Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 13 - DANGER ZONE

Chapter 13 - DANGER ZONE

Malayo na ang nararating n'ya subalit wala pa rin s'yang tigil sa pagtakbo. Masasakit na ang kanyang mga paa at ramdam n'ya na puro galos na rin ang kanyang mga binti. Dahil sa mga tuyong sanga at damo na kanyang nadaraanan. Pero wala na s'yang panahong pakiramdaman pa ang mga ito. Hindi na nga n'ya alam kung saang parte nawala ang kab'yak ng kanyang sapatos.

Kahit yata ang mapagod wala na rin s'yang karapatan. Kailangan n'yang tumakbo upang takasan ang mga humahabol sa kanya. Siguradong hindi s'ya bubuhayin ng mga ito. Tulad din ng ginawa sa mga kasama niya. Hindi s'ya maaaring mamatay. Kailangan pa niyang makabalik, kailangan pa n'yang makauwi sa pamilya n'ya.

"Hihintayin nila ako" bulong ng pagal niyang isip.

Nang biglang..

"plak" "plak" may tila hayop na biglang nabulahaw, kasunod nito ang putok ng baril.

"Bang!!"

Sa hinuha n'ya malapit na ang mga ito at maaaring nasa paligid lang..

Gulat s'yang napahinto, sabay takip ng mga kamay sa kanyang tainga. Awtomatikong umikot din ang kanyang paningin sa paligid, kasabay ng pakiramdam na anumang sandali'y bigla na lang susulpot ang mga ito sa kanyang tabi.

Punong-puno s'ya ng takot at pangamba, gusto niyang humiyaw.. Para kahit paano mabawasan ang pagsikip ng kanyang dibdib. Halos hindi na kasi s'ya makahinga.

Gusto n'yang umiyak at humingi ng tulong.. Pero sino ba ang tutulong sa kanya? Sino ba ang maliligaw dito sa ganitong oras ng gabi sa isang madawag at ilang na lugar? Na tanging ingay ng mga hayop at kulisap ang maririnig. Maski yata huni ng panggabing ibon at kuliglig ay nakadaragdag sa takot na kanyang nararamdaman.

Tanging luha ang kakampi n'ya, upang mailabas ang pigil na emosyon. Subalit maski ang pag-iyak kailangan pa niyang pigilan. Impit s'yang umiiyak, tinakpan na lang niya ng kanyang kamay ang bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay.

Alam niyang nasa paligid lang sila at nakikiramdam. Isang mali n'yang galaw maaari s'yang maramdaman ng mga ito.

Ngayon n'ya higit na napatunayan, na sa gitna ng dilim kailangan mas malakas ang iyong pakiramdam. Ang hindi kayang makita ng mata. Pwedeng maramdaman.

Subalit hindi s'ya dapat sumuko ngayon, hindi s'ya magpapatalo.

Kailangang makabalik ako, babalik ako.. sigaw nang kanyang isip.

Hayun!

May nakita s'yang liwanag..

Bigla s'yang nakaramdam ng pag-asa. Muli s'yang tumakbo upang taluntunin ang liwanag..

Liwanag na nagmumula pala sa sinag ng buwan. Patuloy pa s'yang tumakbo para masundan ang liwanag.

Ngunit bago pa s'ya makarating dito..

Bang! Bang! Bang!

Sunod-sunod na putok ang muling gumulat sa kanya. Saglit s'yang napahinto. Pagkarinig sa mga putok na tila nasa malapit na at mula sa taong galit, kaya walang habas na nagpaputok.

Nakakaramdam na rin s'ya ng mahihinang yabag na tila palapit ng palapit sa kanyang kinaroroonan..

Sa kabila nito ramdam din niya ang biglang panginginig ng kanyang kalamnan at panlalambot ng mga tuhod. Kaya hindi na n'ya napigilan ang mapaluhod.

Hinang-hina na ang kanyang katawan, pero kailangan n'yang maka-tayo. Pinipilit n'yang makatayo pero hindi n'ya magawa. Hanggang sa makarinig s'ya ng mga boses sa hindi kalayuan..

"Boss dito, may nakikita akong liwanag sa banda ru'n, siguradong pupunta 'yun sa maliwanag."

Dahil sa mga boses, bigla s'yang naalarma.. Pinilit n'yang umusad kahit pagapang s'yang lumakad. Hindi na n'ya alintana ang mga matitigas na bagay na tumutusok at sumusugat sa kanyang mga tuhod at kamay. Ang mahalaga ang makalayo. Ang tanging nasa isip n'ya ang makatayo at muling makatakbo, hanggang kaya n'ya..

Inipon niya ang buong lakas at pilit tumayo..

At nagtagumpay naman s'ya!

Sa una ay mabagal lang s'yang naglakad. Kahit pa paika-ika pinilit n'yang ihakbang ang kanyang mga paa. Ang mabagal na hakbang ay unti unting naging mabilis. Dahil sa pagmamadali, hindi na n'ya napansin ang isang malaking karatula. At dito nakasulat mula sa malalaking letra.

Ang mga salitang..

DANGER ZONE!

Patuloy lang s'ya sa paglakad at pagtakbo. Nang isang malaking tipak ng bato ang bigla n'yang natisod, na muntik pa n'yang ikawala ng balanse. Ngunit mas naagaw ang kanyang pansin at bigla s'yang natigagal.

Napuno rin ng kaba ang kanyang dibdib, nang masaksihan ng kanyang mga mata. Ang pagkahulog ng bato mula sa kanyang harapan..

Mula sa tulong ng liwanag ng buwan.. Kitang kita niya ang pagkahulog nito sa kailaliman at madilim na bahagi nang..  huh?

Bangin!

May bangin sa kanyang harapan!

Takot s'yang napaatras at napasalampak na lang s'ya sa sahig at nakaramdam ng panlalambot. Saglit muna n'yang ipinahinga ang katawan, ngunit kailangan na niyang tumayo. Hinamig n'ya ang sarili at muling nag-ipon ng lakas, kahit sa mabuway na pagtayo. Sinikap niyang bumangon.

Muli s'yang lumingon sa madawag at madilim na pinanggalingan n'ya kanina.

Sa isip wala s'yang ibang pagpipilian, kailangan n'yang bumalik.. Nang bigla s'yang makarinig ng mga kaluskos. Pilit n'yang inaninag ang kadiliman. Kinusot pa n'ya ang mga mata, na kanina lang ay hilam sa luha. Pero pilit pa rin niyang inaninag ang paligid.

Para lang mabigla sa makikita!

Hindi!

"Put***ina mong babae ka! Nar'yan ka pala.. Pinagod mo pa kami, subukan mo pa ngayong tumakbo at puputulin ko yang mga paa mo!" Buo at malakas na sigaw na bumingi sa kanyang pandinig habang palapit ang mga ito..

Pinanginginigan na s'ya ng katawan. Dahil sa labis na takot.

"Diyos ko ano po ang gagawin ko?" Nagsimula na namang pumatak ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya napako s'ya sa kinatatayuan. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa.

Bigla s'yang nalito sa kung ano ba ang dapat n'yang gawin? Maski yata ang utak n'ya napagod na ring mag-isip.

Binigyan nga s'ya ng pagkakataong makapili, ngunit isa lang ang kahahantungan..

Kamatayan!

Kamatayan sa mga kamay ng mga halang ang kaluluwa o kamatayan sa bangin ng kadiliman..

Ano bang dapat kong piliin?

Hanggang isang pagkakamali ang kanyang naging paggalaw. Bigla ang kanyang naging pagbiling, muli s'yang humarap sa bangin. Para lang sana muling sukatin ang kalaliman nito.

Subalit naipagkamali ito nang muli n'yang tangkang pagtakas.

"Aba't put***ina mong babae ka!"

"Bang!"

Bigla s'yang napanganga habang habol ang paghinga, naging mabuway din ang kanyang pagtayo. Nakakaramdam s'ya ng kirot at unti unting pagkamanhid ng katawan, partikular sa kanyang balikat. Nakakaramdam na rin s'ya ng pagkaliyo. Parang may tumulak sa kanya ng malakas.

Dahil dito wala na s'yang pagpipilian pa.. Maliban sa parehong kamatayan!

Hindi na niya nagawang pigilan pa ang sumunod na pangyayari.

Tumilapon na s'ya pababa.

Nang sandaling iyon bigla niyang naisip ang kanyang ina.

"Nay! Tulungan n'yo ako, hindi na yata ako makakabalik pa?"

Nagsimulang mamigat ang talukap ng kanyang mga mata at mamanhid ang kanyang utak. Kasabay ng pagkawala ng kanyang pakiramdam.

Ang unti unting n'yang pagpikit.

At kawalan ng buong kamalayan sa lahat lahat..

________//__

"Nay!"

Napabalikwas s'ya ng bangon, pagkatapos ng mahabang panaginip. Awtomatiko ring napahawak s'ya sa kanyang ulo na sobrang sakit na tila binibiyak. Saglit muna n'yang minasahe ito, mula sa kanyang sintido at sa likod ng kanyang tainga patungo sa kanyang batok.

Palagian na n'ya itong ginagawa kapag sumasakit ang kanyang ulo. Nagiginhawahan naman s'ya pagkatapos. Nang biglang may sumagi sa kanyang isip. Parang may humahabol sa'kin. Bulong n'ya panaginip lang ba 'yun, pero parang totoo? Muli s'yang pumikit para balikan ito sa isip.

Subalit parang lalo lang sumasakit ang kanyang ulo.

Ahh! Bakit ba hindi ko maalala?

"Teka nasaan ba ako? Huh!" Inilibot n'ya ang paningin sa paligid. Nasa isip n'ya ang pagtataka pero parang alam na n'ya kung nasaan s'ya ngayon. Base sa ayos at itsura ng kwarto, alam niyang nasa loob parin s'ya ng Hotel. Pero anong ginagawa n'ya dito? Tanong pa niya sa sarili. Pinilit n'yang alalahanin ang nangyari, habang hinihilot pa rin ang kanyang sintido.

After a while, nag-flashback ito sa kanyang utak.

______

Habang sa labas naman ng kwarto..

"Ano ba kasing nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang s'yang naging hysterical kanina." Pabalik-balik ng lakad si Joaquin, habang kausap nito si Russel sa loob ng suite nito sa 8th floor. Napuno ito ng kaba ng bigla na lang hindi naging normal ang kilos ni Angela. Lalo ng tuluyan itong mawalan ng malay.

Gusto n'ya sanang dalhin ito sa ospital. Pero sa huli biglang nagbago ang isip n'ya, nagpasya s'yang dalhin na lang ito sa kanilang suite. Bigla kasi n'yang naisip ang privacy nito. Hindi ganu'n kadali na maunawaan ito ng iba. Base sa behavior nito kanina maging s'ya gustong maghinala. Paano pa kaya ang iba? Pinasabihan na nga n'ya ang mga staff at crew na, nakasaksi sa pangyayari na ilihim na lang ang ito. Kinailangan pa tuloy niyang takutin ang mga ito na, aalisin sa trabaho kapag may lumabas na issue. Bukod doon natakot din s'yang baka sa ibang ospital ito dalhin imbes na sa normal na ospital. Kaya lihim din s'yang nagpatawag ng personal na Doctor sa kanyang kwarto para masuri ito. May alam kaya dito ang Papa?

"H'wag ka ng mag-aalala boss, sabi naman ng Doctor okay na s'ya kailangan lang n'yang magpahinga." Sagot nito, batid nito ang labis na pag-aalala ng amo. Pero tulad nito hindi rin niya alam ang nangyayari.

"Kung alam mo lang kung anong pinagsasabi n'ya kanina. Parang bigla s'yang nawala sa kanyang sarili." Dagdag na kwento pa n'ya dito.

"Kung sabihin mo na kaya sa Papa mo, baka may alam sila? Base kasi sa kwento mo kanina, para s'yang may trauma?" Suhest'yon ni Russel..

"Hindi pwede!" Sa napalakas pang boses ni Joaquin.

"Anong hindi pwede?"

Sabay pa sila ni Russel na napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Angela na nakatayo na pala sa may pinto. Puno ng pag-aalala na nilapitan agad ito ni Joaquin.

"Bakit ka tumayo agad? Kailangan mo pa ng pahinga."

"Bakit ako narito, anong ginagawa ko dito?" Tanong ni Angela, bahagyang hinihilot pa nito ang sintido.

"Hey! Okay ka lang ba? Hindi mo ba natatandaan? Nawalan ka ng malay kaya dinala ka namin dito. Kagagaling lang dito ng Doctor."

"Okay na'ko kailangan ko ng bumalik sa trabaho." Naglakad s'ya palapit sa pinto. Pero bago s'ya makarating dito. Nahawakan na ni Joaquin ang kanyang braso. Upang pigilan s'yang makaalis.

Habang si Russel ay sinenyasan nitong lumabas. Agad naman itong nakaunawa kaya tahimik nang lumabas ng suite.

"Sinabihan ko na ang Superior mo na hindi ka muna papasok. Magle-leave ka ng tatlong araw."

"Ano? Teka sinabi ko bang gusto kong magleave?" Tanong n'yang nanlalaki ang singkit na mata. Bakit ba ito nagdesisyon para sa kanya at saka hindi naman s'ya ganu'n kalala ah? Para magbakasyon ng tatlong araw. Bulong pa n'ya sa sarili.

"Kailangan ko pa bang hintayin na magising ka? Bago ako magdesisyon. Eh kanina ka pa walang malay." Paliwanag pa nito.

"Dapat lang, dahil ako lang ang dapat magdesisyon sa sarili ko. Sobra mo naman yatang sineseryoso. Ang kunwarian nating relasyon?" Aniya, naiinis kasi s'ya dito gumawa ito ng bagay na hindi man lang s'ya tinanong.

"Anong gusto mong gawin ko? Kailangan mo ng pahinga 'yun ang sabi ng Doctor. At 'yun din ang gusto ko, magpahinga ka." Sabi pa nito. Bakit ba nagugulat na lang s'ya lagi sa ginagawa nito. Ayaw naman n'yang mag-assumed na may gusto talaga ito sa kanya.. Imposible!

Nang bigla na lang n'yang naisip?

"Iniisip mo bang malala ako, na hindi ko kayang magtrabaho dito o kahit ang magtraining man lang? Bakit? Dahil ba sa nangyari sa'kin kanina, ididiscriminated mo'ko. Dahil baka may sayad ako sa utak, ganu'n ba?" Alam n'yang nasaksihan nito ang pag-atake ng kanyang anxiety dahil sa takot niya kanina. Akala n'ya hindi na s'ya susumpungin. Dahil matagal na rin yun huli. Pero hindi n'ya napigilan 'yun kanina, naalala n'ya ilang araw na rin pa lang hindi s'ya umiinom ng gamot.

"No! Hindi ganu'n ang iniisip ko maniwala ka?" Paliwanag nito na hindi na maipinta ang mukha. Hindi n'ya lang alam kung sa inis o pag-aalala?

"Kung ganu'n, bakit kailangan kong magleave? Okay lang naman ako ah, wala naman akong sakit. Mukha ba akong may sakit." Sunod-sunod na n'yang tanong.

"No! Calm down, please calm down.."  Hinawakan pa nito ang kanyang buhok para s'ya aluin. Alam n'yang iniisip nitong baka nababaliw na s'ya at naiirita s'ya sa isiping ito.

"Aminin mo iniisip mong baliw ako hindi ba?" Matalim n'ya itong tiningnan, sa lahat ng ayaw n'ya yung iniisip na baliw s'ya. Dahil hindi s'ya baliw, may problema lang ang kanyang memorya. Pero hindi yun kabaliwan.

"Nagkakamali ka, hindi ganu'n ang iniisip ko."

"Sinungaling ka! Marahil gusto mo nang umalis ako dito, dinaan mo pa sa leave tapos ano suspension bago terminate o baka naman termination na agad ang kasunod" mariing paratang niya dito.

"Hindi totoo 'yan! Wala naman akong iniisip na masama. Para lang 'yun sa kabutihan mo. Naisip ko lang baka hindi mo pa kaya? Kaya nagpasya akong pabigyan ka ng leave kahit tatlong araw lang, kung ako ang masusunod gusto ko isang buong Linggo. Para lubos kang makapagpahinga. Maliban doon maniwala ka sana, na wala akong ibang nais kun'di ang maging maayos ka." Matatag na paliwanag nito.

Nakaramdam s'ya ng bahagyang pagkapahiya, dahil sa sinabi nito. Pero dahil nasimulan na, hindi na n'ya gustong magpatalo.

"Pero hindi pa rin tamang pinangunahan mo ako!" Aniya na may kalakasan na ang boses.

"Mukhang okay ka na nga? Ayaw mo nang tumigil eh!"

"Talagang okay ako, kaya bawiin mo na yun leave ko! Dapat kasi hindi mo pinang.." Hindi na naman s'ya naging handa sa sunod na ginawa nito.

"Hmmp! ano ba...ah!"

Muli na naman s'yang kinabig nito palapit at siniil s'ya ng halik. Pinilit n'yang magpumiglas pero hindi man lang n'ya nagawang maitulak ito palayo. Bakit ba lagi na lang s'ya nitong binibigla ng halik? Naisip niyang mariing isara ang bibig para hindi ito magtagumpay sa paghalik sa kanya. Subalit, parang lalo naman itong na-challenge dahil sa ginawa niya. Pinipilit din nitong buksan ang kanyang bibig, gamit ang marahang pagsuyo ng dila nito.

Pero hindi na naman s'ya nagpatalo. Sinikap niyang makipagtikisan dito. Kahit halos hindi na s'ya makahinga. Pero lalo pa yata nitong ginalingan ang paghalik sa kanya. At mukhang nag-iba rin ito ng taktika.

Ang kamay nito sa kanyang likod ay nagsimula ng gumalaw. Banayad na rin itong humahaplos sa kanyang likod. Ang isa naman sa kanyang batok pababa sa kanyang leeg.

Bakit ba pagdating sa lalaking ito ang bilis n'yang sumuko? Alam n'yang talo na s'ya. Nang bigla na lang s'yang mapasinghap.

Kung dahil sa sensasyong dulot ng haplos nito o dahil lang naubusan na s'ya ng hangin sa katawan? Isang pagkakataon namang sinamantala nito. Dahil binigyan lang s'ya nito ng pagkakataong saglit na makahinga. Ipinagpatuloy na nito ang paghalik sa kanya. This time mas mapusok na.

Dahil ginagalugad na nito ang kanyang bibig na tila parang may hinahanap at ng matagpuan. Lalo pa nitong pinalalim ang paghalik, na sinasalitan pa ng maraang pagkagat sa kanyang mga labi. Aminin man n'ya o hindi, apektado s'ya rito. Dahil nagbibigay ito ng kakaibang init sa kanyang katawan.

Pero hindi ito dapat nangyayari, kailangan na n'ya itong pigilan.

Dahil hindi ito tama!

Bago pa s'ya tuluyang bumigay. Buong lakas na n'ya itong itinulak, sa pagkakataon 'yun nagtagumpay na s'ya.

Marahil hindi nito inaasahan na magagawa pa n'yang pigilan ang kanyang sarili.

"Dammed!" Napamura pa ito dahil sa inis at pagkabalam ng matinding antisipasyon.

"Bakit mo ba ako hinahalikan, alam mong hindi naman totoo ang ating relasyon. Hindi mo ako kailangan halikan in or out of public. Dahil alam mong may asawa at anak na ako. Hindi ka ba naiilang?" Napansin n'yang biglang nagtagis ang mga bagang nito. Bahagya ring kumunot ang noo. Matapos nun muli s'ya nitong hinila palapit, akala n'ya hahalikan s'ya nito ulit. Kaya awtomatikong tinakpan n'ya ng kamay ang kanyang bibig.

Subalit magsasalita lang pala ito.

"Hindi! Bakit naman ako maiilang? Eh! Gusto ko naman yun ginawa ko. At saka gusto ko na rin ng totoong relasyon, ayoko na ng fake! Kaya kung ayaw mong tuluyan kitang agawin sa asawa mo." Saglit itong huminto bago nagpatuloy.

"Gawin mo na lang akong kabit!"

"Ano?"

Gulat n'yang tanong na hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"Ikaw pala ang baliw?!"

* * *

@LadyGem25