Chereads / MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 21 - CHAPTER 20

Chapter 21 - CHAPTER 20

PARKER POV

TARANTA akong napalapit agad kay Summer ng makita ko siyang pumikit pikit kanina. Buti nalang nasalo ko siya bago pa siya natumba ng tuluyan.

Maingat ko siyang inihiga sa malaking sanga ng puno. Namumutla na ang balat niya at puno na ng maliliit na sugat ang mga binti at tuhod niya. May galos din sa may braso niya. Kinabahan ako ng mapadako ang tingin ko sa sugat niya. Mukhang na infected ang sugat niya dahil namumula ito ng husto at namamaga pa.

Hindi pwedeng kabahan ako mataranta lalo dahil hindi ako makapag isip ng maayos.

Subrang nag aalala ako sa kalagayan ni Summer lalo na at sa ganitong sitwasyon wala siyang kalaban laban at wala siyang alam.

Huminga ako ng malalim saka pilit kinalma ang aking sarili. Panegurado hindi pa umalis ang mga naghahanap sa amin ngayon dahil may araw pa. At hindi kame pweding manatili dito ng matagal dahil maraming mababangis na hayop sa ganitong lugar.

Ano bang halamang gamot na pwedi kong panggamot dito? Isip ka Parker mag isip ka.

Walang tutulong sayo ngayon dahil panegurado kasama sa sasakyan mo naabo narin yung cellphone mo at wala kang choice kundi gumawa ng paraan.

Napatingala ako sa puno mataas ito at may mga malalaki pang sanga.

Sinulyapan ko si Summer na di parin nagbalik ang malay saka humakbang ako at umakyat pa sa pinakamataas na bahagi ng puno.

Wala parin akong nakita kaya umakyat pa ako narating ko na ang pinakadulo at napangiti ako sa aking nakita. May maliit na nayon sa di kalayuan pero pano kami tatawid dito? May ilog sa pagitan namin.

Hindi ko pweding dalhin nalang basta si Summer dito na ganito ang kalagayan niya.

Hindi to pwede kailangan siyang magamot. Kong hindi ko sila matatakasan kailangan ko silang alisin dito.

Nagmamadali akong bumaba sa kinaroroonan ni Summer agad kong hinubad ang aking long sleeve at ginawang kumot niya.

'Baba lang ako Summer, Babalik ako '

MAINGAT akong bumaba sa malaking puno at nilinis ang bakas ng sapatos sa paligid. Pinakiramdaman ko ang buong paligid.

Alam kong hindi pa umalis ang mga naghahanap sa amin kaya kailangan ko silang maialis dito.

Maingat kong tinahak ang masusukal na gubat at pinatalas ng maigi ang aking pandinig.

"Maghiwa hiwalay tayo, hanapin niyo ang babae pag nakita niyo patayin niyo na para wala na tayong problema "dinig ko na usapan sa di kalayuan.

"Eh yung lalaki Boss anong gagawin natin?" Tanong ng isa pa.

"Patayin niyo narin masydong nagpapakabayani , kilos na "

Dalawa lang silang nag uusap pero ang mga yabag nila. Nasa limang tao ang may ari ng yabag na yun.

Para sa kaligtasan natin Summer kailangan kong gawin ulit ito. Wala akong pakialam kong hahuntingin ako ng mga kalaban.

Iginala ko ang aking paningin sa kinatatayuan ko naghahanap ng matutulis na kahoy na pwede kong gamitin. May nakita akong nabaling sanga sakto lang ang laki nito mabilis ko itong tinanggal at maingat na kinuha ang mga dahon at baging na nakapalibot nito.

At hinawakan ko ng maigi saka sumuong sa masusukal pang bahagi ng gubat sinusundan ko ang kaluskos at ingay sa mga naapakan nilang mga sanga at dahon.

Gumawa ako ng ingay para makuha ang attensyun ng isa sa kanila at gumana nga ito. Luminga linga sa paligid ang isa nilang kasama nakahanap ako ng tympo. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at buong lakas na hinila patago sa iba pang kasama.

"Grorrrrrrrrgggggg!"

Nagpupumiglas pa ito kaya mas lalo kong diniinan ang pagpalad ko sa bibig niya at tinakpan kona rin ang ilong niya dahilan na mas lalo pa itong nag pupumiglas na kumawala.

"Sabi kong wag maingay !"pabulong kong sabi dito.

Sinakal ko siya gamit ang kahoy sa leeg niya hanggang sa mangisay na siya mabilis ko siyang iniupo sa malaking puno at at isinandal ang likoran dito nakatungo ang ulo niya at wala nang buhay. Hindi na ito huminga at wala nang pintig sa pulsuhan niya.

Kinuha ko ang baril na nabitawan niya at sumuong muli sa masusukal na gubat.

'Youve gonna hate me again Honey , I'm sorry Anak I've promise not to kill anyone again but i have all my reason why i am doing this '

Hinanap ko ang apat pang natira. Pero ang dalawa lang ang nakita ko. Nasa likuran nila ako kaya di nila ako.

Mabilis kong hinawakan ang magkabilang balikat nila at malakas na inumpog ang magkapareho nilang ulo natumba sila at namilipit sa sakit habang hawak ang mga ulo nila.

Idiniin ko ang baril sa binti ng isa at pinaputok iyon.

"Agghhhhh!! Hayop kang pakialamero ka!! "

Ganon din ang ginawa ko sa isa pa. Sineguro kong hindi na sila makakalakad at makakahabol pa.

Nagmamadali akong umalis dala ang mga baril na dala nila at nagtago sa malaking puno.

"Ang lalaki, Hanapin niyo ang lalaki !"

"Si Mauro Boss Patay na "dinig kong pag uusap nila.

"Bwesit!, hanapin mo ang lalaking yan at iharap sa akin ! Ang lakas ng loob niyang gawin ito sa atin hanapin mo siya !, at kayong dalawa! Mga walang silbi "

Narinig ang pagkasa ng baril.

"Wag boss maawa ka!"pakiusap ng mga ito.

"Ano pang silbi niyo sakin eh lumpo na kayo! Ikamusta niyo nalang ako kay Satanas!" At sunod sunod na putok nang baril ang narinig ko.

Napailing ako. Walang sinasanto ang mga taong to.

"Ano pang tiningin tingin mo? Hanapin mona ang lalaki! "

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko bago paman makaalis ang lalaki saka humarap sa kanilang dalawa.

"Parker? "

Nagulat din ako ng makita si Meon anong nangyayari?

"Parker ikaw pala Long time anong ginagawa mo dito?"

"Diba dapat ako ang magtanong sayo niyan Meon ? Kong bakit mo hinahanap ang anak ni Benedict ?"

Ngumisi ito saka nilaro laro ang baril na hawak niya. Samantalang nagpalit lipat ng tingin samin ang isa niyang tauhan.

Kasamahan ko rin si Meon at nasa linya siya ni Simeon.

"Sinong nag utos sayo para patayin ang anak ni Benedict?"

"Ibigay mona lang samin ang babae Parker paghahatian natin ang pera , "ngisi nitong saad sakin.

"Hindi ko alam na nagbago na pala ang Patakaran ng Comando pumapatay na pala sila ngayon ng inosenteng tao ,magkano ba ang ibinayad ng Amo mo at kating kati kang patayin siya?"

"Dalawang milyon , "sagot nito na ikinalapad lalo ng ngisi niya.

Natigilan ako sa sagot niya. Dalawang milyon? San naman kumuha ng ganong halaga si Thana para ipapatay tong si Summer ?

"Sabihin mo jan Thana Villaren hinding hindi niya makukuha si Summer hindi ko hahayaang makuha niyo sya magkamatayan muna tayo "

"Sinong Thana Villaren? Nagpapayawa ka ba Parker? Hindi babae ang Nag utos samin wala ka talagang alam no? Kaya wag ka nalang makialam Ibigay mo sa amin ang babae , o mapipilitan akong patayin ka baka nakalimutan mo under surveillance ka hindi ka pwedng pumatay na kahit na sino"

"Yan ang akala mo !,"mabilis ko siyang binaril pati ang isa pa niyang tauhan. Binaril ko siya sa dalawang tuhod niya at kabilang braso niya. Dahilan na bumagsak siya at namilipit ng sakit.

"Walang hiya ka Parker!, pagbabayaran mo to tang inang gago ka! "

"Pagbabayaran ko ang kasalanan ko sa tamang panahon Meon , Habang nabubuhay pa ako lilipulin ko ang kagaya ninyong halang ang kaluluwa "

Humagalpak ito ng tawa sa sinabi ko. Dahilan nang pag igting ng teynga ko.

"Pareho lang tayo Parker, baka nakalimutan mo mamatay tao karin, ang kaibahan nga lang Utusan ka ng Gobynerno kami purong malalaking tao ang pinagsilbihan namin at kumukita kami "

Natigilan kaming pareho ng tumunog ang cellphone niya. Mabilis akong Lumapit sa kanya saka kinapa ang bulsa nang pantalon niya. Kinuha nag cellphone BIIG BOSS nag nakaregister.

"Sagutin mo! At ayusin mo ang pakipag usap mo kong ayaw mong magkalat dito mismo ang utak mo "Singhal ko sa kanya.

Pinindot ko ang answer button saka niloudspeak. Itinapat ko iyon sa bibig niya saka kinasa ko ang baril at idiniin sa sentido niya.

"Meon , ano nang balita sa pinagagawa ko? Seguraduhin mo lang na wala ng buhay ang anak ni Benedict sa ganitong paraan maipaghigante kona rin ang pagkamatay ng Anak ko , Bumalik na kayo dito at gusto ko may maganda kang ibabalita sa akin ".

Pinatay na nito ang tawag saka makahulugan akong tumingin kay Meon.

"Sino tong Big boss mona to?" Tanong ko sa kanya. Saka muling ngumisi na naman siya.

"Labas na tayo sa kanila Parker , Labanan ng bawat pamilya ito kaya kong ako sayo ipaubaya muna sa akin ang babae "

"Pangalan niya ! Sino siya "

Tinawanan lang ako ni Meon sumiklab ang inis at galit sa puso ko walang alinlangan konv pinutok ang baril sa sintido niya. Tumalsik pa sa mukha ko ang dugo niya.

Nagmamadali akong umalis dinala ako ng cellphone ni Meon. Kinuha ko ang damit ng lalaking sinakal ko kanina at iyon na ang aking isinuot saka nagmamadaling pinunasan ang mga dugo sa mukha ko at sa ibang parte pa ng katawan ko.

Bumalik na ako sa puno kong san ko iniwan si Summer. May nakapa akong hunting knife sa bulsa ng jacket ng lalaking isinuot kona.

Mabilis akong umakyat sa taas. Wala paring malay si Summer at padilim na. Tumalikod ako sa kanya saka maingat na kinuha ang magkabilang kamay niya.

Ang init niya. Nag aalala ako lalo dahil nilagnat na siya. Maingat ko siyang ininampa sa likod ko at itinali ko ang longsleeve ko sa katawan namin para di mahulog si Summer.

Hinigpitan ko ito ng mabuti nang maseguro kong okay na ay saka pa ako maingat na bumaba.

Nadidistract pa ako dahil sa mainit na hininga ni Summer sa leeg ko.

Para akong kinakapos ng hininga sa twing masagi ng labi niya ang leeg ko.

NAng tuluyan na akong makababa ay diritso na akong lumakad. Padilim na at kailangan naming makatawid sa ilog.

Ilang minuto din akong sumuong sa masukal na gubat ng marinig ko ang rumaragasang tubig.

Malapit na ako. Ilang hakbang pa ang ginawa ko nang tuluyan ko nang marating ang ilog.

Maingat kong tinanggal ang pagkatali ng long sleeve saka ibinaba si Summer. Binuhat ko siya saka lumusong sa ilog.

Ngunit ilang milya palang ay nasa beywang kona ang tubig. Binuhat ko pataas si Summer para hindi siya mabasa ng tubig. Pero naabot parin ng tubig ang likurang bahagi niya.

'Konte nalang Summer Makarating na tayo sa kabila '

Nahihirapan akong tumawid dahil palalim na palalim na ang tubig at hindi pa kami umabot sa gitna.

Nangangalay na rin ang braso ako sinubukan ko pang ihakbang ang mga paa ko umabot na sa dibdib ko ang tubig at basa narin si Summer.

Nang sumubok akong humakbang ulit at naanod na ako at nabitawan ko si Summer. Mabilis akong lumangoy saka pilit inabot ang kamay ni Summer na naanod na sa tubig.

Nang mahawakan ko ito ay hinila ko siya palapit sa akin at lumangoy hanggang sa narating ko ang mababaw na bahagi ng ilog mabilis akong umahon sa tubig at binuhat si Summer.

Natigilan ako ng iniyakap niya ang braso niya sa leeg ko.

"I - Im C - cold ". Halos pabulong nitong sabi.

"Makakahingi narin tayo ng tulong just hold on Baby and be brave "

Mabilis akong naglakad hanggang sa narating na namin ang kabilang nayon. Madilim na kaya wala nang tao sa labas ng kabahayan.

"T- tulonggg! , Tulungan niyo kami "sigaw ko habang mabilis na naglakad ngunit bigla akong natigil ng biglang may tumama sa likod ko.

Agad nanghina ang katawan ko at bumagsak ako nabitiwan ko rin si Summer pilit kong inabot ang kamay niya pero hindi ako umabot tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.