Batangas kaya ngayon lang din s'ya makakarating sa bahay nito doon. Namana daw nito ang bahay na iyon sa mga magulang nito. 

Madalas kasi sa bahay ng mga Alquiza rin ito madalas tumuloy. Pero ngayon naisip nitong umuwi sa sarili nitong bahay. Ang ancestral home ng pamilya nito na ipina-renovate kung kailan lang, kung kaya't mas maayos na ito ngayon.

Ipinagpasalamat rin n'ya na ito ang naging pasya nito. Dahil hindi rin n'ya gustong sa bahay ng mga Alquiza tumuloy. Baka mas nanaisin pa n'yang manatili at magpaiwan na lang sa Resort.

"Wala po, konting hindi pagkakaunawaan lang 'yun! H'wag mo na lang pansinin."

Paiwas na lang niyang sagot...

"Sigurado ka ba talagang konti lang 'yan?" Saglit pa itong tumingin sa kanyang braso. Bago nito muling ibinalik ang tingin sa kanyang mukha.

Awtomatikong nahawakan naman niya ang kanyang brasong may pasa at naiwang marka. Dulot ito ng mariing pagkakahawak sa kanya kanina.

Hindi naman ito kataka-taka dahil dalawang malalaking kamay ng lalaki ang humawak sa kanya ngayong gabi lang...

Kaya hindi na niya maikakaila pa ang mga nagmarka sa kanyang braso. Pero hindi ito ang tamang pagkakataon na malaman nito ang lahat. Huminga muna s'ya ng malalim bago pa s'ya muling nagsalita.

"Wala ito, alam mo namang madali lang talaga akong magkapasa. H'wag kang mag-alala okay lang naman ako."

"Nag-aaway ba kayo ni Joaquin o baka naman nagseselos lang ang batang iyon, nagkakagustuhan na ba talaga kayo?!" Tanong nito sa kanya.

"Ehem!" Parang nagbara ang kanyang lalamunan ng dahil sa sinabi nito. Kaya hindi s'ya agad nakapagsalita.

"Anong problema, hindi ba gusto ka n'ya?" Tanong pa nito.

"Hindi! Hindi naman n'ya ako magugustuhan. Dahil may iba s'yang gusto." Agad niyang sagot.

"Bakit hindi? Ang buong akala ko ikaw ang nagugustuhan niya."

"Hindi nga, saka hindi ko rin s'ya gusto no!" Depensa pa niya.

"Hindi mo s'ya gusto at hindi ka rin n'ya gusto sandali nga, ibig bang sabihin nagpapanggap lang kayo kanina at naglolokohan?"

"Uhuum, inaantok na talaga ako malayo pa ba tayo?" Paiwas na niyang sagot.

"Narito na tayo pero h'wag mong ibahin ang usapan dahil gusto kong malaman. Ano ba talagang nangyayari sa inyo at saka bakit ba gan'yan ang itsura mo? Daig mo pa ang babaing nahuling nangangaliwa ah!"

Muntik ng malaglag ang panga n'ya dahil sa sinabi nito.

"Grabe ka naman Tita! Ganu'n ba talaga ang tingin mo sa'kin?"

"Isa pa 'yan, mukhang nag-eenjoy ka na sa pagtawag sa'kin ng Tita. Samantalang dati rati isang matunog na Madi lang ang tawag mo sa'kin. Kaya iniisip ko na baka nagkakagusto ka na nga sa mga boys ko. Kaya nakiki-tita ka na rin."

"Bakit ayaw mo ba?" Curious niyang tanong.

"Ang tawagin mo akong Tita? S'yempre naman gusto ko rin 'yun at ang magustuhan ka ng isa sa kanila s'yempre mas lalong gusto ko 'yun! Kahit pa napaka misteryosa mo kung minsan okay lang naman. Dahil alam ko mapapabuti ka sa kanila at may tiwala rin naman ako sa'yo. Kaya wala namang problema sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. Pero ang sabi mo, wala silang gusto sa'yo at hindi mo rin sila gusto. So anong ibig sabihin nu'n ginagamit n'yo lang ang isa't-isa para pasakitan ang iba, ganu'n ba?" Mahabang litanya nito at tila nagdududa na rin.

Talagang nakakahalata na ito ang hirap pa naman nitong awatin sa katatanong kapag curious ito sa isang bagay.

"Wala lang biro-biro lang 'yun, it's not a big deal naman kaya kalimutan mo na lang 'yung nakita mo okay?"

"It's not a big deal? Halos magkapasa-pasa 'yang braso mo! Okay ka lang? Saka kilala ko ang mga batang 'yun! Hindi sila basta basta mananakit ng babae kung hindi sila talaga galit." Saad pa nito.

"Napapagod na talaga ako pwede bang bukas mo na lang ulit ako tanungin? Please!"

Todo pakiusap na niya dito dahil talagang pagod na s'ya kung p'wede nga lang sana na sa sasakyan na s'ya matutulog nang hindi na s'ya maabala. Pero tiyak na hindi rin naman ito papayag.

Saglit lang muna itong natigilan at masusi s'yang pinagmasdan. Naramdaman pa niya ang malalim nitong buntong hininga.

"Okay, sige na nga narito na tayo. Halika na bumaba na tayo at nang makapagpahinga ka na."

Para pa s'yang nagulat ng maramdaman niyang nakahinto na pala sila. Kanina pa ba sila nakarating? Tanong pa niya sa sarili.

Pagpasok nila sa kabahayan agad na itong tumawag ng kawaksi na maghahatid sa kanya sa kwarto na inilaan ni Madi para sa kanya.

Matapos s'yang magpaalam dito, agad na rin s'yang pumanhik at sumunod sa kasambahay na binilinan nito.

Hindi na niya nagawang magkomento o ma-appreciate ang kagandahan ng bahay nito. Dahil sa sobrang pagud na pagud na talaga s'ya hindi na niya kaya.

Ilang sandali pa tuluyan na rin s'yang hinila ng antok matapos lang niyang malinis ang katawan at makapagpalit ng damit.

Tuluyan na nga s'yang nakatulog dahil sa sobrang pagud.

___

Kanina pa sana niya gustong umuwi pero dahil sa sadyang hinanap niya si Mandy kanina upang konprontahin sa ginawa nito kaya hindi s'ya nakauwi agad.

Galit na galit s'ya kanina sa babae dahil sa ginawa nitong tangkang pagtakas. Ngunit nang makita niya ito at mapagmasdan ang itsura nito. Bigla na lang s'yang nakaramdam ng awa sa dalaga.

Tila ba nawalan pa nga s'ya ng lakas ng loob na konprontahin pa ito.

Dahil sigurado s'yang galing ito sa matinding pag-iyak. Pero ng itanggi nito ang ginawa nitong pagkakamali, tila muling bumalik ang nararamdaman niyang inis.

Lalo na ngayon na tila ba marami itong nalalaman tungkol sa kanila ni Angela. Hindi tuloy niya naiwasang itanong sa sarili kung sino ba talaga ito?

Bakit ba ito nakikialam, ano bang karapatan nito na gawin iyon?

Sisiguraduhin niya na aalamin niya kung sino ba ito talaga?

_

Pagdating ni Joaquin sa bahay inalam niya agad kay Nanay Sol ang kalagayan ni Angela. Nagtataka man ang katiwala kung bakit gabing gabi na s'ya nakauwi.

Ngunit hindi na ito nag-usisa pa matapos n'yang gumawa ng alibi. Mag-aalauna na nang madaling araw kaya maaaring tulog na rin at nagpapahinga na ang lahat.

Nalaman rin niya kay Nanay Sol na maayos na kalagayan ni Angela at kasalukuyan na itong nagpapahinga sa kwarto nito katabi ng kanyang anak.

Ganu'n din ang kanyang Papa at Kuya Joseph na nasa kanya kanya na ring kwarto.

Matapos s'yang magpaalam sa matanda agad na rin s'yang pumanhik upang magpahinga na rin sa kanyang kwarto.

Ngunit bago pa s'ya makarating sa kanyang kwarto biglang bumukas ang katabi ng kanyang kwarto at lumabas doon si Angela.

Bigla tuloy s'yang nag-alala para sa dalaga at mabilis na napalapit dito...

"Hey! Anong ginagawa mo bakit ka ba lumabas?" Agad rin niya itong inalalayan.

"Joaquin, bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa kita hinahanap bigla ka kasing nawala." Sunod-sunod na wika nito kasunod ang pagyakap sa kanya.

Tinugon naman niya ang yakap nito kasabay ng paghaplos niya sa nakalugay na nitong buhok. Habang nakasubsub ito sa kanyang balikat. Ilang segundo rin sila sa ganoong ayos...

Maya maya naramdaman na lang n'yang tila ito umiiyak.

"Hey! Bakit ka umiiyak?" Saglit na inangat niya ang mukha nito upang mas mapagmasdan ito. Hinawakan pa niya ang dalaga sa magkabilang pisngi. Umiling naman ito bilang tugon sa kanya.

"Fuck!" Pabulong s'yang napamura.

"Kasalanan ito ng babaing iyon. Ang sama niya hindi n'ya ito dapat ginawa sa'yo!" Nanggigil niyang saad...

"Hindi, hayaan mo na kasalanan ko rin naman. P'wede bang kalimutan na lang natin ang nangyari?" Saad nito na may halo pang pakiusap.

"Ano, gusto mong hayaan na lang natin s'ya at h'wag na lang papanagutin sa ginawa n'ya sa'yo ganu'n ba? Hindi p'wede kung..."

"Please! Ayoko ng palakihin pa ito wala namang masamang nangyari sa'kin, okay na ko. Kaya hayaan na lang natin 'yun!" Putol nito sa iba pa n'yang sasabihin.

Napailing na lang s'ya sa sinabi nito. Bakit nito hahayaan na lang ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi naman iyon simpleng bagay lang...

"Sandali nga may sinabi ba s'ya sa'yong masama bina-blackmail ka ba n'ya o tinatakot?" Naisip tuloy n'ya ang sinabi ni Mandy sa kanya kanina.

"Hindi, hindi walang ganu'n, sige na ayoko lang talagang lumaki pa ang issue na ito. Nakakahiya lang okay naman na ako 'yun naman ang mahalaga hindi ba?"

"Hindi p'wede kailangan panagutan niya ang nangyari."

"Tama na, okay sige na please!"

Pakiusap ulit nito habang hinahaplos ang kanyang braso. Kaya naisip n'yang seryoso talaga ito sa sinabi at ito talaga ang gusto nito.

Nagtataka man wala na rin s'yang nagawa. Lalo na't ramdam niyang sinisikap talaga nitong makumbinsi siya. Dahil lalo pa itong naging malambing sa kanya ng mga oras na iyon.

Kaya naman nagsisimula na naman tuloy maligaw ang puso nila sa isa't-isa. Bakit ba may pakiramdam siya na gustong gusto na niya itong halikan upang pawiin ang ano mang alalahanin nito.

"Klick!"

Ngunit paglagatik ng nabukas na pintuan ang biglang gumising sa nahihibang na sana nilang diwa.

___

Kasabay ng kaba ni Angela ang tila pag-angat ng mga paa niya sa lupa. Nahigit tuloy niya ang paghinga at mariing napapikit.

Pagmulat niya ng kanyang mga mata nasa loob na s'ya ng kwarto at nakasandal sa nakapinid na pintuan ng kanilang kwarto.

Habang nasa harap niya si Joaquin at pinipigilan s'yang magsalita.

Habang sa labas naman ng pintuan niya may kumatok...

"Angela, gising ka pa?" Mahinang saad ng nasa kabilang pinto. Tila maingat at ayaw rin gumawa ng ingay nito.

Pagbaling niya ng tingin kay Joaquin sunod-sunod na pag-iling ang naging sagot nito sa kanya.

"Angel..." Ulit pa nito sa mahina uling tono.

Ilang saglit ring wala isa man sa kanila ang kumikilos. Pigil pati ang kanilang paghinga. Nanatili lang sila sa ganu'ng ayos.

Hanggang sa lumipas ang mga segundo. Marahil naisip na rin ng nasa kabilang pinto na tulog na s'ya kaya agad na rin itong umalis.

Narinig pa nila ang mga yabag nito palayo at muling tumahimik na ang paligid. Saka pa lang sila tila nakahinga.

"Whoa! Muntik na naman tuloy tayong sumabit..." Bulalas pa ni Joaquin sabay baling ng tingin nito kay Angela.

At nang muling magtama ang kanilang paningin sa isa't-isa sabay pa silang natawa.

Saglit silang nakalimot sa sitwasyong kanilang kinalalagyan.

Sobrang nakakapagod ang buong gabi kaya kailangan naman nilang ma-relax.

Ang sandaling kaligayahan habang sila ay magkasama ay tunay na nakakawala ng pagod.

Dahil bukas naman babalik ulit sila sa dati.

Hangga't hindi pa sila malayang mahalin ang isa-isa...

*****

By: LadyGem25

Related Books

Popular novel hashtag